"Ssshhh... baby tahan na. Hindi na alam ni mommy ang gagawin." Naiiyak na din si Athena dahil kanina pa nya pinapatahan ang anak pero iyak parin ng iyak. Namamahay siguro. Nakatulog na ito kanina e pero nagising uli. Kalagitnaan pa naman ng gabi.
Ngayon sya nagsisisi kung bakit hindi nya isinama ang kanyang yaya.
"Anong masakit. Masakit ba ang tyan mo?" Nag aalala nyang tanong. Pinadapa nya ito sa bisig nya at medyo tinagtag ang likod dahil iyong ang turo sa kanya dahil baka kinakabag ito pero panay parin ang iyak kaya napaiyak na din sya.
Natigilan sya ng madama ang noo nito. "Bakit parang mainit ka huh? May sakit kaba?" Naghahalo ang pag aalala at pagkataranta nya na hindi nya mawari. Tumayo uli sya sinayaw sayaw ang anak.
Nilabas nya ang dede para padedehin ito pero ayaw nito.
"Anong gagawin ko." Naiiyak nyang tanong sa sarili. Halos magpakamatay na ito sa kakaiyak. Soundproof pa naman yata ang silid na binigay sa kanila kaya hindi dinig ang iyak ng anak nya sa labas.
Nakarinig sya ng katok. Mabilis nyang pinahid ang kanyang luha saka binaba uli ang anak sa kama. Tinungo nya ang pintuan. Napagbuksan nya ang mag asawang Aragon.
Mabilis syang nag iwas ng tingin saka gumilid sa may pintuan para nakapasok ang mga ito. "Narinig kasi namin na umiiyak si Baby Abcde kaya kami pumunta dito." Paliwanag ni Mommy Inna na tumuloy kung nasaan ang anak nya.
Nag aaway ang mga daliri nya sumunod sa mga ito. "K-kanina pa nga po sya umiiyak. P-parang may sinat po."
Nakita nyang dinama ni Mommy Inna ang nuo ng kanyang anak. "May sinat nga sya. May dala kayong gamot sa laganat." Tanong nito sa kanya. "Ssshhhh... nandito na ai lola. Kanina okey ka lang ah." Rinig nyang kinakausap ni Moomy Inna ang anak nya.
Dali dali nyang kinalkal ang baby bag na hinanda ng kanyang yaya pero dahil na natataranta sya ay namamali sya ng dampot.
"Ako na anak." Napakislot sya ng tinapik ni Daddy Aaron ang balikat nya.
Umupo ito sa harap nya at tinulungan syang tignan ang mga gamot na laman ng bag nila.
"Huwag kang mag alala magiging okey din sya pag nakainom sya ng gamot." Pagpapakalma nito sa kanya. Nakita yata nito ang pagkataranta nya.
"Love. Tawagan no din iyong doctor ng mga apo mo para nakasigurado tayo." Wika ni Mommy Inna sa asawa habang sinasayaw ang bata.
"Love itong tempra ba?"
"Oo love. Ipagdrops mo na sya. Basahin mo nalang ang instruction sa bottle." Utos ni Mommy Inna sa asawa.
Masusing binabasa naman ni Daddy ang Instruction mula sa bottle ng gamot. Napapatunganga nalang sya sa mga ito. Mabuti nalang at dumating pa ang mga ito. Kung hindi baka sinasabayan parin nya ng iyak ang anak ngayon.
Ilang buwan na nyang kasama ang anak pero aaminin nyang marami parin talaga syang hindi alam at habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang pagiging nanay nya. Pinipilit nyang magpakatatag pero parang napapagod sya.
Napatingin sya sa may pintuan ng bumukas uli iyon. Nakita nyang sumilip si Kuya Ron.
Nakangiti itong tumingin sa kanya. "Pwedeng pumasok?" Paalam nito kaya napatango nalang sya. Nakilala na nya ang mga ito kanina. Nagsidatingan daw ang mga ito mula sa probinsya dahil nalaman ng mga ito na iuuwi sila sa mansyon. Kumpleto ang pamilya ni Kuya Ron at Kuya Macky na dumating. Halos hindi nya mahawakan ang anak dahil pinagpapasa pasahan ito. Kaya siguro nilagnat ang bata dahil masyadong napagod sa kakakarga.
Akala nya ay mag isa lang ito pero ng niluwangan nito ang bukas ng pintuan ay nakita nyang kasama pa nito ang dalawang kapatid nito.
Agad na nagtama ang mata nila ni Keith pero kagaya ng dati ay nagyuko uli ito ng ulo na para bang hindi nito kayang makipagtitigan sa kanya.
Parang nag init ang taynga nya ng makitang namumula ito at halatang nakainom pero hindi naman ito susuray suray. Parang nanginig ang kalamnan nya. Nakuha pa talaga nitong mag inom samantalang sya ay halos mamatay na sya na nerbyos at pag aalala para sa anak nila samantalang ito ay nagpapakasarap lang.
Kuyom ang kamao nyang nilapitan ang mga ito. Nakita nyang napakunot ang noo ng dalawa pero nilagpasan nya lang ang mga ito. Hinarangan nya si Keith na hindi pa nakakalayo sa may pintuan.
Napataas ang tingin nito sa mukha nya ng tumayo sya sa harapan nito at lalo syang nanggigil ng mapatunayang nakainom nga ito dahil amoy alak ito.
"Uminom ka?" Mahina pero mariin nyang tanong.
Hindi ito agad nakasagot at halatang nabigla sa tanong nya. Lalong dumilim ang mukha nya.
"S-sorry, kunti--"
Pak!
Halos mamanhid ang kanyang palad na lumapat sa pisngi ng binata.
Halos sabay sabay namang napasinghap ang mga nasa loob ng silid.
Sumabog ang galit na kinikimkim nya sa kanya dibdib. Parang ang hirap na dinanas nya noon ay naging galit at gusto nyang ilabas ngayon.
Nag uunahan ang mga luhang kanina pa nya pinipigil.
Taas baba ang kanyang dibdib. Ilang hinga ng malalim ang ginawa nya dahil nahihirapan syang pakalmahin ang sarili nyang emosyon.
"Gusto ko ng pagsisihan kung bakit ako pumayag na iuwi dito ang anak ko." Marahas nyang pinahid ang kanyang luha at matalim ang mga matang tinitigan ito "Akala ko noon pag nakilala ko na ang ama nya ay may makakatuwang na ako, may aalalay sa akin pag hindi ko alam ang gagawin ko, may mag aalaga na sa amin pero bakit pakiramdam ko ay mag isa parin ako?! Bakit hindi parin kita maramdaman?" Halos mapahagulgol nyang sumbat sa lalaking parang pinako sa kinatatayuan nito.
"Bukas na bukas din ay uuwi na kami sa amin at ipapakilala nalang kita sa anak ko pag marunong na syang magtanong kung sino ang ama nya." Wika nya saka na nilagpasan ito. Gusto muna nyang lumabas ng silid dahil parang hindi nya kayang huminga sa loob.
Dinala sya ng paa sa gilid ng malawak na pool. Tumayo sya sa madilim na bahagi.
Umupo sya at niyakap ang tuhod habang patuloy paring tumutulo ang kanyang luha.
Hindi ko na po yata kaya...
Parang ubos na ubos na po ako...
Hinaing nya...
Hindi nya alam kung inabot sya ng oras doon. Matagal ng humupa ang luha nya at nakatanga nalang syang nakatingin sa tubig.
"Athena anak." Nag taas sya ng tingin kay Mommy Inna na nakasuot ng balabal. Hindi nya ito sinagot bagkus ay binalik nya ang tingin sa tubig. Naramdaman nya ang pag upo nito sa tabi nya.
Naramdaman nya ang balabal na pinatong nito sa kanyang balikat. "Nasuri na ng doctor si Baby Abcde at bumaba narin ang sinat kaya huwag ka ng mag alala huh." Balita nito.
Huh? Ganon na ba sya katagal na nasa labas.
Ginagap nito ang kanyang palad. "Anak, alam kong galit ka sa anak ko. Pero nakikiusap ako sayo bigyan mo sya ng pagkakataon para bumawi sa inyo. Bigyan mo sya ng pagkakataon para maging ama sa anak ninyo. Gusto nyang itama ang lahat ng nagawa pero nangangapa parin sya. Natatakot sya sa galit mo sa kanya." Damang dama nyang nasasaktan din ang mga ito.
Parang nakaramdam sya ng hiya. Napasobra ba sya? "S-Sorry po kung nagawa ko po iyon sa kanya."
Masuyo naman sya nitong nginitian. "Naiintindihan ka namin. Alam namin ang hirap ng pinagdaanan mo at pagdadaanan mo pa. Pero huwag mong kakalimutang hindi kana nag iisa ngayon dahil nandito na kami. Nandyan na si Keith para alagaan kayo."
Hindi sya bastos pero hindi nya maiwasang mapanguso ng marinig ang pangalan ng binata.
"Kayo lang naman po yata kasi ang may gusto sa anak ko. Hindi ko po ipipilit sa kanya si Baby Abcde kung hindi po nya tanggap ang bata o kaya hindi pa sya handang magpakaama sa anak ko." Paglalabas nya ng sama ng loob.
Isang mapait na ngiti ng pinakawalan nya. "Nasaktan lang po kasi ako dahil nag assume ako na pag nakilala ko na ang ama ng anak ko ay magiging okey na po lahat. Hindi po pala ganon kadali ang lahat." Aniya.
"Huwag mong isipin iyan anak. Kilala ko ang anak ko. Alam kong mahal nya kayo. Mahalaga kayo sa kanya."
Hinaplos nito ang buhok nya. "Alam mo, hangang hanga ako sayo. Nakita ko kung papaano mo harapin ang pagsubok na binibigay sayo ng Diyos at pilit na nagpapakatatag sa kabila ng unos. Pangako, Na sa lahat ng pagsubok na darating sa inyo ay nandito kaming mga magulang ninyo na nakaalalay. Kaming buong pamilya dahil pamilya kana namin. Anak kana namin. Kaya kung may problema ka sana huwag kang mahiyang magsabi sa amin."
Ramdam nya ang init ng yakap ng ina sa bisig nito.
"Tara na sa loob para makapagpahinga kana rin baka siponin pa tayo dito sa labas." Yaya ni Mommy Inna kaya tumayo na sila. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib nya at tuluyan ng napalagay ang loob nya sa mag asawang Aragon.
Tahimik na ang silid ng pumasok sila.
Nandoon parin sa loob ang mag aama.
Si Daddy Aaron ay nakadukdok na sa armrest ng sofa at mukhang nakaidlip na. Sila Kuya Ron ay nakaupo sa kabilang side ng sofa. Si kuya Macky ay nakahiga na sa paanan ng kama pero nakatungkod ang siko at nakasalo ang kamay sa ulo habang pinapanood si Keith na nakasandal sa headboard ng kama habang nakadapa ang anak sa dibdib nito. Parang may humaplos sa kanyang puso. Mayroon paring hinanakit sa puso nya pero hindi na kagaya kanina na parang gusto nya itong pigain sa sarili nyang mga kamay.
Napansin nyang nakapajama nalang ito at nakawhite T-shirt at may suot suot na face mask.
Nagtama ang kanilang paningin. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ito nag iwas ng tingin pero parang nakikiusap ang mga mata nito.
"Tol balik na tayo sa room natin baka nalalock'an na tayo ng room." Pabulong na sabi ni kuya Ron kay kuya Macky na para bang ingat na ingat para hindi maistorbo ang tulog ng bata.
Napangiti sya ng makitang bumangon din ang isa dahil parang OA masyado ang kilos ng mga ito.
"Ma. Athena. Labas na kami." Pati bulong ng mga ito ay OA din kaya pinigil nya ang mapahagikhik. Nakita nyang napangiti din ang mga ito na parang nakahinga pa ng maluwag.
"Athena. Gisingin ko lang si Daddy nyo para makalipat na sya sa kwato namin." Paalam naman ni Mommy Inna na ginaya ang dalawa kaya natawa na sya.
"Mommy, magpahinga na din po kayo."
"Hindi. Sasamahan ko po kayo dito." Sabi nito kaya hindi nalang sya umimik.
Tumingin sya sa lalaking nakasunod lang yata ang mata sa kanya dahil ramdam na ramdam nya ang titig nito.
Lumapit sya sa mga ito para makuha ang anak nya sa dibdib nito. Hindi sya umimik pero sumampa na sya sa kama at dahan dahan na lumapit.
Masuyo nyang hinaplos ang ulo ng anak na mukhang ang himbing ng tulog. Hindi na nga ito mainit.
Maingat nya itong binuhat mula sa ama nito at pinahiga sa gitna ng kama kung nasaan ang maliliit na unan. Agad nya itong tinabihan ng gumalaw galaw ang bata kasabay ng paghahumming nya. Sakit na nya iyon sa tuwing papatulugin nya ang anak.
Tumayo si Keith at bumaba sa kama pero hindi na nya ito pinansin.
"Ma. Magpahinga na din po kayo, ako nalang po ang sasama sa kanila dito." Dinig nyang sabi ng binata kaya napaangat ang ulo nya para makita ang mga ito.
"Sigurado ka anak. Baka matulugan nyo ang bata. Nakainom kapa naman." Nag aalalang sabi ni Mommy Inna sa anak nito.
"Hindi po. Saka nagkape na po ako kanina."
Tumingin si Mommy Inna sa kanya na parang tinatanong kung okey lang sa kanya.
Wala sa sariling napatango sya.