Chapter 14

1525 Words
"Athena naiempake na ba ninyo ang mga kakailanganin ninyong gamit?" Bungad agad ng ina ng pumasok ito sa kwarto nilang mag ina. Tumingin sya dito at sininyasan na huwag maingay dahil kaiidlip lang ng anak nya pero hindi parin binibitawan ang dede nya. Napatakip naman sa bibig ang ina. Alam kasi nito kung gaano kahirap patulugin ang anak pag naistorbo ang tulog nito. Napatingin ito sa mga bag nilang nasa lapag. Hinanda na iyong ng kanyang yaya. Ngayon kasi siya susunduin ng mga Aragon para doon muna sila sa bahay ng mga ito dahil mag aout town ang mga magulang nya at hindi sila pwedeng sumama ng anak nya. Samantalang ang kuya naman nya ay nasa hongkong para asikasohin ang negosyo ng mga ito. Ayaw sana nya pero ayaw syang iwan ng kanyang Mami na katulong lang ang makakasama nya sa bahay. Kaya napilitan nalang syang pumayag dahil alam nyang kailangan ito ng kanyang Dadi sa pupuntahan nito. Kinakabahan sya. Hindi nya alam kung ano ang magiging buhay nila ng anak sa bahay ng mga Aragon. Hindi pa talaga nya nakikita ang ama ng anak maliban noong araw na dumalaw ito sa hospital. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwalang ito ang ama ng baby nya. Kung noon ay hindi sya galit pero ngayon ay parang gusto na nya itong pagsasampalin at parang ayaw na nyang makilala nito ang anak nila. Imagine. Nalaman na nito't lahat pero hindi man lang sila pinuntahan. Na mas mahalaga ang negosyo nito kasya sa anak nito. Iyon kasi ang palaging sinasabi ni Mommy Inna pag dumadalaw ito sa kanilang mag ina. Mommy na ang tawag nya dito dahil iyong ang gusto nito. At sobrang bait ng mag asawa. Kung nagdesisyon man siyang sumama sa mga ito hindi dahil sa lalaking nakaanak sa kanya kundi dahil sa pakiusap ng dalawang matanda. Tatlong linggo lang namang mawawala ang parents nya dahil bago kaarawan nya ay uuwi na ang mga ito. Bagamat walang parting magaganap ay uuwi parin ang mga ito para makasama sya sa birthday nya. "Kung tulog na iyan ibaba mo na para makapagbihis kana. Naghihintay na sila sa baba." Pabulong na wika ng ina na parang ingat na ingat para hindi magising ang bata. Ganon nga ang ginawa nya. Maingat lahat ng galaw nya sa loob ng kwarto nila. Pero paglabas nya galing banyo ay wala na ang anak. Baka nagising na at kinuha ni Mommy. Himala dahil hindi nya narinig ang iyak nito. Habang lumalaki kasi ang anak ay nagiging iyakin ito. Dumoble din ang takaw sa gatas kaya ang payat payat na nya. Palagi pa syang puyat kaya hindi na sya magtataka kung lusyang na sya. Nagmamadali na syang nagbihis. Basta nalang nyang sinuklay ang basang buhok at hindi na iyon pinatuyo. Tumingin sya sa salamin at nakita nya ang sarili doon. Malungkot syang napangiti dahil parang hindi na nya kilala ang sarili. Parang hindi na sya ang Athena noon. Wala na iyong mga kikay headband nya na palagi nyang suot suot. Hindi na palaging nangingintab ang nguso nya dahil sa lipbalm. Kinagat nya iyon at binasa sa sarili nyang laway. Pula parin naman. Wala na iyong pilik mata na mahahaba dahil palagi syang naglalagay ng extension para lalo pang humaba ang mga iyon. Bagamat mahaba parin naman pero hindi na kagaya noon. Ang putla ng itsura nya na parang hindi naiinitan. Hindi na rin sya nagsusuot ang kikay na damit, t-shirt nalang dahil mas kumportable sya doon pag nagpapadede sya. Napatingin sya sa dibdib nya. Dumoble ang laki niyon dahil may laman ng gatas. Noon pangarap nyang lumaki iyon pero hindi nya akalaing ibibigay ng Diyos ang hiling nya pero may kaakibat namang pagsubok. Pakiramdam nya nasa edad trenta na sya sa itsura nya. Kaya lalo syang nawalan ng ganang mag ayos. Halos sabay sabay na napatingal ang mga nasa ibaba ng makita syang pababa sa hagdan pero napako ang tingin nya sa iisang tao lang. Tumaas baba ang dibdib nya dahil sa pagsalakay ng iba't ibang emosyon sa kanyang dibdib. Mailap ang tingin nito dahil hindi ito nakatingin sa kanya ng deretso. Lihim nyang naikuyom ang kanyang kamay at napabuga ng hangin. Lumapit sya sa mga magulang at sa mag asawang Aragon. Umakto syang hindi nya nakita ang binata. "Anak. Siya nga pala--" "Aalis na po ba tayo?" Baling nya kay Mommy Inna para maputol kung ano man ang sasabihin ng ina. Malungkot namang ngumiti ang si Mommy Inna sa kanya. Ito ang may karga sa kanyang anak. "Oo hija." Pinilit nyang ngumiti at bumaling sa mga magulang. "Aalis na po kami. Mag ingat po kayo doon." Humalik sya sa mga ito. Pinilit nya ang sariling umakto ng normal sa harapan ng mga ito kahit na ang totoo ay gusto nyang umiyak. Hanggat maari ay ayaw nyang magpakita ng ano mang kahinaan. Pilit nyang nillulunok ang bara sa kanyang lalamunan ng hinated sila ng magulang pasakay sa sasakyan ng mga Aragon at nanatiling hangin sa kanyang paningin ang kasama ng mag asawa. Tuwing magbabalak ang mga ito na ipakilala ito sa kanya ay lantaran syang umiiwas. Nararamdaman nya ang pagsulyap nito aa kanya mula sa rear view mirror pero nanatiling matigas ang ekpresyon ng kanyang mukha. Naging mahaba nag beyahe nila kahit sumakay pa sila ng eroplano. Para iyong isang taon dahil hindi sya kumportable sa lalaking kasama nila. Nang magtangka ito kaninang kunin kanyang anak mula sa ina nito ay maagap nyang kinuha ang bata. Para lang syang batang ayaw ipahawak ang gamit dito. Nakita nya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito pero imbis na maawa sya ay katakot takot na irap pa ang binigay nya dito. Nakita nyang tinapik ito sa balikat ni Daddy Aaron pero napanguso lang sya at medyo itinago pa ang kanyang anak para hindi nito iyon makita. KEITH Halos mabasag ni Keith ang baso dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. "f**k!" Gigil na gigil nya iyong binato sa dingding. Gusto nyang magwala at ibuhos lahat ang sakit sa kanyang dibdib. "Hey... Muntik na ako doon a." Napaungol sya ng mabosesan ang kanyang kapatid. Hindi nya nilingon ito bagkos ay tinungga lang nya ang boteng nakakalahati palang ang laman. Naramdaman nyang may tumapik sa kanyang balikat. "Kaya pa?" Tanong ng kanyang kuya Ron. Hindi sya nagsalita. Umupo ang mga ito at pinagitnaan sya. Umabot ang kuya Macky nya ng shot glass na tatlo at inagaw ang boteng tinutungga nya. "Ang pag inom ay hindi sinusulo iyan. Mas masaya pag madami tayo." Nakangising sabi nito habang nilalagyan ang mga baso. Pagak syang tumawa. "Hindi naman ako umiinom para magsaya." "Kaya nga mas kailangan mo ng kasama dahil may problema ka. Kung kailangan mo ng kasuntokan sa tingin mo malalabanan ka ng boteng ito. Wala, mapapabagsak ka lang nito ng walang laban." Wika nito saka inabot sa kanila ang mga basong may alak. Inis nyang kinuha iyon at tinungga uli minsanan. Hindi sya pinigilan pero rinig na rinig nya ang pagbunga ng mga ito ng hangin. "Imbis na mag inom ka dito, diba dapat kasama mo ang mag ina mo ngayon? Dapat tinutulungan mo si Athena para patulugin ang anak ninyo. Sobra pa naman yatang iyakin ang bata." Mahinahon na sabi naman ni Ron sa kapatid. Naiintindihan nila ito dahil naikwento na din ng kanilang magulang ang nangyari kanina. Naiiyak nga ang kanilang ina habang habang nagkwekwento dahil naawa ito kay Keith. Nakita nila ang pagkuyom ng mga kamay ng kapatid. "Gustong gusto ko silang yakapin pero papaano? Para akong may sakit na nakakahawa kong ipagdamot sya sa akin ang bata. Ni hindi nya ako kayang tignan." Nabasag ang boses nito. Kinuha nito uli ang bote ng alak saka iyong tinungga. "Tol. Intindihin mo din sya. Mahirap din ang kalagayan nya. Lalo na at bata pa sya kaya kailangan lawakan mo ang pang unawa mo." Pangaral sa kanya ng kuya Macky nya. "Ginagawa ko naman e. Pero tang*na! Ang sakit lang e... nandyan na sila pero hindi ko man lang mahawakan kahit ang anak ko lang sana." Paglalabas nya ng sama ng loob. Tinapik uli ng mga ito ang balikat nya. Kinuha ng kuya Ron nya ang bote ng alak at itinabi iyon. "Kahit ano pa ang galit na ibato na sayo ay tanggapin mo lang. Karapatan nya iyon. Hayaan mong ilabas nya lahat ng galit at hinanakit nya sayo. Basta huwag mo lang syang sukuan. Iparamdam mo sa kanya na hindi mo sila susukuan kahit na anong mangyari. Sa tingin ko naman ay mabait naman na bata si Athena at malawak syang mag isip. Kung iba lang siguro iyon nalamang wala ka ng anak ngayon at baka naghehemas ka na ng rehas ngayon. Pero tignan mo naman. Nandito na sila mismo sa bahay, ibig sabihin ay ayaw nyang ilayo sayo ang anak mo." Parang gumaan ang dibdib sya sa mga sinabi ng mga kapatid. "Tsk! Tama na nga iyan. Amoy alak kana. Lalong hindi ka makakalapit sa anak mo nya dahil bawal sa bata ang makaamoy ng alak." Inis na sinamsam ng kuya Macky nya ang mga basong nasa harapan nila. "Mula ngayon bawal ng mag-inom dito sa loob ng bahay habang may baby dito sa loob ng Mansyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD