Chapter 13

1743 Words
Nanginginig ang tuhod ni Athena habang pababa sya ng hagdan. Naririnig na nya ang mga nag uusap mula sa living room kaya lalong sumidhi ang kabang nararamdaman. Oo nga at gusto na nyang makilala ang ama ng kanyang anak pero handa naba talaga sya? Ano ang gagawin nya pag nakaharap na nya ito? Bahagyan syang tumigil ng matanaw nya ang mga nag uusap usap. Isang lalaki at isang ginang ang kaharap ng kanyang mga magulang. Hindi nya makita ang mukha ng mga ito dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya pero alam nyang ang ginang na may karga sa anak nya ay ang ginang na kasama kanina ng kanyang mami. "O anak. Bumaba kana dyan." Wika ng kanyang mami ng mapansin sya. Napalingon sa kanya ang dalawa nilang bisita kaya lalong tumindi ang kaba sa kanyang dibdib. Halos hindi nya maihakbang ang kanyang mga paa habang papalapit sya sa mga ito. Iniiwasan nyang mapatingin sa mga ito pero ramdam na ramdam nya ang pagtitig sa kanya ang matandang lalaki. Nangingimi man ay lumapit parin sya. "Mi, Di." Mahina ang boses nyang bati. Nilapitan nya ang mga ito at nagbigay ng halik sa pisngi ng mga magulang saka sya bumaling sa dalawang matanda. Nakita nya ang paglambong ng mukha ng matandang lalaki at may mga gumuhit na emosyon sa mata nito pero dahil naiilang sya ay agad syang nag iwas ng tingin. Samantalang ang magandang ginang naman ay masuyong nakangiti sa kanya habang karga karga nito ang anak nya. "Kumusta kana hija?" Ang lamyos ng pagkakatanong sa kanya ng ginang. Nahihiya syang nag iwas ng mata dito. "O-okey na po." Nahihiya nyang sagot. "Princess, siya si Mrs. Innabel Aragon at Mr. Aaron Aragon. Sila ang lolo at lola ni baby Abcde." Wika ng kanyang ina na parang siguradong sigurado ito. Nag aalangan syang tumingin sa ina. "M-mi, p-papaano po kayo nakakasiguradong s-sila po ang ano---" nanginginig ang kanyang kamay dahil sa nerbyos. Natatakot sya. Nakaramdam sya ng kurot sa kanyang dibdib ng makita nya ang pagguhit ng awa sa mata ng kanyang ina. Nasasaktan sya sa tuwing makikita nya ang emosyon na iyon pero wala syang magawa kundi lunukin nalang iyon. Tumayo ito at ginagap ang kanyang kamay saka sya kinabig ng yakap. "I know you are afraid anak. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang kami para sayo hm... Magiging okey din ang lahat." Masuyo nito hinalikan ang ulo nya kaya hindi nya mapigilang maluha. Pinaupo sya sa tabi ng mga ito kaya napapagitnaan siya ng kanyang mami at dadi. Napansin nyang nakabalot ng benda ang kamay ng kanyang ama pero wala syang lakas ng loob para magtanong dito. At saka isa pa ay naiilang sya sa kanyang mga kaharap. Tumikhim si Mr. Aragon kaya napatingin sya dito. "Hindi kami pumunta dito para idepensa sa kung ano man ang nagawa ng anak ko sa iyo hija. At hindi ko din kayo masisisi kung magalit kayo sa kanya dahil kahit na ano pa ang paliwanag nila ay hindi na nila maibabalik kung ano ang nawala sayo. Pero gusto sana naming makiusap. Na sana kahit ano pa ang maging disisyon mo ay huwag mo sanang ipagkait sa amin ang aming apo." Pakiusap nito. Hindi nya alam kung ano ang isasagot nya. "Kung ako lang ang masusunod gusto ko silang mabulok sa kulongan pero papaano ko sila ipipiit sa kulungan kung ang anak ko mismo ang pasimuno ng kabalbalang ginawa nila." Sabi naman ng ama na parang tinitimpi lang ang galit. Hindi naman na lingid sa mga ito ang totoong nangyari ng gabing iyon dahil pinagtapat na ng kanyang kuya sa kanilang mga magulang kung ano ang nangyari ng gabing iyon. Nasuntok nga ito ng kanilang ama noon. Hindi parin sya umiinik. "Kayo, kung ano ang magiging disisyon ninyo. Kahit ano pa iyan ay tatanggapin namin. Kung tungkol naman sa bata. Alam kung hindi magiging problema sa inyo ang pagpapalaki sa kanya pero gusto ko lang sabihin na lahat ng mamanahin ng aming anak ay mapupunta na sa kanilang mag ina-- at pagtungtong ni Athena sa ikalabing walong kaarawan nya ay mapupunta na sa kanya lahat ng karapatan sa kalahati ng mana ng aming anak at ang kalahati ay makukuha ng bata pag tungtong nito sa tamang edad." Nanlaki ang mata ng kanyang ina. "Ho?! Saglit lang Mr. Aragon." Pigil ng ina sa matandang lalaki habang sya naman ay parang hindi maintindihan ang sinasabi nito. "Hindi naman po yata maganda iyon Mr. Aragon. Papaano naman po ang anak ninyo? Lalo na at hindi naman po sila kasal ng anak ko." Tanong ng kanyang ina. "Well, problema na nya iyon. Kung tutuusin kulang pa iyon sa laki ng pagkakamali nila. Hindi ko ginagawa ito para bayaran kayo o ano pa man. Gusto ko lang makasiguro sa kinabukasan nilang mag ina. Kung hindi man silang magkatuluyan, atlest makakampante ako sa kinabukasan nila." Giit ng matanda. "Pero papaano nga kung hindi sila ang magkatuluyan? Papaano po ang anak ninyo? Papaano ang magiging pamilya nya?" Naguguluhan tanong ng kanyang ina na parang naestress na. "Mare. Hindi naman sa pagmamalaki. Pero maabilidad na bata si Keith. Mabubuhay sya ng marangya kahit wala ang mana na manggagaling sa amin na magulang nya." Wika naman ng ginang. Tayka?! Keith? Sinong Keith? Lumalim ang gatla sa kanyang noo na parang sumidhi ang t***k ng kanyang puso. Hindi pa kasi sinasabi ng kanyang kuya ang pangalan ng kaibigan nito na nakasama nya ng gabing iyon. "Pero---" "Love. Let them." Mahinahon na sabi naman ng kanyang ama. "Pero Di.... Alam na natin ang totoong nangyari." Kontra ng ina sa kanyang ama. Bago nito binalingan ang mag asawa. "kaya bakit--- bakit kailangan nyo syang alisan ng mana at ibigay sa anak ko. Maiintindihan ko pa kung sa bata lang ninyo ibigay ang kalahati ng mana nya. Hindi naman yata makatarungan iyon para kay Keith. Kung tutuusin, wala naman talaga syang kasalanan dahil ang anak namin ang pumasok sa kwarto nya at si Jerome pa ang nagpainom sa kanya ng something na--- kung ano pa iyon." Lalo syang napayuko dahil sa sinabi ng ina. Nakakahiya man, pero tama ito. Mas malaki ang kasalanan nya sa nangyari sa kanya. "Hindi ko naman tinitignan dito kung sino ang nagkasala sa hindi Mrs. Ignacio. Ang gusto ko lang ay makasigurado sa kinabukasan nilang mag ina--" "Nandoon na po tayo Mr. Aragon. Papaano naman po ang magiging pamilya ni Keith. Hindi po natin masasabi na si Baby Abcde lang ang magiging anak nya in the future. At ganon din si Athena. Papaano kung makapag asawa din sya. O kaya makapag asawa sya ng mahirap?" Para lang syang nanonood ng debate. Kung saan ang nagsasalita ay doon sya babaling. "Well, kung doon magiging masaya si Athena ay susuportahan namin sya Mrs. Ignacio. Mula ng dinala nya sa sinapupunan nya ang aking apo ay naging anak ko na din sya. At bilang ama nya ay susuportahan ko kung saan sya liligaya." Napaawang ang labi ng kanyang ina na parang walang maapuhap na sasabihin. Samantalang ang ginang naman ay nakangiti lang habang karga karga parin ang kanyang anak na nakatulog na sa bisig nito. "Kumpadre. Gusto kong pag isipan mo muna itong mabuti saka natin pag usapan uli. At sa tingin ko, kailangan nyong pag usapan muna ito ni Keith. Kung ang kinabukasan ng anak ko ang iniisip mo. Huwag kang mag alala dahil ibibigay ko parin sa prinsesa ko ang nararapat para sa kanya." Mahinahon na sabi ng kanyang ama. Nakita nya ang pagngiti ni Mr. Aragon. "Kahit na ano pa ang sabihin nya ay ako parin ang masusunod dahil ako ang magpapamana kumpadre. At kagaya nga ng sinabi ng asawa ko. Mabubuhay ng marangya ang mga anak ko kahit wala silang mana sa akin. At maniwala man kayo sa hindi, hindi ito magiging usapin sa aming mag ama." Hindi nya maiwasan ang humanga sa mga kaharap. Napaka cool ng matandang lalaki habang nakikipag usap sa mga magulang nya samantalang ang asawa naman nito ay parang mas nakatuon pa ang atensyo sa karga karga nitong bata kaysa sa pinagtatalunan ng mga kaharap nito. KEITH "s**t!" Hindi maiwasang mapamura ni Keith habang ginagamot ang mga sugat nya sa mukha. Putok ang labi nya pati ang kilay. Maga ang mga mata nya at namumula ang mga iyon na parang dumugo yata. Pati ilong nya. Nabali yata dahil sa lakas ng suntok ni beyanan. Maraming test ang ginawa sa kanya dahil sa pambubugbog na natamo nya sa mag ama. Una, ang mga suntok sa kanya ni Jerome. Mula sa sariling ama kagabi ng ipinagtapat nya ang tungkol sa kanyang mag ina. At sa kanyang beyanan. Tang*na! Wala sa loob na napangiti sya pero napangiwi din agad dahil sa kirot mula sa labi. Napurnada ang pagkikita nila uli ni Athena dahil ang ama nito mismo ang nag paalis sa kanila ni Jerome dahil ayaw nitong makita sila ni Athena ng ganon ang itsura. Pero nakapag paalam na sya sa mga ito na handa syang panagutan ang anak ng mga ito kung bibigyan sya ng pagkakataon na itama ang lahat. Pero ipapaubaya parin nila kay Athena ang pagdedesisyon kung tatanggapin ba sya nito o paghihimasin sya ng rehas. "Tang*na ka Aragon. Nakukuha mo pa talagang ngumisi ng ganyang ang kalagayan..." naiiritang sabi ng kaibigan habang nakahiga sa bed nito. Tapos ng lapatan ng gamot ang mga sugat nito. Hindi naman na ito dapat eadmit sa hospital pero maarte ang gago na para bang mas malala pa ang tinamo sa kanya kaya ayon. Parehas silang nakaconfine. Nalukot ang mukha nya. "Tang*na ka rin. Dapat ikaw ang binugbog e..." sinamaan nya ito ng tingin. "Nurse. Sa tingin mo bukas mawawala na ang mga pasa ko?" Baling nya sa nurse. "Baka abutin ng isang buwan ang mga ito---" "What?! Anong isang buwan?!" Bulalas nya. "Para kang tanga! Ano iyan, mantsa lang na pag nilagyan ng clorox mawawala agad!" Sabat uli ng kaibigan kaya sinamaan nya uli ito ng tingin kahit halos hindi nya maibuka ang mga mata. "f**k you bro! Sabi ni Dadi hindi ako magpapakita kay Athena ng may bahid ng pasa ang mukha ko." Bulalas nya. Natawa si Jerome. "MakaDadi ka tang*na ka! Malamang. Ikaw ba, gusto mong makita ka nyang ganyan ng itsura mo?" Buska nito sa kanya kaya lalo syang nainis. "Never! Pero kailangan ko ba talagang maghintay ng ganoon katagal bago ko makita ang mag ina ko." Reklamo nya. "Ipanalangin nyo po sir na hindi po abotin ng buwan ang mga pasa ninyo." Wika naman ng nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD