Chapter 12

1547 Words
Hindi maipaliwanag ni Keith ang kabang nararamdaman habang papalapit na sila sa bahay ng mga Ignacio. Jezzz... He wasn't afraid of being hurt, but he was afraid-- not just afraid but very very afraid of Athena's anger towards him. Iyong takot na nasa kaibuturan ng puso. Kasama na nya ang mga magulang nya dahil nagpumilit ang mga ito na sumama dahil baka kung ano daw ang gawin sa kanya ni General Ignacio at baka sakali na ipakita sa kanila ang kanilang apo. At kagaya ng inaasahan ay nadagdagan ang pasa nya sa kanyang mukha dahil nasuntok sya ng kanyang ama ng malaman nitong seventeen years old palang ang naanakan nya at katakot takot na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Hindi na nya naikwento sa mga ito ang totoong nangyari dahil kahit ano pa ang dahilan nya ay hindi parin sapat iyon para mabawasan ang kasalanan nya. Sabi nga ng Daddy nya, kung ipapakulong daw sya ng pamilya Ignacio so be it! Wala silang gagawin para tulungan sya dahil nagkamali sya at kailangan nya iyong pagbayaran. Kung kailan naman kasi tumanda doon naman gumawa ng kalokohan. Dismayadong sabi pa ng kanyang ama. Nagpahuli syang lumabas sa sasakyan ng makarating sila at nakita nya na ang kaibigan nya mismo ang sumalubong sa kanila. Bahagyan pa itong sumilip sa sasakyan kaya lumabas na sya. "Don't worry Tita, Tito. Hindi naman galit sila Mami at Dadi sa inyo pero huwag na po sana kayong mabigla kong mabubugbog ang anak ninyo ni Dadi." Biro nito sa mga magulang nya. Well, he has already prepared himself for that. Kaya kahit na anong kalabasan ng pag uusap nila ngayon ay taos puso nyang tatanggapin. Nagpatiuna na ang kanyang mga magulang na pumasok. Bago sya sumunod ay pinuno muna nya ng hangin ang dibdib saka nya iyon unti unting binuga. Nilingon sya ni Jerome. Isang nakakalukong ngisi ang binigay sa kanya nito. "Nervous? You should be dahil galit na galit sya sayo." Pananakot pa nito kaya isang mahinang siko ang binigay nya dito. Nanlalamig sya ng pumasok sila. Agad silang sinalubong ng Mommy ni Jerome. Kilala na nya ito. Magiliw nitong sinalubong ang mga magulang nya pero ng tumingin ito sa kanya ay naging pormal ang mukha nito kaya napayuko sya ng ulo. Hiyang hiya sya na parang wala talaga syang mukhang ihaharap sa mga ito. Tahimik uli syang sumunod sya sa mga ito. Nadatnan nilang nakaupo lang si General Ignacio at sa kanya nakatutok ang matalim nitong mata. Pagkaupo na pagkaupo ng ginang sa tabi nito ay walang pag aalinlangan na lumuhod sya sa harapan ng mag asawa habang nakayuko ang ulo. Narinig nya ang pagsinghap ng ginang na parang nagulat sa ginawa nya. Ilang segundo syang nakaluhod lang doon bago nahagip ang sariling dila para mag salita. He swallowed first because it seemed like a rock was blocking his throat. "Sir, Ma'am. I-I know my sorry is not enough for what I did to your daughter. Hindi ko alam kung ano ang tamang salita--but l-l want to ask you forgiveness." Pero isang malakas na suntok ang sumagot sa kanya na halos ikinasubsob nya sa kumikinang na lapag. Ang isa ay nasundan pa at nasundan pa. Nasa ibabaw na nya si General kaya ipinikit nalang nya ang mata para sa mga suntok nito. Hindi nya sinangga o umilag man lang bagkus ay buong puso nya iyong tinanggap. Rinig nya ang pagsigaw ng ginang pero walang umawat kay General na halos basagin na ang kanyang mukha. Ramdam nya ang pagputok ng kanyang kilay, labi. Hindi lang dugo ang tumulo sa kanyang pisngi kundi pari na rin luha. Hindi luha dahil sa pambubogbog sa kanya kundi dahil ramdam nya ang sakit na dinadala nito para sa anak nito. Binalaan na sya ni Jerome na mahihirapan sya sa ama ng mga ito dahil sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka nahirapang tanggapin ang kalagayan ng nag iisang prinsesa nito. Lalo na at nakita nila ang dinanas nito sa labas ng naglayas ito at parang doble doble ang balik sa kanya dahil kinakain sya ng kosensya nya. Galit sa sarili dahil sa kapabayaan nya. Habang nagpapakasaya sya sa ibang bansa ay naghihirap ang mag ina nya sa labas. Walang makain, walang maayos na matulugan. Sobra ang paghanga nya kay Athena. 'Coz depite of her young age she still chose their child to be born. At her age, mas nanaig dito ang pusong ina nito. Marami itong dinaig na nasa tamang edad na, na pag-- you know unwanted child ay pinipili ng mga ito ang ipalaglag ang sarili nitong laman. Hingal na hingal si General ng dakmain nito ang kwelyo nya na maagap namang inawat ng asawa nito at ni Jerome. "Hon please stop. Tama na. Alam na natin ang totoong nangyari. Pag usapan nalang natin itong maayos." Umiiyak na sabi ng asawa nito. Pagbalag syang binitawan pero hinarap nito uli ang anak at pinagsusuntok din. "Hon...." Hirap na hirap ang asawa nitong awatin ang asawang nagwawala. "You too!!! Napakasakit na kasama ka sa pagkasira ng buhay ng kapatid mo! Nakikita nyo ba sya?! God... dahil sa kalokohan nyo ninakaw nyo sa kanya ang lahat! She's not my baby anymore. Ni hindi na nya kayang maglambing sa akin. Ni hindi na nya kayang tumingin sa mga mata ko na parang palaging takot na makagawa ng mali." Parehas silang tahimik ni Jerome na nakikinig sa ama nito at parehas din na tumutulo ang luha. Rinig na rinig nya ang pag iyak ng dalawang babae na kasama nila. ---- Naalimpungatan si Athena ng may kaluskos syang narinig sa loob ng kanyang silid. Inaantok nyang minulat ang mata at nakita nya ang Mami nyang masuyong nakatunghay sa kanyang anak na nasa tabi lang nya. Gising na ang anak nya dahil naglalaro laro na ang mga kamay nito at para ng kiti kiti dahil para ng nagbabike ang mga paa nito. Buti nalang at hindi pa umiiyak kaya nakakaidlip pa uli sya. Pinikit uli nya ang mata. "Emm.. Good morning baby Abcde. Pinuyat mo na naman si Mommy ano?!" Rinig nyang pagkakausap ng ina sa kanyang anak. Sanay na sya dito na kada umaga ay pumapasok ito sa kwarto nya para kunin ang kanyang anak at paarawan ito. "Hmmm... ang asim.." lihim syang napangiti. Maasim nga ang anak nya pag bagong gising dahil sa gatas nyang napapanis sa pisngi nito sa leeg pero iyong asim na uulit ulitin mong amoyin dahil nakakaaddict. Iyong asim na didikit sa tungki ng ilong. "Mi. Paki sabi kay yaya na sya muna ang magpapaligo kay baby dahil inaantok pa ako." Sabi nya sa ina na nakapikit parin ang mata. Puyat na puyat kasi sya dahil halos magdamag yatang nakasalpak ang dede nya sa bunganga ng anak. Buti noong una ay gusto pa nitong dumede sa bote pero ngayon ayaw na nito. Kaya pakiramdam nya ay nalulusyang sya agad. Minsan, nakakalimutan pa nyang magsuklay sa umaga dahil bigla syang tatawagin na umiiyak na ang anak nya at kailangan na nyang padedehin. Ang s**o nyang iniingatan nya noon, ngayon yata nakita na lahat ng mga kasambahay nila. Nakita na ng Dadi nya. Nakita na ng kuya nya. Wala naman syang choice dahil magugutom naman ang anak nya. Minsan napapatunganga nalang sya sa kawalan. Ibang iba na ang buhay nya noon sa buhay nya ngayon. Noon, prinsesa sya. Prinsesa maraming arte sa katawan. Palaging mabango. Ngayon. Sya na naglilinis ng tae ng anak. Amoy gatas. Hindi nagsusuklay. Kung gaano sya kapayat noon, mas pumayat pa sya ngayon at halatang puyat palagi dahil hands on sya sa pag aalaga sa anak. Nakaalalay naman sa kanya ang yaya nya at mga magulang nya pero ayaw nyang iaasa sa mga ito ang responsibilidad nya bilang ina. Takot sya na baka pag nagpakita sya ng kahinaan ay isumbat sa kanya ang lahat. Na sabihin sa kanya na I told you to abort the baby! Kaya kahit hirap na hirap na sya hindi sya dumadaing. Hindi sya nagrereklamo. Pero ang totoo, hirap na hirap na sya. Miss na miss na nya ang buhay nya noon. "Mare... ako nalang ang magpaligo sa apo natin." Napakunot ang noo nya ng marinig ang strangherong boses na iyon. "Sigurado ka mare. Baka mabasa lang ang suot mo." Anang Mami nya. Nagtatakang nagmulat sya ng mata at lumingon dahil nakatagilid sya patalikod kung nasaan ang mga ito. "Wala iyon mare. Ito ang unang mahahawakan ko sya at mapapigoan kaya excited ako." Magilis na sabi ng ginang. Ito na ang nakakarga sa anak nya. "Mami. Sino sya?" Taka nyang tanong habang dahan dahan bumangon. Nag alis sya ng muta sa mata at sinuklay lang ang buhok na lagpas balikat gamit ang kanyang kamay. "Eemm... sya ang lola ni Abcde anak." Maingat na sabi ng kanyang ina. Nalaglag ang panga nya sa narinig at para syang naestatwa sa kinauupuan nya. "Bumangon kana kung hindi kana matutulog uli para makaligo kana. Hihintayin ka namin sa baba para makapag usap usap tayo--" "Pero kung gusto mo pang matulog hija okey lang para makabawi ka sa puyat mo. Kami muna ang bahala sa apo namin." Agap ng ginang sa kanyang Mami. Wala sa loob na napatango lang sya. Parang hindi pumapasok sa utak nya ang mga sinasabi ng mga ito. Nakalabas na ang dalawa dala dala ang anak nya pero nakatulala parin sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD