Chapter 11

1932 Words
"Come on Lumaban ka dahil kung hindi mapapatay kita!" Pagpipilit ni Jerome and he threw another punched at Keith's face again and again and again. And Keith just let him kahit na duguan na ang mukha nito. He's mad! Gusto nya itong sisihin pero mas galit sya sa kanyang sarili. "Just kill me I won't stop you..." Nanghihina na anas ng kaibigan ng tantanan nya ito. He clenched his fist "f**k!!!!" Gigil nyang sigaw. Parehos silang hingal and literally listening to their own strong throbbing of chest. Gusto ni Jerome na labanan sya ni Keith pero mas lalo syang nagagalit dahil hinahayaan lang sya nito na bugbogin nya ito. "What we have done." Punong puno ng panlulumong tanong ni Jerome kay Keith na lupapay na nakahiga na sa bermuda grass. Napapikit ito ng mariin. "I really want to kill the person who ruined my sister's life but how-- Kung alam kong malaki din ang kasalanan ko sa nangyari and I really want to blame you but I can't dahil alam kong hindi mo din sinasadya. f**k this life! We ruined her life. I ruined my sister's life?!" Damang dama nya ang sakit sa boses ni Jerome. Alam nyang gusto nitong humanap ng masisisi pero--- sino ba talaga ang may kasalanan? "Papaano natin maitatama ang lahat?" Jerome frustratedly asked. Napatingin sya dito. "Pananagutan ko sya." Walang pag aalinlangan nyang sabi dito. "How?! Tell me? She's only seventeen years old for god sake!" Bulalas naman ni Jerome. "And do you think she can forgive us pag nalaman nya ito?" "Kung ganon ano ang gagawin natin? Hindi din natin ginusto ang nangyari! I will do everything for her to forgive me and to accept me. You know from the very beginning how I feel about her. I'm willing to wait kung kailan sya magiging handa para tanggapin ako." Parang talunan ding humiga si Jerome sa tabi nya. "Please... Bigyan nyo ako ng chance para maitama ko ang nangyari and I don't want my son to grow up without me by his side." Pakiusap nya. "f**k!" Jerome's grunting. Para bang hindi sang-ayon sa sinabi nya. "Pero napakabata pa nya." Napabuga sya ng hangin. "Wala na tayong magagawa sa edad nya dahil nandyan na iyan. Pero pangako na hindi ko sya itatali sa akin. Sa amin ng anak namin. Hahayaan ko syang maging malaya. Iintindihin ko sya sa abo't ng aking makakaya. "Papaano natin sasabihin sa kanya? Tang*na mo kasi e. Bakit mo kasi binuntis?" Angil na naman nito sa kanya. Napahilamos naman sya sa mukha. "It's your fault. Kundi dahil sa inilagay mo sa inomin ko sana hindi ako nawalan ng control sa sarili ko." Paninisi naman nya sa kaibigan. "Tang*na! Para akong ginisa sa sarili kung mantika doon a." Reklamo nito. Somehow medyo nakahinga sya dahil ayos na sila nito. ---- "Yaya!!!!" Malakas na sigaw ni Athena. "Tulong! Ang baby ko!!! Yaya!!!" Palahaw ni Athena habang niyayakap ng mahigpit ang anak. Halos sabay sabay namang pumasok sila Mami at yaya nya. "Diyos ko! Ano bang nangyari?" Gahol na inagaw sa kanya ang anak nya. Umiiyak sya habang nanginginig ang kanyang mga kamay. "Pinapadede ko lang sya yaya tapos nagsususka na sya ng madami." Paliwanang nya habang umiiyak parin. Para naman nakahinga ng maluwag ang kanyang ina at yaya. "Athena. Normal lang na magsuka ang bata pag napasobrahan ng dede o pag dumidighay. Tahan na." Pagpapakalma nito sa kanya. Umiling sya.. "Pero yaya. Marami syang inilabas na gatas." Giit nya sa kanyang yaya. "Anak. Ganyan ka din noong baby ka dahil matakaw kang dumede noon." Nakangiting paliwanag ng kanyang ina. Samantalang ang yaya naman nya ay sinimulan ng bihisan ang kanyang anak dahil basa ito sa sarili nitong suka at ganon din sya. "Hala magbihis kana din. Mamaya mo nalang sya padedehin uli. Papaanong hindi ito magsusuka e kada kibot lang nitong poging ito e dede agad. Kowww!!! Doble na ang baba e." Natutuwang puna ng kanyang yaya. Parang nanghihina parin syang nakatunganga habang pinapanood ang anak. Akala nya ay kung ano na ang nangyari dito. Kahit kailan yata hindi mapapanatag ang loob nya. Binabalot parin ng takot ang kanyang puso. Hindi sya handa maging ina. Wala syang alam sa pag aalaga ng bata. Hindi nga sya marunong magpalit ng diaper noong una. Hindi nya alam ang gagawin pag kinakabag ang anak nya. Pag hindi nila mapatahan sa pag iyak ang anak nya sa gabi ay umiiyak din sya. "Anak. It's okey. Okey lang si baby Abcde. Magbihis kana." Pagpapakalma sa kanya ng kanyang Mami. Bantulot syang tumayo para magbihis. Ayaw pa sana nyang iwan ang mga ito pero nangangamoy maasim na sya. --- "Any plan for your debut anak?" Nabitin ang pagsubo nya dahil sa tanong ng kanyang ina. Nasa kanya ang tingin ng tatlo. Ang Dadi at kuya nya ay parang naghihintay din ng sagot nya. Nagyuko sya ng ulo at umiling. Tahimik nya uling pinagpatuloy ang pagkain. "Gusto ko sanang mag organize ng party dito sa bahay pero baka may gusto--" "Mi. Ayaw kong magparty. Huwag na po kayong mag abala." Putol nya sa sasabihin ng kanyang ina. "But why anak. Minsan lang dumating sa buhay mo ito kaya dapat hindi natin palagpasin--" "Mi. Ayaw ko po. Ayaw ko pong maghanda." Matigas nyang tanggi sa ina. "Hon.. sundin mo nalang ang gusto ng anak natin." Anang kanyang ama pero dama nya ang lungkot sa boses nito. "Pero hon..." Reklamo nito sa asawa saka uli bumaling sa kanya. "Bakit ayaw mo anak? Dahil ba may anak kana? O e ano ngayon? Please don't let this stop you from those things you want to do. I know this is your dream too. Remember, noong nag uusap tayo tungkol sa gusto mo pag nag debut kana. Ayan na oh. One month nalang mag dedebut kana." Naiiyak na sabi ng kanyang ina. Nag iwas sya ng tingin. "Mi, noon iyon. Marami ng nagbago." Napalunok sya dahil parang mabara ang kanyang lalamunan. Bago pa malaglag ang luhang kanina pa nya tinitimpi ay nagmamadali na syang tumayo. "Excuse me ho." "Athena May." Pigil sa kanya ng kanyang Ina pero hindi na nya nilingon ito. "Hon. Hayaan mo muna sya." --- Tok! Tok! Tok! Napatingin sya sa may pintuan at nakita nyang nakadungaw doon ang kapatid. "Can I come in?" Tanong nito sa kanya kaya tumango sya. Hinayaan lang nya itong pumasok habang naglakad naman sya patungo sa balcony ng kanyang kwarto. Humugot sya ng isang malalim na hininga saka nya iyon minsanan na binuga. "Ang lalim non a." Nakangiti sabi nito na tumingin din sa malayo. "How are you princess?" Hindi sya umimik. "Alam mo. Miss na miss ko na iyong prinsesa namin. Iyong palaging naglalambing, iyong makulit, iyong maingay." Malungkot na sabi ng kanyang kapatid kaya napatingin sya dito. "Hindi namin alam kong papaano namin sya mapapabalik. Kung papaano namin sya matutulongan." Nangilid ang luha nya. "Gusto kong umalis dito sa bahay kuya." Mahina pero alam nyang narinig nito iyon. Punong puno ng pagtataka na tumingin sa kanya ang kanyang kuya. "But why?" Maagap nyang pinunas ang luha bago pa ito tumulo saka tumingin uli sa malayo. "Because I can't breathe here. Nasusuffocate ako. Nageguilty ako.it feels like I don't deserve all of this. Mas gusto ko pang galit kayo sa akin kaysa mabaiit kayo. Alam ko na ang usap usapan sa labas. Na isa akong desgrasyada. Na--- I am a great shame to our family kuya. Nagdala ako ng malaking kahihiyaan sa pamilya natin." Nagsisikip ang dibdib nya. Kinabig sya nito ng yakap kaya lalo syang napaiyak. "I'm sorry baby." Dama nyang nahihirapan din ang loob nito. "Gusto kong lumayo kuya. Iyong makalimutan din ako ng mga tao para matigil na silang pakwentohan ako." "Bakit sila kasi ang iniisip mo? Wala silang alam kaya pabayaan mo lang ang iisipin nila." Suminghot sya habang umiiling. "Alam kong apektado sila Mami. Alam ko ding nakipag away siya sa kaibigan nya dahil sa mga narinig nya patungkol sa akin." "Princess listen. Kahit ano pa ang sabihin nila sayo wala kaming pakialam. Ang importante sa amin ay ikaw." Kahit ano pa siguro ang sabihin ng kanyang kapatid ay hindi nito mapapagaan ang kanyang dibdib. Napabuntong hininga sya. ""Kung makita ko lang sana ang tatay ng anak ko. I will ask him. Why he took advantage on me that time. Bakit nya ako iniwan matapos ang nangyari? Di sana mapupuntahan ko sya para sabihing nabuntis nya ako at pilitin syang panagutan ako para hindi ko mabigyan ng kahihiyaan sila Dadi at Mami." Natigilan si Jerome. Bahagyan sya nitong inilayo sa katawan nito at tinitigan sya. "Galit kaba sa kanya?" Tumingin uli sya sa malayo. "Hindi ko alam. Alam kong may mali ako sa nangyari sa akin, pero sapat na ba iyon para samantalahin nya ang kalasingan ko?" "Papaano kung aksidente lang ang nangyari sa inyo. Papaano kung lasing din sya o kya--" Giit ng kanyang kapatid kaya napatawa sya ng mapakla. "Aksidente?! Pero bakit nya ako iniwan matapos ang lahat? Tatanggapin ko naman ang paliwanag nya e. Ngayon, papaano pag lumaki ang anak ko at magtanong sya sa akin kung sino ang papa nya. Ano ang isasagot ko kuya?" Hinagpis nya. Parang napaisip si Jerome. "I don't know if this is the right time to tell you this. But I know you have all the right to know the truth. Gusto kong mangako ka na intindihin mo din ang side nya--" "Wait. Side nya?" Nagsalubong ang kanyang kilay. Tumango si Jerome. "Tomorrow. Ipapakilala kita sa kanya. Sana maging bukas ang isip mo para sa mga paliwanag nya at paliwanag ko din." Tigagal syang napatitig sa kapatid. Ano daw?! So all this time ay alam nito ang nangyari sa kanya, ganon ba? "Alam mo sa simula palang?" Medyo tumigas ang kanyang anyo. "No no no no... hindi. Mali ang iniisip mo. Kailan ko lang din nalaman noong sabihin mo lang sa akin ang buong nangyari sayo ng gabing iyon." Mabilis naman depensa ng kanyang kuya. "Pero kilala mo sya?" Nagdududa nyang tanong. Napakamot sa ulo si Jerome saka tumango. "Bukas ipapaliwanag namin sayo lahat--" parang lumaki ang kanyang ulo. "No! I want it now kuya." Lalong sumidhi ang t***k ng kanyang puso. "Pero ang usapan--" "No. Gusto kung malaman ngayon din. Sa tingin mo makakatulog ako ng maayos nito." Inis nyang sabi. "Okey pero pahapyaw lang. First. I want to say sorry dahil malaki ang papel ko sa nangyari sayo. I'm sorry. Pero kagaya nga ng sabi ko. Hindi namin sinasadya ang nangyari--" Naging mabagsik ang kanyang mukha dahil sa sinasabi nito. Hindi sya makapaniwala sa naririnig. Nag iwas ng tingin sa kanya ang kapatid. "Ang taong nasa kwartong iyon ay kaibigan ko. At ng gabing iyon ay may inaasahan syang darating na sasama sa kanya-- Actually it's our gift to him. You know-- boys thing. Pero hindi iyon dumating. And then you came at doon ka pumasok kaya ang akala nya ay ikaw iyon." Pahapyaw nitong kwento. Napakuyom sya ng kamao at lalong sumama ang mukha nya. "Mukha ba akong p****k kuya para pagkamalan nya ako?!" Galit nyang bulalas. Para syang nandidiring tumingin dito. "Mga babaero!" Galit nyang dagdag. Parang batang napakamot sa ulo si Jerome. Sa kanya pwede pa siguro ang paratang ng kapatid. Pero para kay Keith? Malabo. Kaya kailangan nyang linisin ang pangalan nito. Tutulungan nya itong mapaamo ang kanyang kapatid. Tutal sigurado naman na nyang malinis talaga ang hangarin nito simula palang noong una. "I put something on his drink that time kaya--- I'm sorry. Hindi ko naman alam na papasok ka doon." Nalaglag ang panga ni Athena. Parang hindi kayang tanggapin ng utak nya ang sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD