Chapter 8

1780 Words
Mahigpit na hinawakan ni Athena ang braso na kanyang kuya. "Kuya please... huwag mong sabihin kila dadi kung nasaan ako." Umiiyak syang nagmamakaawa sa kapatid. "But they really want to see you baby." Giit ng kanyang kuya kaya napailing sya. Natatakot parin sya sa dadi nya. "No... galit sa akin si Dadi. Ilalayo nya sa akin ang anak ko. Ayaw nya sa anak ko." Malungkot na bumuntong ang kanyang kapatid. "No baby. Nabigla lang sila noon. Hindi na sila galit sayo at handa na din silang pakinggan ka." Umiling sya habang nakayapos sa braso ng kapatid. "Sshhh.. tahan na. Alam mo naman kung gaano ka nila kamahal diba. Nabigla lang sila ng mga time na iyon kaya ganon nalang ang galit nila. Ayaw nilang mapasama ka. Ayaw nilang tuluyang masira ang buhay mo. Just please.. don't doubt their love for you. Kahit ano pa ang magawa mong mali ay tatanggapin ka nila, ka namin. dahil ikaw ang nag iisang prensisa namin." Lalo syang naiyak sa sinabi nito. "Sshhh... tahan na. Makakasama sayo iyan e. Just relax, mamaya nandito na sila." Suminghot singhot sya at pilit na kinakalma ang sarili pero may mga luha parin na tumatakas sa mata nya. "Huwag kang aalis sa tabi ko ha." Para syang bata na takot na takot. "Nandito lang ako. Kumain ka muna para may lakas ka mamaya para sa kurot ni mami." Biro nito sa kanya kaya napapaiyak na naman sya. Tumawa ang kanyang kuya. "Biro lang. Ako ang bahala sayo. Pag kukurutin ka, sabihin ko na ako nalang muna. Saka nalang pag magaling at malakas kana." Alam nyang pilit nitong pinapagaan ang loob nya. Ganon ang tagpong nadatnan ng kanyang mga magulang. Nahila nya ang braso ng kanyang kuya at halos magtago sya sa likod nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa takot. "Athena anak..." Tinig ng kanyang ina. Pero lalo nyang itinago ang mukha sa likoran ng kapatid. Ang luha nyang tumigil na kanina ay para na namang grepo na nabuksan. Napakagat sya sa kanyang labi pata hindi kumawala ang hikbi. Naramdaman nya ang paghawak ng kanyang kuya sa kamay nya at unti unti itong gumilid. Ang hikbing pinipigil nya kanina ay kumawala sa kanyang bibig. Halos hindi na sya makahinga dahil sa pagsisikip ng kanyang dibdib. Mabils syang niyakap ng ina na humahagulgol din. "Athena anak.. Thanks God. Nandito kana at ligtas." Mainit syang kinulong sa mga yakap nito. "M-mami..." Usal nya na lalong nagpalakas sa humahagulgol nya. Miss na miss na nya ang mga ito. "I'm sorry baby. Patawarin mo kami kung nagalit kami sayo." Tinig ng kanyang ama na yumakap na din sa kanila. Nakakulong sila ng kanyang mami sa bisig nito. "Dadi.." "Sorry po.. sorry po..." palahaw nya. Alam nyang malaki ang kasalanan nya sa kanyang mga magulang at hindi nya alam kung papano sya makakabawi sa mga ito. Alam nyang dahil sa nangyari sa kanya ay madudungisan ang pangalan nila. Alam nyang pag uusapan sila. Ng humupa ang bugso ng kanilang damdamin ay doon palang sila naghiwahiwalay. "Dadi.. mami.. sorry po. Sorry po sa lahat lahat---" "Hushh.... Huwag mo ng intindihin iyon. Ang importante ngayon ay nahanap kana namin." Putol ng kanyang ina sa kanyang sasabihin. "Jerome. Nasaan pala ang baby nya." Baling ng ina sa kanyang kapatid. "Naka incubator Mi pero pwede ng puntahan doon." Sagot ng kanyang kuya sa ina pero tinapunan sya ng tingin at bahagyan pa syang kinindatan na para bang sinasabi na I told you.. "Pwede bang masilip." Excited na tanong ng ina. "Samahan ko po kayo." Sagot naman ng kanyang kuya. "Ikaw Di, hindi kaba sasama?" Kunot noong tanong ng kanyang ina sa kanyang dadi ng hindi ito sumunod sa kanila. "Mamaya na. Walang maiiwan dito sa prensisa ko pag sumama pa ako sa inyo." Sabi nito. Nag-init na naman ang sulok ng kanyang mata sa narinig kaya napayuko sya ng ulo para itago ang luha. Nakaalis na ang dalawa ng tahimik na umupo ang kanyang ama mismo sa kanyang kama. Hinawakan nito ang kamay nya. Dalawang kamay nito ang nakahawak sa kamay nya na parang nilalaro laro nito iyon. "May baby kana. Parang hindi ko pa matanggap dahil pakiramdam ko parang ten years old ka palang. Na dapat ikaw muna ang binibaby namin. Ang sakit lang dahil pakiramdam ko naging pabaya akong ama dahil hindi kita naprotektehan. Gusto kong ibigay sayo lahat. Gusto ko maenjoy mo lahat bago mo sana marating ang puntong ito. Na maabot mo muna ang mga pangarap mo. Ang dami naming pangarap para sayo. Ayaw kong balang araw ay may pagsisihan ka-- alam mo iyon? Lahat ng magulang ay naghahangad nang mabuti para sa anak. Wala akong hinangad na makakasama sa iyo. Kaya sana anak. Kahit mayroon kanang baby... ipagpatuloy mo parinng abotin ang mga pangarap na iyon. Ipakita mo sa akin na tama ka na ipinaglaban mo sya sa amin." Halos sasabog na ang kanyang puso dahil sa bigat non. Kitang kita nya ang sakit na dulot nya sa kanyang ama. Naiintindihan naman nya ito. Sa katunayan nga nahihiya sya. Hiyang hiya sya dahil ibinigay lahat sa kanya. Maliban sa luho ay busog na busog sya sa pangaral, pagmamahal pero ito lang ang sinukli nya. Naging pasaway ba sya? Naging masunurin naman syang anak. "I'm sorry po.." walang syang ibang gustong sabihin kundi iyon lang. Hindi sya magdadahilan dahil kahit ano pa ang dahilan nya, mali parin sya. "Sshhh... tsk.. ano pa nga ba ang magagawa ko kundi tanggapin na lolo na ako." Sabi nito habang lukot ang mukha nito. Hindi nya napigilan ang matawa kaya napasapo sya sa tyan dahil sumakit ang tahi nya. "Ayan. Lakas kasing makatawa." Paninisi pa nito sa kanya habang nakasimangot kaya napangiti sya. "Salamat dadi..." madamdamin nyang sabi sa kanyang ama at inabot ito ng yakap. "I love you anak. Kahit may baby kana. Ikaw parin ang baby ko." Masuyo itong gumanti ng yakap sa kanya. -- "Di, tignan mo ang apo natin. Ang pogi pogi." Masayang sabi ng ina ng pumasok uli ito sa kwarto nila at karga karga ang kanyang anak kaya nanlaki ang mata nya. Pwede na ba syang ialis sa incubator? Sila kasi ang pumunta doon kanina dahil nagpumilit din sya. Kaya iyon. Deretsu na syang nagpadede. Hiyang hiya pa nga sya sa kuya nya kanina dahil ito pa ang umalalay sa kanya habang tinuturuan sya ng nurse. Ala na. Nakita na ng kuya nya ang dede nya. Pero sabi nito. "Huwag ka ng mahiya sa akin dahil madami na akong nakitang ganyan." "Mi, bat mo dinala dito?! Baka hindi pa pwedeng ilabas sa icubator yan." Bulalas ng ama pero sinalubong naman ang asawa para makita ang bata. Nakasunod naman ang kanyang kuya sa ina. "Ano kaba. Hindi naman namin dadalhin dito pag bawal. Kailangan na daw kasing dumede." Halatang tuwang tuwa ang ina. "O di padedehen mo na." Sabi naman ngq ama kaya inirapan tuloy ito. "Magtigil ka nga. Kung mayroon lang akong gatas bakit hindi. Aba namiss ko kaya ang magpadede." Napangisi si General. "Bakit mo namiss e palagi naman akong nadede sayo." Tukso nito sa kanilang ina at bahagyan pang kinindatan. Biglang namula ang pisngi ng kanilang ina habang pinanlalakihan ng mata. Ang lakas ng tawa ng kanyang kuya. "Jerone ha. Nakikinig lang ang mga anak mo." Nakurot tuloy ito. "Anak. Kailangan daw nyang dumede muna tapos ibalik din natin agad doon pagkatapos." Baling ng ina sa kanya halatang inililiko nito ang panunukso ng ama nila. "Mi. Bakit hindi nalang natin sya ibilihan ng gatas. Tignan mo naman ang katawan ng anak mo tapos magpapadede pa sya." Reklamo ng ama. Napatingin ang kanyang ina sa kanya. "Gusto mo bang magpagatas anak. Mas maganda ang gatas ng ina sana pero tama ang Dadi mo parang kailangan ngang makarecover muna ang katawan mo." Nag aalala wika ng kanyang ina. Napabuntong hininga sya. "Padedehen ko po muna sya Mi kahit ilang buwan lang." Wika naman nya. Iba pala kasi ang pakiramdam pag pinapadede mo ang anak mo. Hindi nya alam pero habang dumedede sa kanya ang anak nya ay parang may nabubuksan ito sa puso nya. "Sige. Pero mag mix tayo para hindi ka masyadong mahirapan." Sang-ayon ng ina. Walang magawa ang ama kundi sumimangot. "Ikaw nga e huwag kang killjoy dyan. Subukan mong kargahin ang apo mo para mafeel mo ang feeling ng may apo na." Sabi ng ina at pinasa ang anak sa kanyang amang nagmamaktol. Wala itong magawa kundi karagahin ang batang balot na balot. Nakita nya ang paglambot ng itsura ng ama habang karga karga ang kanya anak at parang sinusuri nito ang mukha nito. "Ang liit liit mo pala." Parang wala sa loob nitong usal habang nakatitig parin sa anak nya. "Jerome anak. Magtanong ka nga sa doctor nya kung ano ang pinakamagandang gatas at vitamin para sa kanya. Tapos bilhin mo agad. Ganon din para sa kapatid mo." Utos nito sa kanyang kuya na hindi maitago ang pag aalala sa boses. Payat kasi ang anak nyang lumabas. Kulang pa sa buwan. Sabi ng doctor. Dahil daw iyon sa pagpapabaya din nya sa sarili noong buntis pa sya. Hindi sya nagpapacheck up dahil kulang sya sa oras at pera. Wala syang vitamins na iniinom. Pagkalabas nya sa hospital noon akala nya okey na iyon. Hindi nga nya nabili ang mga reseta sa kanya noon. Hindi naman nya alam dahil wala namang nagtuturo sa kanya. Mga single naman kasi ang mga kasama nya sa trabaho. Palagi pang wala sa oras ang pagkain nila dahil ayaw naman nyang maunang kumain dahil palagi syang pinaparinggan ng kasama nilang maldita. "Dapat matakaw kang dumede para tumaba ka agad. Para maging malakas ka. Tapos paglaki mo maging General ka din kagaya ng lolo--" "Akin na nga ang apo ko. Kung ano ano ang sinasabi mo dyan. Tama ng ikaw lang ang nasa serbesyo huwag mo ng dagdagan ang takot namin araw araw pag nasa labas kayo." Reklamo ng kanyang ina. Matagal na kasi nitong pinagreresign ang ama sa tungkolin dahil natatakot ito para sa kaligtasan nito pero ayaw muna ng kanilang ama. "Mi. Kung iyon ang gusto nya paglaki nya dapat nating suportahan." Giit ng kanyan ama. "A basta magtigil ka! Huwag mong pangarapin iyan para sa apo ko." Masungit na sabi ng ina sa kanilang ama kaya napangiti nalang silang magkapatid habang pinapanood ang pag aaway ng mga ito. "O sige. Labas muna kami at ako nga ang kakausap sa doctor nila." Pagsuko ng ama. Lumapit uli ito sa anak nya at tinunghayan uli ang mukha at unti unti itong napangiti. "Mi. Lola kana talaga." Tukso nito sa kanyang ina. "At lolo kana din." Balik din ng ina kaya natawa sila. Napabuga sya ng hangin. Parang naalis ang nakadagan sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD