Chapter 9

1374 Words
Narinig ni Athena ang pag bukas ng pintuan kaya napaangat sya ng mukha. Katatapos lang syang piligoan ng personal nurse nya at nilinisan din nito ang sugat nya sa tyan kung saan inilabas ang baby nya. Yes. NaCS sya dahil nawalan sya ng malay pero tinahi parin ang flower nya dahil nasugatan parin sya doon kaya hindi sya makaupo ng deretso. Akala nya, kataposan na nya ng mga oras na iyon. Ang sakit palang maglabor. Papaano pa kaya pag normal nya ipinanganak ang baby nya. Kahit na payat itong lumabas sa kanya baka mawarak parin sya. "O mukhang maaliwalas na ang itsura natin ngayon a." Bungad sa kanya ng kanyang kuya. Binaba nito ang paper bag na dala nito at dumeretso sa kanya pero napansin nya ang lalaking nakatayo lang sa may pintuan na parang nakakita ng multo. Bahagyan pang nakawaang ang labi nito. Parang nababato balani din syang napatitig dito dahil parang hinihigop nito ang paningin nya. Hinalikan sya sa noo ng kapatid pero nanatili ang mata nya sa lalaki. "Anong nangyari sayo?" Napansin yata ng kuya nya ang pagkatulala nya. Sinundan nito ang tingin nya. "O pare tuloy ka. Para ka ng pinako diyan." Baling nito sa kasama. Hindi nya alam kung imahinasyon lang nya pero parang naguguluhan ito na iwan. Parang balisa. Parang nag aatubili itong lumapit sa kanila. "Pare, sya nga pala ang baby sister ko. Athena May. Princess, sya naman si kuya Keith mo. Sya iyong kabusiness partner ko." Pagpapakilala nito sa kanila. Wala sa loob na inabot nya ang palad dito. "H-hello po kuya." Parang ang awkward ng pakiramdam. Napatingin ito sa palad nya saka tumingin uli sa kanyang mukha. Tumikhim ang kanyang kuya na bahagyang ikinakislot ng lalaki. Parang nagising ito sa isang panaginip. "Ah sorry, may naisip lang ako." Wika nito na agad tinanggap ang palad nya. Ang init ng palad nito. Nasakop nitong buo ang kamay nya dahil sa laki ng kamay nito. Napakurap kurap sya dahil parang kilala nya ito samantalang napatitig na naman sa kanya ang lalaki kaya nagkahinang na naman ang kanilang mga mata. Tumikhim uli ang kanyang kuya. Sya ang unang nakabawi kaya agad nyang hinila ang kamay. Nag iwas sya ng tingin dahil napapatitig parin ang lalaki sa kanya. "Okey ka lang bro. Bakit parang pinagpapawisan ka yata?" Puna ng kanyang kuya sa kaibigan nito kaya napatingin uli sya sa lalaki. Hindi nya alam kung nakangiti ito o ano. Pero parang balisa talaga ito. "Oo okey lang ako." Sagot nito sa kanyang kuya saka uli sya sinulyapan pero iniiwas din agad ang tingin sa kanya. "Upo ka muna dito pare at ihahanda ko lang ang pagkain natin." Sabi ng kanyang kuya kaya napakunot sya ng noo. "Hindi pa kayo kumakain?" Tanong nya sa kuya nya na pilit na iniiwas ang tingin sa kasama nito. "Hindi pa. Dapat nga kakain na sana kami sa restaurant kanina kaya lang sabi ni utol na dito nalang daw kami kumain para may kasabay ka." Sagot nito kaya napatingin uli sya sa kaibigan nito na matiim din na nakatitig sa kanya. Iniwan sila ng kanyang kapatid para ihanda ang kanilang pagkain. Hindi naman ito malayo sa kanila kaya makakausap parin nila ito pag gusto nila itong kausapin. Napatikhim ang lalaki kaya napatingin uli sya dito. Nagtama na naman ang kanilang paningin pero para syang napapasong nagbaba uli ng tingin. "How are you Athena." Mahinang tanong nito. Kimi syang ngumiti. Naiilang man ay nagtaas sya ng tingin dito pero iniiwas din nya agad ang tingin. Hindi nya kasi kayang tagalan ang titig nito sa kanya. "A-ayos na po. N-nagkita na po ba tayo dati?" Curious nyang tanong. Ilang sigundo muna ang lumipas bago ito sumagot. "Oo. Pero nakakalungkot lang dahil hindi mo na ako matandaan." Pabulong lang na sagot nito pero malinaw sa pandinig nya. Maang syang nag angat uli ng tingin. Tinitigan nya ito sa mukha at inaarok nya sa kanyang isip kung saan nya ito nakita. Sa gwapo nito, imposible namang makalimutan nya ito. Oo, bata pa siguro sya pero marunong naman syang humanga sa itsura ng mga nakakatanda sa kanya. At sa tingin nya kung nakilala na nya noon ito baka nga kinilig sya at hinding hindi nya agad ito makakalimutan. "B-bakit hindi kita matandaan k-kuya?" Takang tanong nya. Malungkot itong ngumiti sa kanya. "Princess. Dadalhan nalang kita ng pagkain dyan ha." Tinig ng kanyang kuya. "Kuya baba nalang po ako. Parang ang init na po kasi ng likod ko dito e." "Ha? Baka bumuka ang sugat mo?" Sabi nito na parang hindi sang ayon sa sinabi nya. "Kaya ko na kuya. Naglakad na nga lang ako kaninang pumunta sa CR e." Giit nya. "Sigurado ka. Sige. Buhatin nalang kita para hindi mapwersa ang sugat mo." Napatawa sya ng mahina. "Kaya ko na nga. Alalayan mo nalang akong bumaba dito." Tinignan sya nito ng pailalim. "Princess, tinatawan tawanan mo nalang ako ngayon ha. Samantalang noong isang araw isang kibot mo lang umaaray ka." Reklamo nito kaya lalo syang natawa. "Hindi na kasi sya masyadong masakit kuya. At sabi nga ng doctor pwede na din kaming lumabas." Aniya na parang nakalimutan ang pagkailang sa lalaking nasa tabi lang ng kanyang kama at matamang nakikinig sa kanilang magkapatid. Palagi parin nyang nahuhuli itong nakatitig sa kanya. "E si baby. Pwede na din bang lumabas?" "Oo daw kasi malakas na sya. Idadala na nga daw sya mamaya dito." Masaya sya dahil ang laki ng improvement ng baby nya. Isang linggo palang nila sa hospital ay medyo nagkakalaman na ito. Magana na ding dumede. "Mabuti naman. Kausapin ko uli ang doctor nyo mamaya. Sila Mami baka bukas na sila makadalaw dito dahil may inasikaso sila ni Dadi." Tumango sya. "Nakausap ko din sila kanina kuya." Ng lalapit na sa kanila ang kanyang kuya para alalayan sya ay-- "Bro, ako na ang aalalay sa kanya." Presenta ng lalaki. Parang biglang kumabog ang dibdib nya. "Sige tol." Sang ayon ng kanyang kuya dahil ito nga naman ang mas malapit sa kanya. Tinulungan sya nitong alisin ang kumot sa kanyang binti. Napakapit sya sa balikat nito ng bahagyan sya nitong binuhat para makababa sya sa kama. "Sigurado kang kaya mong maglakad?" Napakasuyo ng boses nito. Naiilang syang bahagyang lumayo dahil ang lapit nila sa isa't isa. "K-kaya ko." Mabubulol nyang sagot. Parang gusto tuloy nyang kaltokan ang sarili. Pumwesto ito sa tabi nya. Naramdaman nya ang kaliwang braso nitong tumungo sa likod nya papunta sa kanyang baywang sa kaliwang bahagi kaya para syang nakukuryente. Mahigpit na napahawak ang kaliwa nyang kamay sa stand ng kanyang dextrose. Ang kanang kamay nito at nagtungo sa kanang kamay niya at hinawak iyon saka nito tinapaya ang kamay na parang pinapahawak sya doon. Napatingala sya sa mukha nito. Wrong move dahil nakayuko din ito sa kanya kaya kitang kita na naman nya ang matiim nitong titig. Nakita nya ang pag igting ng panga nito na parang galit--- hindi nya mapangalanan e. Ang tangkad nito. Hangang kilikili lang sya nito. Parang naninigas ang binti nya ng palakad na sila. "Sigurado kang kaya mo?" Pabulong na tanong nito. Parang gusto na nyang mairita dahil lumalala ang kalabog ng kanyang dibdib dahil sa paraan ng pag sasalita nito. Bakit ba kasi pabulong ito kung magsalita. Kung kasalanan lang siguro ng bumulong baka idedemanda nya ito. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam nya. Parang tumatayo ang balahibo nya tapos parang kinikiliti ang tyan nya. "Tsk! Magpabuhat ka nalang princess dahil baka abotin na tayo ng pag inom mo ng gamot hindi kapa nakakarating dito o kaya itong lamesa nalang ang ilapit ko dyan." Inip na sabi ng kanyang kuya na pinapanood pala sila. Napasimangot sya. "Ito na po. Ang lapit lapit ko na nga. Sabi ng doctor kailangan ko daw maexercise, maglakad lakad. Hindi daw maganda na nakahiga lang ako sa bed ko." "Oo nga. Pero kung hindi mo pa kaya bakit mo pipilitin. Tignan mo nga at sobrang pula ng mukha mo pati leeg. Baka naman kasi masakit na hindi mo parin sinasabi." Sermon nito kaya napahinto na naman sya sa paglalakad at hinaplos ang kanyang mukha. Ang alam nya nag iinit lang ang kanyang mukha. Mapula na pala sya. "Kaya mo pa?" Nag aalalang tanong uli ng kanyang alalay. "Emm..." maiksi nyang sagot saka uli umusad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD