Chapter 3

1874 Words
Nanatili si Athena sa hospital ng limang araw na walang dumadalaw sa kanya kahit isa at tanging rasyon lang na pagkain sa hospital ang kinakain nya. Pag may gusto syang bilhin sa labas ay nakikisuyo nalang sya sa mga bantay ng mga kasama nya sa kwarto. Punuan sila sa kwarto. Pinagkasya ang walong bed kaya masikip sa loob idagdag pa ang mga bantay ng kasama. Mainit, Maingay, magulo, amoy gamot, halo halong amoy. Pero tinitiis nya alang ala sa batang nasa sinapupunan. Tinatanong nya ang sarili kung worth it ba na iwan nya ang karangyaan at pamilya para dito. Tama ba na buhayin nya ang anak? Masama ba syang tao o masama ba syang ina kung mag isip sya ng ganong bagay? Ano ang maibibigay nyang buhay dito pag nailabas na nya ito sa mundo? Natatakot sya. Punong puno sya ng takot. Pero pag naaalala nya na tatanggalin ito sa tyan nya ay para ikakamatay din nya. Ganon ba talaga pag magiging nanay kana? Pero bakit hindi nya makapa sa puso ang kasiyahan na magiging ina na sya. Hindi katulad ng iba na pag nalamang buntis ay napapaiyak pa sila sa tuwa. Napapaiyak naman sya. Pero sa sakit at lungkot. Sakit na makitang nasasaktan nya ang mga magulang dahil sa kanyang pagkakamali. Lungkot dahil mag isa nalang sya. Parang may naiwang butas ang kanyang puso at hindi nya alam kung ano ba ang kanyang nararamdaman. Naglalayag sya na hindi nya alam kung ano ang kanyang patutunguhan. "Beauty Gomez." Napakislot sya ng may tumapik sa balikat nya. Maang syang napatingin dito. "Kanina ka pa namin tinatawag pero parang nanaginip ka yata ng gising?" Nakangiting sabi ng matandang doctor. Ito ang doctor na sumusuri sa kanya. "Reresetahan kita ng gamot at vitamins ha. Bawal sayo ang magpalipas ng gutom, mapagod ng sobra at iwasan din ang mag isip na nakakapag cause sayo ng stress. Iyong mga sugat mo ay patuyo na din pero kailangan mo parin silang linising mabuti para maiwasan ang infection. Pag naalis na ang dextrose mo. Settle your bills and you may go home." Nakatanga lang syang nakatingin dito. Para kasing nagmamadali itong magsalita. Iyon lang at iniwan na sya. Parang lutang parin ang isip nya habang pumipila sa bill counter. Pakiramdam nya ay nanginginig parin ang tuhod nya sa panghihina at parang pagod na pagod ang pakiramdam nya. Napabuntong hininga sya ng bayaran ang bill nya sa hospital. Ilang na lang ang naiwan sa kanyang pera at bibili pa sya ng gamot. Pagkalabas nya sa building ng hospital ay napahinga sya ng malalim. Kaya mo ito Athena. Matatag ka. Sabi nga ni Dadi, big girl kana diba? Kaya patunayan mong malaki kana. Fighting! Naluluha nyang pangchecheer sa sarili. Trying to raising her own spirit. Nakita nya ang mga nagtitinda ng mga panjama at towel etc sa gilid kaya pinuntahan nya ang mga iyon. Nilibot nya ang tingin, "Kuya magkano po iyong back pack po na jansport?" Turo nya sa black na bagpack. "Two hundred fifty nalang ganda. Matibay yan, original na jansport." Agad na inabot sa kanya ang bag. Kiming ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Original daw syempre alam ng ek-ek lang ni kuya iyon. Napatingin sya sa naka box na pantie na soen ang tatak at iba iba ang kulay. Kailangan nya iyon. Ilang beses na syang nagpabili pero kada palit nya ay tinatapon na nya. Dumampot sya ng dalawang pares ng ternong pantulog. dalawang parang jogging pants. Dalawang cotton short Tatlong blouse at dalawang t-shirt na medyo malaki sa kanya. At ang hoodie jacket. Tama lang na laman ng kanyang bag. Inabot ni kuya sa ate na kasama nito ang pinamili nya. "Ate. Pwedeng patiklop nalang po ng maayos saka tapos pagkasyahin nalang po ninyo sa loob ng bag." Nahihiya nyang hiling sa babae ng makitang isasaksak na nito ang pinamali sa malaking plastic. "Ay sige po ma'am." Nakangiti din sagot ni ate. Matapos nyang bayaran ang pinamili ay inabot na sa kanya ang bag. Sinukbit nya iyon sa dalawang balikat habang ang sling bag naman nya ay nakasabit sa kanyang katawan at pwenesto nya iyon sa kanyang harapan. Nanlalagkit na sya. Kailangan na nyang maligo. Naglakad lakad sya. Hindi nya alam kung nasaan na sya. Nang makatapat sya sa isang hotel ay pumasok sya doon. Dito muna ako habang wala pa akong nahahanap na titirhan. Bulong nya sa sarili. "Miss, hindi na po active itong card nyo e." Inabot uli ng receptionist ang card nya. "Huh? Miss baka nagkakamali ka. Active pa yan. Try mo ulit." Pilit nya. Sinubukan uli nito pero napailing lang ito at inabot uli ang card sa kanya. Naluluha nyang inabot ang kanyang card. Ginapangan ng takot ang dibdib nya. Iyon nalang ang pag asa nya para makasurvive. Nanginginig ang kamay nyang hinalongkat uli ang walet. Limang daan nalang ang natitira doon at ang sukli nya kanina sa mamang pinagbilhan nya ng gamit. "Miss, patry po ito." Inabot nya uli ang isang card na galing naman sa mami nya. Ang card na ginamit nya kanina ay card na bigay ng dadi nya. Doon nito inilalagay ang kanyang allowance. Ang card naman na bigay ng mami nya ay para sa luho nya. Pag gusto nyang magshopping o kung may gusto syan bilhin. Ang winidraw nyang nauna ay sa saving na talaga nya iyon. "Miss pasinsya na pero hindi na po talaga sila pwede. Nakadeactivate na po iyong card ninyo." Malungkot na sabi nito. Parang gusto nyang bumulalas ng iyak. Maagap nyang pinunas ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. Laglag ang balikat na lumabas sya sa hotel. Naglakad uli sya na parang lutang. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng kanyang mga paa. Kumakalam na ang kanyang tiyan dahil naamoy na nya ang lutong ulam mula sa kainan na malapit sa kanya. Magulo, mausok, marumi, hindi nya alam kung tutuloy ba sya. Malinis ba ang pagkain nila? Dudang tanong nya sa isip. Amoy tae ang singaw ng hangin dahil sa mga tubig na nastock lang sa gilid. Wala syang choice. Dahil doon lang aabot ang pera sya. Kalahating kanin lang ang inorder nya at isang nilagang itlog at saka sya bumili ng tubig. Kahit halos hindi nya malunok ang kinakain ay pinilit parin nya ang sarili para may lakas sya. Damihan nalang nya ang uminom ng tubig. Matapos syang kumain ay lumabas na sya. Kaya pala maingay dahil palengke na pala sa looban. Naghanap sya ng restroom dahil naiihi na sya. Ihi-5 Bawas-10 Ligo-30 Iyon ang nabasa nyang nakasulat. May mga naka sachet din doon na shampoo, conditioner at sabon. "Ate pabili po nito. Maliligo po ako." Sabi nya sa nagbabantay. Inabot nya ang bayad. Wala syang twulya kaya ang face towel nalang ang pinagkasya nyang pamunas sa kanyang katawan. Inilagay nya sa malinis na plastic ang pinagbihisan. Hindi na nga pwedeng itapon iyon dahil wala na syang pambili ng gamit. Bahala na kung kailan sya makakapaglaba. Mapait syang ngumiti. Hindi sya marunong maglaba. Magpapalaba ba sya? May maglalaba ba ng damit nya ng libre? Pagkatapos maligo ay naghanap sya ng lugar na pwede nyang tambayan. Papadilim na din ng hindi nya namamalayan. Gusto nyang mahiga dahil parang patang pata ang kanyang pakiramdam. Naupo sya sa isang bench malapit sa burger machine. Wala na naman syang ginawa kundi tumunganga at tumingin sa malayo. Inilibot nya ang paningin. Malapit lang sya sa school. Hula nya ay waiting shade ng school ang kinaroroonan nya ngayon. Safe naman siguro sya doon. Inalis nya ang bagpack sa likod at ginawa iyong unan. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog sya agad. Nalimpungatan sya ng naramdaman nyang may humahaplos sa kanya. Winaksi nya iyon dahil antok na antok pa sya. "Sige matulog ka lang habang pinapaligaya kita." Bulong lang iyon pero nagising nito ang kanyang diwa. Bumalikwas sya ng bangon. "Huh?! Anong ginagawa nyo ho sa akin." Nahintakotan nyang kinuha ang bag at niyakap iyon habang nakasiksik ang sarili sa gilid. "Huwag ka ng pumalag. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka sa gagawin natin." Nakangising wika ng lalaki. Para itong demonyo na nangingislap ang mga mata. Nakakatakot. Halos tumayo yata lahat ng balahibo nya sa katawan. Lalo syang napasiksik sa gilid dahil sa takot. "Huwag ho kayong lalapit. Sisigaw po ako." Kahit na anong pagpapatigas sa boses nya ay nanginginig parin iyon. "Huwag po kayong lalapit." Aniya pero hinanda na ang sarili. Tumawa ang lalaki pero dahan dahan ang pag usad nito sa kanya. "Sige. Sumigaw ka at ng lalaslasin ko ang maputi mong leeg." Kitang kita nya ang pagkislap ng bagay na hawak nito na natamaan ng ilaw na nanggagaling sa poste. Napailing sya. "Huwag po. Maawa po kayo sa akin." Pagmamakaawa nya. Kusang tumulo ang mga luha nya sa mata. Dadi Mami... tulungan nyo po ako. Impit nyang dasal. Lumapit ang lalaki sa kanya. Amoy na amoy nya ang hindi kaaya aya nitong amoy. Papalag na sana sya pero naramdaman nya ang malamig na bagay na dumaiti sa kanyang leeg. "Ang bango mo." Nauulol na usal ng lalaki habang inaamoy ang kanyang leeg. Halos manigas ang kanyang katawan at pilit na inilalayo ang mukha dito. Nandidiri sya. Impit na sigaw ang kumawala sa bibig nya kaya lalong dumiin ang patalim na nasa kanyang leeg. "Isang sigaw mo pa at ang talim na ang ididiin ko dito." Wika nito na mas mariing napasubsob sa kanyang leeg. Napakagat sya sa kanyang labi para pigilin ang hagulgol. "Hoy ano iyan?" Nabuhayan sya ng loob ng may ilaw na tumama sa mukha nya. Marahas na napabuga ng hangin ang lalaki sa leeg nya. "Huwag kang gagawa ng ayaw ko. Kundi alam mo na." Bulong nito bago dahan dahan na bumaling sa nag salita. Tumawa pa ang demonyo. "Ah wala bossing. Naglalabing-labing lang kami ng asawa ko." Bahagyan syang itinago sa likuran nito. Naglakas loob syang itulak ito saka tumakbo sa nakakita sa kanila. Dahil sa hindi siguro nito inaasahan na gagawin nya iyon ay agad syang nakawala dito. Hahabol pa sana ito sa kanya pero agad syang nakatago sa likod ng mama. Na agad namang hinanda ang sarili. "Kuya tulungan nyo po ako. Hindi ko po sya kilala." Sumbong nya habang mahigpit na nakakapit sa damit nito. "E putang ina ka pala e." Sigaw nito sa lalaki na akmang ihahampas ang batotang hawak hawak nito pero mabilis na nakatakbo ang lalaki. "Ineng, ano ba kasi ang ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi?" Tanong nito habang inaabotan sya ng mineral water na binili nito sa burger machine na nakabukas ng bente kwatro oras. Hindi sya agad nakasagot. "Ilang taon kana?" Ulit nitong tanong ng hindi nito mahintay ang sagot nya. "S-seventeen po." Mahina nyang sagot. "Ang bata mo pa pala. Taga saan ka. Hindi ka dapat nagpapagala gala sa gabi dahil maraming nagkalat na masamang loob. Mga halang ang bituka." Pangaral nito sa kanya. "W-wala na po akong tirahan. N-nag-iisa nalang po ako." Naiilang syang nag iwas ng tingin. Baka kasi makita nitong nag sisinungaling sya. Napabuga ito ng hangin. "Halika at ihahatid muna kita sa presento mas ligtas ka doon." Wika nito. Nanlaki ang mata nya. "Ho?! Presento po? I-ipapakulong nyo po ako?" Takot nyang tanong. Mahinang natawa ang mama. "Hindi, wala ka namang kasalanan para ikulong. Sila na ang bahala sayo. Baka iturn over ka nila sa DSWD. Mas ligtas ka doon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD