Chapter 2

1652 Words
"Athena, are you pregnant?" Tanong ng kanyang ina na hindi nya namalayang nakapasok na pala sa loob ng kanyang kwarto habang nakasubsob sya sa lababo. Parang nanigas ang katawan nya. Buntis? Sya? Pero papaano? Bahagyan pang napaawang ang kanyang labi at natulala. Nablangko ang kanyang utak. "Answer me?!" Napakislot nalang sya ng mariing nitong hinablot ang kanyang braso kaya napangiwi sya dahil sa sakit. "Are you pregnant?" Ulit na tanong nito na parang tinitimpi ang galit. Sobrang pula ng mukha ng kanyang ina. Naguguluhan sya. "I-I don't know." Wala sa loob nyang sagot. "What do you mean you don't know? You mean there is a possibility that you are pregnant?" Galit na bulalas nito sa kanya. wala parin sya sa sarili. Natatakot syang umiling iling. Hindi nya alam. Anong alam nya. "My God Athena! Anong ginawa mo?! Napaka bata mo pa." Nakita nya ang sakit na bumalatay sa mukha at ang pagtulo ng luha nito. She looks so disappointed. "Mi...." nanginginig ang kanyang kamay at parang nagsisikip ang kanyang dibdib at nagsimula na ding mangatal ang kanyang bibig dahil sa takot. Hindi nya alam ang sasabihin. Papaano nga kung buntis sya? Sigurado nya. May nangyari ng gabing iyon pero hindi nya akalain na magbubunga iyon. "Saan kami nagkulang, binigay namin sayo lahat. Bakit mo nagawa mo ito huh?!" Bakas ang sobrang sakit na sumbat nito sa kanya. Hindi sya makaimik habang patuloy ang luhang umaagos sa kanyang pisngi. "Love. What happen here? Bakit ang aga aga ay nag aaway na naman kayo?" Lalo syang napako sa kanyang kinatatayoan ng marinig ang boses ng kanyang ama. Hindi sumagot ang kanyang ina at agad na yumakap lang ito sa kanyang ama at doon humagulgol ng humagulgol. Halos hindi naman sya makahinga dahil sa pinipigil na hikbi. "Hey.. what happen? Princess? Anong nangyayari dito?" Naguguluhang tumingin ang kanyang ama sa kanya habang hinahaplos nito ang likod ng kanyang ina para pakalmahin ito. Lalo syang nakaramdam ng takot. "Di..." usal nya na tuluyan ng napahagulgol. Nagsisikip ang kanyang dibdib. "Di... Mi.." dahil siguro sa pagkabigla. Nerbyos. Takot ay bigla syang nawalan ng malay. ---- Pagbukas nya sa kanya mata ay agad na bumungad sa kanya ang kulay pink na kisame ng kanyang kwarto. "She's okey now. Iwasan lang ang sobrang emosyonal dahil makakasama sa kalagayan nya." Napatingin sya sa nagsalita. Agad nagtama ang mata nila ng kanyang ama na nakatingin din pala sa kanya. Wala syang makitang emosyon sa mukha nito pero nakita nya ang pagtatangis ng mga bagang nito. "Dalhin nyo nalang sya sa clinic para sa proper check up nya at para matignan din natin kong healthy ang baby sa loob nya." Sabi ng doctor. Isa sa mga family doctor nila. Wala syang narinig na sagot ng kanyang mga magulang. Nakatingin lang sa kanya ang kanyang ama na parang tinitimpi nito ang galit. Namumula ang leeg nito pati na din ang mga mata na para bang galing sa pag iyak. Napansin yata iyon ng doctor kaya tumingin din ito sa kanya. Nag iwas sya ng tingin sa mga ito dahil hindi nya kayang makita ang nag uusig na titig ng mga ito lalo na ang kanyang ama. "Mauuna na ako." Rinig nyang paalam ng doctor. Ilang saglit lang ng makaalis ang doctor ay biglang siyang napasigaw dahil nagliparan ang gamit nya sa loob ng kanyang silid. May tumama sa kanyang libro. Nahiwa sya sa braso dahil sa lamp shade na pighahampas ng kanyang ama sa mismong side table ng kanyang kama. Bubog mula sa mga frame na nakapatog doon. Tilamsikan dito, tilamsikan doon. Wala syang nagawa kundi sumigaw sa takot at icover ang ulo gamit ang sugatan nyang braso dahil sa takot na baka sa kanya ihampas ang mga bagay na mapulot ng kanyang ama. Bigla syang napaigik ng dakmain nito ang magkabila nyang braso. "Sino ang putang ina na nakabuntis sayo huh?" Pulang pula ang mukha nito at kitang kita nya ang galit sa mga mata nito kaya lalo syang nanginig sa takot. "Di..." nanginginig sya. "Sino?! Sino?!" Sigaw na tanong nito habang inaalog sya nito sa balikat. Parang mababali na ang buto nya sa sobrang diin ng pagkakahawak nito sa kanya. Lalo syang napahagulgol. "Jerone..." Humahagulgol din ang ina na yumakap sa likoran ng kanyang ama. Napabuga ng hangin ang kanyang ama na pilit na humihinahon. "Tatanongin kita uli Athena. Sino ang ama nya?" Halos hindi naghihiwalay ang ngipin nito sa diin ng tanong nito. "D-Di... sorry po." Agad syang lumuhod sa harapan nito habang nasa ibabaw parin sya ng kanyang kama at pinagkiskis pa ang mga palad sa tapat ng mukha habang humihingi ng kapatawaran sa ama. "Putang*na! Sagotin mo ang tanong ko!" Sigaw nito sa kanya na kumawala na naman ang tinitimping galit. Halos hindi nya mahagilap ang dila sa takot. Sobrang na syang nanginginig. Mula ng magkamalay sya. Ngayon nya lang nakita ang ama na magalit. Ngayon nya lang ito nakitang magwala. "H-hin-hindi ko po a-alam." Halos hindi nya mabigkas ang sagot. "Tonta!" "Jerone!" Tili ng kanyang ina. Pakiramdam nya ay nabingi sya ng tumama ang palad nito sa pisngi nya at tumilamsik sya patagilid sa kama. Wala syang magawa kundi ang paulit ulit na humingi ng tawad sa mga ito kahit na parang umiikot na naman ang paligid nya. Agad syang nilapitan ng ina. "Athena. Look at me. Are you okey?" Punong puno ng pag aalalang tanong ng kanyang ina habang hinahaplos nito ang kanyang mukha. "Abort the baby! Call the doctor. Ipaschedule mo sya agad para sa abortion." Matigas na sabi nito. "Jerone. Pag isipan muna natin itong mabuti." Umiiyak na sabi ng kanyang ina. "My decision is final ako ang masusunod!" Parang kulog ang boses nito. Nakakatakot. Parang hindi na kayang iproseso ng kanyang utak ang naririnig. Parang naglalaban laban ang mga salita sa loob ng kanya ulo. Abort the baby! Abortion! Call the doctor! Napatakip sya sa kanyang taynga at umiling iling dahil paulit na umaalingawngaw iyon sa kanyang pandinig. Parang bumabaliktad ang kanyang sikmura. Wala sa sariling tumayo sya at tinungo ang banyo. Hindi alintana ang mga bubog na naapakan nya. Naririnig nya ang kanya ina na tinatawag sya pero nanatili syang bingi sa pagtawag nito. Pagdating nya sa banyo ay doon sya sumuka ng sumuka. Nagitilan sya ng maramdamang may umagos sa kanyang binti. Napayuko sya para tignan iyon. Natulala syang habang nakatingin doon. Tinatawag ang pangalan nya pero nakapako lang ang tingin nya sa dugong umagos sa kanyang binti. Dugo! dinudugo sya.. unti unting nanlabo ang kanyang paningin. "Athena! Athena!" Hindi nya alam kung ilosyon nya lang ang lahat. Nasa bisig sya ng kanya ama ay patuloy na tinatawag ang kanyang pangalan. "Sorry.." gusto nyang sabihin pero sobra na syang nanghihina. ---- Pangalawang araw na nya sa hospital pero wala syang lakas ng loob para tanongin kong kumusta ang bata sa loob ng kanyang tiyan. Tahimik syang umiiyak para dito. Hindi nya matukoy kung saan ang masakit, kung ano ang masakit. Sa loob ng dalawang araw ay hindi man lang nya nakita ang mga magulang na dinalaw sya. Matapos maiabot sa kanya ng katulong ang pinapakuha nya sa mansyon ay agad na nya itong inutusang lumabas para bumili ng makakain pero sinamantala nya ang pagkakataon na iyon para makaalis sa lugar na iyon. Kailangan nyang umalis. Kailangan nyang lumayo. Kahit iyon man lang ay magawa nya para sa anak nya. Ang iligtas ito. Alam nyang nasa sinapupunan parin nya ito dahil nararamdaman nya. Nararamdaman nyang buhay ito. Mabilis nyang tinanggal ang dextrose na nakatusok sa kanya at agad nya iyon tinapalan ng bulak para matigil ang pagdurugo. Sinilip muna nya sa labas at nakahinga sya ng maluwag ng makitang wala syang bantay.. Paika ika syang naglakad dahil narin sa mga sugat nya sa paa habang nakaalalay ang kanyang kamay sa kanyang puson dahil parang kumikirot kirot parin iyon. Kapit pa anak.. kunting tiis pa makakalis na tayo dito. Agad syang nakasakay ng taxi papuntang airport. Wala syang ibang dala kundi ang sling bag lang nya. Walang kahit na isang pirasong damit maliban sa suot nya. Agad syang tumungo sa ATM machine para mag withdraw ng pera. Inilabas nya lahat ng pera sa card nya. Umabot sya ng ilang oras at gabi sa loob ng airport kaya naghanap sya ng tagong lugar habang hinihintay ang kanyang flight. Hindi pa sya kumakain dahil natatakot syang bumili baka may makakita sa kanya sa labas o pagala gala at ibalik sya sa kanyang ama. Hinang hina na sya ng makarating sya sa Manila kaya sumakay uli sya ng taxi at nagpahatid sa hospital. Nagpasalamat nalang sya dahil mayroon pang malasakit ang taxi driver na natsimpuhan nya. "Anong pangalan nila Ma'am?" Tanong sa kanya ng nurse ng magising sya uli. Hindi sya agad nakasagot. Hindi nya pwedeng sabihin ang totoo dahil baka matunton sya agad ng mga magulang. "Beauty" iyong ang nanulas sa kanyang bibig. "Beauty? Apelyedo?" Napaisip sya uli. "Emm.." "Ma'am apelyedo lang ang tinatanong ko. Bakit parang nag iisip kapa." Masungit na sabi ng nurse. "Gomez." Agap nyang sagot. "Ilang taon." "S-seventeen years old." Sagot nya. "Ang bata mo pa pala pero buntis kana." Mahinang wika nito na punong puno ng pagkadisgusto kaya napayuko sya. "Kailan ako makakalabas?" Naiilang nyang tanong ng matapos na lahat ng tanong nito sa kanya. "Hintayin mo ang doctor na magraround sa inyo." Sagot nito saka na sya iniwan. Natutulala sya sa kawalan ng iniwan na syang ng nurse. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Hindi nya alam kung saan sya pupunta pag nakalabas na sya dito. Wala syang alam gawin. Wala syang alam na trabaho. Papaano sila mabubuhay. Papaano nya bubuhayin ang anak kung mismong sarili ay hindi nya alam kung kaya nyang itaguyod. Hindi nya alam kong ano ang nararamdaman nya sa batang nasa loob nya. Basta ang alam nya. Ayaw nya itong maalis sa kanya. Ayaw nya itong mapahamak. Kaya kahit na anong mangyari ay hindi sya babalik sa mga magulang. Kahit ikamatay pa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD