Chapter 8

1613 Words
“Give me your cellphone number”, turan ni Wolverine kay Danielle pagkatapos niang kumain sa rooftop. Balik na sila sa office nito at naibigay na rin sa kanya ang mga instructions nito. Bigla niyang kinapa ang bulsa, ngunit wala doon ang de keypad niyang cellphone. “Diyahe sir, hindi ko nadala yung aking cellphone. Hindi ko kabisado yung number”, pakamot sa ulo niyang pahayag kay Wolverine. “It’s okey, here’s my calling card. Nandiyan na rin yung address kung saan ako nakatira. Kunin mo na yung mga gamit mo then pumunta ka sa address na nandiyan after. Tawagan mo nalang ako kapag nandoon ka na.”, saad nito kasabay ng pag abot ng card na dinukot mula sa wallet nito. Inabot naman iyon ng dalaga at tumango tango habang binabasa ang laman ng calling card. Hindi na siya nagtaka kung sa isang mamahaling village ito nakatira. “Okey sir, see you!”, turan ni Danielle at sumaludo dito bago tinungo ang pinto. Pangiti ngiti pa siya habang maingat na isinasara ang upisina ng CEO, ngunit halos mapatalon siya sa gulat ng malingunan niya sa kanyan likod ang secretary ni Wolverine. “Ayaaaaay!”, patili niyang pahayang habang napahawak sa kanyang dibdib. “Sorry, ma’am. Nagulat po ako sainyo”, pasimple niyang pahayag dito sapagkata hinalukipkipan na naman siya nito habang tinitignan siya ng pataas at pababa. “Anong ginawa mo sa loob?’, turan nito na tila abogadang nagtatanong sa loob ng korte. “Kumain po, you honor…este madam!”, saad niya habang napapayuko dahil feeling niya ay para siyang kuto at any moment ay titirisin siya nito. “At sinong may sabing kumain ka?”, nakataas ang kilay nitong pahayag. Sa taas ng kilay nito ay parang gusto niya iyong hilahin pababa. Sa isiping iyon ay bigla siyang napangiti kung kayat mas lalong nairita ang secretarya. “At anong nakakatawa? Sa susunod, kung alukin kang kumain tatanggi ka! Ano ka patay gutom? Masyado lang mabait si sir pero hindi dapat tinetake advantage. Hello, janitor ka lang dito ano? Sa tingin mo kalevel mo na siya at pwede ka nalang sumabay sabay sa kanyang kumain?”, pananermon nito sa kanya habang lumalaki laki ang butas ng ilong at mga mata. “Claire!”, biglang bumakas ang pinto at iniluwa ang CEO kung kayat biglang nagtransform ito mula sa pagiging miss Tapia. Bigla nitong tinapik tapik ang balikat ng dalaga at pagkatapos ay humarap kay Wolverine habang mas matamis pa sa asukal ang pagkakangiti. “Sir, pinapaalalahanan ko lamang siya na ayusin niya ang kanyang trabaho.”, saad nito. “Cancel all my schedule this afternoon, I will be out earlier.”, utos ni Wolverine dito na hindi pinansin ang pagngiti nito. “Copy sir!”, pahayag ni Claire ngunit bumaling na ito kay Danielle. “Go and get your things, see you in the village this afternoon!”, pahayag niya kay Danielle at nagbow ang dalaga dito bago tuluyang umalis. Nginitian pa niya ng nakakaloko si Claire na biglang bumahag ang buntot habang nakatayo sa tabi. “Pre may naghahanap saiyo?”, si Marion ng mabunguran niya ito sa baba pagkalabas niya mula sa elevator. “Sino pre?”, tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita at malay ba ng mga friends niya na dito siya pumapasok? “Matanda, mukhang mayaman. Nanay mo daw!”, pahayag ng kaibigan at biglang nanlaki anng kanyang mga mata. Sigurado ba siya? Anong ginagawa ng mommy niya dito? “Asan pre?”, halos naturete niyang pahayag. “Nandoon sa may entrance nakikipagchikahan sa mga guard”, sagot ng kaibigan kung kayat mas lalo siyang naging balisa. “Sige pre, tignan ko muna kung sino yun”, saad niya na tinapik ang balikat ni Marion pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang entrance. Pagliko pa lang niya sa may pasilyo ay Nakita na niya ang kanyang ina habang nakikipag usap sa mga nakaduty na mga guard. Sa may di kalayuan ay nakatayo rin ang driver nito at isang body guard. Iniisip pa lamang niya kung ano ag ginagawa ng mommy niya dito ay nasulyapan na siya nito at itinuro ang knayang kinaroroonan sa mga kausap. Naitakip niya ang isang kamay sa mukha ng lumingon ang mga guard sa itinuro ng ina pagkatapos ay dali dali siyang umalis sa kinaroroonan. “Daniella! Saan ka pupunta?”, pukaw ng kanyang ina at napapikit siya sa isiping may nakakarinig dito. Mabilis na nakalapit sa kanya ang kanyang mommy at walang sabi sabing hinila niya ito papunta sa likod hanggang sa parking area. “Ano ka bang bata ka, bakit dito mo ako dinala?”, ang kanyang mommy kung kayat napahilamos siya sa mukha. “Mom! Bakit kayo nandito?”, turan niya dito. “At bakit hindi, aber? Basta ka nalang umalis kagabi ng hindi nagpapaalam!”, pahayag nito at napahaplos siya sa kanyang mukha. “Dapat hinintay niyo na lang ako sa aking apartment, baka kung anong isipin ng mga tao dito”, turan niya at minulagatan siya ng ina. “Daniella! Ikinahihiya mo ba ang nanay mo?”, galit na pahayag nito. “Mommy, hindi sa ganon! Eh siyempre isa akong janitor dito tapos ang nagpapakilalang nanay ko ang sosyal sosyal?”, “Eh sa totoo naman ah!”, mulagat ulit nito sa kanya. “OO nga, pero siyempre hindi nila alam kung sino talaga ako”, pahayag niya at napabuntunghininga iyon. “Nag alala ako saiyo, may LBM ka kagabi pero umalis kang hindi nagpapaalam. Anong iisipin ko bilang nanay?”, may himig sama ng loob sa turan nito. “Sorry mommy, may nakalimutan akong gawin kahapon kaya nagmamadali akong umuwi sa apartment”, pagsisinungaling niya dito. “Hindi ka pa sumasagot sa phone call ko, asan ang cp na binigay ko saiyo? Dapat nakalagay lang sa bulsa mo”, ang ina na lumabas na naman ang sobrang pagkaOA nito. “Mom! Mommy! Bawal po ang magcellphone habang nagtatrabaho”, paalala niya dito. “Oh siya, gusto ko lang naman masure na wala ka ng sakit. At mukha namang okey ka dto, alis na ako!”, saad ng kanyang ina at tango siya dito. “I am very much okey here mom, don’t worry”, masiglang pahayag niya at tinignan siya nito sa mukha pagkatapos ay tumago tango. ‘Okey! Do you still have money?”, ang kanyang ina. “Meron pa mom!”, saad niya at tila nagulat iyon. “Himala! Hindi ka magastos ngayon? Noong last na nagbayad kami ng card mo halos kalahating milyon ang bill mo”, hindi makapaniwalang pahayag ng ina at pati siya ay nagtaka din sa sarili. “Eh wala naman akong pinagkakagastusan dito, isa pa hindi magastos ang mga kasamahan ko”, turan niya at napangiti iyon ng wala sa oras. “Uhmmm, natututo kana anak. I’m happy for you! Sige, sige! Paalis na ako, mag iingat ka dito.”, natutuwang saad ng kanyang mommy at tumago siya. “Oppps! Ooops! Don’t hug me here, maraming makakakita satin dito.”, paalala niya sa ina ng magtangka ang inang yakapiin siya. Agad rumehistro ang lungkot sa mukha ng kanyang mommy ngunit kinuha niya ang kamay nito pinisil. “I love you, mom! Ingat kayo palagi, miss you!”, turan niya kung kayat napangiti rin iyon habang napabuntunghiningang tinungo ang naghihintay nitong sasakyan. “Ano pre, nagkita kayo?”, tanong agad ni Marion ng makabalik siya sa loob ng building, pupunta siya sa utility baracks upang kunin ang ilang gamit doon. “Oo pre, salamat!”, sagot niya. “Nanay mo talaga yun, pre?”, hindi na akalaing tanong ng kaibigan. “Ah…hindi! Naniningil ng pautang, oo may utang kasi ako sa kanyan”, mabilis niyang pahayag at tumango iyon. “So, settled na kayo?”, pakikichismis ni Marion at tinawanan niya ito. “OO pre, muntik na daw akong ipabarangay dahil hindi ako nagpapakiata sa kanya. Pero okey na kami, bayad na ako sa utang ko sa kanya’. Saad niya sa kaibigan at ngumiti iyon. “Mabuti naman kung ganon pre, mas okey pa rin na magbayad tayo sa pinagkakautangan natin malaki man ito o maliit kasi sila ang nagmagandang loob na tumulong satin noong walang wala tayo”, turan ni Marion at nginitian niya ito. “Siyang tunay pre, medyo hectic lang ang schedule ko kaya siguro nawala sa aking isip, anyway okey naman na kami.”, saad niya at tiapik siya nito. “Sige pre, doon muna ako sa area ko baka hanapin na naman ako ni Chief!”, si Marion at kinawayan niya ito habang papalayo. Paglabas niya sa tower ay tumungo muna siya sa pinakafavorite nilang magkakaibigan na store. Bumili siya ng mga bagong t-shirts, pants at leather boots para gagamitin niya habang ginagawa siyang driver ni Wolverine. Ayaw niyang magbarong kagaya ng dating driver nito ngunit magdadamit din siya ng disente at kaaya aya para hindi magmukhang gusgusin sa mata ng kanyang amo. “Weh? Talaga ba? O gusto mo lang maging presentable sa mata ng CEO?”, kantiyaw niya sa sarili. Napailing siya, sa tanang buhay niya ngayon lang siya nagging conscious sa kung ano ang magiging hitsura niya sa isip ng ibang tao. So weird, kasi ngayon lang din siya humanga sa isang lalaki, kahit kasi nakakasalamuha nila mga celebrities before ay wala man lang siyang matipuhan sa mga ito. Ang nakakatawa pa pumayag siyang maging driver nito, hindi kaya nawawala na siya sa katinuan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD