Chapter 9

1728 Words
“Oops! Saan ka pupunta at pinaglalagay mo sa maleta ang mga gamit mo?”, si Yaya Ninay ng mapasukan siya sa kanyang kuwarto habang nag-iimpake ng gamit. Tinignan lang niya ito kung kayat pinamaywangan siya ng kanyang yaya. “Daniella, hindi ka pwedeng maglakwatsa mas lalong magagalit ang daddy mo. Ibalik mo ang mga iyan!”, patuloy nito. “Ya, napromote na po ako”, saad niya pagkatapos maisira ang kanyang maleta. “Napromote? Talaga ba? Naku, mabuti naman kung ganon anak. Masayang masaya ako para saiyo.”, biglang naging excited si Yaya Ninay dahil sa kanyang sinabi. Niyakap pa siya nito at nakangiting tinapik tapik niya ang balikat ng matanda. ‘Thank you, Ya!’, turan niya dito. “Manager kana ba ngayon anak? Naku, tiyak matutuwa ang daddy mo saiyo ngayon”, tuwang tuwa ang kanyang yaya at nahang sa ere ang kanyang pagkakangiti. “Hehehe, hindi po Ya. Pero sa CEO na po ako magtatrabaho ngayon”, saad niya. Unti unting nawala ang excitement sa mukha ni Yaya Ninay ngunit agad ding ngumiti ng marealized na under na siya sa CEO. “Aba’y mas mabuti na nalipat ka sa upisina ng CEO kesa magkuskus ka ng CR at mag mop!”, turan nito at tumango tango siya. “Tama po kayo, Ya! Kaya nagyon lilipat din ako sa bahay ng CEO”, deklara niya at napamulagat iyon ng Malaki. “Ano?! Paanong…bakit?”, saad ng kanyang yaya at natawa siya sa reaction nito. “Driver po ako, Ya. Kaya lilipat ako sa bahay niya.”, turan niya kung kayat mas lalong nagulat ang kanyang yaya. “Driver? Sigurado ba ang boss niyo sa desisyon niya? “, naguguluhang pahayag nito. “One hundred one percent, pinauwi na nga ako para kunin ang aking mga gamit”, sagot niya at napahawak iyon sa kanyang ulo. “Alam ba yan ng daddy mo?”, tanong nito at umiling siya. “Hay naku! Dapat ipaalam mo, alam mo naman diyan ka nadadale sa kanya. Baka mas lalong magalit yun!”, nag-aalalang pahayag nito at napangiti siya ng mapakla. “Okey lang yan, Ya. Saka CEO naman yun. Hindi naman ako matatanggal sa trabaho”, turan niya dito. “Paano kung…”, “Ya, huwag mo nalang sabihin. Basta nagtatrabaho ako, okey?”, putol niya dito. Naiistress kasi kapag naririnig niya ang hanash nito tungkol sa kanyang ama. “Anong sasabihin ko kapag tumawag ang mommy mo? Kapag pumunta siya dito at hanapin ka?”, may pag aalinlangan pa ring saad nito. “Sabihin mo nag overtime ako tsaka uuwi naman ako dito paminsan minsan”, pahayag niya dito. “Paano kung alilain ka ng boss mo? Kung gawan ka ng masama, kahit ganyan ang kilos mo tandan mo babae ka pa rin…at maganda!”, “Ya, ano ba? Napaka negative mo, hindi mangyayari yan. Saka kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko”, pagcucut niya sa mga iiniisip nito. “Pero…”, “Haist! Gumagaya kana sa mga magulang ko, wala ka nang tiwala saakin!”, tila nagtatampong pahayag niya dito. “Siyempre may tiwala ako saiyo, pero..’, “Ayan, kumabig kana naman. Basta walang mangyayari saakin, okey?’, Turan niya kung kayat napatango na lamang iyon. “I love you, Ya!”, paglalambing niya kung kayat napangiti iyon ng sobrang tamis. “Okey, sige! Basta palagi kang tumawag saakin, para alam ko kung anong nangyayari saiyo”, bilin nito at tumango siya dito. “Promise, palagi akong tatawag sainyo para mag update’, pangako niya kung kayat nakuha niya ang suporta nito. Tinulungan pa siya nitong mag-impake sa kanyang ibang gamit hanggang sa pagsakay nito sa kanyang sasakyan. Niyakap pa siya nito bago siy lumulan sa sasakyan at tulungang umalis. Pagkaraan ng mahigit isang oras sa daan ay narating din ni Danielle ang address sa calling card na binigay ni Wolverine. Isa itong exclusive village sa isang mataas na lugar at bilang lamang ang mga nakatayong bahay dito. Magkakalayo ang mga bahay kung kayat napakaaliwalas at tahimik ang paligid. Habang tinutuntun niya ang bahay ng kanyang boss ay napapahanga siya sa napakagandang view, para din kasi siyang umaakyat sa baguio dahil sa kabaling side ng kalsada ay natatanaw ang congested na Maynila. Pagkaraan ng ilang minute ay itinigil na niya ang kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay. Hindi niya masyadong makita ang hitsura ng bahay sapagkat may kataasan ang gate at may mga naglalakihang mga halaman din sa harap. Pinakiramdaman niya ang paligid, kung may magbubukas sa gate ngunit tila walang tao sa loob kung kayat kinuha niya ng cellphone at idinial ang numero ni Wolverine na nakalagay sa ibinigay na card. “Hello!”, baritono ang boses na sumagot. ‘Good afternoon, sir, si Danielle po ito”, turan niya. ‘Yes, where are you?”, mula sa seryosong pag “hello” nito kanina ay tila nagkaroon ng buhay ang tono nito. “Nasa harap na po ako ng bahay niyo sir, pero wala naman po atang tao?’, saad niya sabay silip sa bintana. “Oh, okey! Pwede ka nang pumasok, ipasok mo na rin ang saakyan mo sa loob”, saad ng nasa kabilang linya kasabay ng unti unting pagbukas ng gate. Naaamazed siya sa biglaang pagbukas ng gate kung kayat hindi niya napigilang matawa. ‘Is there any problem?”, narinig niyang turan ng nasa kabilang linya kung kayat nakimkm niya ang kanyang bibig. “Wala po sir, papasok na po ako. Salamat!”, pahayag niya at pagkatapos ay pinindot na niya ang end button ng phone at pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan para ipasok sa nakabukas na gate. Hinanap pa niya kung may taong nagbukas dito ngunit naipark na niya ang sasakyan at nakalabas na rin ngunit wala naman siyang makitang tao sa paligid. Namangha siya sa ganda ng design ng bahay maging maging ang mga halaham nito sa paligid. “Get inside!”, narinig niyang turan ng kanyang amo mula sa kung saan. Nagpalinga linga siya habang hinahanap kung nasaan yung nagsalita ngunit wala siyang makitang tao sa paligid. Ngunit sinunod niya ang utos nito kung kayat hila hila ang maleta ay tinungo ang nakitang pintuan ng bahay. Nakaclose iyon ngunit ng makalapit siya ay agad iyong bumukas at tumambad sa kanyang mata ang napakaaliwalas na entrance hall. Sa kaliwang banda ay naroon ang napakagandang hagdanan at sa kanan naman ay ang napakawelcoming na living room. Walang maraming abubot ang bahay, simple lamang ang nakakabit ngunit sobrang elegante ang dating. “What keeps you so long? Kanina pa ako nandito”, mula sa may hagdan ay pababa si Wolverine. Nakablack shirt ito na hapit sa katawan at tinernuhan ng black board shorts kung kayat naging atheletic ang aura nito sa kanyang paningin. Bagong ligo din ito kung kayat humahalimuyak ang amoy ng ginamit na sabon. “Ah…pasiensiya na sir, may dinaanan lang kasi ako”, saad niya na nagising mula sa pagkamesmerized dito. “Okey, akala ko nagback out kana. Anyway, pasok ka!”, turan ng binata at iginaya siya sa living room. “Salamat sir!”, pahayag niya dito at sumenyas lang ito sa kanya upang maupo. “Bale dalawa lang tayo sa bahay sa ngayon, yung caretaker ko pumupunta lang siya twice a week para maglinis. Yung room ko nasa taas, I have also my study room there kaya bihira akong nasa baba kaya ibibigay ko saiyo ang whole first floor to be your space. Nandiyan lang din ang kitchen, the fridge is full. You can get and cook whatever food you want. Nandiyan din sa side ang swimming pool, pwede kang magswim kung gusto mo. Lahat pwede mong gawin as long as hindi nakakadisturb at hindi affected ang trabaho.”, turan ng binata habang tinutour siya sa ibabang bahagi ng bahay nito. Panay naman ang kanyang pagtango habang naamazed siya dito. Hindi niya alam kung dahil sa sinasabi nito o dahil napakacharming nito at sobrang bango. ‘May isa palang hindi mo pwedeng gawin”, bigla itong lumingon sa kanya at muntik siyang mapatalon sa gulat. ‘Ano po yun sir?”, pasimpleng pahayag niya dito. “No girlfriends allowed in this house!”, turan ng binata at napakunot noo siya. “Do you have girlfriend?”, saad nito ng makita ang pagkunot ng kanyang noo. “Of course!”, sagot niya thinking of her three girlfriends. Tila nagulat ang binata sa sagot niya ngunit nagpakawala din ng isang nakakakong ngiti pagkatapos. “Really? How many girlfriends do you have?”, tila naamzed nitong saad. “Tatlo lang naman”, pahayag niya at tumawa ang kanyang kaharap. “Woow!”, saad nito habang kumikislap ang mata sa tuwa. Napaisip naman ang dalaga kung ano ang nakakawow sa pagkakaroon niya ng tatlong kaibigan, tuloy pumasok sa kanyang isip na wala itong kaibigan kahit isa. “Anyway! I don’t mind if you have lots of girlfriends basta they are not allowed to enter in the house!’, saad ng binata sat tumango siya. “Loud and clear sir,” turan niya dito at tumango tango iyon. “Okey, sapalagay ko maliwanag naman ang ating house rule. Pwede ka nang pumuasok sa room mo at magpahinga. Kung nagugutom ka punta ka lang sa kitchen at kumain. Sa taas na rin ako, at bukas na tayo magkita. I’ll be ready at six o’clock sharp.”, saad ng binata at nagbow siya dito. “Sige sir, salamat po”, pahayag niya sa binata bago tinungo ang hagdan. Nangmawala na ito sa kanyang paningin ay saka naman siya gumalaw upang hilahin ang maleta at tumungo sa itinuro nitong magiging kwarto niya kaninana. Hindi na siya nagtaka kung maganda ang kanyang magiging kuwarto, mas maluwang lamang ang kanyang kuwarto sa kanilang mansion ngunit halos magkaelegante lamang din ang mga ito. Napakalambot ng kama at mayroon ding sariling banyo na gusting gusto niya. Mahilig din kasi siyang magbabad sa tubig ung kayat natutuwa siyang may bath tub ding nakalagay doon. Pagkatapos mainspect ang buong kuwarto ay inilabas niya ang mga damit at masinop niyang nilagay sa closet ang mga ito pagkatapos ay pumasok sa banyo at naglunoy nga sa masarap na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD