Chapter2

1772 Words
Halos hindi maipinta ang mukha ni Wolverine De Villa nang sabihin ng ama na may napipintuho itong babae para sa kanya. Sa edad niyang bente ocho ay ngayon lang nagsuggest ng babae ang kanyang ama. “What the hell, dad?”, hindi niya mapigilang turan sa ama. ‘Why don’t you try first iho, besides he is my kumpadre’s daughter nang hindi kung sino sino ang dumidikit saiyong dalaga?”, pahayag ng ama at sarkastikong napatawa ang binata. “Dad? Pati ba naman ang personal affairs ko pakikialaman niyo pa?”, hindi makapaniwalang pahayag niya sa ama. “Bakit hindi? kung yun ang nakakabuti saiyo?”, turan ng ama at naitaas niya ang kanyang kamay. “This is absurd! I’m going, marami akong trabaho sa upisina”, pahayag niya habang tuluyang tumayo mula sa kinauupuan. “Woleverine!”, saad ng ama ngunit iwinagayway lang niya ang kamay at tuloy tuloy nang lumabas sa komedor. “Honey, hayaan mo na ang anak mo”, saway ni Patricia De Villa sa asawa. Sobrang allergy ng anak ang pinakikialaman lalong lalo na ang personal affairs nito. Isa pa Wolverine is almost perfect lalo na sa pagmamanage ng kanilang negosyo at maging sa relasyon nilang mag-anak. Nag iisang anak nila ito ngunit disiplinado at responsible. ‘I just want the best for him, honey.”, napabuntunginingang pahayag ni Walter De Villa sa asawa. Wala naman siyang reklamo sa anak, ngunit kung pipili lang naman ito para dito ay gugustuhin niyang ang kilala na ng kanilang pamilya. Isa pa hindi lang basta basta ang pamilya ng kanyang kumpadre dahil ito ang nagmamay-ari ng pinakasikat na pagawaan ng sasakyan sa buong Pilipinas. Wolverine's Tower. “O ano, alam mo na ang gagagwin? Basta dito ka lang sa lobby sa baba, bilis bilisan ang kilos. Kailangan bago mag alas ocho ay malinis ang lobby sa baba, naiintindihan?”, pag iinstruct ng team leader ng mga utility sa Wolverine’s. Panay naman ang tango ni Danielle sapagkat para sa kanya ay madali lang ang kanyang gagawin. Mop mop lang at walis walis, although hindi niya iyon ginagawa sa kanilang mansiyon ay sigurado naman siyang hindi iyon mahirap gawin. “Kung ganon, kumuha ka na ng timba sa loob, ganun din ang mop at walis. Pati detergent diyan sa cabinet, alagaan mo ang mga iyan dahil matatagalan ka pa ulit bigyan ng bagong gamit”, turan ng team leader at tumango na naman siya ulit bago sumunod sa instruction nito. Kumuha nga siya ng timba at nilagyan ng tubig, binuhusan din ng detergent at binitbit iyon patungo sa lobby. Maraming palapag ang wolverine tower ngunit sa baba siya nakaasign. Ibinuro niya ang mop sa timbang may sabon at pagkatapos ay nagsimula na siyang mag mop. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay parang hindi niya masundan kung paano ang paggamit ng mop. Hindi niya makuha ang tamang stroke nito kung kayat ang ginawa niya ay tulak tulak ang mop habang pabalik balik na palakad lakad sa lobby. Dun niya napagtanto na hindi pala ganon kasimple ang trabahong iyon na kung siya ang tumitingin ay para naming ang dali dali. “I just enter in the building; I’ll send feedback as long as I see it. Yes, that’s why I came to office early. Alright, I’ll hang on!”, maagang pumasok si Wolverine sa kanyang office sapagkat napakarami ng nakabinbing trabaho sa kanyang table. He was out of the country for five days kung kayat napakarami ang tumatawag sa kanya upang magfollow up. Hindi naman niya basta iignore ang mga iyon sapagkat mga cliente nila ang mga ito. He is the current CEO of the Wolverines Corporation, ang nag iisang distributor ng mga mamahaling sasakyan sa buong Pilipinas. Originally it was his father’s position ngunit naglilow ang ama at nagfocus sa iba nilang negosyo. Tinungo niya agad ang elevator, nasa top floor ang kanyang upisana at ilang minuto rin ang kanyang lalakbayin dahil nasa 25 ang palapag ng kanilang tower. The tower was named after him, mga ilang taon pa lang daw kasi ang binata noong maitayo ang Wolverines Tower. Ang pangalan naman niya ay hango sa X-men kung saan favorite ng kanyang ama ang x-men na si Wolverine. Medyo hinintay niya ang pababang elevator, mas may maaga pa pala sa kanyang pumasok at pumunta sa taas. Habang naghihintay ay pakumpas kumpas ang kanyang kamay ng biglang may bumangga sa kanyang paa. Pagtingin niya dito ay isang basang mop ang nakapatong sa kanyang makintab na sapatos. Napakunot noo siya, lalo at tumutulo ang mop at ramdam niyang pumasok ang tubig sa loob ng kanyang sapatos. Tinignan niya ang may sala, nakangiti pa iyon na parang enjoy na enjoy sa ginagawa ngunit natigil lang ng bumangga ang gamit nitong mop sa kanyang sapatos. Hindi niya kilala ang may hawak ng mop, ngayon lang niya nakita ito at hindi rin ito nakauniform. Nakasuot ito ng maluwang na t-shirt na kulay itim at maluwang na jeans at mamahaling rubber shoes. Hindi niya makita ang mukha nito sapagkat nakasuot din ito ng branded na cap. Hindi niya alam kung janitor ito o pumasok lang sa kanilang building upang maglaro. “Aww! Sorry po!”, saad nito ng makita ang ginawa. Tiniklop pa nito ang dalawang kamay at nagbow sa kanya. “Are you blind? Look what you’ve done!”, iritadong pahayag niya dito. Mukhang bagong salta nga ito sa tower at mukhang hindi siya kilala. “Pasensiya na sir, hindi ko po kayo napansin. Sorry talaga.”, paghingi ni Danielle ng paumanhin sa lalaki kasabay ng pag-angat niya ng mukha. Nakakunot ang noo ng kaharap ngunit ang nakaagaw ng kanyang atensiyon ay ang labis na kagwapuhan nito. Mukhang arabian ang feature nito dahil sa makapal na kilay at tila balbas sa mukha na well shaved kung kayat mukhang presko at mabango. Hindi niya napigilang napangiti, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natuwa sa lalaki. “What are you smiling for?”,iritadong pahayag ni Wolverine sa babaeng kaharap. Bigla itong natigilan habang nakatingin sa kanya at pagkatapos ay biglang napangiti na parang wala sa sarili. “Ah…wala po sir. Ano pong size ng shoes niyo, papalitan ko na lamang po”, pahayag nito habang hindi maalis sa labi ang pagkakangiti. “Seriously?”, hindi makapaniwalang turan niya dito. Alam ba ng babaing ito kung magkano ang suot niyang sapatos? “Yes sir, ano pong size niyo para maipadeliver ko na?”, tila hibang na saad ni Danielle habang nakangiti. Kahit kasi halatang naiinis ang lalaki ay cute na cute pa rin sa kanyang mata. Hindi naman makapaniwala si Wolverine sa kaharap kung kayat napailing na lamang siyang tumalikod at hinarap ang elevator. Ngunit mabilis na gumalaw ang babae upang buksan ang elevator para sa kanya. “Sa taas po kayo sir? Maligayang paglulan sa elevator sir.” Nakangiting pahayag nito habang iginaya ang mga kamay sa loob ng elevator. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay sarkastikong ngumiti habang inihakbang ang paa papasok sa elevator. Agad nitong isinara ngunit bago pa man magclose iyon ay sumaludo pa ito sa kanya. “What the hell!”, hindi mapigilang saad ni Wolverine sa sarili. Aminado naman siyang maraming humahanga sa kanya ngunit kakaiba ang nakita niya sa babae, mukhang lokaret na hindi niya maintindihan. Shes cute, pero boyish ang aura nito kung kayat nagulat din siya sa sarili na nagpakita ito ng paghanga sa kanya. “Hoy, ne! anong nginingiti ngiti mo diyan?”, isang kasamahan ni Danielle ang hindi niya namalayang lumapit sa kinatatayuan niya. Sobrang natutuwa siya sa lalaking pumasok sa elevator at nakikinita pa niya ang hitsura nitong halos allergy ang kanyang pagkakangiti dito. “Wala po, manong! Natuwa lang po ako sa taong pumasok sa elevator.’, nakangiti niyang baling sa medyo may katandaang kasamahan niya. “Aba’y marami ka talagang makikitang magaganda dito ne, crush mo yun noh?”, biglang biro ng matanda sa kanya at napaubo siya sa sinabi nito. Maganda? OMG hindi pa nga siya nagkakacrush tapos sa babae pa? Napagkamalan siyang tibo ng matanda. “Ae, hehehe. Hindi naman manong, natuwa lang po ako sa kasungitan niya”, saad niya kung kayat mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng matanda. Tinapik pa siya nito sa balikat at pagkatapos ay inaya siyang ipagpatuloy ang kanilang paglilinis. “O siya, sige ne. Tapusin na natin ito at pagkatapos ay maglilinis tayo ng mga CR.”, saad nito at biglang lumaki ag kanyang mga mata. “CR? As in comfort room?”, di niya napigilang iispell out sa matanda. ‘Oo, CR! Comfort room, palahiian ganon”, saad ng matanda. ‘Seryoso?”, wala sa sariling pahayag niya at napahinto ang matanda saka humarap sa kanya. “Aba’y saan ka ba nanggaling at tila gulat na gulat kang maglinis ng kubeta?”, turan nito at nakagat niya ang kanyang labi. “Ah…oo nga pala. Sige manong, maglilinis po tayo ng kubeta”, pasimpleng natampal niya ang kanyang noo pagkatapos ay inilagay ginaya niya ang matandang inilagay sa balikat ang hawakan ng mop. Pagkatapos nilang imop ang lobby ay iginaya siya ni Manong sa mga CR ng ground floor. Naglagay ng panyo ang matanda sa mukha kung kayat pati siya ay nakigaya. Malinis naman ang mga CR’s ng Wolverine Tower kung kayat hndi siya masyadong nandiri, pero siyempre papikit pikit pa siya noong una dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya naglilinis ng CR kahit ang sarili niyang banyo sa bahay. Nakahinga siya ng maluwang ng matapos nilang malinis ang hindi baba sa sampung CR sa ground floor. Tagatak din ang kanyang pawis at tuwang tuwa siya dahil ngayon lang ulit sya pinagpawisan ng sobra. “Linis ka muna ng mga kamay ne, bago tayo magmiryenda”, saad ng kasama at nakangiti siyang tumango dito. “Palit lang ako ng damit manong, sunod po ako sa canteen”, pahayag niya at tumango iyon. Tinungo niya ang parking lot kung saan nakapark ang old model niyang sasakyan. Actually, marami siyang mas bagong sasakyan, iba ibang mamahaling brand ngunit itong old model ang binigay ng kanyang ama na kanyang gagamitin. Pati cellphone, atm at credit card niya ay confiscated rin kung kayat hindi siya nakakabalita sa kanyang mga kaibigan. Buti na lamang at palihim na binigyan siya ng isang bundle na pera ng kanyang ina, kug hindi talagang sa kalsada siya pupulutin. May balak ata ang kanyang ama na gawin siyang taong grasa o di naman kaya ay pulubi na palakad lakad sa kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD