Chapter 3

1262 Words
Pumasok siya sa kanyang sasakyan, kahit old model iyon ay wala pa ring binatbat ang mga bagong labas dahil bukod sa napakaganda pa ang andar ay personalized din ito kagaya ng iba. Kumuha siya ng pampalit na tshrt sa animoy cabinet sa back seat at doon na rin siya nagpalit. Siyempre tinted yun kung kayat kahit magtanggal sya ng damit ay hindi siya nakikita sa labas. Paglabas niya ay halos preskong preko na naman ulit ang kanyang pakiramdam, itinali ang may kahabaang buhok at pinalitan ang nooy pawisang cap, nagwisik ng konting pabango at tuluyang bumaba. Sa bango at linis niyang tignan, sinong mag aakalang isa siyang janitor? “Manong, tara na po sa canteen”, turan niya sa matandang kasama ng makita niya itong nakaupo sa may bench sa ilalam ng puno. “Uy, ikaw pala yan ne! Naku hindi kita nakilala at ang bango bango mo pa?”, saad ng matanda at napatawa siya. “Tara na po sa canteen, nagpalit lang ako ng damit dahil basang basa ako sa pawis”, turan niya dito. “Ah, ganon ba? Kala ko kung magquiquit kana, sa tindig mong yan bakit kasi janitor pa ang naisipan mong pasukan?”, pahayag nito at tinawanan na lang niya ulit ito. “Naku hindi po, itatakwil ako ng daddy kung magququit ako”, turan niya ngunit naitakip niya ang kanyang kamay sa labi ng marealized ang sinabi. “Ang ibig kong sabihin ay… mahirap pong pumasok sa trabaho , manong”, pasimpleng kabig niya at tumango ang matanda kahit hindi aminado ang mukha sa tinuran niya. “Sige ne, magmiryenda kana doon habang may oras pa”, saad ng matanda na inginuso ang kinaroroonan ng canteen. “Kayo ho?”, turan niya dito. “Hindi na, uminom na ako ng tubig.”, saad ng matanda sabay pakita sa hawak nitong plastic bottle. “Ay bakit po, nagdidiet po ba kayo?”, biro niya dito at natawa iyon sa kanyang sinabi. “Hindi ne, tipid tipid muna ngayon malayo pa ang sahuran”, pahayag ng matanda. Lihim naman siyang napalunok, tila napahiya siya sa pambibiro niya dito tungkol sa diet. “Ganito na lamang po, samahan niyo na lamang po ako doon at ako na po ang bahala sa miryenda natin.”, maya maya ay nakangiting pahayag niya. “Huwag na ne, magtipid ka isipin mo kung may gagastahin ka pa bukas o makalawa”, saad nito at lalo siyang tinubuan ng pagkakonsensiya, tuloy parang ayaw na niyang pumunta sa canteen at magmiryenda. “Sige po, dito na lamang muna ako, mamaya na lamang po tayong kakain”, saad niya pagkatapos ay naupo sa nailing na matanda. Pagsapit ng hapon ay ramdam niya ang kakaibang pagod ng kanyag katawan lalo na ng ipinahinga niya ang kaunti ang katawan sa loob ng kanyang sasakyan bago umalis sa Wolverine Tower at umuwi sa inupahang apartment na hindi masyadong kalayuan sa pinapasukan. Isinusuksuk pa lamang niya ang sus isa kanyang 1 bedroom apartment ay bumukas na iyon at tumambad sa kanyang harapan si Yaya Ninay. ‘Yaya!”, nagulat man ngunit napayakap siya sa matanda sa sobrang saya pagkakita dito. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanya mula sa kanyang pagkabata. “Bakit po kayo nandito?”, excited niyang tanong sa matanda. Ngunit hindi pa iyon nakakasagot ng lumitaw ang ina sa may likuran ng kanyang yaya. “Mom! Nandito ka rin?”, hindi makapaniwalang saad niya sa ina, kumalas siya sa kanyang yaya at niyakap ang ina kasabay ng pagbigay ng halik sa pisngi nito. “Gusto kong malaman kung kumsta ang first day mo sa trabaho anak, hindi ka ba nahirapan?”, saad nito na tila inispect ang buo niyang katawan kung kayat natawa siya dito. “So easy mom, kayang kaya”, saad niya sa ina ngunit tinignan lang siya nito na tila ba nanantiya. “Kumain ka ba kaninang tanghali?”, tanong nito at tumango siya habang inalala ang inulam niyang adobong baboy at gulay. First time niyang kumain sa mga pipitiyuging canteen ngunit nasarapan din naman siya sa kanyang kinain. “Anong kinain mo?”, tanong ulit ng ina. “Ah, budget meal something like adobong baboy and gulay”, saad niya sa ina. “Nagmiryenda ka?”, pag iibestiga ng ina at tumawa si Danielle dito. “Oo naman, dalawang order ng pancit at coke”, saad niyang natatawa sapagkat ngayon lang din siya nakakain ng pansit na napakaraming gulay. Napabuntunghininga ang ina. Marami pang mga katanungan nito ngunit naitakip ang kamay sa bibig ng banggitin niyang naglinis siya ng CR. “Serously? Pinalinis ka ng comfort room? My God! Hindi ko kaya ang pinapagawa saiyo anak, umuwi ka na. Kakausapin ko ang daddy mo”, turan ng kanyang ina habang sapo ang ulo. “I’m okey mom, saka first day pa lang naman. Masasanay din po ako.”, pag aalo niya sa ina at umiling iling iyon. “Hindi ko maimagine na ginagawa mo yan anak”, halos maluha luhang pahayag ng ginang ngunit hinawakan ni Danielle ang kamay ng ina at ngumiti dito. “You’ll soon be proud of me mom. Tsaka ayaw kong madisaappoint ulit saakin si daddy, I can do it!”, turan niya sa ina at tinapik tapik ng ina ang kanyang kamay na nakahawak dito. “Sige, pero kung mahirapan ka huwag kang mag atubiling umuwi”, saad ng ina at nakangiting tumago siya dito. “Maiiwan si yaya dito para may mag asikaso saiyo, baka mapabayaan mo ang sarili mo!”, pahayag ng ina pagkatapos. Magpoprotesta sana siya ngunit alam niyang ipipilit ng ina ang gusto kung kayat pumayag na siyang maiwan si yaya kasama niya. ‘Thank you, mommy. I love you!”, saad niya sa ina ng magpasiyang umuwi na sa kanilang mansion ang ina. “Take care of yourself, okey? Before I forget, get this phone para makumusta kita kahit anong oras”, turan ng ina sabay abot sa kanya ng cellphone. Natawa si Danielle ng makita ang de keypad na cp. “Mom, anong gagawin ko dito? Kahit magnanakaw ayaw nilang kunin to”, saad ng ina at napasimangot iyon. “By now, strict ang dad mo na no cellphone saiyo kaya pagtiyagaan mo na yan. Anyway, ang gusto ko lang naman ay makausap ka kahit anong oras”, saad ng ina at tumango na lamang siya dito. “Yaya, ikaw na ang bahala sa alaga mo ha? Lutuan mo siya ng baon niyang pagkain at hindi kung ano ano ang kanyang kinakain baka magkasakit”, baling ng kanyang ina kay Yaya Ninay. “Opo ma’am, ako na po ang bahala kay Daniela”, masiglang sagot naman ng kanyang yaya habang pasimpleng kumindat sa kanya. “Bueno, ako’y aalis na baka nasa bahay na si Eduardo.”, turan ng kanyang ina sabay bitbit ng kanyang mamahaling bag. Binigyan siya ng halik sa pisngi at pagkatapos ay lumabas na sa pintuan ng apartment. Si Yaya Ninay na ang naghatid dito sapagkat baka maiyak ang ina kapag makikita siyang maiiwan. Tinanaw na lamang niya ito mula sa may bintana at napabuntung hininga na lamang siya ng makaalis ang sasakyan nito. Nang hindi na makita sang ssakyan ng ina sa kawalan ay pumasok siya sa kanyag kuwarto upang maligo, pawisan siya ng maghapon at kung ano anong dumi ang kanilang naeencounter kung kayat kailangan niya ng bonggang ligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD