Confrontation

2590 Words
Chapter THREE I have my ways. I have my ways. I have my ways. Paulit ulit na umaaligawngaw iyan sa aking isipan. " Oo nga pala anak hindi pwedeng malaman ni YNA ang usapan natin. Wala siyang alam na kinausap kita para makipag break ka kay Sean." sabi pa ni mama sa akin. " So wala pala syang alam, pero mama paano mo nalaman na gusto ni Yna si Sean?" kunut noong tanong ko. " Lately ko na lang din nalaman baby girl, sa diary ng kapatid mo nabasa ko ng hindi sinasadya. I'm sorry anak pero mahal na mahal din ng kapatid mo si Sean since high school days pareho sila ng alma mater right? " dugtong pa ni mama. "Ma, paano ako??? " natigilan si mama sa aking tanong. "Anak alam ko mahal na mahal mo si Sean nakikita ko yan sa mga mata mo kapag naikukwento mo siya sa akin ramdam ko rin kapag kausap kita sa phone. Pero please anak alam kong masakit but please for your sister, please baby girl. You have a lifetime to show him how much you love him, but Yna only have a year or less than a year. Please bear with the pain. I know its too much to ask baby gIrl, but I'm begging you." puno ng pagmamakaawa niyang sabi sa akin. Sasagot sana ako ng marinig ko ang boses ni papa. " Yanyan." tawag ni papa sa akin. Humarap ako sa kanya. Nagulat ako kay papa ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Gaano na ba katagal since nung magkita kame? ohhhh its almost a month na pala sa phone lang kame nagkakausap. But I miss papa too, pati ang pagtawag niya ng yanyan sa akin. Namiss ko, siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng ganoon. " Papa, how are you??" tanong ko sa kanya ng bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. " Kanina ka pa ba dito??" tanong niya rin sa akin. I nod in agreement. "No matter what happen anak, I know you will understand everything and anything. Please for your sister sake agree with the arrangement." papa said . I don't know what to say. As I look into my father eyes, I only feel jealousy, for Yna. Napakaswerte niya talaga. Lahat na yata ng bagay na gusto ko ibinigay na sa kanya. Hindi na niya kailangang magpapansin at mahirapan dahil kusa iyong ibinibigay sa kanya. " Pumapayag na ako papa, thats why I'm here. In one condition —————- Nakita kung papaano kumunot ang noo ni papa." And what is that??" tanong niya sa akin. " She will go to Paris, hon. " sabi ni mama kay papa. " WHAT!!!!?" sigaw ni papa."Hindi pwede Yanna hindi ka aalis." pagmamatigas ni papa. "Papa, please I want to go there to fulfill my dreams, and to...—————- "Get away from here, Am I right yanyan?" dugtong ni papa sinasabi ko.. Natahimik akong bigla.Tama naman talaga si papa, gusto ko tumakas. Gusto kong mabawasan yung sakit na unti unti ko ng nararamdaman kahit hindi ko pa nasasabi kay Sean ang lahat. Paano niya tatanggapin ang katotohanan? 3 years, for christ sake!!!! siya lang ang nagparamdam na mahalaga ako, na mahal na mahal niya ko. Siya lang ang taong hindi naakit kay Yna, samantalang kung tutuusin mas maganda naman talaga sa akin ang kapatid ko. Para kaming araw at gabi sa kaibahan, opposite kame magkapatid. "4 years siya sa Paris, hon." dagdag pa ni Mama. "WHAT!!!" napasigaw ulit si papa lalo na ng marinig iyon kay mama. Tiningnan niya ako ng mabuti at napailing na lang ng makita niya na determinado ako. " You know what anak, ayoko man talaga sa gusto mo mangyari, wala naman kami choice di ba? Sa tingin ko sayo na kapag decide ka na para sa sarili mo na naman. Your so independent to the point na I don't like it." sabi ni papa sa akin. "Good, its settle then hon. I'm going to talk to Sean parents about this on the phone, ok? I heard nasa convention si Sean at bukas pa ang balik dito sa manila." sabay alis niya sa harap ni papa at pumasok sa living room. "I know this is too much to ask from you, anak. I know masakit para sayo, but I have no doubt na papayag ka because I know YOU HAVE A BIG HEART, ANAK. Hindi ko man nasasabi at napaparamdam sayo but Im very proud of you, sa lahat ng achievements mo akala mo ba hindi ko alam lahat ng ginagawa mo, alam ko lahat anak dahil kahit anong mangyari mahal na mahal kita. DONT COMPARE YOURSELF TO YNA. You have your own identity , I know I'm one of the reason kung bakit you have many insecurities to yourself dahil lagi si Yna ang napupuri ko at na cocompare kita sa kanya, and I'm sorry if I do that sometimes. I mean a lot of times but I love you both."mahabang sabi ni papa sa akin. " I love you too papa and I miss this." sabay yakap sa kanya ng mahigpit. ============================= (fast forward) Nang matapos ang dinner sa bahay, umuwi na ako sa condo para makapagpahinga. Hindi ko nakita si Yna dahil na kay na lola siya, nagbakasyon na 2 days at kinabukasan pa daw makakabalik sabi ni mama sa akin, pinapatulog nga ako sa bahay kaso ayaw ko lang dahil maaga pa pasok ko bukas ayaw ko naman na ma late dahil marami kaming gagawin ng kagrupo ko bukas tungkol sa thesis namin. Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng condo nagulat ako ng makita ko si Sean. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa single sofa ko at diretso na lumapit sa akin, hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Totoo ba? Ñina sumagot ka totoo ba?!!!" malakas na sigaw niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot dahil ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. "Bakit nandito ka na??? Hindi ba bukas pa dapat ang dating mo??" tanong ko naman sa kanya. Halos magtunugan ang ngipin nya sa sobrang gigil nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, hindi pa ko handa sa confrontation na ito. Natatakot ako na baka hindi ko matupad ang aking pangako sa aking mga magulang. But this is for Yna's sake, para sa kanya itong gagawin ko. Nang tingnan ko siya napansin ko na naka amerikana pa siya, siguro nagmadali siyang umuwi para lang makausap ako, halos bakas ang kapaguran sa kanyang mga mukha. "Sagutin mo ang tanong Niña, totoo ba??? Na ipamimigay mo ako sa kapatid mo!! No let me rephrase it Ipahihiram mo ako sa kapatid mo!! Anong akala mo sa akin?!! ninyo sa akin? Bagay na pwedeng ipahiram o ipamigay!! Bullshit!!" halos maputol ang ugat niya sa leeg sa pagsigaw niya. " Sean, please try to understand may sakit ang kapatid ko. Ayoko man sa mangyayari pero may choice ba ako? Buhay ng kapatid ko ang pinag uusapan natin dito. Kapatid ko yon kahit anong mangyari magkadugo kami. Gusto kong maging selfish dahil sayo. Pero anong klase naman akong tao kung ipagkakait ko sa kanya yun. Yung kaunting panahon na gusto ka niyang makasama. Akala mo ba hindi masakit para sa akin, halos naririnig ko pa lang sa bibig ni mama iyon. Hindi na ako makahinga dahil alam mo naman na IKAW LANG, IKAW, LANG ANG BUHAY KO." naramdaman ko na lang wala na pala tigil sa pagpatak ang aking mga luha. s**t!! gusto ko siyang yakapin pero halos manliit ako sa tingin na ibinibigay nya sa akin, napakalamig at walang emosyon. "So this is the end! Goodbye, ganoon ba, Niña?!!! For Christ sake 3 years. Itatapon mo lahat iyon ng ganun ganun lang!! You decided for yourself!! Naisip mo man lang ba kung papayag ako sa punyetang arrangement na iyon?! s**t!! 3 f*****g years! You know what? sige break na tayo!! Ito ang gusto mo hindi ba? Sige ibibigay ko sa iyo!! Pero huwag kang umasa na babalikan pa kita!" sigaw nya pa sa akin habang hawak nya ng mahigpit ang mga braso ko.." I will marry your sister, Yanna. And I will forget everything about you!! about us!! " dagdag pa nya. Binitawan nya ang braso ko at naglakad papunta sa pintuan pero bago siya lumabas nagsalita pa siya..."This is what you want, right? Don't you ever blame me if I fall in love with your sister!!" at tuluyan syang umalis sinarado nya ang pintuan ng condo na halos masira na ito. I dont know what to say, gusto ko siyang habulin at bawiin lahat ng sinabi ko pero naisip ko mas mabuti na ang ganito.. pero ang sakit, ang sakit sakit..Shit!! tao lang ako, gusto kong magalit sa kanila pero hindi ko magawa. Gusto kong magalit kay Yna, pero hindi ko kaya, dahil kapatid ko pa rin siya. I will marry your sister. I will marry your sister. I will marry your sister. Don't blame me If I fall in love with your sister!! Don't blame me If I fall in love with your sister!! Don't blame me If I fall in love with your sister!! Naririnig ko pa yan sa isipan ko na parang echo na paulit ulit. Iyak ako ng iyak hanggang sa nakatulog na pala ako sa sofa. SEAN POV Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ng mama ko sa phone. Kaya agad akong umalis para makabalik ako agad sa manila para makausap si Niña ng mabuti, bukas pa dapat ang balik ko pero dahil mahalaga ang pag uusapan namin ibinilin ko na lang sa secretary ko na siya ng bahala sa iba pang papeles if kailangan ng signature ko, she will just have to email me. Nandito na ako ngayon sa harap ng condo niya, nag doorbell ako pero mukhang wala pa siya dito kaya binuksan ko na lang ng duplicate key ko sa condo nya. s**t!! Galit na galit ako!! Para kasi akong bagay na basta na lang hinihingi sa tabi tabi. Ang mas masakit pa. Pumayag siya, I can't believe this!! flashback———————- "Sir, excuse me po nasa line 2 po ang mother niyo."sabi ng secretary ko na si Ellaine. "Ok, I'll take the call, gentlemen please excuse me and please procede Mr. Sy." sabay tayo ko at labas ng boardroom. Nasa kalagitnaan kasi kami ng meeting para sa bagong project ng mall na itatayo namin.Nandito ako sa Cebu ngayon para na rin sa convention. Mukhang importante ang sasabihin ni mama dahil inistorbo niya ko sa meeting ko, bihirang mangyari ito unless na lang kung may emergency. "Yes Ma, Bakit ka napatawag."tanong ko kay mama. "Anak, tuloy na ang arrange marriage mo . " bungad ni mama sa akin. "What!!!!" sigaw ko sa kabilang linya..."No mama, alam niyo ang sagot ko dyan hindi pwede alam niyong may girlfriend ako at kapatid siya ni Yna siya lang ang pakakasalan ko. Pwede naman matuloy ang partnership ng company natin sa kanila di ba dahil Araneta din naman si Yanna. " "Pero anak, pumayag na si Yanna——————————— and iho, Yna is sick and dying .Brain tumor ang sakit nya."sabi pa ni mama. "Yna is sick!! what the f**k!! Anong kaugnayan namin diyan ni Yanna?!" "Gusto ka niyang makasama sa huling sandali ng buhay niya anak. She's in love with you. Ever since, pero si Yanna ang mahal mo. I don' t know how to say this anak. Let me say this right. Gusto ka niyang hiramin kay Yanna and if she dies————— You can love Yanna again." mama said to me. "What!! Ano ba ang tingin niyo sa akin? Bagay na pwedeng hiramin at isasauli sa may ari kapag nagsawa na!! s**t!! tao ako, tao ako, Mama!! Hindi ako makapaniwalang nagpapayag nila si Yanna. Emotional blackmail ang ginawa nila sa kanya. You know how much she love her sister despite of everything, despite the insecurities for Yna. Im going back to manila now Mama, see you soon. I'll talk to her, bye Ma." "Ok iho, but please understand . Mahirap rin para kay Yanna ang lahat. I love her too you know that, she's like a daughter to me, take care anak." that's the last thing she said bago maputol ang tawag. I don't know how to feel galit na galit ako kay Yanna, nag decide siya sa relationship namin for herself. Hindi man lang niya ako tinanong sa desisyon ko. IPAHIRAM!!!! WHAT THE f**k!!! TAMA EMOTIONAL BLACKMAIL ANG GINAWA NILA KAY YANNA, TAMA KAILANGAN NAMING MAG USAP. Usal ko sa aking sarili. Nang makita ko na si Niña, god knows how much I miss her gusto ko siyang yakapin pero mas nauuna ang galit ko kaya dali dali ko siyang nilapitan at tinanong. "Totoo ba? Ñina sumagot ka totoo ba!!? " tanong ko sa kanya kitang kita ko kung paano siya matigilan at mawalan ng kulay ang mukha niya ng makita niya ako. "Bakit nandito ka na??? Di ba bukas pa dapat ang dating mo??" sagot naman nya. "Sagutin mo ang tanong Niña, totoo ba??? Na ipamimigay mo ako sa kapatid mo!! No let me rephrase it Ipahihiram mo ako sa kapatid mo!! Anong akala mo sa akin?!! ninyo sa akin? Bagay na pwedeng ipahiram o ipamigay!! Bullshit!!" halos maputol ang ugat ko sa pagsigaw ko sa kanya.. s**t !!! naawa ako sa itsura nya pero damshit!!! bakit kailangan niyang gawin ito? " Sean, please try to understand may sakit ang kapatid ko. Ayoko man sa mangyayari pero may choice ba ako? Buhay ng kapatid ko ang pinag uusapan natin dito. Kapatid ko yon kahit anong mangyari magkadugo kami. Gusto kong maging selfish dahil sayo. Pero anong klase naman akong tao kung ipagkakait ko sa kanya yun. Yung kaunting panahon na gusto ka niyang makasama. Akala mo ba hindi masakit para sa akin, halos naririnig ko pa lang sa bibig ni mama iyon. Hindi na ako makahinga dahil alam mo naman na IKAW LANG, IKAW, LANG ANG BUHAY KO." sagot naman niya.. umiiyak na siya s**t!!! ayoko syang tingnan..kasalanan din naman niya lahat kung bakit nangyayari ito sa amin.. Tiningnan ko sya sa mga mata ng walang halong emosyon... ng malamig. "So this is the end! Goodbye, ganoon ba, Niña?!!! For Christ sake 3 years. Itatapon mo lahat iyon ng ganun ganun lang!! You decided for yourself!! Naisip mo man lang ba kung papayag ako sa punyetang arrangement na iyon?! s**t!! 3 f*****g years! You know what? sige break na tayo!! Ito ang gusto mo hindi ba? Sige ibibigay ko sa iyo!! Pero huwag kang umasa na babalikan pa kita!" galit na galit na sigaw ko sa kanya. " I will marry your sister, Yanna. And I will forget everything about you!! about us!! " dagdag ko pa. "This is what you want, right? Don't you ever blame me if I fall in love with your sister!!" at tuluyan akong lumabas ng condo niya at isinarado ko iyon ng buong lakas na halos masira ang pintuan. I drive my car so fast yung parang ayoko ng mabuhay kinabukasan pasalamat na lang siguro ako at wala ng masyadong sasakyan dahil malalim na rin ang gabi. Mabilis akong nakarating sa bahay namin sa Quezon City. Bumusina ako at binuksan naman ng guard ang gate para makapasok ako. Laking pasasalamat ko na lang at tulog na ang mga tao sa bahay. Bukas kailangan ko ng makausap sina mama at papa tungkol sa arrangement. Dire diretso ako sa aking kwarto at nagpahinga na sa sobrang pagod at stress ko. Si Yanna pa rin ang nasa aking isip bago ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD