Briana Naramdaman ko ang pagguhit ng mainit na likido sa sikmura ko, nang matapos kong tunggain ang whiskey na nasa shot glass ko. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Lory ay lumisan na siya bitbit ang pag-asa na gagawin ko ang nais niya—ang hiwalayan si Zairus. At aaminin ko na kahit ilang oras na ang nakalipas pagkatapos ng pag-uusap naming iyon, ay hindi pa rin ako makapagpasya ng buo. Litong-lito ako sa nais ng puso ko at sa alam ng isipan ko. Nagtatalo ang puso at isipan ko sa bagay na ito. Alam ko naman na wala akong karapatan kay Zairus dahil kasunduan lang naman ang namamagitan sa amin. Isang kasunduan na naging dahilan ng pagpapakasal namin. Pagpapakasal namin na kapwa labag sa mga loob namin. Labag sa loob ko ang pagpapakasal sa kanya noong una. At hindi ko lubos akalain

