bc

Imitated Love

book_age16+
1.7K
FOLLOW
8.7K
READ
forbidden
contract marriage
family
pregnant
playboy
arrogant
brave
sweet
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Lots Of Love Series #2: Imitated Love

Sa edad na bente singko anyos ay No Boyfriend Since Birth pa rin si Briana dahil wala siyang ibang gusto kung 'di si Manuel lamang, ang kanyang childhood sweetheart s***h first love. Kaso, magmula nang lumipad ito papuntang ibang bansa ay wala na siyang naging balita pa rito.

Pitong taong matulin ang lumipas at pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Ngunit labis siyang nasaktan nang malaman na ikakasal na pala ito sa iba. At dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay pumayag siyang maging fake girlfriend ni Zairus, ang lalaking labis niyang kinaiinisan.

Ngunit paano kung ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay mauwi sa kasalan? Hanggang saan nga ba aabot ang pagpapanggap nila kung pati ang mga pamilya nila ay na-involve na sa dapat ay pekeng relasyon nila?

Hindi nila napaghandaan ang larong sinimulan at pinasok nila, dahil sila rin mismo ang naging biktima.

Can mistake brings love? Or love brings mistake? Dahil mali na mahalin nila nang tuluyan ang isa't isa!

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ice Cream
Briana Pikit-mata kong kinapa ang alarm clock ko sa may side table upang patayin ito dahil sa paulit-ulit na pag-iingay nito. Humihikab kong sinilip ang oras sa alarm clock ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na. Agad akong napabangon at tinignan ang cellphone ko. Twenty-two missed calls and twelve messages. Tiyak akong sa kanya galing ang lahat ng ito. Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay mabilis akong lumabas at nagpara ng taxi. Sira ang kotse ko kaya naman no choice ako. Pasakay na ako no'n sa pinara kong taxi nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello—" "Nasaan ka na ba?!" Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa bungad na sigaw sa akin ng nasa kabilang linya. "Grabe ka naman makasigaw," reklamo ko. "My gosh Briana! Where the hell are you?! Anong oras na?!" inis na sabi sa akin ni Kacelyn. Sinulyapan ko ang wristwatch ko saka ako sumagot. "10 o'clock." "Briana!" sigaw niya. Okay. Mukhang asar na talaga siya. "Kumalma ka nga muna kasi, pwede? I'm on my way na. Ten minutes," saad ko tapos tuluyan na akong sumakay sa taxi. "Whatever. At dahil dyan, ikaw ang taya ngayon." "What—" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil in-end na niya 'yong call. Wala na namang bago doon. Lagi ko siyang tini-treat dahil lagi akong late sa usapan namin. Ewan ko ba kung bakit hindi kaagad ako nagigising sa tunog ng alarm clock ko. Kung sa bagay, sanay na din naman sa akin si Kacelyn. At kunwari lang 'yon galit, mamaya kapag nailibre na, okay na iyon. Pagbaba ko ng taxi, may nakita akong nagtitinda ng dirty ice cream and I can't help my self to buy some. I love ice cream kahit dirty ice cream pa 'yan basta ice cream! Pagkabili ko, agad na akong naglakad papunta sa meeting place namin ni Kacelyn nang biglang— "Oh s**t!" sigaw ng lalaki sa harap ko at sa isang iglap, nakita ko na lang na nasa lupa na ang ice cream ko. "Bulag ka ba?!" sigaw pa rin ng lalaki sa akin, pero ako? Nakatingin lang sa nalaglag kong ice cream. "Badtrip naman oh! Tatanga-tanga kasi!" sigaw niya ulit. Napanganga ako at napasinghap. I can't believe it. "A-ano? Anong sabi mo?" tanong ko na may pagtitimpi. "You're stupid. Hindi mo ba nakikita? Dinumihan mo ang damit ko!" asar at sigaw niyang sabi. Napatingin ako sa damit niya at nagulat ako nang makita kong nagkaroon nga iyon ng mantsa. Kinalma ko ang sarili ko at inalis ko ang inis ko. "P-pasensya na. Hindi ko sinasadya—" Hindi ko natapos 'yong sinasabi ko dahil bigla na ulit siyang nagsalita. "Of course, you didn't mean it yet you're such a careless stupid woman," mapang-asar niyang sabi. Wait. Nag-sorry na nga ako, ‘di ba? Ano raw? Careless stupid—at talagang inuubos nitong lalaki na 'to ang pasensya ko. "Kung iyang damit mo ang problema mo, sige ibigay mo sa akin. Ipapa-laundry ko na lang—" Hindi na naman niya ulit ako pinatapos sa sinasabi ko dahil nagsalita ulit siya. "Do you think I'm stupid like you? Bakit ko ipagkakatiwala sa'yo ang damit ko?" pang-iinsulto niya. "A-ano?" "Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin ang damit na 'to para lang ipagkatiwala ko sa'yo." Napatawa ako sa sinabi niya. "Bakit? Gaano ba kahalaga 'yan? Gusto mo bang ibili kita ng sampung ganyan?" Napabuntonghininga siya saka muling bumaling sa akin. Umangat ang sulok ng kanyang labi tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ngayon ko lang na-realize kung gaano kagwapo ang mayabang na lalaking ito. Papalapit siya nang papalapit at ako naman ay napapaatras sa bawat paglapit niya. Naestatwa ako sa pagkakatayo nang inilapit niya ang mukha niya sa may leeg ko. "Get lost," madiin at malamig niyang sabi sa tapat ng tainga ko. Ngumisi siya at pagkatapos no'n ay naglakad na siya palayo sa akin. Ilang segundo pa bago ako nakabawi mula sa pagkakatulala ko dahil sa nangyari. Nakakaasar talaga ang gwapong nilalang na iyon! Ubod ng kayabangan sa katawan. Iwinasiwas ko ang ulo ko at malalim na napabuga ng hangin. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalamuha ngayong araw ay ang ganoong klase pa talaga? Karma ko siguro ito dahil sa pagpapahintay ko nang matagal kay Kacelyn. ** "LATE ka na nga nakasimangot ka pa dyan," sermon sa akin ni Kacelyn nang makarating ako sa kanya. "What's wrong?" tanong niya. "I met one of the handsome guys in the world, yet he is so rude!" asar kong tugon. "What about that handsome yet rude guy?" tanong ulit ni Kacelyn. Habang naglalakad kami sa mall ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. "I told you, wala nang matinong lalaki sa mundo ngayon," komento niya after kong magkwento. "What?" tanong ko, umiiral na naman ang pagka-man hater nitong kaibigan kong ito. "Nowadays, kung hindi manloloko ang lalaki ay bastos naman," aniya. "Kace..." tawag ko sa kanya. "Hmm?" "Ang bitter mo talaga," saad ko. Nagkibit-balikat lang siya saka itinuon ang pansin sa mga boutique shop na nadadaanan namin. Well, hindi na dapat ako magtaka pa. She is my best friend, of course I knew everything about her, even the worst thing that happened to her. I understand naman, kaya lang sa sobrang kapaitan niya, hindi na niya napapansin na nagmumuka na siyang matanda dahil sa laging pagsusungit niya. Hindi naman ganyan dati ang best friend ko. She is lovable and a happy person before. Before that worst thing that happened to her, and after that, bihirang-bihira ko na lang siyang makitang ngumiti ngayon. Sinundan ko siya sa isang dress shop na pinasukan niya. "You're still can't move on huh," sabi ko sa kanya. "Of course not. I've already moved on," sagot niya sa akin habang nasa mga damit nakatuon ang kanyang paningin. "Talaga? Eh, bakit single ka pa rin?" tanong ko. "Dahil gusto ko," aniya. "You still want him?" pang-aasar ko sa kanya. Napayuko na lang ako nang balingan niya ako ng nakakatakot na tingin. Narinig ko pa siyang napabuntonghininga, tapos bigla na siyang nag-walk out. "Kacelyn..." tawag ko sa kanya. "Hey! Sorry na... ang tampuhin mo talaga," saad ko habang sinusundan ko siya. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil rin siya. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa harap niya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at parang may kung anong nagkagulo sa sistema ko. Napako ang mga tingin ko sa kanya at nakaramdam ng labis na pananabik ang puso ko. After seven years, we saw each other again. At isang bagay 'yong napagtanto ko. He's still the same—and my feelings for him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

His Obsession

read
75.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook