♡ 2 Corinthians 12:9 ♡
She is gracefully broken, forgiven, and saved.
She is unworthy, but God\'s grace rewrote her story.
She prays that somehow, her works can touch hearts and lives.
And she believes that beautiful things will happen when God says, "It\'s time."
Facebook: Kheicee Grace
GoodNovel/Wattpad/SeleBox: KheiceeBlueWrites
Tiktok: _kheicee
Gmail: kheiceeblue.writes@gmail.com
Lots Of Love Series #4: Playful Love
Wala sa bokabularyo ni Sydney Ortiz ang pagkakaroon ng boyfriend. Mas gugustuhin na lamang niya kasi ang magtrabaho para kumita ng pera kaysa sa makipag-date. Marami kasing iniwan na utang ang kanyang ama nang mamatay ito dahil sa malubhang sakit.
At kahit na bente dos anyos na siya ngayon ay hindi pa talaga siya nagkakainteres sa mga lalaki. Kahit ang pagkakaroon ng crush ay hindi niya magawang bigyan ng pansin. But not until he met George Vego.
Ayon sa binata ay nabihag niya ang puso nito. At kahit na ilang beses niyang tinanggihan ay pursigido pa rin ito na makuha ang matamis niyang oo. Unti-unti na sana nitong nakukuha ang atensyon at interes niya. Pero isang araw ay nagimbal na lamang siya nang malaman ang isang masamang balita. Natagpuan na lamang kasing walang buhay ang binata sa unit nito. At ayon sa mga pulis ay winakasan nito ang sariling buhay dahil na rin sa mga ebidensyang nagpapakita ng sanhi ng pagkamatay nito.
Nalungkot at nasaktan siya sa pagkawala ni George. Pero hindi niya alam na ang pagkawala ni George ang siyang maghahatid ng kakaibang gulo, saya, at sakit sa buhay niya.
Ethan Vego. 26 years old. Pinsang buo ni George. At ang nakatadhanang manakit sa puso ni Sydney.
Gagawin ang lahat ni Ethan para makuha ang puso ng dalaga, at sa huli ay wawasakin ito. Katulad nang kung paano nawasak ang puso ni George, at kung paanong nawasak ang puso niya dahil sa kanyang unang pag-ibig.
Magtagumpay naman kaya siya?
Paano kung ang inosenteng pag-ibig ng dalaga ang matagpuan niya?
Lots Of Love Series #1: Unexpected Love
Nasaktan si Lian nang iwanan siya ng kanyang first boyfriend.
Nang mga panahon na iyon, tanging musika lamang ang nakatulong sa kanya para ma-express ang kanyang nararamdaman.
Dahil din dito ay naituon niya ang kanyang atensyon sa isang sikat na rock band from South Korea. Marahil ay dahil na rin sa mga magagandang musika ng nasabing banda, ay naging magaan ang loob niya sa grupong ito.
Sa labis na paghanga niya sa mga ito ay nagawa niyang puntahan ang mga ito sa Korea upang manood ng CONCERT.
Mula sa pagiging isang simpleng tagahanga, paano siya mapapalapit sa mga iniidolo?
Paano niya mababago ang mga buhay nito?
At paano niya matuturuan ang lider ng grupo na magmahal at magtiwalang muli? Kung siya rin naman ay takot nang magmahal.
Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan.
Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante.
Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Tutol si Ashleigh sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal. Nais niyang maranasan mismo ng puso niya ang umibig ng totoo, kaya naman isang araw ay nagpasya siyang takasan ang kanyang ama at iwan ang magandang buhay sa siyudad. Naisip niyang magtago at lumayo upang hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig na maipagmamalaki niya balang araw sa kanyang ama.
Tumungo siya sa isang malayong probinsya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ay may taong nais na mawala talaga siya dahil sa kayamanang taglay nila. Mangyayari ang isang trahedya na siyang babago sa buhay niya. Magigising na lamang siya sa pangangalaga ng isang binatang agad na nagpatibok sa puso niya. Kung kaya't magpapanggap siyang nawalan ng alaala upang manatili sa piling ng binata.
Ngunit paano kung may matuklasan siyang lihim sa lalaking piniling ibigin ng puso niya?
Magiging mapangahas pa rin ba siya kung malaman niyang... kapatid niya ang lalaking iniibig niya?
Lots Of Love Series #5: Sweetest LoveNagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di katulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez.Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya!Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya.'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya.Will their love wins overall?
THIS BOOK IS SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE
Amazing Love Series #1: Spark of Hope
“No matter what you've done in your past, God can redeem you.”
---
Mula sa pagkabata ay puro karahasan na lamang ang sinapit ni Kyrielle sa kamay ng kanyang mga magulang. Ngunit ang inakala niyang walang katapusang paghihirap ay mapapalitan ng kakaibang saya nang siya ay matutong magmahal at magtiwala.
Pero tila nga ba lahat ng bagay ay may katapusan. Dahil panandaliang saya lamang ang kanyang naranasan sa piling ng lalaking kanyang piniling mahalin at pagkatiwalaan. Muli siyang makakaranas ng hirap at sakit at tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Tila ba taksil sa kanya ang Diyos dahil siya ang paborito Nitong pahirapan.
Wala na siyang nakikita pang pag-asa para maging masaya at makalaya sa karahasan ng mundo. Not until he met someone, na siyang magmamahal at magtuturo sa kanya na magtiwala sa Diyos na matagal na niyang tinalikuran.
Sa pangalawang pagkakataon, magtitiwala kaya siyang muli? O habang buhay na siyang magpapaalipin sa karahasan?
Lovely Girl Series 1: Her Reckless Love
Isang sikat na modelo si Patrisha Cruz, ngunit limang taon siyang nawala sa mata ng publiko matapos niyang manganak sa ibang bansa. Pagbalik niya sa Pilipinas, pinilit siya ng kanyang mga magulang na tahimik na manirahan sa probinsya kasama ang kanyang anak at lolo.
Mula roon ay makikilala niya si Archer Sebastian Tuazon. Ang tahimik, suplado, at misteryosong driver at bodyguard ng kanyang lolo.
Habang ang lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanyang kagandahan, si Archer ang nag-iisang lalaking tila hindi siya nakikita.
Sanay si Patrisha na siya ang hinahabol. Kaya ginawa niyang misyon ang mapansin ni Archer.
Magtagumpay naman kaya siya?
Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata?
Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na pa lang nagmamahal nang totoo ang puso niya?
Mapapaibig nga kaya niya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal ulit?
"Not every time we fall in love means Happily Ever After, because most of the time... it is just Once Upon A Time..."
One-Shot Compilation written all by KheiceeBlueWrites
Si Myrtle Grace Nievez—na tinaguriang campus nerd ng Prime High Academy, ay may lihim na pagtingin kay Calix John Villanueva, ang campus crush naman ng nasabing paaralan. At nang matuklasan ito ng kaibigang si Vernice Santiago, na siyang tinaguriang campus princess ng kanilang paaralan, ay tutulungan siya nitong mapansin ni Calix.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mabibigyan siya ng misyon. Iyon ay ang tulungang makapasa sa pag-aaral, ang tinaguriang campus heartbreaker ng kanilang paaralan. Walang iba kung ‘di si Ridge Janus Mackzon. Na hindi lamang saksakan ng pagiging babaero, kung ‘di napaka-bully din pagdating sa kanya.
Paano niya matatagalan ang misyon kung hindi lamang ang tahimik niyang buhay ang ginugulo nito, dahil maging ang payapang pagtibok ng kanyang puso?
Paano kung bukod sa pag-aaral ay maturuan niya din itong magmahal ng totoo?
May pag-asa nga kaya talaga ang isang tulad niya… na mahalin ng isang tulad nito?
Masaya at kontentong namumuhay si Kaiden sa piling ng kanyang asawa na si Faye. Ngunit nagising na lamang siya isang araw na isang malamig na bangkay na ito sa kanyang tabi at siya ang itinuturong suspect sa pagkamatay nito. Patutunayan pa iyon ng tumestigo niyang kaibigan na si Moiser.
Ngunit parang may mali. Iba kasi ang pangalan na tinatawag sa kanya ng mga tao, sa halip na Kaiden ay Rexter. Iba rin ang pangalan ng namayapang asawa niyang si Faye. Tinatawag itong Floriane ng pamilya nito. At ang kaibigan niyang si Moiser naman ay Axel ang pangalan.
Nalilito siya at labis na naguguluhan. Hanggang sa tuluyan na siyang hinatulan ng korte na guilty sa krimeng kahit kailan at kahit sa panaginip ay hinding-hindi niya magagawa. Dahil doon, pilit niyang aalamin ang katotohanan sa misteryong pagkamatay ni Floriane. Tatakas siya sa bilangguan at sa pagtatago niya sa batas ay makikilala niya si Amiera.
Tutulungan siya ni Amiera at ng pinsan niyang si Roman na alamin ang katotohanan. Ngunit hindi lamang ang misteryo sa pagkamatay ni Floriane ang kanilang matutuklasan.
Isang mundo ang mararating nila na kung saan ay matatagpuan ni Kaiden ang tunay niyang pagkatao.
Paano niya mababawi ang buhay na ninakaw sa kanya?
Magagawa niya pa kayang labanan ang kasamaan?
At magagawa niya kaya talagang mamuno sa isang kaharian?
---
Final Awards: Best Plot Development of Rise From The Ashes: King From Nobody Yugto Writing Contest
Lots Of Love Series #3: Bittersweet Love
Kacelyn Samiano is a certified man-hater. Wala pa naman itong nagiging nobyo pero iwas na iwas siya sa mga lalaki na para bang may allergy siya sa mga ito. And it's all because of Brylle Dyllan—ang schoolmate niya noon sa college na siyang itinuturing niyang naging dahilan ng pangungulila niya sa kanyang ama, at ang dahilan ng pang-iiwan sa kanya ng kanyang ina.
Bigla na lang kasing nang-ghost ang binata sa kanya pagkatapos siyang pangakuan ng kung ano-ano. Kung kailang hulog na hulog na siya rito, ay saka pa ito naglaho.
Pero paano kung sa paglipas ng panahon ay muling bumalik sa buhay niya ang binata? Hindi lang iyon dahil muli ring bubuhayin nito ang matagal na niyang nilimot na damdamin para dito. Pero may problema dahil hindi siya natatandaan nito! At isang bagay ang matutuklasan niya. Isang sagot sa matagal na niyang tanong, kung bakit siya iniwan na lang basta noon ng binata.
May pag-asa pa nga bang maipagpatuloy nila ang pag-iibigan nilang matagal nang naudlot?
At tunay nga kayang makakalimot ang isip—ngunit hindi ang puso?
Lots Of Love Series #2: Imitated Love
Sa edad na bente singko anyos ay No Boyfriend Since Birth pa rin si Briana dahil wala siyang ibang gusto kung 'di si Manuel lamang, ang kanyang childhood sweetheart slash first love. Kaso, magmula nang lumipad ito papuntang ibang bansa ay wala na siyang naging balita pa rito.
Pitong taong matulin ang lumipas at pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Ngunit labis siyang nasaktan nang malaman na ikakasal na pala ito sa iba. At dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay pumayag siyang maging fake girlfriend ni Zairus, ang lalaking labis niyang kinaiinisan.
Ngunit paano kung ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay mauwi sa kasalan? Hanggang saan nga ba aabot ang pagpapanggap nila kung pati ang mga pamilya nila ay na-involve na sa dapat ay pekeng relasyon nila?
Hindi nila napaghandaan ang larong sinimulan at pinasok nila, dahil sila rin mismo ang naging biktima.
Can mistake brings love? Or love brings mistake? Dahil mali na mahalin nila nang tuluyan ang isa't isa!