bc

The Convicted King

book_age16+
384
FOLLOW
1.0K
READ
dark
time-travel
tragedy
mystery
straight
bold
brilliant
multiverse
crime
war
like
intro-logo
Blurb

Masaya at kontentong namumuhay si Kaiden sa piling ng kanyang asawa na si Faye. Ngunit nagising na lamang siya isang araw na isang malamig na bangkay na ito sa kanyang tabi at siya ang itinuturong suspect sa pagkamatay nito. Patutunayan pa iyon ng tumestigo niyang kaibigan na si Moiser.

Ngunit parang may mali. Iba kasi ang pangalan na tinatawag sa kanya ng mga tao, sa halip na Kaiden ay Rexter. Iba rin ang pangalan ng namayapang asawa niyang si Faye. Tinatawag itong Floriane ng pamilya nito. At ang kaibigan niyang si Moiser naman ay Axel ang pangalan.

Nalilito siya at labis na naguguluhan. Hanggang sa tuluyan na siyang hinatulan ng korte na guilty sa krimeng kahit kailan at kahit sa panaginip ay hinding-hindi niya magagawa. Dahil doon, pilit niyang aalamin ang katotohanan sa misteryong pagkamatay ni Floriane. Tatakas siya sa bilangguan at sa pagtatago niya sa batas ay makikilala niya si Amiera.

Tutulungan siya ni Amiera at ng pinsan niyang si Roman na alamin ang katotohanan. Ngunit hindi lamang ang misteryo sa pagkamatay ni Floriane ang kanilang matutuklasan.

Isang mundo ang mararating nila na kung saan ay matatagpuan ni Kaiden ang tunay niyang pagkatao.

Paano niya mababawi ang buhay na ninakaw sa kanya?

Magagawa niya pa kayang labanan ang kasamaan?

At magagawa niya kaya talagang mamuno sa isang kaharian?

---

Final Awards: Best Plot Development of Rise From The Ashes: King From Nobody Yugto Writing Contest

chap-preview
Free preview
Simula
“Ganyan nga, Anak. Hawakan mo ng mabuti ang iyong sandata at huwag na huwag mo namang hahayaan na dumaplis sa iyo ang sandatang hawak-hawak ko,” masayang wika ng isang ama sa kanyang anak habang matiyaga itong tinuturuan ng tamang paggamit at paghawak ng espada. Pawisan naman na ang bata at pagod na rin ito dahil mahigit dalawang oras na silang nag-eensayo ng kanyang ama. Ngunit wala siyang pagrereklamo sa ama at sa halip ay matiyaga niyang sinusunod ang bawat turo nito sa kanya. Ngunit nagambala ang kanilang pag-eensayo nang may dumating na isang lalaki. Tumayo ng tuwid ang kanyang mahal na ama at pinagmasdan ang magandang ngiti nito sa kadarating lamang na lalaki. “Magandang araw, Kamahalan,” nakangiting bati ng lalaki sa kanyang ama saka ito nagbigay-galang. “Magandang araw din, Mahal na Prinsipe,” balin naman ng lalaki sa kanya na siyang hindi niya binigyan ng pansin. Matagal na naman niyang kilala ang lalaki bilang kaibigan at isa sa pinagkakatiwalaan ng kanyang ama, ngunit hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya sa lalaki. Na para bang hirap siyang ibigay ang tiwala niya ng buo dito. Samantalang, malaya niyang naibibigay ang tiwala niya sa ibang mga kasama at mga tao dito sa kanilang palasyo. “Magandang araw din sa iyo, mahal kong kaibigan,” tugon ng kanyang ama sa lalaking kinabibigatan niya ng kanyang loob. “Ano ang iyong sadya?” nakangiti pang tanong ng kanyang ama dito. “Kasama kong bumisita dito sa palasyo ang grupo ng mga kalalakihang handa at nais na magbigay ng kanilang serbisyo para sa inyong kaharian. Subok na ang mga taong ito na tiyak kong pakikinabangan ninyo ng husto,” magalang na tugon ng lalaki sa kanyang ama. Lumingon ang kanyang ama sa katiwala nito saka sumenyas. Mabilis na lumapit naman sa kanila ang katiwala na pinagbilinan ng kanyang ama. “Ihatid mo na ang Mahal na prinsipe sa kanyang silid upang siya ay makapagpahinga na at makapaghanda na rin para sa susunod niyang pag-aaral mula sa guro ng mga iskolar ng kaharian,” utos ng kanyang ama sa katiwala nito. “Masusunod po, Kamahalan,” magalang na tugon naman ng katiwala ng kanyang ama. Bumalin sa kanya ang nakangiting mukha ng kanyang ama saka nito ipinatong ang palad sa kanyang ulo at marahan itong hinimas-himas. “Mag-aral ka ng mabuti, Anak. Magaling ang ipinakita mo sa akin ngayon, at tiyak na tiyak akong magiging mabuti at magaling kang Hari pagdating ng araw,” sabi sa kanya ng kanyang ama na siyang unti-unting nagpaguhit ng matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. “Masusunod po, Ama. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Gagawin ko po ang lahat upang maging kasing-husay niyo po ako,” nakangiting tugon niya sa kanyang ama saka siya tuluyan nang iginiya ng katiwala ng kanyang ama patungo sa loob ng kanyang malawak na silid. Pagdating niya sa kanyang silid ay malawak siyang napangiti nang makita doon ang kanyang ina. “Ina!” Patakbo niyang hinagkan ang Ina at masaya naman siyang sinalubong nito. “Kumusta ang pag-eensayo ng aking pinakamamahal na anak?” nakangiting tanong sa kanya ng kanyang ina. “Mabuti naman po, Inay! Ang sabi po ni Ama ay napakahusay ko raw po sa paghahawak at paggamit ng sandata,” pagyayabang niya sa kanyang ina. “Sinabi ko na nga ba at mahusay ang aking anak,” puri sa kanya ng kanyang ina. Nilingon ng kanyang ina ang mga babaeng utusan ng kanilang palasyo saka ito nagsalita. “Ako na ang mag-aasikaso at magpapaligo sa Mahal na Prinsipe, iwan niyo na kami.” At mabilis na kumilos ang mga babae palabas ng kanyang silid. Pinaliguan at inasikaso siya ng kanyang ina. Pagkatapos ay binasahan pa siya nito ng paborito niyang libro. Labis ang kanyang pagkatuwa nang mga sandaling iyon hanggang sa unti-unti na siyang hilahin ng antok at mahimbing na nakatulog. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nahimbing sa pagkakatulog, basta nagising at naalimpungatan na lamang siya dahil sa mga maliit na ingay na kanyang naririnig mula sa labas ng kanyang silid. Marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at naupo mula sa pagkakahiga niya. Kinusot-kusot niya pa ang kanyang mga mata saka siya nagpalinga-linga sa kanyang kapaligiran. Wala na ang kanyang mahal na ina at tanging sarili na lamang niya ang nasa silid. Sinulayapan niya ang gintong orasan na nasa ibabaw ng mesa na katabi ng kanyang malambot at malaking kama. Alas sais na ng gabi. Sobra-sobra ang kanyang naging pagtulog dahil alas kwatro ang oras ng dapat ay susunod niyang pag-aaral. At nakakapagtaka lamang na walang sinoman ang gumising sa kanya. Hanggang sa… nakarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ng kanyang silid. At sa isang iglap ay bumukas iyon at bumungad sa kanya ang pawisan at ang nag-aalalang mukha ng katiwala ng kanyang ama. May kasama itong batang lalaki na madalas niyang nakakalaro noong hindi pa nag-uumpisa ang kanyang pag-eensayo sa paggamit ng sandata. Mabilis na lumapit sa kanya ang katiwala ng kanyang ama saka siya mahigpit na hinawakan sa kanyang braso. “Mahal na Prinsipe, kailangan niyo pong sumama sa akin,” natatarantang sabi nito sa kanya. Bago pa lang sana siyang magsasalita pero mabilis na siya nitong binuhat at inilabas ng kanyang silid. Labis ang kanyang pagtataka nang makita niya ang mga nagkakagulo at tumatangis na tao sa kanilang palasyo. Ang lahat ng mga ito ay nagmamadaling tumatakbo sa iba’t ibang direksyon hanggang sa namalayan niyang tuluyan na pala silang nakalabas ng palasyo. Dinala siya ng katiwala ng kanyang ama sa isang madilim at masukal na lugar. At doon lang niya napansin na nagdurugo ang kaliwang balikat nito. “Anong nangyayari?” tanong niya dito. Sa halip na sagutin ay may isinuot lamang itong kwintas sa kanya at mahigpit siyang pinagkabilinan. “Mahal na Prinsipe, huwag na huwag po ninyong tatanggalin ang kwintas na ito kahit na anong mangyari. Ito na lang ang huli kong magagawa para sa inyo.” Bumalin ito sa batang kasama nila. “Kahit na anong mangyari, huwag na huwag mong pababayaan ang Mahal na Prinsipe.” Huminga ito ng malalim saka muling nagsalita. “At ipangako ninoyong dalawa, na balang araw ay babalik kayo dito upang iligtas ang kaharian.” Kasabay no’n ang paglitaw ng isang malakas na liwanag at nagulat siya nang bigla na lang siyang itulak doon ng katiwala ng kanyang ama, kasama ng batang lalaki. “Hanggang sa muli nating pagkikita, Prinsipe Henry, at mahal kong anak.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook