bc

Sweetest Love (LOL Series #5)

book_age18+
589
FOLLOW
2.5K
READ
family
fated
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lots Of Love Series #5: Sweetest LoveNagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di katulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez.Nakilala niya ang binata dahil sa naging online s***h virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya!Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya.'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya.Will their love wins overall?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hoy, Yannie!" Nagitla ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Belle na siyang katabi ko lang naman. "Grabe, makasigaw wagas?" komento ko sa kanya habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat. "Nakailang tawag na kasi kaya ako sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Baka malusaw na si Kris niyan sa kakatitig mo sa kanya," pagalit na sabi naman sa akin ni Belle. Naramdaman ko naman kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Alam mo, friend, halatang-halata naman na in love ka sa manliligaw mo. Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" tanong niya pa habang paulit-ulit na pinapaypayan ang sarili. Kasulukuyang nasa gymnasium kami ng school namin ngayon upang manood ng laban ng basketball. Intramurals kasi ng school namin at kabilang si Kris sa basketball player na naglalaro ngayon. Mahigit dalawang buwan nang nanliligaw sa akin si Kris. At kahit na gusto ko na rin naman siya ay hindi ako makakuha ng tamang tyempo kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Bukod doon, iniisip ko rin kasi na baka magalit ang mga magulang ko kapag nalaman nila kung sakali na may boyfriend na ako. Madalas kasi akong pinapaalalahanan ng aking ama na hindi pa tamang panahon para pumasok ako sa isang relasyon. Bagay na tulad ng ilang mga kabataan, ay gusto kong pagrebeldehan. Ang hirap naman kasing pigilan ng puso kapag natuto na itong tumibok para sa iba. "Bago tayo magtapos ng senior high ay baka doon ko na siya sagutin," kinikilig na tugon ko kay Belle. "Ay iba rin. Nakaplano na pala talaga. Kaso ilang buwan pa iyon. Baka naman mainip 'yang si papa Kris mo. Sige ka, baka makahanap ng iba iyan," nakatawang biro sa akin ni Belle na siyang ikinabahala ko. Gusto ko si Kris. Gusto kong siya na ang maging first and last boyfriend ko. Kaya naman... siguro nga tama si Belle. Kailangan ko na sigurong suklian ng matamis na oo ang matiyagang panliligaw sa akin ni Kris. Nang matapos ang paglalaro nila Kris ay mabilis niya akong nilapitan. "Congrats, ang galing mo kanina!" masayang bati ko sa kanya. "Thank you. Ginanahan ako sa laro dahil nanonood ka," nakangiting sabi naman niya sa akin na ramdam kong nagpapula sa magkabilang pisngi ko. Pigil ko ang paglabas ng malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko, pero sa huli ay bigo ako. Lalo pa nang masuyo niyang inabot at hinawakan ang mga kamay ko. "Napagod ako ng sobra, pero ngayon pakiramdam ko ay full of energy na ulit ako. Dahil nakita na ulit kita nang malapitan," malambing na wika niya pa habang nananatiling hawak ang mga kamay ko. Kumabog ang dibdib ko dahil doon at hindi ko na nga maitatanggi pa, talagang gusto at hulog na hulog na ako sa kanya. "Uhm... Kris, after ng intrams natin, sa sabado, magkita tayo sa harapan ng school natin. Kung saan ka... unang nagtapat sa akin," marahan na sabi ko sa kanya. "Bakit? Anong mayroon no'n?" tanong niya. "May sasabihin ako sa iyo sa araw na iyon. Kaya magkita tayo roon," tugon ko saka ko siya muling nginitian. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tiningnan iyon. Napasinghap siya. "Ang tagal pa ng sabado. Huwebes pa lang ngayon. Excited na akong malaman kung ano ang sasabihin mo," aniya. "Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin iyon sa darating na sabado," saad ko pagkatapos ay matamis kaming nagngitian na dalawa, habang hawak pa rin niya ang mga kamay ko. "Sige na nga. Kayang-kaya ko namang maghintay eh," mayabang na sabi niya pa saka niya kinuha ang bag ko na nasa tabi at isinuot sa kanya. "Tara, ihahatid na kita sa sakayan pauwi sa inyo. Bawal kang gabihin ng uwi." Nakangiting tumango ako sa kanya saka kami sabay na naglakad hanggang sa paglabas ng school. Ngunit tunay nga na sadyang may hangganan ang lahat ng bagay. Dahil sa isang iglap, ang malambing, mainit at masuyong pakikitungo sa akin ni Kris ay siyang unti-unti nang nagbago. Noong biyernes ay maghapon niya akong hindi kinausap, kahit text message ay wala rin akong natanggap mula sa kanya. Mag-isa rin akong umuwi no'n dahil hindi niya ako inihatid sa sakayan, katulad nang madalas niyang ginagawa. Hindi ko alam kung anong problema o kung may nangyari ba sa kanya. Hanggang sa, dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na ang buong akala ko ay siyang panimula ng mala-fairy tale na kwento ng buhay pag-ibig ko. Ngunit hindi ko alam na... isa pala iyon sa araw na siyang pagsisisihan ko. Mahigit tatlong oras akong naghintay sa kanya sa lugar na kung saan ay napagkasunduan namin na pagkikitaan naming dalawa. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumilim na. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa dumating siya. Dumating siyang may mga malamig na tingin sa akin. At mabilis na naramdaman ng puso ko ang sakit dahil doon. "M-Mabuti at dumating ka," usal ko sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. At labis ko iyong ikinabahala. "Ano ‘yong sasabihin mo?" malamig na tanong niya sa akin. "Uhm... Kris... m-may problema ba tayo?" tanong ko. Marahan siyang tumingin sa akin na tila ba nagulat sa naging tanong ko sa kanya. "What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin. "Kahapon kasi, hindi ka nagpakita sa akin. H-Hindi mo rin ako kinausap buong maghapon. Hindi ka rin... sumasagot sa mga tawag at text messages ko sa iyo. Nag-alala ako sa iyo. May... problema ba? May problema ba tayo?" "Yannie, wala namang tayo.” "Huh?" Nakita ko ang walang emosyon na mga titig niya sa akin. Ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan noon. And I am wondering, anong nangyari? Suminghap siya saka muling tumitig sa mga mata ko. "May sasabihin din talaga ako sa iyo kaya ako nagpunta rito," wika niya. "G-Ganoon ba?" "Ano 'yong sasabihin mo?" "Ikaw na ang mauna. Ano ba 'yong sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at sandaling natigilan na para bang nag-iisip ng mabuti sa mga salitang bibitiwan niya. "Yannie... may girlfriend na ako," deretsyong sabi niya na parang nagpabingi sandali sa akin. "Huh? A-Anong ibig mong... sabihin?" marahan na tanong ko. "Kami na ni Belle," tugon niya. "S-Si... si Belle?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "K-Kailan pa?" "Kahapon," simpleng tugon niya. "K-Kaya ba... maghapon mo akong hindi kinausap kahapon? Kasi... kayo na ng kaibigan ko?" Nagsimulang mag-ulap ang mga paningin ko pero nanatiling tahimik lamang si Kris sa harapan ko. Pinilit kong tatagan ang loob ko kaya kahit na nakakaramdam ng sakit ang puso ko, at gustong bumagsak ng mga luha ko ay pinigilan ko ang mga iyon. "Okay. Ang sasabihin ko lang naman sa iyo ay... bina-basted na kita," pagsisinungaling ko. "Huh?" "Hindi talaga kita gusto. Kahit anong pilit ko hindi kita magawang magustuhan. Kaya... mabuti na rin na kayo na ni Belle. At least hindi mabigat sa loob ko na baka nasaktan lang kita." "Yannie..." "Sige na, aalis na ako. Paalam." At nagsimula na nga akong tumalikod sa kanya at maglakad palayo. Ang sayang nararamdaman ko noon dahil kay Kris ay hindi ko inaasahang magwawakas din pala sa huli. Pinakilig lang ako saglit. Tapos basta na lang itinapon na parang basura. Itinapon dahil biglang nagsawa na. Itinapon dahil may iba na agad na gusto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.8K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook