bc

Once Upon A Time (One-Shot Compilation)

book_age16+
54
FOLLOW
1K
READ
drama
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Not every time we fall in love means Happily Ever After, because most of the time... it is just Once Upon A Time..."

One-Shot Compilation written all by KheiceeBlueWrites

chap-preview
Free preview
First And Last
‘It hurts when you have someone in your heart, but you can’t have in your arms.’ Jessie's POV Everyone deserves to be happy with their loved ones. I don't care what people may say about us. I don't care if they laugh whenever I say something about you. I don't care if they don't believe it. I knew that everyone who heard our love story would say negative comments. Maybe it is part of their concern, yet they don't know anything about us, and for me? I love you I love you I love you That is all I care about. *** Normal relationship? 'Yong araw-araw kayong magkausap. 'Yong hinahatid ni lalaki si babae papasok sa school o sa trabaho. 'Yong sinusundo ni lalaki si babae, dala ang mga gamit nito. May flowers and chocolates si girl every monthsary o anniversary nila. Holding hands. Dates. Hug and kisses. Pero paano kung hindi ganyan ang takbo ng relasyon na mayroon ka? Masasabi mo ba na nagmamahal ka lang naman ng totoo kaya ayos lang sa'yo ang lahat? Wala kang pakialam kung tanga ang tingin sa'yo ng mga tao, dahil nagmamahal ka lang naman. But, how long can you wait for the normal relationship you want to have? Well, wala namang perfect relationship dahil wala namang perpekto na tao. Minsan, dapat matuto kang ipaglaban 'yong bagay na nagpapasaya sa'yo. Everyone has their own story. Pero naniniwala ba kayo na pwedeng mainlove sa isang taong hindi mo pa nakakasama? Na posibleng mahalin mo 'yong taong hindi mo pa nakikita? Nakakatawa nga siguro para sa iba, mayroon naman na mamamangha, mayroon din na makaka-relate, iisipin din ng iba na isang malaking kalokohan lang ito. Pero kahit ano pa man ang maging opinyon ng iba, hindi pa rin tayo pwedeng magsalita ng tapos. "Color blue ba? O itong pink na lang?" "Cute 'yong pink" "Sige pink na lang, eh ito? Gray o blue?" "Mas ok 'yong gray." "Gano'n? Eh, itong blue?" "Ay naku! Nakakahilo ka. Kung 'yong blue talaga ang gusto mo, iyon na lang. Lahat ng choices may blue eh,” masungit na sabi sa akin ni Vina. Friend ko. "Sungit mo. Hmp! Ako na lang nga ang pipili nang susuotin ko,” sabi ko dito. Nandito kami ngayon sa isang dress shop. Abala ako sa pagpili ng damit na susuotin ko para bukas. Nang makatapos na ako sa pagpili ay agad kaming nagtungo sa isang Toy Shop. May nakita akong dalawang baby bear, isang pink at isang blue. "Perfect!" nakangiti kong sabi habang hawak ang dalawang baby bear. "Iyan ang ibibigay mo sa kanya?" tanong ni Vina sa akin. "Yup! Ang cute, ‘di ba?" "Ew! Ang baduy kaya. Ano pabebe lang?" komento niya. "Tse! Anong baduy? Ang cute kaya!" "Whatever, ang corny n’yo." "Psh. Sana pala talaga hindi na ako nagpasama sa'yo ‘no?" Inirapan niya lang ako. Ang sweet niya talagang kaibigan. Well, sanay na naman ako sa friend kong iyan. Ganyan talaga 'yan ka-bitter sa buhay. Palibahasa ay wala kasing love life kaya ganyan. And speaking of love life, super excited na ako para bukas! After two years kasi, makakasama at makikita ko na ang love of my life ko. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. Sorry naman! Sabi sa inyo excited much talaga ako eh. So let me introduce myself. Ako si Jessie Santos, 20 years of age. Recently graduated in Saint Michael University. Sa isang Law Office ako nagtatrabaho ngayon. Pagka-out ko from work ay dumeretsyo na nga ako dito sa mall para mamili. Saturday bukas, wala akong pasok kaya naman pupuntahan ko siya. Sobrang saya at excited ko. After two years kasi ay magkikita na rin kami ng boyfriend ko. Oo ganoon na nga, two years na kami pero never pa kaming nagkita na dalawa. As in never pa! Mahabang istorya eh, kwento ko pa ba? Sige na nga! Ikukwento ko paano naging ganito ang set-up namin. LDR kami, (Long Distance Relationship) pero kung tatanungin n’yo kung nasa ibang bansa ba siya, eh wala! Nasa Pilipinas lang din siya. Saang probinsya? Wala rin! Kung tutuusin ay mahigit dalawang oras lang ang biyahe mula sa lugar niya papunta sa lugar ko. 'Ows? Paano nangyari 'yon?' 'Weh?! Anong klase iyon?' 'Weird!' 'Nakatagal ka ng ganoon?' 'Nyek! May ganoon ba?' 'Ang tindi mo!' 'Bakit hindi pa kayo nagkikita?' 'Naunahan pa kayo ng AlDub' 'Tss. Mahirap iyan, sigurado ka ba doon?' 'Baka naman may itinatago sa iyo kaya ayaw magpakita' 'Abnormal na relasyon iyan' 'Naku girl! Tigil-tigilan mo na iyang kalokohan na iyan' 'Walang patutunguhan iyan' Ilan lang iyan sa mga paulit-ulit na komento sa akin ng mga kaibigan at ng mga taong nakapaligid sa akin noong nalaman nila ang bagay na ito. And I'm pretty sure, ganyan din ang reaksyon n’yo. Yes, I know. Ang tanga ko para maniwala sa ganitong klase ng pag-ibig. Ilang kilometro lang ang layo niya sa akin pero hindi pa rin kami nagkikita. Oo na, ako na tanga! Nagtataka rin ako sa sarili ko paano ako na-in love sa lalaking never ko pang nakita at nakasama. Pero 'wag n’yo naman akong awayin oh, I know kanya-kanya tayo ng love story at katangahan, siguro mas tanga nga lang ako. Next, paano ko siya na-meet? He's a friend of my friend. Yup! Sa common friend kaya nagkakilala kami. 2 years ago kasi, NBSB (No Boyfriend Since Birth) pa ako. Pero syempre nagkaka-crush din naman ako. Mahilig nga akong ma-broken hearted eh. Danas na danas ko 'yong 'nagmo-move on pero hindi naman naging kayo' and by that time, nireto siya sa akin ng friend ko. Noong una napa-oo lang ako kasi gusto ko lang sana i-try, trip lang kumbaga. 'Ganoon din kaya siya?' Tapos ayon, hindi ko alam na-fall na pala ako ng ganoon na lang. Kasi naman, sa totoo lang mabilis lang talaga akong ma-fall, at mahirap ma-fall out. Kainis nga, dapat baliktad na lang, mas okay 'yong mahirap kang ma-fall tapos mabilis ma-fall out. At least hindi ikaw ang lugi, hindi ikaw ang nasasaktan. Sana nga ganoon na lang. Pero ano nga bang magagawa ko? Eh tanga din itong puso ko. Wasak-wasak na nga, nagmamahal pa rin. Next. Paano set-up namin? Nag-uusap lang kami through text, chat, and video call. Ganoon lang. Feeling nasa abroad ang jowa. Well, we talk consistently naman. Everyday kami magka-text, everyday kami nag-uusap. As in 24/7! 'Yong tipong tulog na lang iyong oras na hindi kami mag-uusap. Kung may pasok man sa school tulad noon, kahit may professor nag-uusap pa rin kami ng tago, ang bad namin. He is a year older than me. His name is *** ang arte ko, pashowbiz! Well, kahit na sobrang tanga ko na sa paningin ng iba, wala eh, nagmamahal lang po. And yes! I am proud to say that I love him very much! *** Ren's POV Ang tagal naman niya. Sabi niya saglit lang at may bibilhin lang siya. Kanina pa ako nakatitig at nakaabang sa cellphone ko kung may text na siya. Pambihira! Nag-aalala na ako! Nakakaasar, mahigit isang oras na ay wala pa din. Sa pagkaasar at pag-aalala ko ay muli kong kinuha ang cellphone ko para subukan na tawagan ulit siya. Pero nakailang tawag na ako sa kanya ay puro ring lang ang cellphone niya at hindi ito sumasagot sa akin. Kaya naman nag-type na ulit ako ng text message para sa kanya. Me: Nasan ka na?! Ano ba?! After 5 mins, wala pa ding reply. Nagtext ulit ako. Me: Baby ko ano ba?! Magreply ka nga! May nag-aalala! Nasaan ka na?! Tinadtaran ko na siya ng text. Me: I-text mo ako agad! Me: Nakakaasar na huh! Me: Baby ko! Me: Grabe! Ano ba?! Ang hirap ng ganitong set up namin. Kahit anong pag-aalala ko wala akong magawa. Nakakaasar! Bakit kasi ganito pa ang set up namin? Sana lagi ko na lang siyang kasama, sana lagi ko siyang hawak, sana lagi ko siyang nakikita, sana nandito lang siya, sana malapit lang siya. Ako si Ren Diaz. 21 years old. Kasalukuyang naka-admit sa hospital dahil sa sakit ko. Oo may sakit ako at madaming bawal sa sakit ko na ito. At ang nakakainis pa doon ay palagi na lang akong labas at pasok sa hospital. Sana nga ay wala na lang akong sakit na ganito para any time ay makakapunta ako sa babaeng mahal ko. Alam kong napakalaki ng pagkukulang ko sa kanya. Ever since na nagkakilala kami ay wala pa akong nagawa para sa kanya. Napakaswerte ko nga sa kanya. Dahil kahit na ganoon ay ramdam ko na mahal niya ako. And I love her so much! Marami akong naging girlfriend, pero sa kanya ko lang natagpuan iyong lahat ng hinahanap ko. Kahit na hindi pa kami nagkikita in person at kahit hindi pa kami nagkakasama, ramdam kong totoo siya. At sa oras na makalabas ako dito, babawi ako sa kanya. Patutunayan ko sa lahat kung gaano ko siya kamahal. Sa lahat ng pinagdaanan ko, lagi siyang nandyan para sa akin. Noong mga panahon na halos lahat iniwan na ako, siya lang iyong hindi bumitiw sa akin. Siya lang iyong natirang mayroon ako. My dad passed away when I was 10 years old. Wala na din ang mommy ko, she passed away noong araw na magkikita sana kami ni Jessie. Kaya kinailangan kong umuwi ng probinsya no’n. Nang mga panahon na iyon, I felt so alone. Lagi akong iniiwanan ng mga taong mahal ko, and I hate my self so much. Pero Jessie loves me besides that. She never gave up on me. She never failed to understand and love me. I owe her everything. I love her more than in my life now. Kaya babawi ako sa kanya. I will make her the happiest woman in the world. *** Jessie's POV Nang makatapos na ako sa pamimili ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko. At nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. 32 missed calls and 12 text messages. Patay! Galit na 'yon. Agad akong nag-send ng text message sa kanya. Me: Baby ko. Sorry! After 30 seconds nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa reply niya. Ren: Nasaan ka na?! Galit na nga. Me: Pauwi na po. Sorry. Ren: Sorry lang sasabihin mo? Nag-aalala ako! Ano bang binili mo?! Bakit ang tagal?! Hindi niya kasi alam na pupuntahan ko siya bukas sa hospital. Isu-surprise visit ko kasi siya. Sasamahan ako ni ate Kat. 'Yong friend niya na friend ko. Me: Ang dami kasing tao. Sorry na baby ko. Ren: Tss. Ano bang binili mo? Ano nga bang sasabihin ko? Help! Me: Bumili ako ng prutas. Ren: Prutas lang ng ganoon katagal? Ang hirap naman magsinungaling oh. Me: Madami po kasing tao. Ren: Kahit pa. Umuwi ka na nga. Me: Opo Ren: Oo Tampo sya. Konting lambing lang 'to. Me: Huwag ka na magalit baby ko. Ren: Nakakaasar kasi. Ayaw kong hindi alam ang ginagawa mo. Me: Sorry na nga po. Ren: Ewan. Me: Sorry na kasi. Ren: Pasalamat ka mahal kita. Me: Thank you po. Ren: Pasaway naman. Me: Mahal mo naman. Ren: Oo na. Alam mo kasi. Me: I love you! Ren: I love you too! Ganito kami maglambingan. *** NAGISING ako sa alarm ko. It's exactly 5:00 in the morning. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa may ibabaw ng table ko upang mag-send ng message kay ate Kat. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Super excited na ako, sana ay magkita na talaga kami, minsan kasi, kung ano pa 'yong inaasahan mong mangyari, hindi iyon ang nangyayari. Sa tagal namin ni Ren, madaming beses na din kaming nagplano na magkita, pero sa tuwing magkikita na kami ay lagi na lang may nangyayaring hindi inaasahan, para bang pati ang tadhana ay hadlang sa aming dalawa. Kung minsan nga, nagsasawa na sa akin ang mga kaibigan ko dahil sa paulit-ulit na pagdadrama ko sa kanila. Sabi nila, iwan ko na raw kasi si Ren dahil wala naman daw akong mapapala sa relasyon na iniingatan ko. Sabi pa nila hindi naman daw ako mahal no'n dahil kung mahal daw talaga ako, dapat noon pa gumawa na siya ng effort para makita ako. Kung sa bagay, tama nga naman sila. May point sila doon, kapag mahal mo ang isang tao, nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanya. Kaya nga sa sobrang pagmamahal ko kay Ren, nagagawa kong magtiis ng ganito katagal sa set up namin. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mabitaw-bitawan. Kung tutuusin, madali lang naman akong makakapag-move on sa kanya dahil hindi pa naman kami nagkakasama. Pero ewan ko ba, sa tuwing nakikipag-break ako sa kanya para kong hinihiwa iyong sariling puso ko. In short sobrang nasasaktan ako kaya hindi ko kaya. 'Yan ang nasa isip ko lagi. Martir na kung martir, tanga na kung tanga, pero anong magagawa ko? Nagmamahal lang naman ako. Minsan naiisip ko din iyong mga sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na baka daw kaya ayaw magpakita sa'kin ni Ren ay dahil may iba itong girlfriend, o ‘di kaya ay may asawa na ito. Pero naisip ko lang din na kung may iba nga siya, sa tagal na namin siguro naman ay may nang-away na sa akin na karelasyon niya ‘di ba? At isa pa, hindi siya nagkukulang ng oras niya sa akin, I mean araw-araw kaming magkausap, gaya nga nang nasabi ko noong una, tulog na lang iyong pahinga namin na hindi mag-uusap. But sometimes, I stopped explaining myself, because people only understand from their level of perception. Sa kabila ng mga negative na natatanggap kong komento tungkol sa set up namin, may iilang tao pa din naman iyong sumusuporta sa amin. May nakapagsabi nga sakin noon na paano daw ako naging tanga eh wala pa naman daw itong nakukuha sa akin. May point siya ‘di ba? Walang nakukuha sa akin si Ren, hindi niya ako nahahawakan o ano. Unlike sa ibang babae o ibang relasyon diyan na nagagamit ng mga lalaki iyong karelasyon nilang babae ng wala pang singsing sa kamay. Got my point? Para sa iba iyon ang katangahan. Well, iba-iba naman tayo ng mga kwento. Ang mahalaga ay kung ano iyong makakapagpasaya sa iyo. Pero syempre hindi naman dapat na puro puso lang. Kailangan din gamitan ng utak. At para sa akin, titigilan ko lang si Ren kung makita mismo ng dalawang mata ko na may iba nga siya habang kami pa. Sa ngayon, just go with the flow na lang muna ako. Naniniwala ako na gaya ng iba, may happy ending ding naghihintay sa amin. Nandito na ako ngayon sa meeting place namin ni ate Kat, mula nang umalis ako sa bahay ay hindi na tumigil sa pagtibok ng malakas ang puso ko. Hindi ako mapakali, at parang kinakabahan ako ng sobra. Siguro dahil sa sobrang excitement kaya ganito. Ilang sandali pa nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko, I thought it was ate Kat, pero si Ren pala, tumatawag. "Hello, yes baby?" "Good morning. I love you." Napangiti ako bigla. "I love you too," sagot ko. Araw-araw naman kami nagsasabihan ni Ren ng mga ganito pero bakit lagi pa din akong kinikilig? "Salamat sa pag-stay kahit may mga rason ka para iwan ako." Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. "Baby ko talaga. Syempre naman. Mahal kita eh." "Kahit malayo ako, minamahal mo pa rin ako, hindi ka sumusuko sa atin." "Baby ko, distance is not an issue, because in the end, I know I have you," simpleng sagot ko sa kanya. Kahit hindi ko siya nakikita ngayon, alam kong nangingiti na siya. "Ikaw talaga, lagi mo na lang kong pinapakilig. Mahal na mahal kita." Ako din naman, lagi akong kinikilig sa kanya. "Mahal na mahal din kita." "Nasaan ka baby ko? Bakit parang maingay diyan?" Oops. Hala. "Ah, nasa labas lang ako, inutusan ako ni mama, may binibili lang." Pang ilang beses ko na ba itong pagsisinungaling sa kanya? "Lagi ka na lang may binibili baby ko. O sige na, may mga gagawing test sa akin. I just want to hear your voice. I love you so much tandaan mo. Ikaw lang ang mahal ko." Ang puso ko! Baka malaglag na ito sa sobrang kilig. "I love you more baby ko." Then he ended up the call. Hindi pa nawawala ang ngiti sa mga labi ko nang… "Jessie!" Napalingon ako agad at mas lalong lumapad ang mga ngiti ko nang makita ang paparating na si Ate Kat. This is it. Tuloy na tuloy na kami ni Ate Kat. At ilang oras na lang ay makikita ko na ang mahal ko. Habang papalapit kami sa Hospital kung saan nakaadmit si Ren, ay mas lalong kumakabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ako mapakali, nae-excite ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung normal ba iyong ganitong feeling. Halo-halo iyong nararamdaman ko, kaba, tuwa at takot. Mahal na mahal ko siya. Siya lang iyong lalaking minahal ko ng ganito. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng ibang lalaki bukod sa kanya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakahanda akong tiisin ang lahat ng sakit. Ganoon naman talaga, ‘di ba? Kapag nagmahal ka, asahan mo na rin na malaki ang posibilidad na masaktan ka. Sabi nga nila sa isang kasabihan, hindi porque nakapayong ka eh hindi ka na mababasa. Parang sa love, hindi porque mahal ka niya eh hindi ka na niya masasaktan. Kapag nasaktan ka, ibig sabihin lang ay nagmahal ka nga ng totoo. "Nandito na tayo,” nakangiting sabi sa akin ni Ate Kat. Lalong bumilis iyong t***k ng puso ko. “Relax," sabi niya pa habang natatawa, paano ay nanginginig akong bumaba ng taxi. "Kinakabahan ako, Ate," sabi ko. "Bakit naman? Huwag kang kabahan, sigurado akong matutuwa siya na makita ka." Tanging ngiti na lang ang itinugon ko kay Ate Kat at pagkatapos ay pumasok na nga kami sa loob. Habang abala si ate Kat sa pagtatanong sa information section, ay inaabala ko naman ang sarili ko sa kung anong una kong sasabihin kapag nakaharap ko na siya. "Let's go," yaya sa akin ni Ate Kat at sinundan ko naman siya. Alam na niya kung nasaang room si Ren. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa mga baby bear na regalo ko para sa kay Ren habang tinatahak namin ang daan patungo sa kanyang silid. Ramdam kong papalapit na kami nang papalapit sa kanya, kaya naman lalong bumibilis ang t***k ng puso ko na para bang nagwawala na ito. Ilang sandali pa ay huminto na sa paglakad si ate Kat, nakangiti siya sa akin saka tumingin sa room na nasa tapat na namin na para bang sinasabi niya na iyon na 'yon. Huminga ako ng malalim. "Sige na," sabi ni Ate Kat kaya naman humakbang na ako papalapit sa pinto. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng ito, pero hindi. Totoong isang pader na lang ang namamagitan sa amin ng lalaking mahal ko. Muli ay nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga, saka ko buong lakas na pinihit ang door knob. "Surprise-" Nawala ang ngiti sa aking mga labi at unti-unting nadurog ang puso ko sa nasaksihan ko. Nabitiwan ko ang mga gamit na dala ko, dahilan para mahinto sila at malaman nila ang presensya ko. Unti-unting nag-ulap ang paningin ko. Bakit? Bakit ganito? Parang may humiwa ng paulit-ulit sa puso ko. Sana, panaginip na lang ang lahat ng ito. Namalayan ko na lang na naglalandas na pala ng tuluyan ang mga luha ko. "J-Jessie," gulat na banggit niya sa pangalan ko. Gulong-gulo ako sa mga nakita ko, para akong lutang ng mga sandaling iyon pero para bang may sariling utak ang mga paa ko na kumilos palayo sa lugar na iyon. Sa huli, natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo ng luhaan. Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ko kaya 'yong sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit? Bakit siya may kahalikan na iba? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya ako pagtaksilan at unti-unting dinudurog nito ang puso ko. Ang sabi niya ako lang ang mahal niya. Ang sabi niya mahal niya ako. Pero bakit? Tiniis ko ang lahat ng sakit, nagtiwala ako sa kanya, minahal ko siya ng buong puso, ginawa ko ang lahat para sa kanya, inintindi ko siya at inunawa. Hindi ko siya iniwan noong mga panahon na kailangan niya ako, kaya anong dahilan para wasakin niya ng ganito ang puso ko ngayon? Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Mali ba ang mahalin siya ng lubusan? Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin, minahal ko siya ng sobra-sobra. Nagtiwala ako sa kanya pero tama nga silang lahat, ang tanga-tanga ko! Ako na nga ang pinakatangang babae sa mundo! Nagpauto ako sa kanya. Nagtiwala ako agad sa kanya. Sana isa lang itong panaginip, isang nakakatakot na bangungot. Dahil sobrang sakit! Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan akong nakalabas ng hospital. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko dahil nalulunod ngayon ang puso at isip ko sa sakit na nararamdaman ko. Patuloy sa paglalandas ang mga luha ko kaya naman patuloy din sa paglabo ang paningin ko. "Miss!" sigaw sa akin ng isang babae, huli na nang mapagtanto ko na isang mabilis na sasakyan ang papalapit sa akin. *** Ren's POV "Jessie! Sandali!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol ko siya. Pinigilan ako ng mga nurse at doctor na umalis pero hindi ako nakinig at nagpaawat. Kailangan ko siyang makausap, kailangan ko siyang makita! Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Sa sobrang asar ko kanina ay naitulak ko si Rhian, EX ko na nagpupumilit sa akin. Hinalikan na lang niya ako bigla na saktong nakita naman ni Jessie. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ganoon ang maabutan ni Jessie sa akin. Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana na asarin at paglayuin kaming dalawa. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya at siya lang ang gusto ko. Kailangan ko siyang maabutan. Hindi ko nais na masaktan siya. Mahal na mahal ko siya. Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kaysa mawala siya sa akin. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Umiiyak na pala ako habang tumatakbo at hinahanap siya. Para akong masisiraan ng bait. Paano kung hindi na niya ako kausapin? Paano kung iwanan na niya ako ng tuluyan? Hindi ko iyon kakayanin! Mababaliw ako isipin pa lang na iiwan na niya ako. Ang sakit. Sobrang sakit na masaktan mo ang taong mahal mo na hindi mo naman ginusto, at alam kong sobra din iyong sakit na nararamdaman niya ngayon. "Miss!" Narinig kong sigaw ng isang babae at natigilan ako sa nakita ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nilapitan ko siya na nakahandusay na sa kalye at naliligo sa sarili niyang dugo. Niyakap ko siya at kinumbinsi na magdilat siya ng kanyang mga mata. Hindi niya ako maaaring iwan. "B-Baby ko? Gumising ka. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Huwag mo akong iwan pakiusap!" umiiyak na sabi ko. Para akong masisiraan ng bait. Ito ang unang beses na nahawakan ko siya, unang beses na nayakap ko siya, unang beses na nakita ko siya. Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil ito na rin pala ang huling beses ng lahat ng ito. Dahil wala na. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko at tumigil sa pagtibok ang puso ko. ---------- Song: First & Last by Zack Tabudlo

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook