'Di Nagpaalam

2395 Words
'Sometimes you just gotta be your own hero and save your own little heart, because sometimes the people you can't imagine living without, can actually live without you.' *** Sabi nila, mga lalaki daw ang bihasa pagdating sa panloloko at pang-iiwan. Mga paasa daw, bolero, babaero at manloloko raw kami. 'Yan ang hirap eh, isang lalaki lang naman ang nanakit sa babae, pero lahat na ng lalaki sa mundo ay isinumpa. Kaya ako? Noong niloko at sinaktan ako ng babaeng mahal ko, nagtiwala pa rin ako. Nagmahal pa rin ako. Bakit? Hindi naman kasi lahat ng babae ay katulad ng ex ko, ‘di ba? Eh sa naramdaman ko 'to eh. Pinigilan ko man ng paulit-ulit, wala pa rin akong nagawa sa huli. Kahit gaano man akong kaiwas sa mga babae, na-in love pa rin ako sa kanya. *** "GOOD morning, James!" nakangiting bati sa akin ni Ynah. "Good morning din." Nginitian ko na lang din siya at saka ako nagpatuloy sa paglalakad. "May gagawin ka ba mamaya after ng klase natin?" nagpapa-cute na tanong niya sa akin habang sinasabayan ako sa paglalakad. "Huh?" "Eh kasi, gusto sana kitang imbitahan sa amin. Birthday kasi ng kuya ko," nakangiti niya pang sabi. "Gano'n ba? Happy birthday kamo sa kuya mo, but sorry, hindi ako pwede. May laro kasi ako mamaya," sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya dahil sa pagtanggi ko. Allergic ako sa mga babae pero ayaw kong nakakakita ng malungkot na babae. Ang abnoy ko rin talaga. "Hayaan mo, kapag birthday mo na sasama na ako sa iyo," saad ko. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?” masayang tanong niya sa akin. “O-Oo. Kuya mo ang may birthday kaya nakakahiyang magpunta lalo na at hindi naman kami close na dalawa.” “Okay! Naiintindihan ko na,” aniya. “Huh?” “Thank you! Napasaya mo ako. See you around. Next month na ang birthday ko," masayang sabi niya sabay kindat sa akin at pumasok na ng room niya. Hindi ko inaasahang next month na ang birthday niya. Napasubo yata ako. Bahala na nga. Mabilis akong pumasok sa classroom namin at naupo sa pwesto ko. Math ang first subject namin kaya naman ganadong-ganado ako. Favorite subject ko kasi iyon. "Nakita ko kasama mo si Ynah kanina ah. Ano? Sinagot mo na ba siya?" pang-aasar sa akin ni Kirk. "Pinagsasasabi mo?" "Dude, ang tagal ka nang nililigawan no'n, sagutin mo na. Maganda naman siya, saka mayaman din," singit naman ni Rom sa amin. "Mga sira ba kayo? Eh 'di kayo ang sumagot sa kanya," asar na sabi ko. Tinawanan naman nila akong dalawa. "Dude naman kasi, isang taon na lang tayo sa school na 'to pero wala ka pang nagiging girlfriend ulit. Nakakaisa ka pa lang. Ang hina mo naman," sabi ni Kirk sa akin. "Kaya nga, babae na nga ang lumalapit sa iyo pero lahat naman ay tinataboy mo. Kaya ang lakas ng dating mo sa mga babae eh, dahil diyan sa sungit effect mo. Nasasapawan mo kami!" pagbibirong sabi naman ni Rom. Isinuot ko ang earphones ko sa magkabila kong tainga at saka nakinig ng music. Mas okay na 'to kaysa pakinggan ang dalawang ulupong na 'to sa tabi ko, pero bigla nalang kinuha ni Kirk ang cellphone ko at pinatay ang pinapakinggan kong kanta. "Tama na nga 'yan, James. 2 years na ang nakakalipas. You should move on," pangaral ni Kirk sa akin. "Sino bang nagsabing hindi pa ako nakaka-move on?" tanong ko dito. "Huwag nga kami! Basta, ise-set ka namin ng date kay Ynah. You must enjoy your teen-age life, Dude," sabi naman ni Rom. Naiinis na ako. Oo mga kaibigan ko sila pero bakit ba hindi nila maintindihan na wala sa priority ko ang love life na 'yan? Gwapo ako kaya hindi ako nagmamadali. Alam kong may nakalaan para sa akin but not this time. I'm not yet ready to risk my heart. Sa pagkaasar ko ay tumayo ako at lumipat ng upuan para mas makapag-concentrate ako sa Math subject namin. Sigurado kasi ako na buong araw akong kukulitin ng dalawang iyon. Saktong dating naman ng Math teacher namin. Habang nakikinig ako sa dini-discuss niya ay napansin kong kanina pa nakatingin sa akin itong katabi ko kaya naman nilingon ko siya. "What?" naiiritang tanong ko dito. "Hindi mo man lang ba tatanungin sa akin kung may nakaupo diyan sa tabi ko?" "Huh?" "Bakit ka lumipat ng pwesto?" usisang tanong niya sa akin. "Bakit? Nabili mo ba 'to?" ganti kong tanong sa kanya. "Hindi. May sinabi ba ako?" "Wala," sagot ko then ibinalik ko na ang atensyon ko sa math teacher namin na nasa unahan namin. Wala na rin kasi akong ibang malilipatan na upuan dahil ito na lang ang bakante sa mga oras na 'to. "Pasalamat ka absent si Kim," sabi niya pa. Ayoko talaga makipag-usap sa mga babae. Nawawalan ako ng gana. Nakakaasar pa 'yong itsura niya. I mean, maganda naman siya. Pero bukod sa matingkad na kulay ng balat niya ay parang sinuntok pa ang nguso niya dahil sa sobrang pamumula nito. Parang nginudngod sa kung saan ito. Pero, oo cute naman siya. Sabi ko nga kanina ay maganda siya at totoo 'yon. Maganda siya kahit hindi siya maputi. Ang sakit lang sa mata ng nguso niyang sobrang pula. "Thank you," walang buhay na sagot ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan. Akala ko may sasabihin pa siya, pero nanahimik na lang siya bigla. Nang lingunin ko siya ay nagtama ang aming mga mata. At doon ko lang napagmasdan ang magandang mga mata niya. Hindi ko alam pero bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko din ay biglang namula ang magkabilang pisngi ko. Ang weak naman ng ganito. Sa huli ay nagpatikhim ako. "Alam ko naman na gwapo ako. Pero ‘wag kang tumitig masyado sa akin at baka matunaw ako," sabi ko na lamang sa kanya at ibinalin ko ng muli ang tingin ko sa unahan. "Oo na gwapo ka na," pabulong na tugon niya sa akin. Pabulong na rinig na rinig ko. At hindi ko alam kung bakit sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na bahagyang napangiti dahil sa kanya. *** "GOOD morning, Cindy," nakangiti kong bati sa kanya sabay upo sa tabi niya. "Good morning din." Abot tainga ang ngiti niya. Halatang-halata na kinikilig siya sa akin. It's been 2 weeks mula nang maging close kami ni Cindy. Although, classmate ko siya pero hindi naman kami nag-uusap before. Nagsimula lang 'yon noong araw na binubwisit ako ng dalawa kong kaibigan kaya naman lumipat ako ng upuan para makapag-concentrate sa favorite subject ko, pero tae! Lalo lang akong nawala sa concentration nang mapaupo ako sa tabi niya. Everytime she's next to me, parang may mga kabayong tumatakbo sa loob ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit imbis na lumayo na ako ay nagustuhan ko pang umupo sa tabi niya. "Balita ko niyayaya ka ni Ynah na sumabay sa kanya sa pag-uwi mamaya?" pagkuwan ay tanong niya sa akin. "Huh? Oo, gano'n na nga," simpleng sagot ko. "Sasabay ka sa kanya?" "Ano sa tingin mo?" "Huwag na lang." "Bakit naman?" Baka nagseselos siya? Gwapo ko talaga. "K-Kasi ano… uhm… bakit ba gusto mong kasama ang babae na iyon?" "Kasi hindi sobrang pula ng labi niya." "Inaasar mo ba ako?" "Hindi ah! Hindi talaga. Ngayon ko nga lang napansin na ang kapal ng lipstick mo," painosente kong sabi sa kanya. "Psh. Ganito naman na kasi ako. Kaya, tanggapin mo na ganito ako." Medyo mahina ang pagkakasabi niya sa huli pero narinig ko naman lahat ng 'yon. Feeling ko nga namula ang mukha ko dahil sa sinabi niyang 'yon. "Joke lang! Oo tanggap naman kita kahit ganyan 'yang nguso mo," pang-aasar ko sa kanya, hinampas-hampas naman niya ako. She's so cute! God, why do I felt this way? Am I ready to fall in love again? *** "HAPPY 1st Anniversary, Adhie ko!" "Happy 1st Anniversary, Amhie ko," ganti kong bati sa kanya sabay halik sa noo niya. "Bakit nag-abala ka pang ibili ako nito? Amhie naman eh, sabi ko naman sa iyo hindi mo ako kailangan regaluhan lagi." "I love you! Just say thank you na lang, Adhie ko. Saka gusto kong binibigyan ka ng mga gift tuwing may celebration tayo," nakangiti niyang sabi sa akin. "Mahal na mahal kita. Hayaan mo, Amhie ko, kapag naka-graduate na ako, babawi naman ako sa'yo. Pasensya ka na kung wala akong naibibigay sa'yo na materyal na bagay." "Your love is enough for me," nakangiti niyang sabi sabay kindat. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na binigyan ako ng Diyos ng isang babaeng katulad ni Cindy. Isang taon na mula nang naging kami at masasabi ko na ako na yata ang pinakaswerteng lalaki sa mundo, dahil isang tulad niya ang nagmamahal sa akin. Mula nang masaktan ako ni Tessa, ang first girlfriend ko noong second year high school ako ay natakot na akong magmahal ulit. Naging iwas ako sa mga babae at naging tampulan ako ng tukso. Sobrang nasaktan ako noon dahil seryoso ako kay Tessa. Pareho na kaming legal sa mga magulang namin, nakakapunta na ako sa kanila at gano'n din siya sa amin. Pero hindi ko alam kung bakit nagawa niya pa rin akong lokohin at ipagpalit sa iba. Si Tessa ang first love ko, pero salamat sa kanya dahil natagpuan ko rin ang true love ko. Sa totoo lang ay hindi ko niligawan noon si Cindy. Siya ang unang nagtapat sa akin. Tinanggihan ko pa siya noon dahil naroroon pa rin ang takot ko na magmahal ulit dahil sa ginawang panloloko sa akin ni Tessa noon. Pero hindi siya tumigil at niligawan niya ako. Oo gano'n na nga. Siya ang nanligaw sa akin. Hanggang sa naging kami na nga. Mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko din naman siya. 2nd year college na ako sa kursong Criminology. Habang si Cindy naman ay nagtatrabaho. Hindi na kasi siya nakapag-aral ng college kaya nagtrabaho na lang siya pagka-graduate namin ng high school. Ang sipag at ang bait ng girlfriend ko, ‘no? Mahal na mahal ko siya. At ipinapangako ko na babawi ako sa kanya kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Ang relasyon namin ni Cindy ay mas tumagal pa at umabot ng tatlong taon. Masasabi kong isang perfect relationship ang mayroon kami, hindi dahil sa hindi kami nag-aaway, kung ‘di dahil mahal na mahal namin ang isa't isa na siyang pumupunan ng kakulangan namin. Isang taon na lang ay ga-graduate na ako, konting panahon na lang ay matutupad na ang mga pangarap naming dalawa. Pero minsan, hindi din pala sapat na mahal niyo ang isa’t isa para manatili kayong tapat sa isa’t isa. Dahil sa huli, nagkamali ako. Ang lahat ng inakala ko noon ay mauuwi lang pala sa isang masakit na bangungot. Minsan kasi, kahit gaano niyo kamahal ang isa't isa, kapag hindi kayo ang itinadhana, masakit man pero kailangan mo nang magpalaya. "I'm sorry." Nakayuko lang ako habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Gustong lumabas ng mga luha ko pero pilit ko itong pinigilan. "I love you, Cindy," sambit ko. "I'm so sorry, James," naiiyak na sabi niya. "I love you," bulong ko sa kanya ng hindi pa din binibitawan ang kamay niya. "Hindi ako ang para sa'yo. Sorry." "No. Ikaw ang para sa akin, kaunti na lang makaka-graduate na ako. Matutupad ko na ang lahat ng pangarap natin." "Kalimutan mo na ako at ang mga pangarap na 'yan." Sandaling katahimikan ang namalagi sa aming dalawa bago ako muling nagsalita. "May iba na ba?" mapait na tanong ko sa kanya. "Wala akong naging iba kahit na kailan. Ikaw lang James," sagot niya. "Bakit mo ako gustong iwan?" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at hinayaan ko na silang lumabas. "Hindi ko gusto, James, pero kailangan," sagot niya. "Ayaw ko. Hindi tayo matatapos," matigas kong sabi sa kanya. "No, James. Ayaw ko nang ituloy pa 'to. Hindi ako ang para sa'yo. Wala akong maipagmamalaki sa pamilya mo. Hindi ako nakapag-aral katulad mo. Wala akong narating na kahit na ano. Kaya humanap ka na lang ng babaeng mas nababagay sa'yo." "Hindi! Tanggap ka nila kahit ano pang sabihin mo. At tanggap din kita. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang gusto ko! Hindi tayo maghihiwalay." "Sorry, James. Pero ayaw ko na talaga." Pilit niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya. "Kalimutan mo na ako. Paalam." Gusto ko man siyang habulin at pigilan ay hindi ko magawa. Para akong nalumpo nang bitiwan niya ang kamay ko. Sana panaginip lang ang lahat ng 'to. *** PAGKATAPOS ng klase ko ay mabilis akong nagtungo sa bahay nina Cindy upang kausapin siya. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sa akin. Sa tatlong taon ng relasyon namin, ako lagi ang inuunawa niya, ako lagi ang sinusuyo niya, ako lagi ang nilalambing niya. Kaya this time siya naman. Siya naman ang uunawain ko. Hindi ko siya isusuko ng basta-basta na lang. Rest day niya ngayon sa trabaho kaya alam kong nasa bahay lang nila siya. Nakita kong bukas ang pintuan ng bahay nila kaya mabilis akong lumapit. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay natigilan ako sa mga bagay na narinig ko. "Nasabi mo na ba sa kanya ang lahat?" tanong ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Hindi. Hindi ko kayang saktan siya ng sobra. Basta sinabi ko lang na ayaw ko na," sagot ni Cindy. Nang mga sandaling iyon ay para bang may unti-unting sumasaksak sa puso ko. "Sana'y mapatawad niya rin tayo sa nagawa natin." "Sana nga..." "Kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?" "Ikaw talaga, Dalawang linggo pa lang naman ang tiyan ko. Hindi pa ako naglilihi." "Gano'n ba? Bumili ako ng pizza. Nagca-crave ako eh. Ito oh para sa'yo." "Babe huh, baka ikaw ang naglilihi sa baby natin para sa akin." "Pwede ba iyon, Babe?" "Oo kaya." "I love you, Baby. Huwag mong pahirapan si Mommy huh." "I love you too din daw, Daddy Kirk." And with that, kusang kumilos ang mga paa ko palayo sa lugar na 'yon. Ang sakit. Napakasakit! Walang mapaglagyan ang sakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Noon, niloko ako ng babaeng sineryoso ko, ngayon naman ay niloko ako ng babaeng mahal na mahal ko… at ng kaibigan ko. ---------- Song: 'Di Nagpaalam by Brenan Espartinez
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD