bc

Dangerously Attached

book_age18+
320
FOLLOW
4.1K
READ
HE
serious
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Attached Trilogy #1

Tutol si Ashleigh sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal. Nais niyang maranasan mismo ng puso niya ang umibig ng totoo, kaya naman isang araw ay nagpasya siyang takasan ang kanyang ama at iwan ang magandang buhay sa siyudad. Naisip niyang magtago at lumayo upang hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig na maipagmamalaki niya balang araw sa kanyang ama.

Tumungo siya sa isang malayong probinsya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ay may taong nais na mawala talaga siya dahil sa kayamanang taglay nila. Mangyayari ang isang trahedya na siyang babago sa buhay niya. Magigising na lamang siya sa pangangalaga ng isang binatang agad na nagpatibok sa puso niya. Kung kaya't magpapanggap siyang nawalan ng alaala upang manatili sa piling ng binata.

Ngunit paano kung may matuklasan siyang lihim sa lalaking piniling ibigin ng puso niya?

Magiging mapangahas pa rin ba siya kung malaman niyang... kapatid niya ang lalaking iniibig niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
"When she came back to the palace, she found the beast ill in his bed. She didn't want him to die and she told him she'll marry him. Beast disappeared all of the sudden and its place was taken by a beautiful prince. He told her all about a fairy enchanting him and how the spell could have only been broken by a girl falling in love with him. After her father got better they threw a wedding and then they all lived happily ever after." Matamis na ngumiti si Ashleigh matapos mabasa ng kanyang ina ang paborito niyang libro. Ni hindi na nga niya matandaan kung ilang beses na niya nga ba itong paulit-ulit na napapabasa sa kanyang ina, dahil hindi siya nagsasawang balik-balikan ang kwento ni Beauty at ni Beast. "I want to grow up now, so, I can meet my own Beast!" masaya at tila excited na sambit niya sa kanyang ina. "No, Baby. Don't grow up so fast. Gusto kong maging baby lang kita ng matagal na matagal!" tugon sa kanya ng kanyang ina kasabay ng pag-ayos nito ng kumot niya. "But I can still be your baby even if I meet my own Beast," inosenteng sabi niya sa kanyang ina. "Hmm. Well, pwede naman iyon, pero ayaw ko pang magkaroon ng kahati sa iyo. Kaya huwag mo munang madaliin ang paglaki mo, anak. Okay?" "Okay po, mom. I won't na po. I'll just wait for the right time na lang po to meet my own Beast," magalang na tugon niya sa ina. "Very good, baby. I love you so much!" "I love you too, mommy!" Punong-puno ng pagmamahal na kinintilan siya ng halik sa noo ng kanyang ina. At maya-maya lang ay dumating may mahihina at maliliit na pagkatok silang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang kanyang ama, na kagagaling lamang sa trabaho. "Daddy!" masayang sambit niya kasabay ng pagbangon at pagsalubong niya ng mahigpit na yakap dito. "Hey, baby!" Mahigpit din siyang niyakap ng ama at kinarga. Saka ito kumilos at lumapit sa kanyang ina upang gawaran ito ng isang halik sa noo. "How was my queen and my princess?" malambing na tanong pa nito sa kanila saka ito naupo sa kama niya sa tabi ng kanyang ina, habang karga-karga pa rin siya. "We're good, dad. Mom just read me my favorite story," masiglang tugon niya sa ama. "Really? Is it Beauty and the Beast?" tanong ng kanyang ama sa kanya na kaagad niyang tinanguan bilang pagtugon. "You really love that story, huh. Can you tell me why?" "Because, like you and mom, someday, I want to find my own Beast. I want to find my true love." "Pero, hindi ba kami ang true love mo ng mommy mo?" "Yes, you are. But Beast is different. You know, dad, I want my own Prince Charming. Tulad po ni mommy, she has her own Prince Charming and that is you." "Oh? Prince Charming naman ngayon. Ang bata-bata mo pa para sa mga ganyang bagay, anak. Saan mo ba natututunan 'yan?" tanong ng kanyang ama sa kanya. "Prince Charming is in all the stories we've read. Right, mom?" balin niya sa kanyang ina. "Yes, baby. But that is enough na," sabi ng kanyang ina saka siya nito kinuha mula sa kanyang ama at maingat at marahan na ibinalik at inihigang muli sa kanyang kama. "It's your bedtime na. It's time to sleep na," dagdag pa nito sa kanya. "It's your bedtime na pala, baby. You should sleep na. Close your eyes na," saad naman ng kanyang ama sa kanya. "Okay po, daddy, mommy!" mabait niyang tugon sa kanyang mga magulang saka niya ipinikit ang kanyang mga mata. "Good girl!" puri ng kanyang ama sa kanya saka nito inayos ang kumot sa kanya. Pero mabilis niya ring iminulat muli ang kanyang mga mata. "I love you mommy, I love you daddy!" "We love you too, baby!" sabay at natutuwang tugon naman sa kanya ng kanyang mga magulang, saka siya nito kinintilan ng halik sa kanyang noo at pisngi. Matamis na ngumiti si Ashleigh saka niya marahang muling ipinikit ang kanyang mga mata, at tuluyan na nga siyang hinila ng kanyang antok. Kinabukasan... Napabalikwas ng bangon si Ashleigh nang maramdaman niyang tila parang napakatagal na niyang natutulog. Bumangon siya at marahang hinawi ang kurtina upang sumilip sa bintana ng kanyang malawak at napakagarang kwarto. Doo'y kaagad niyang nakita ang tirik na araw na siyang nagpasilaw sa kanya. Kung kaya'y agad din niyang muling isinara ang kurtina ng kanyang bintana. Sa itsura ng sikat ng araw ay sigurado siyang tanghali na! Alam niyang may pasok siya ngayon sa eskwela ngunit nakakapagtakang bakit walang nanggising sa kanya. Sa huli ay padabog siyang bumaba ng hagdan habang naiiyak. "Mommy! Mommy!" tawag niya sa kanyang ina habang patuloy siyang humahakbang pababa sa bawat baitang ng kanilang malawak na hagdan, hanggang sa... "Surprise! Happy 8th birthday, Ashleigh!" sigaw ng kanyang mga magulang, mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kaklase sa kanya. Matagal bago nag-sink in sa kanyang utak ang lahat. Birthday niya nga pala ngayong araw! At naririto sa kanyang harapan ang lahat ng mga taong mahahalaga sa kanya. Ang kanyang mga magulang, mga tito at tita, ang kanyang mga lolo at lola, mga kaibigan, mga kaklase, at ang ilan sa kanyang mga guro. Nawala sa kanyang murang isipan ang kanyang kaarawan kung kaya't talaga namang nasurpresa siya. "Mommy, daddy..." naiiyak na usal niya. Kaagad siyang nilapitan at kinarga ng kanyang ina. "Yes, baby? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang surprise namin sa iyo?" "No, mom. Gulat lang po ako," naiiyak na tugon niya na ikinatawa ng lahat. "Sorry, baby. Nagulat ka namin. But we just want to make you happy today because it is your birthday." "Yes, I know. Thank you all," marahang tugon niya. "Blow your candle na, baby," masayang sabi ng kanyang mommy sa kanya. "Make your wish muna. Close your eyes." Ipinikit ni Ashleigh ang kanyang mga mata saka niya pinagdikit ang kanyang dalawang palad. "Lord, thank You for this day. I wish na sana po mabuhay kami palagi ng masaya ni mommy, daddy, and all of my family and friends here!" Sa pagmulat niya ng mata ay masaya niyang hinipan ang kandila sa birthday cake niya. "Yehey!" "Happy birthday, Ashleigh!" Nang araw na iyon ay masayang nagkasiyahan ang lahat at nagsalu-salo sa iba't ibang mga nakahandang masasarap na pagkain. Sobrang saya ni Ashleigh nang araw na iyon. Para sa kanya, iyon ang isa sa pinakamasayang araw niya. Kumpleto at masaya ang kanyang buong pamilya maging ang lahat ng kanyang kaibigan. Ngunit hindi niya inaasahan na darating ang araw na siyang tuluyang babago sa perpekto, masaya, at payapang buhay niya. Sa mura niyang edad, hindi niya inaasahan na ang lahat pala talaga ng bagay ay may katapusan. Dahil sa isang iglap, ay tuluyan siyang iniwan ng kanyang pinakamamahal na ina. Labis siyang nasaktan nang mawala ang kanyang ina. Hindi niya iyon kaagad natanggap, ganoon din ang kanyang ama. Ngunit nakita niya, sa kanyang paglaki, ang unti-unting pagbabago ng kanyang ama na siyang tuluyang ikinalayo ng loob niya rito hanggang sa kanyang paglaki. "Happy birthday, Ashleigh!" masayang bungad sa kanya ni Vangie, ang kanyang yaya, pagkalabas niya ng kwarto niya. "Oh, thanks, Yaya! Pero sana hindi ka na po nag-abala pa," matamlay na tugon niya rito. "Bakit naman hindi? Espesyal na araw mo ito. Kaya nararapat lang na i-celebrate natin ito." Nagkibit-balikat na lamang siya rito. "Blow the candle na," masayang sabi pa ni Vangie sa kanya. "Alright," walang buhay na tugon niya saka niya walang pagdadalawang-isip na hinipan ang kandila sa birthday cake na hawak ni Vangie para sa kanya. "Bakit naman hinipan mo kaagad? Wala ka bang birthday wish man lang?" tanong nito sa kanya. "Birthday wish?" napangisi siya. "Bata lang po ang naniniwala sa ganoon." "Pero—" "I have to go, yaya," mabilis na putol niya rito saka siya mabilis nang lumabas ng kanilang bahay. "Mag-iingat ka ha! Huwag mong kalimutan ang dinner mo with your dad mamaya!" Narinig niya pang sigaw ng kanyang yaya na siyang binalewala niya na lamang. Tuwing kaarawan ni Ashleigh, nakaugalian na niyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan at doon i-celebrate ang birthday niya. Palagi rin naman kasing busy sa trabaho ang daddy niya kaya hanggang padala na lamang ito ng regalo at pera sa kanya. Pero iba ngayon ang gusto nito dahil kagabi pa lang ay nagsabi na ito na may dinner sila mamayang gabi. Bagay na paulit-ulit niyang pinag-iisipan dahil aminado naman siyang nae-excite siyang makasama muli ang ama sa ganitong klaseng selebrasyon. "It's your birthday, Leigh. 17 ka na ngayon, isang taon na lang naman nasa legal age ka na. Kaya sige na, shot ka na!" panunulsol ni Jamie sa kanya. "Oo nga, Leigh! Sige na. Wala rin namang makakahalata na underage ka pa lang. So, go na!" sabi naman ni Sandra. Sa huli ay nagpadala na nga si Ashleigh sa sulsol ng kanyang mga kaibigan at tinikman ang alcohol na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Kaagad na napangiwi ang mukha niya nang malasahan niya ang kakaiba at pait na lasa nito. Gusto niyang masuka dahil sa hindi kanais-nais na lasa nito para sa kanya. Pero hindi niya maunawaan kung bakit sarap na sarap at gustong-gusto ito ng dalawa niyang kaibigan. Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan ay tumunog ang cellphone niya. It's her dad kaya naman kaagad niyang sinagot ang tawag. "Where are you now? Ipapasundo kita sa driver," bungad ng kanyang ama sa kanya. "No need na, dad. I'll go with myself na lang dyan." "But—" "I'm on my way na. Bye!" mabilis na putol niya saka siya nagpaalam sa kanyang mga kaibigan. Ilang sandali lang ang lumipas nang marating niya ang five-star restaurant na kinaroroonan ng kanyang ama. Kaagad na nahanap ng mga mata niya ang kanyang ama kaya mabilis siyang lumapit doon. Pero unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita niyang hindi ito nag-iisa. Dahil may kasama itong isang hindi pamilyar na babae. "Ashleigh," nakangiting usal ng kanyang ama sa kanya saka bumalin ng tingin ang babae sa kanya at ngumiti. "D-Dad..." "Siya ba ang anak mo? Napakaganda niyang bata," nakangiting sabi nito sa kanyang ama habang nakatitig sa kanya. "Yes, hon, siya ang anak ko," tugon naman ng kanyang ama na siyang parang nagpabingi sa kanya. Hon? May pagtataka at pagtatanong niyang tiningnan ang kanyang ama. "Ashleigh, she's your Tita Cristy, she's my girlfriend," sabi pa nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook