bc

Spark of Hope (Completed)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.2K
READ
HE
serious
small town
like
intro-logo
Blurb

THIS BOOK IS SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE

Amazing Love Series #1: Spark of Hope

“No matter what you've done in your past, God can redeem you.”

---

Mula sa pagkabata ay puro karahasan na lamang ang sinapit ni Kyrielle sa kamay ng kanyang mga magulang. Ngunit ang inakala niyang walang katapusang paghihirap ay mapapalitan ng kakaibang saya nang siya ay matutong magmahal at magtiwala.

Pero tila nga ba lahat ng bagay ay may katapusan. Dahil panandaliang saya lamang ang kanyang naranasan sa piling ng lalaking kanyang piniling mahalin at pagkatiwalaan. Muli siyang makakaranas ng hirap at sakit at tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Tila ba taksil sa kanya ang Diyos dahil siya ang paborito Nitong pahirapan.

Wala na siyang nakikita pang pag-asa para maging masaya at makalaya sa karahasan ng mundo. Not until he met someone, na siyang magmamahal at magtuturo sa kanya na magtiwala sa Diyos na matagal na niyang tinalikuran.

Sa pangalawang pagkakataon, magtitiwala kaya siyang muli? O habang buhay na siyang magpapaalipin sa karahasan?

chap-preview
Free preview
Simula
"I-Itay, huwag po,” umiiyak at halos paos na paulit-ulit na pagmamakaawa ni Kyrielle sa kanyang walang puso na ama. "Huwag ka ngang maingay!” saway nito sa kanya. “Sandali lang ito at tiyak akong masasarapan ka rin mamaya," nakakalokong sabi pa nito sa kanya habang may nakakatakot na ngisi sa mga labi nito. Ang mga mata nito ay namumula at tila punong-puno ng pagnanasa sa kanya. Bagay na siyang paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. "Huwag po, Itay! Maawa po kayo sa akin!" pagmamakaawa at sigaw niya. Ngunit tila isa itong bingi na hindi man lang binigyan ng pansin ang pagmamakaawa niya. At sa halip ay itinuloy lamang nito ang kalupitan at karahasan sa kanya. Sa murang edad ay nawala na agad kay Kyrielle ang kanyang dangal at dignidad. At ang pinakamasakit sa lahat, ay ang sarili pa niyang ama ang kumuha no’n sa kanya. Ang isang beses ay naulit pa ng ilang beses. At wala siyang ibang magawa nang mga panahon na iyon. Nabalot lamang siya ng takot at galit. Dahil inalis sa kanya ng sariling ama ang lahat ng kainosentihan niya. Dinungisan ang kanyang dangal at winasak ang kanyang dignidad.  Nang maglakas loob siyang sabihin sa kanyang ina ang tungkol sa kalapastanganang ginagawa sa kanya ng sarili niyang ama, ay nagalit at pinalayas lamang siya nito. Sa halip na pakinggan, kaawaan, at ipagtanggol ay nakuha pa nitong magalit sa kanya at palabasin na sinungaling siya. Ngunit hindi naman pumayag ang kanyang ama na tuluyan siyang palayasin ng kanyang ina. Bakit? Sapagkat walang kasing sama ito at hindi pagmamalasakit ang ginagawa nito para sa kanya. Kung ‘di pananamantala sa kahinaan niya. Dahil doon, ilang beses na niyang tinanong ang Diyos. Ilang beses na rin niyang tinanong ang kanyang sarili. Bakit ang lupit ng kapalaran at ng mundo sa kanya? Hindi ba siya karapat-dapat na mahalin? Bakit ang sariling mga magulang pa niya ang nananakit sa kanyang damdamin? Ni hindi pa siya pinag-aral ng mga ito, dahil mas abala ang mga ito sa kani-kanilang mga bisyo. Ang kanyang ina sa pagsusugal. At droga naman ang sa kanyang ama. Wala na siyang pag-asang nakikita pa sa buhay niya noon. Hanggang sa… dumating at makilala niya ang isang taong makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. "Bakit ikaw ang nag-iigib? Wala ka bang kapatid na lalaki?" tanong sa kanya ng isang estrangherong sumulpot na lamang mula sa kung saan. Agad namang napako ang tingin niya sa magaganda nitong mga mata. Tila para siyang lumulutang sa ere nang mapagmasdan niya ang maamo at kaibig-ibig nitong mukha. Kakaiba ang kasuotan nito na halatang hindi ito taga-rito sa kanilang lugar, at nagmula sa may kayang pamilya. "Binibini?" Nagbalik si Kyrielle sa kanyang sarili nang muling magsalita ang estranghero sa kanyang harapan. "H-Huh?" tanging nasambit niya lamang. Isang matamis at nakakaakit na ngiti naman ang namutawi sa mga labi nito. “Pasensya ka na kung kinakausap kita kahit hindi naman tayo magkakilala. Nabighani kasi ako sa iyong—taglay na kagandahan," usal nito sa kanya na siyang agad na nagpalambot sa kanyang nanghihinang mga tuhod at nagbigay ng kiliti sa kanyang puso. ‘Ano ba itong nararamdaman ko?’ kastigo niya sa kanyang sarili. Mabilis siyang tumalikod sa estranghero upang maitago ang nararamdaman niyang pamumula ng kanyang mukha dahil sa sinabi nito sa kanya. At kahit na hindi pa man din niya napupuno ang iniigiban na timba ay mabilis niya na itong binuhat para sana umalis na. Pero natigilan siya nang mabilis naman siyang pinigilan ng binata sa pag-alis. "Sandali, Binibini! Bakit aalis ka na agad? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "H-Huh? Uhm... w-wala naman,” nauutal at tila kinakabahan na tugon niya rito. “Pero pasensya ka na. Hindi kasi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala,” mailap na sabi niya pa rito. "Ganoon ba? Kung ganoon ay—hayaan mo akong magpakilala sa iyo,” nakangiting saad sa kanya ng estranghero. “Ako si Murphy," pagpapakilala pa nito sa kanya sabay lahad ng palad nito sa kanyang harapan. "At ikaw si?" dagdag nito na tila hinihintay ang sagot niya. "A-Ako si Kyrielle," nahihiya at mahinang tugon niya sa binata sa huli saka tinanggap ang palad nito na nakalahad sa kanyang harapan. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. “Ikinagagalak kong makilala ka, Kyrielle," sambit nito sa kanya sabay dampi ng mga labi nito sa likuran ng kanyang palad, na siyang nagpagulo sa buong sistema niya at nagpabilog sa mga mata niya. At magmula nang araw na iyon ay nagkaroon na nga siya ng pagtingin kay Murphy. Hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito, maging dahil na rin sa kabutihang ipinapakita nito sa kanya. At hindi rin nagtagal ay naging malapit sila sa isa't-isa. Pakiramdam niya kasi nang mga sandaling iyon ay nakahanap siya ng kakampi at karamay. Na sa unang pagkakataon ng buhay niya, ay may taong nagpahalaga at nagmalasakit para sa kanya. Naging takbuhan niya ito sa tuwing pinagmamalupitan siya ng kanyang mga magulang. At naging tahanan niya sa tuwing nasasaktan at nalulungkot siya. Hanggang sa dumating ang araw na mas lalong lumalim ang pagtingin at ang nararamdaman niya para sa binatang si Murphy. At labis niyang ikinagulat at ikinatuwa nang malaman na ganoon rin pala ang nararamdaman ng binata para sa kanya. "Kyrielle, may gusto akong ipagtapat sa'yo," saad ni Murphy sa kanya. "Ano iyon?" tanong niya sa binata. Hinarap siya ng binata at marahang hinawakan ang baba niya, dahilan upang magtama ang kanilang mga tingin sa isa’t isa. Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil doon. "Kyrielle, ang totoo kasi niyan ay... gusto kita," buong pusong pagtatapat ni Murphy sa kanya na siyang mas lalong nagpabilis sa pagtibok ng puso niya. Natigilan si Kyrielle at umawang ang mga labi niya dahil tila hindi magkahumayaw sa tuwa at saya ang puso niya ngayon. Gusto rin siya ng lalaking gusto niya! Sa buong buhay niya ay ito pa lang yata ang masasabi niyang pinakamasayang nangyari sa kanya. Ramdam na ramdam niya kasi ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Na tila ba ngayon lang niya naramdaman na buhay siya. “N-Nabigla ba kita? Pasensya ka na, Kyrielle. Hindi ko na kasi kayang itago pa sa iyo itong nararamdaman ko. Kaya—” "Gusto rin kita, Murphy!" mabilis na putol niya kay Murphy, dahilan upang ang binata naman ang matigilan. “H-Huh? G-Gusto mo rin ako?” Mabilis siyang tumango sa tanong ni Murphy na iyon sa kanya. “Oo. Gusto kita, Murphy. Higit pa sa isang kaibigan. Gustong-gusto kita,” buong pusong pag-amin niya ng nararamdaman niya sa binatang nagbigay ng kasiyahan sa buhay niya. Unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata nang mapagtanto nito ang pagtatapat niya. "Ang ibig sabihin ba niyan ay tayo na?" "Huh? T-Tayo na?" agad siyang pinamulahanan sa mabilis na tanong na iyon ni Murphy sa kanya. "Oo. Gusto kita at gusto mo rin naman ako. Kaya girlfriend na kita mula ngayon," masayang pahayag ni Murphy sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang napangiti ng matamis sa binata. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa puso niya. Tatango na sana siya sa binata bilang pagtugon dito nang agad din naman siyang matigilan. Sa isang iglap, tila nawasak lahat ng kaligayan na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon nang sumagi sa isipan niya ang kalupitang ginagawa sa kanya ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ama. Dahil doon, nakaramdam siya ng takot. Naisip niya kung may karapatan ba talaga siyang makaramdam ng ganitong saya sa kabila ng pagkatao niya. Ang takot at pag-aalala na iyon ay mabilis na rumehistro sa kanyang mukha. "Bakit, Kyrielle? May problema ba?" alalang tanong ni Murphy sa kanya. Hirap siyang napalunok saka niya sinalubong ang mga tingin nito sa kanya. "Pasensya ka na. Pero sa tingin ko… hindi ko kayang maging girlfriend mo," balisang sabi niya sa lalaki. “Ano?” naguguluhan na tanong ni Murphy sa kanya. “Pasensya ka na, Murphy,” tanging nasambit niya na lamang saka siya akmang tatalikod sa binata upang umalis. Pero mabilis naman siyang hinawakan ni Murphy sa kamay para pigilan siya. “Sandali, Kyrielle. Hindi ko maintindihan.” “Murphy…” “Gusto kita. At sinabi mong gusto mo rin ako. Kung masyado kang nabibilisan sa akin, I’m sorry. Ganito na lang, liligawan kita, Kyrielle. Patutunayan ko sa iyo na seryoso ako sa nararamdaman ko sa iyo. Patutunayan kong totoo itong nararamdaman ko.” Mabilis na uminit ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Gusto niya ang binata pero hindi niya alam kung kaya pa rin ba siya nitong tanggapin kapag nalaman nito ang tungkol sa nakakahiyang lihim niya. Na hindi na siya birhen dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya alam kung mauunawaan ba iyon ni Murphy kapag sinabi niya iyon dito. “Pasensya ka na, Murphy—” “Sabihin mo sa akin, Kyrielle. Anong pumipigil sa iyo para gustuhin ako ng tuluyan at maging masaya sa piling ko?” putol na tanong sa kanya ni Murphy. At habang pinagmamasdan niya ang mga mata nito ay nakikita niya kung gaano ito nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya. “Murphy…” “Sabihin mo sa akin, Kyrielle.” “Gusto mong malaman ang totoo?” “Oo. Kaya sabihin mo sa akin kung anong dahilan—” “Pinagsasamantalahan ako ng aking ama,” mabilis na putol niya kay Murphy kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Namilog ang mga mata ng binata at umawang ang mga labi nito. Kitang-kita sa mukha nito ang labis na pagkagulat dahil sa ipinagtapat niya. “A-Ano?” “Kaya pasensya na dahil… sa tingin ko ay hindi ako karapat-dapat na babae para sa iyo.” Nagpatuloy sa paglalandas ang mga luha niya sa harapan ng lalaking gusto niya. “Gusto kita pero—hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang nararamdaman kong ito sa iyo—” Natigilan siya sa kanyang mga sinasabi nang bigla siyang mabilis at mahigpit na hinagkan ni Murphy. “Sumama ka na sa akin, Kyrielle. Hindi na ako papayag na manatili ka pa sa inyo, kasama ang walang puso mong ama!" Halo-halong emosyon ang naramdaman niya mula sa binata nang mga sandaling iyon. Galit, pagkabigla, at ang matinding pagmamahal nito para sa kanya. “M-Murphy…” “Hindi na ako papayag na masaktan ka pa nila ulit mula ngayon. Hindi na, Kyrielle,” saad nito sa malambing na tinig. "Hindi na ako papayag na may manakit pa sa'yo mula ngayon. Akin ka na, Kyrielle. Aalagaan kita at mamahalin kita. Pangako iyan, Kyrielle.” Tila may kung anong humaplos sa puso ni Kyrielle nang mga oras na iyon. Ang lahat ng takot at pag-aalinlangan na nararamdaman niya ay unti-unting napalitan ng tuwa at saya. Hindi niya akalain na sa kabila ng pangit at marumi niyang pagkatao ay kayang-kaya siyang tanggapin ng lalaking kanyang minamahal. At mula nga nang araw na iyon ay hindi na nga siya nito hinayaang umuwi pa sa kanila. Isinama na siya nito sa pagluwas nito sa Maynila. Walang pag-aalinlangan naman siyang sumama dito dahil sigurado siya sa nararamdaman niyang pag-ibig para dito. Ibang-iba ang Maynila sa probinsyang kinalakihan niya. Pagkadating nila doon ay ipinakilala siya ni Murphy sa mga magulang nito at malugod naman siyang tinanggap ng mga ito. Hindi nagkulang sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya si Murphy. Ilang beses na rin niyang naibigay ang sarili niya sa binata, tanda ng buong pusong pagmamahal niya para dito. Bagay na kahit kailan ay hindi niya pagsisisihan. Mahal niya ito at gusto na niyang kalimutan na ang mapait at ang masama niyang nakaraan mula sa piling ng kanyang mga magulang. At handa na siyang buksan ang panibagong yugto ng buhay niya kasama ng lalaking minamahal niya. Sa mga unang buwan ng pagsasama nila ni Murphy ay naging masaya talaga siya. Mahal na mahal niya ito at ito ang nagpuno sa kanya ng pagmamahal na hindi ipinaramdam at ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Naging maayos at masaya ang pagsasama nila hanggang sa nagpasya na din silang bumukod ng tahanan mula sa mga magulang ni Murphy. Naging maligaya siya ng sobra sa piling ni Murphy. Pero ang akala niyang habang buhay na kasiyahan ay magwawakas din pala. Dahil tunay nga, na ang lahat ng bagay ay may katapusan. At hindi nagtagal, ang mainit at masuyong pagmamahal sa kanya ni Murphy ay tila unti-unting nagbago at naging malamig. At doon niya unti-unting mas nakilala pa ang tunay nitong pagkatao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook