Mabilis na tinungo ni Kyrielle ang pintuan nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Murphy sa pangalan niya.
"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto?" galit na bungad na tanong nito sa kanya.
"P-Pasensya ka na. Naghahanda kasi ako ng hapunan natin—" pagdadahilan sana niya na hindi na niya nagawang tapusin pa, dahil sa mabilis na siyang itinulak ni Murphy, at dere-deretsyo itong pumasok sa loob ng inuupahan nilang maliit na bahay.
"Ang dami mo pang satsat," inis na bulyaw ng lalaki sa kanya.
Mula nang magpasya silang dalawa ni Murphy na bumukod na ng tirahan sa mga magulang nito, ay halos isang buwan na itong palaging umuuwi ng lasing. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang lalaki o kung ano ba ang problemang dala-dalahin nito. Bukod sa palaging pag-uwi ng lasing, ay palagi ring mainit ang ulo nito sa kanya. Bagay na siyang maliit niyang pinagdadamdam dito.
Pinagmasdan niya ang lalaki na hihilo-hilong naupo sa upuang kahoy ng bahay nila. Dinaluhan niya ito upang tulungan sa pag-aalis ng panyapak nito. Pagkatapos no'n ay kumuha siya ng basang bimpo upang mapunasan ang mukha nito.
Mainam niyang pinagmasdan ang mukha ng kinakasama. Pumayat ang mukha nito at halos lumubog na din ang mga mata nito na napapalibutan pa ng makapal na itim. Hindi lang ang ugali ng lalaki ang napansin niyang unti-unting nagbabago nitong mga nakaraang linggo. Dahil maging ang itsura nito ay malaki rin ang biglang pinagbago.
Wala naman sa kanyang kaso iyon kahit pa ano mang maging itsura ng lalaki, sapagkat labis niyang minamahal ito. At para sa kanya ay ito pa rin ang lalaking minahal niya noon.
"Ilang araw ka nang umuuwi lagi ng lasing ah," saad niya sa kinakasama habang patuloy na pinupunasan ito ng basang bimpo.
"May problema ka ba?" at pagkuwan ay lakas-loob niyang pagtatanong dito. Ngunit sa halip na sagutin siya ng lalaki, ay marahas lamang siyang hinawakan nito sa kanyang palapulsuhan. Nabigla siya sa ginawa nito at nakaramdam ng sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya. "M-Murphy," sambit niya at agad na gumuhit sa kanyang mukha ang pangamba nang mabilis na inilapit ni Murphy ang mukha nito sa kanya.
"Ang bango mo naman," bulong nito sa tapat ng kanyang tainga. At lalo pa siyang nagulat nang bigla siya nitong kinabig sa kanyang baywang papalapit at inamoy-amoy ang kanyang leeg.
Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti dahil doon kaya naman bahagya siyang napapikit. "M-Murphy..." mahinang sambit niya sa pangalan ng lalaking kanyang minamahal.
Ipinagpatuloy ni Murphy ang pag-amoy sa kanyang leeg papunta sa kanyang balikat, hanggang sa sakupin na nito ang kanyang mga labi. Hindi naman siya nagdalawang isip na tugunan ang bawat paghalik na iyon na ibinibigay sa kanya ni Murphy. Batid niya na unti-unti nang nagbabago sa kanya ang lalaki. Hindi na ito ang dating Murphy na minamahal siya ng lubusan. Ngunit wala siyang magagawa, sapagkat mahal na mahal naman niya ito. Kaya naman nakahanda siyang ibigay at gawin ang lahat ng gusto nito. Nakahanda siyang paligayahin palagi ang lalaki dahil para sa kanya, ito lang ang tanging nakakaunawa at nagmamalasakit sa kanya.
Patuloy ang lalaki sa ginagawa nitong paghalik sa kanya habang malayang gumagala na ang kamay nito sa maseselan na parte ng kanyang katawan. Nalalasahan na rin niya ang alak mula sa mga labi nito na patuloy na sumasakop sa kanyang mga labi. At sa bawat paghalik na ginagawa sa kanya nito ay para ba siyang nalalasing din.
Dinala siya ng lalaki sa kanilang kwarto at inihiga sa kanilang kama. Pumaibabaw sa kanya ang lalaki at isa-isang tinanggal ang saplot niya sa kanyang katawan. At pagkuwan ay tinulungan naman niya ang lalaki sa pagtatanggal ng sarili nitong mga damit.
Nang kapwa hubad na ay punong-puno ng pagnanasa na tinitigan at pinagmasdan siya ni Murphy. Saka muling hinalikan at hinawakan ang kanyang katawan. Unti-unti, ang malumanay na pagroromansa sa kanya ng lalaki ay tila naging marahas na. Sa isang iglap ay para itong nagbagong anyo at nagmistulang mabangis na leon. Lalo pa nang may panggigigil siyang hinawakan nito sa maselang parte ng kanyang katawan at halos kagatin ang kanyang labi.
"M-Murphy... s-sandali. Nasasaktan ako," daing niya sa lalaki habang bahagyang nilalayo na ang sarili dito, ngunit hindi siya nito pinakinggan at tila nagmistulang parang isang bingi lamang.
Marahas pa rin siya nitong hinalikan sa kanyang mga labi. Halik na walang pag-iingat at punong-puno ng pagnanasa. Pakiramdam niya ay dudugo na ang kanyang mga labi, dahil sa ginagawa at sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Dahil doon ay muling nagbalik sa kanyang isipan ang mararahas na ginagawa sa kanya noon ng kanyang sariling ama.
Mula nang sumama siya kay Murphy dito sa Maynila ay pinilit na rin niyang kalimutan ang mga walang puso niyang mga magulang. Pinili niyang maging masaya na lamang sa piling nito, ngunit nasasaktan siya ngayon dahil tila parang nagbabago na ito ngayon sa kanya. Bagay na siyang lubusan niyang hindi maunawaan.
Bahagya niyang itinulak ang lalaki at bahagya rin niyang inilayo ang kanyang sarili dito.
"Murphy, nasasaktan ako," muling usal niya dito. Ngunit hindi niya inasahan ang naging tugon nito sa kanya.
"T*ng*n* naman! Ang dami mong arte!" bulalas nito sa kanya saka siya nito malakas na sinampal.
Halos mabingi siya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya at para bang sandali ding tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kusang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa parang unti-unting napupunit ang puso niya.
Marahas na hinawakan ni Murphy ang kanyang palapulsuhan at mabilis na itinali ito sa headboard ng kanilang kama, habang panay ang panunuya at pagbulyaw nito sa kanya.
"M-Murphy!" gulat na sambit niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. "Ano ba ang ginagawa mo?! Anong nangyayari sa iyo?!" Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at ang takot ay tuluyan nang umakyat sa kanyang dibdib, kaya naman kusa na ring tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"T*ng*n* kasi! Manahimik ka na lang!" bulyaw nito muli sa kanya.
Para siyang bumalik sa bangungot sa kamay ng kanyang sariling ama. Bawat panlalaban na ginagawa niya ay sinasaktan lamang siya.
Sa pakikipagsama niya sa lalaki ay alam niyang hindi ito ganito makipagtalik sa kanya. Ramdam niya sa bawat pagroromansa nito sa kanya noon ang pag-iingat at pagmamahal nito para sa kanya. Ngunit ngayon, ano na nga ba ang nangyari? Bakit bigla na lang itong nagbago sa kanya? Nakikita niya tuloy rito ang kanyang walang pusong ama. Dahilan para tumangis at patuloy siyang masaktan.
Panay lamang ang panunuya ng lalaki sa kanya habang sinasamantala ang kahinaan niya. Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Mahal niya si Murphy, pero nasasaktan siya dahil parang hindi si Murphy ang lalaking kasama niya ngayon. Para itong ibang tao na panay pagnanasa lamang ang nararamdaman. Para itong ibang tao na walang pagmamahal sa kanya.
Masakit ang bawat ginagawa nito sa kanya. Ngunit ang higit na mas masakit sa lahat ay ang unti-unting pagkawasak ng puso niyang lihim na tumatangis. Ilang ulit na may nangyari sa kanila ni Murphy nang gabi na iyon. Halos malamog ang buo niyang katawan dahil sa mga bugbog na natamo niya sa lalaki sa bawat paglaban at pag-iwas niya dito. Kaya naman nang mapagod ang lalaki at makatulog ito dahil sa kalasingan, ay labis siyang nagpasalamat.
Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaking kanyang minamahal. Iniisip niya kung ano ang problemang dala-dala nito upang maging dahilan ng unti-unting pagbabago nito sa kanya. Pero ayos lang, mahal na mahal niya ang lalaki kaya naman nakahanda siyang tiisin ang lahat at unawain ito ng paulit-ulit. Naisip niya na ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka. Hindi sa lahat ng oras ay palagi kang masaya. Dahil may mga pagkakataon talaga na masasaktan at masasaktan ka.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para ipaghanda si Murphy ng makakain. Isinangag niya ang natirang kanin kagabi at nagprito siya ng tuyo. Nais niya sanang bumili ng dalawang itlog ngunit hindi na kasya ang perang hawak niya. Kaya naman isang balot ng tuyo na lamang ang binili niya. Sa halagang sampumpiso ay may tatlong piraso na itong laman. Kasya na iyon sa kanilang dalawa ni Murphy. At pagkuwan ay gumawa na lamang din siya ng sawsawang suka para dito.
"Anak ng tinapa! Tuyo na naman?! Wala ka na bang ibang alam na ihain sa akin kung 'di tuyo?!" bulyaw ni Murphy sa kanya nang maupo ito sa harapan ng hapag-kainan at makita ang pagkaing inihanda niya roon.
"Pasensya ka na. Iyan lang kasi ang kasya sa natirang budget natin. Noong isang araw ka pa din kasi hindi nag-aabot ng gastusin natin—" Ngunit hindi na niya natapos pa ang kanyang sinasabi dito dahil mabilis na dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi. Bagay na siyang labis niyang ikinagulat. Paano siya nagagawang saktan na lamang ng basta ni Murphy ngayon?
"T*ng*n* ka! Mangangatwiran ka pa?! Gumawa ka ng paraan para magkapera! Bwisit! Sa akin mo na lang ba palaging iaasa ang lahat?!” sigaw nito sa kanya saka ito lumabas ng kanilang bahay at basta na lamang siyang iniwanan ng mag-isa.
Sapo-sapo niya ang kaliwa niyang pisngi na sinampal ng lalaki at unti-unti na namang nag-ulap ang kanyang mga mata hanggang sa... tuluyan na ring bumagsak ang kanyang mga luha. Hindi na niya kilala ang lalaking kanyang minamahal. May kung ano talaga na malaking nagbago na rito.
Habang umiiyak ay binalikan niya sa kanyang alaala ang mga pangako ng lalaki sa kanya noong unang nagtapat ito ng pag-ibig nito para sa kanya. Para siyang sinasaksak sa puso ngayon dahil sa sakit. Ayaw niyang isipin na wala na itong pagmamahal para sa kanya. Dahil sa buong buhay niya ay dito niya lamang naranasan na mahalin siya.
Ginawa niya ang sinabi ni Murphy sa kanya nang mahimasmasan siya. Nang araw rin na iyon ay umalis siya upang maghanap ng trabaho. Ngunit sa huli ay nabigo siya. Dahil sa hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral, ay hindi rin madali para sa isang katulad niya ang makahanap kaagad ng trabaho. Umuwi siyang malungkot at balisa. Iniisip niya kung ano ang sasabihin niya kay Murphy kapag nagtanong ito sa kanya.
Ngunit halos gumuho ang mundo niya sa nasaksihan niya nang makarating siya sa kanilang bahay. Parang mapipilas sa sobrang sakit ang puso niya na para bang tumigil din ito sandali sa pagtibok.
"Mga hayop!" buong-lakas na sigaw niya.
Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at sinugod niya ang mga ito. Hinampas at sinabunutan niya ang babaeng naabutan niyang kasiping ng lalaking kanyang minamahal. Agad naman na nagsuot ng shorts si Murphy, habang ang babae nito ay nagbalot ng kumot.
Umiiyak siya sa sobrang galit at sakit na nararamdaman niya. Iba pala talaga ang sakit kapag nakita mong may kasamang iba ang taong mahal mo, lalo na at kasiping niya pa ito sa sarili ninyong higaan.
"Kyrielle! Itigil mo iyan! Ano ba?!" sigaw at awat sa kanya ni Murphy, ngunit hindi niya ito pinakinggan. Patuloy lang siya sa pagwawala at pag-iyak habang sinasabunutan ang babaeng kasiping nito. "Tumigil ka na sabi!" sigaw muli sa kanya ni Murphy at ang sumunod na lang na pangyayari ay napaupo na siya sa sahig.
Humapdi ang kaliwang pisngi niya at halos mabingi siya sa malakas ng pagsampal ni Murphy sa kanya.
"T*ng *n* mo! Bwisit ka!" malakas na bulyaw pa nito sa kanya.
"Mga hayop kayo! Bakit mo ito ginagawa sa akin?!" umiiyak na tanong niya sa lalaki. Ngunit sa halip na sagutin siya ay sinakal lamang siya nito.
"Pwede ba? Wala kang pakialam sa gusto kong gawin! Hindi kita asawa, Kyrielle. Hindi mo ako pagmamay-ari. Kaya wala kang pakialam sa mga ginagawa at gagawin ko!" galit nitong sabi sabay hawak sa braso niya upang maitayo siya. "Lumabas ka dito. Istorbo ka sa ginagawa namin!" anito sabay hagis sa kanya palabas ng kanilang kwarto.
Wala na siyang ibang nagawa pa nang mga sandaling iyon kung 'di ang umiyak na lamang. Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking nangako at nagpakita ng pagmamahal sa kanya noon, ay ang nananakit ng sobra sa kanya ngayon.
---------
Hi everyone! Sa lahat po ng naghihintay ng update nina Josh at Yannie, again, sorry po pero hindi ko pa rin po pwedeng i-update ang story nila. para po malaman n'yo yung reason, pwede po kayo mag-join sa sss group ko po. Just search KheiceeBlueWrites' Stories on f*******:. Doon ko po ilalagay lahat ng announcement ko po at para mas mabilis ko din po kayong ma-reach out lahat.
At para po makabawi sa inyong lahat, this story is FREE forever po. Hindi ko po ito ipapa-contract kay dreame. And soon po, madami pa po akong story na ilalagay dito na FREE din po.
Thank you and keep safe everyone! God bless po ^^
Love,
Kheicee