bc

Taming The Campus Heartbreaker

book_age16+
2.9K
FOLLOW
11.2K
READ
fated
playboy
badboy
goodgirl
bxg
lighthearted
campus
highschool
school
shy
like
intro-logo
Blurb

Si Myrtle Grace Nievez—na tinaguriang campus nerd ng Prime High Academy, ay may lihim na pagtingin kay Calix John Villanueva, ang campus crush naman ng nasabing paaralan. At nang matuklasan ito ng kaibigang si Vernice Santiago, na siyang tinaguriang campus princess ng kanilang paaralan, ay tutulungan siya nitong mapansin ni Calix.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mabibigyan siya ng misyon. Iyon ay ang tulungang makapasa sa pag-aaral, ang tinaguriang campus heartbreaker ng kanilang paaralan. Walang iba kung ‘di si Ridge Janus Mackzon. Na hindi lamang saksakan ng pagiging babaero, kung ‘di napaka-bully din pagdating sa kanya.

Paano niya matatagalan ang misyon kung hindi lamang ang tahimik niyang buhay ang ginugulo nito, dahil maging ang payapang pagtibok ng kanyang puso?

Paano kung bukod sa pag-aaral ay maturuan niya din itong magmahal ng totoo?

May pag-asa nga kaya talaga ang isang tulad niya… na mahalin ng isang tulad nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Malapad ang ngiti ng batang babae habang manghang-mangha itong nakatingin ngayon sa nakatatandang kapatid na babae, na marahan at tila isang prinsesang bumababa mula sa hagdan. Suot nito ang isang napakagandang kulay lila na gown na animo’y kumikintab-kintab pa. Bagay na bagay iyon sa ayos ng pagkakakulot ng buhok nito. “Ang ganda-ganda ni Ate! Manang-mana siya talaga sa akin,” mahinang sambit niya habang masayang pinagmamasdan ang nakatatandang kapatid. Nang makababa na ito sa hagdan ay masaya na itong kinantahan ng mga taong naroroon. At masaya din naman siyang nakikanta sa mga ito. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday… happy birthday to you…” Sabay-sabay na pumalakpak ang mga taong naroroon at sabay-sabay din na bumati sa kanyang nakatatandang kapatid. “Blow the candle, Baby!” masayang wika naman ng mommy ng kanyang ate saka nga nito hinipan ang kandila na naroroon sa maganda at malaking cake. At pagkuwan ay muling sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga bisita ng kanyang ate. “Thank you, Mommy!” nakangiting wika ng kanyang ate sa Mommy nito saka ito mahigpit na yumakap sa ina. “Anak!” Maya-maya pa ay kaagad siyang napalingon sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya. “Kung saan-saan ka na naman nagpupupunta. Hindi ba at sinabi ko sa iyong tulungan mo akong mag-ayos ng mga upuan para doon sa mga bisita ng ate mo?” wika ng kanyang ina sa kanya. “Sorry po, Inay. Ang ganda-ganda po kasi ni Ate Mau kaya sumilip po ako,” tugon naman niya sa ina na agad naman siyang hinila palayo sa kumpulan ng mga bisita ng kanyang nakatatandang kapatid. “Alam kong maganda ang Ate mo. Pero bilisan mo na at tulungan mo na ako sa pag-aayos doon,” wika ng kanyang ina sa kanya saka siya nito dinala sa labas ng mansion at doon ay kinatulong sa pag-aayos. Pitong taong gulang na siya habang ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay walong taong gulang na. At taon-taon kung mag-birthday ito ay laging enggrande at bongga ang party. Na siyang labis naman niyang ikinaiinggit dahil sa tuwing siya ang nagbi-birthday ay hindi man lang siya maipaghanda ng masarap na pagkain ng kanyang ama at ina. Habang isa-isa niyang inaayos ang mga upuan ng mga bisita ng kanyang nakatatandang kapatid, ay napakislot siya nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay na dumapo sa kanyang binti. Tiningnan niya iyon at gumulong ang isang maliit na bato sa kanyang paanan. Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid at natanaw niya ang dalawang batang lalaki na siyang sabay na tumatawa sa kanya. Dahil doon ay nagdadabog niyang dinampot ang maliit na bato na iyon saka siya humakbang papalapit sa dalawang batang lalaki. At doon ay malapitan niyang binato ang dalawa. “Aray! Bakit ka namamato diyan?” sigaw ng isang batang lalaki sa kanya. ‘Yong mas tinamaan sa kanyang pagbato. “Kayo nga ang nangunguna diyan eh!” sigaw naman niya pabalik sa batang lalaki. “Hindi ka naman namin ginagalaw. Hindi ka lang pala pangit, sinungaling ka pa!” sigaw muli sa kanya ng batang lalaki na siyang ikinapikon niya. “Anong sabi mo? Ako pangit?” “Oo. Ang pangit mo. Bakit ka ba nakapasok sa lugar na ito? Dapat ugly not allowed dito eh,” pang-aasar at pang-aaway sa kanya ng batang lalaki. At dahil sa pagkapikon niya dito ay madiin niyang inapakan ang paa nito. Muli namang sumigaw ang batang lalaki dahil sa sakit, at habang ang isang batang lalaki na kasama naman nito ay masayang tumatawa at nanonood lamang sa pag-aaway nilang dalawa. Matapos niyang apakan ang paa ng batang lalaki na kaaway ay kaagad siyang ginantihan nito. Itinulak siya nito dahilan upang mapaupo siya sa lupa. Muli na namang tumawa ng malakas ang batang lalaki na kasama ng batang nang-aaway sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki at pagkuwan ay kaagad siyang bumangon at ginantihan din ng tulak ang batang lalaki. “Aray ko!” muling sigaw ng batang lalaki nang mapaupo din ito sa lupa. “Bakla ka ba? Puro ka lang sigaw diyan eh!” pang-aasar niya dito. “I hate you!” galit na sigaw sa kanya ng kaaway niyang batang lalaki. “Bakit? Feeling mo ba gusto kita? I hate you too! Period. No erase!” ganti naman niyang sigaw dito. Tumayo ang batang lalaki at nagpagpag ng sarili. Saka siya nito muling inasar. “Pangit!” “Bakla!” “Mukhang kabayo!” “Mukhang unggoy!” “I hate you!” “I hate you more!” “Nandyan lang pala kayo!” Natigilan sila sa pag-aasaran nang makita nilang dumarating ang kanyang nakatatandang kapatid na babae, kasunod ang isang mama na may hawak na camera. “Ate!” “Magpa-picture tayo!” masayang sambit ng kanyang ate sa kanya saka sila kinuhaan ng litrato ng photographer nito. “Kapatid mo siya?” pagkatapos ay tanong ng kaaway niyang batang lalaki sa kanyang ate. “Oo kapatid ko siya. Ipapakilala ko pa nga pala siya sa inyo—” “Naku, huwag na! ayaw ko!” mabilis na putol ng kaaway niya sa sinasabi ng ate niya. “Huh?” gulat na tanong naman ng kanyang ate dito. “Ate, kaibigan mo siya?” tanong naman niya sa kanyang nakatatandang kapatid. Tumango ito sa kanya bilang pagtugon. “Ate, bakit ka pumapayag na magkaroon ng ganyang klase ng kaibigan?” “Huh? Bakit?” naguguluhan na tanong ng kanyang ate. Magsasalita pa sana siya nang bigla namang may tumawag sa kanila. “Baby, come here. Let’s slice your cake!” tawag ng Mommy ng kanyang kapatid. “Let’s go!” nakangiting yaya naman sa kanya ng kanyang ate saka siya nito hinila patungo sa table kung saan naroroon ang mga handa nito at ang maganda nitong cake. Kumalam ang kanyang sikmura habang pinagmamasdan ang mga masasarap na pagkain na nasa kanyang harapan. Habang katabi naman niya ang kanyang nakatatandang kapatid na abala sa paghihiwa ng cake nito. Maya-maya lang ay may naramdaman siyang mga kamay mula sa kanyang likuran na siyang tumulak sa kanya, patungo sa cake na hinihiwa ng kanyang ate. At dahil doon ay sumubsob ang kanyang mukha doon. Nagtilian ang mga taong naroroon, habang panay naman ang pagtawa ng dalawang batang lalaki na siyang may kagagawan sa kapahiyaan na nangyari sa kanya. “Oh my gosh! What are you doing?! Sinira mo ang cake ng anak ko!” galit na sigaw sa kanya ng Mommy ng kanyang ate Mau. Patay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook