Briana
"So, how was your business?"
"It's really fine."
"Well, that's good."
"I actually need an assistant. Nag-resign kasi 'yong dati ko."
Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa pag-uusap nila Kacelyn at Manuel. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Nagyaya kasi si Manuel na kumain.
Manuel is one of our good friends ni kacelyn noon, and guess what? He is my first love! Pero secret lang namin iyon ng best friend kong si Kacelyn.
"Uhm... so, pwede ko bang i-recommend sa'yo ang bestfriend ko?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kacelyn.
"I think that's a great idea," tugon ni Manuel sabay balin ng tingin sa akin. "What do you think, Briana?" tanong niya sa akin.
"H-huh?" inosente kong tugon.
"Would you mind if you will be my assistant?" tanong niya pa.
Syempre gusto ko! Gustong-gusto ko. Sino ba naman ako para umayaw pa?
"I can't. Busy ako sa shop ko," tugon ko. Ewan ko bakit iba 'yong nasabi ko.
"Ang bilis mo naman akong i-reject," pagbibiro niya sa akin.
Bahagya akong napangiti dahil sa kanya.
"Well, how are you? It's been a long time. It's nice to see you again, Briana," malambing na sabi niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Nagwawala ito at para akong pinagpapawisan ng malamig.
"Huh? A-ayos naman ako," pautal-utal kong sagot.
Mukhang nakahalata si Kacelyn sa hindi ko komportableng pakiramdam, kaya tinapik niya ako ng palihim.
"Buti naman kung gano'n." Nakangiting sabi ni Manuel. "Siya nga pala..." May kinuha siya sa bulsa ng coat na suot niya "Here."
"What's this?" tanong ni Kacelyn, nginitian lang siya ni Manuel.
Minadali ni Kacelyn na buksan ang isang puting sobre at…
"Invitation for... engagement party?" Gulat na tanong ni Kacelyn. Halos mabilaukan naman ako sa aking narinig.
"Hey, Briana. Are you alright?" Alalang tanong ni Manuel sa akin. Hinimas-himas niya ako sa likod saka inabutan ng tubig.
"I'm fine," naisagot ko na lang. "Ikakasal ka na pala."
"Uhm... Yes," tugon niya na siyang parang humiwa sa puso ko.
Napalunok ako at pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Congratulations in advance," bati ko sa kanya kahit na gusto kong mag-tumbling ngayon, kailangan kong umakto na okay lang ako.
"Thank you. I hope to see you there," aniya.
"Busy kasi kami, so baka hindi rin kami makapunta," sagot ko naman.
"Oh, I see, but I'm still hoping to see you there," saad niya.
"Sure. I'll try." Tugon ko sa kanya. "Uhm... anong oras na pala. We better have to go, Kace." Biglang yaya ko kay Kacelyn.
"Ihahatid ko na kayo," alok ni Manuel sa amin.
"No thanks. Hassle pa sa'yo," sagot ko.
"No. It's okay for me," pagpupumilit niya.
"Hindi na Manuel. We can go on our own. Salamat na lang," tanggi ko sa kanya.
Kahit masakit, kailangan ko pa rin itong gawin. Kailangan kong huminga. Hindi ko kasi alam saan banda kumikirot ang puso ko. Hindi ako mapakali at gusto kong pakawalan itong nasa loob ko.
"Let's go, Kace," yaya kong muli kay Kacelyn at lumabas na nga kami ng restaurant.
Tuwang-tuwa pa ako nang makita ko siya ulit. Pero nakalimutan ko na madami nga palang pwedeng mangyari at magbago sa loob ng pitong taon. At hindi ko man lang napaghandaan ang bagay na iyon.
**
MAINAM kong pinagmasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi pa ako nakuntento at naglakad-lakad ako habang tinitignan ang kabuuan ko sa salamin.
"Brie, okay ka lang?" tanong sa akin ni Kacelyn.
"Oo naman," nakangiti at excited kong tugon sa kanya.
"Sure ka? Wala ka bang nakain na masama o ano?" paninigurado niya pa.
"Wala naman akong nakain na masama and yes! Sure ako na okay lang ako," tugon ko.
"Tandaan mo, engagement party ng first love mo ang pupuntahan natin. Hindi engagement party mo," aniya.
Napabuntong-hininga ako saka naupo sa tabi niya.
"Alam ko naman. Hindi mo na kailangang ipagdiinan sa akin 'yon."
"Alam mo? Pero tingnan mo nga 'yang suot mo. Sigurado akong sapaw na sapaw mo ang lahat ng pupunta doon."
"Malay mo naman kasi, kapag nakita ako ni Manuel eh magbago pa bigla ang isip niya at hindi na niya ituloy ang engagement party na iyon," excited na sabi ko.
"Baliw ka na."
"Suportahan mo na lang kasi ako, pwede?"
"Wala naman akong ibang choice eh. Tara na baka ma-late pa tayo," yaya nito sa akin.
Nagtungo nga kami ni Kacelyn sa venue ng engagement party ni Manuel. Sa entrance pa lang ay madami na ang napapatingin sa amin ni Kacelyn. Maraming tao rito at lahat sila ay mga elegante. Na-curious tuloy akong bigla sa babaeng pakakasalan ni Manuel. Gaano kaya ito kaganda, kayaman at kasikat? Ano kaya ang mayroon siya na... wala sa akin?
Pumwesto kami ni Kacelyn sa table sa bandang hulihan. Tapos may lumapit sa amin at nagbigay ng wine at water sa table namin.
"Tino-torture mo ang sarili mo," sabi ni Kacelyn sa akin sabay inom ng wine.
I just ignored her. Tama naman siya. Tino-torture ko ang sarili ko. Alam kong masasaktan lang ako pero nagpunta pa rin kami rito.
"Good evening ladies and gentlemen, friends and loved ones. Welcome to Lory and Manuel's Engagement Party."
Nagsimula nang magsalita ang MC. Isang masigabong palakpakan naman ang ibinigay ng mga taong nandoon. Lalo na nang tawagin na si Manuel at ang babaeng pakakasalan niya. Magkahawak kamay silang humarap sa maraming tao. At nakaramdam ng libo-libong saksak ang puso ko, lalo pa nang makita ko kung paano tingnan at ngitian ni Manuel ang soon to be bride niya.
"Good evening to all of us. It's a pleasure to be here in front of you," panimula ng magandang babae sa tabi ni Manuel. "I smile every time I remember the day that he first come into my life, because it was the best day of my life. And when I realized that I loved him, I also realized that I never truly loved anyone else."
Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko at para bang hirap na hirap ako sa paghinga.
"I have to tell you guys that I never thought I would find anyone as perfect as Manuel. I kissed a lot of frogs, as they say, and now I have found my prince." Bahagyang nagtawanan ang mga taong nandoon. Tapos bumaling ang babae kay Manuel—sa lalaking lihim kong minamahal. "Manuel, my honey and soul mate–I cannot wait to spend the rest of my life with you," aniya at isang malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga taong nanonood.
Naramdaman kong parang nag-uulap na ang paningin ko. At bago pa man magsalita si Manuel ay lumabas na nga ako ng venue.
Ang hirap magmahal ng palihim. Wala kang ibang magagawa kundi, ilihim din ang sakit na iyong nararamdaman.