Briana
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Tumigil ako sa paglalakad at unti-unting naupo habang yakap ang mga tuhod ko, saka ko isinubsob ang mukha ko at umiyak nang umiyak.
Manuel is the only guy for me. Simula nang magkaroon ako ng feelings sa kanya noong mga bata pa kami, hindi na ako nagkagusto pa sa iba. Kaya nga fifteen years kong iningatan at pinahalagahan ang feelings ko para sa kanya.
"I think you need this," tinig ng isang estranghero.
Iniangat ko ang ulo ko upang tignan kung sino ang nagsalita. Naaninag ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ko at may iniaabot na panyo sa akin. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinahiran ang mga luha ko.
Tumayo ako para sana pasalamatan siya pero natigilan ako nang makita ko ng malinaw ang kanyang mukha. Batid kong nagulat din siya na makita ako.
"Ikaw?" halos magkapanabay naming sabi.
"Stalker ka?" mayabang na tanong niya.
"Ano?" tanong ko.
"What are you doing here?" tanong niya ulit sa akin.
"Ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan, Anong ginagawa mo rito?" tanong kong pabalik sa kanya.
"Bakit naman kita kailangan sagutin?" bato niya ulit ng tanong sa akin.
"So, hindi rin kita kailangan sagutin," asar kong tugon.
"I saw you earlier making some drama, so—broken hearted ka?" Nakangisi siya.
Hindi ko kailanman naisip na magkikita pa ulit kami ng lalaking mayabang na ito. At ang nakakahiya pa ay nakita niya ako sa pagdadrama ko.
"Paano mo naman nasabi na broken hearted ako dahil lang sa nakita mong umiiyak ako?" tanong ko sa kanya.
Nagpalinga-linga naman siya sa paligid. Pagkatapos ay sarkastiko akong tinignan.
"Nakita kitang lumabas doon," sabi niya sabay turo sa entrance ng engagement party nila Manuel. "So, my instinct tells me na umiiyak ka kasi ayaw mong maikasal ang soon to be groom."
Napalunok naman ako. Kamag-anak ba ito ni madam Auring? Paano niya nalaman na umiiyak ako dahil kay Manuel?
"Silence means yes," aniya.
"Hindi! H-hindi totoo ang sinasabi mo," nasabi ko na lang.
"Talaga? Eh mukhang guilty ka nga," pang-aasar niya pa.
"Shut up please?" irita kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at ibinalik ko ang panyo na ipinahiram niya sa akin kanina. "Huwag kang tsismoso! Kay lalaki mong tao," saad ko pa.
Pero nagulat ako nang ihagis niya sa kung saan 'yong panyo sabay tingin sa akin.
"B-bakit mo tinapon?" takang tanong ko.
"Madumi na 'yon," simpleng sagot niya na siyang nagpainis lalo sa akin.
"Anong sabi mo?" tanong ko. Bigla ko naman naalala 'yong unang tagpo namin. Noong mamantsahan ng ice cream ko ang damit niya. "Bakla ka ba?" bigla kong naitanong sa kanya.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Bakla ka? Kaya ang tsismoso mo, saka ang arte?" tanong kong muli.
Tumawa siya nang sarkastiko saka ako binalingan ulit ng tingin.
"Isa pang ulitin mo 'yan–makikita mo." Sumeryoso ang mukha niya.
Humakbang siya papalapit sa akin at napaatras naman ako. In fairness, ang bango niya. Siguro nga bakla 'to. Ang girly ng amoy ng perfume niya.
"Ikaw naman! Okay lang 'yan. Mas mabuti kung magpapakatotoo ka," nakangiti kong sabi sabay kindat.
"Anong magpakatotoo?" takang tanong niya.
"Na bakla ka—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil naramdaman kong may mga labing sumasakop sa mga labi ko.
Matagal bago nag-sink in sa akin ang lahat. Hinahalikan ako ng bakla! Gusto ko siyang itulak pero para akong naging estatwa ng mga sandaling iyon. Lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na hinahalikan ako ngayon ng isang estranghero.
"Sinong bakla?" he whispered huskily matapos niya akong halikan.
Isang malakas na sampal naman ang ibinigay ko sa kanya nang magbalik ako sa aking sarili. Napakabastos niya para halikan na lang ako ng basta. Anong karapatan niya para gawin sa akin 'yon? Hindi ko naman siya kilala tapos hinalikan niya ako? Ninakaw niya ang first kiss ko!
Walang anomang salita ang lumabas sa mga labi ko. Nanatiling naka-side ang ulo niya, kung paano ko siya sinampal.
"Brie!" tawag sa akin ni Kacelyn sabay lapit niya sa akin. "Okay ka lang? Anong mayroon?" bulong niya nang makalapit siya sa akin.
Nanatili lamang ang mga tingin ko sa lalaking nagnakaw ng halik sa akin. Binalingan din naman siya ng tingin ni Kacelyn.
"Sino siya?" tanong ni Kacelyn.
Hinawakan ng lalaki ang pisngi niya na sinampal ko tapos ginalaw-galaw niya ang panga niya saka muling tumingin sa akin. Nakaramdam naman ako ng kakaibang pakiramdam nang magtama ang mga tingin namin.
"Magnanakaw," madiin na sabi ko.
"What?!" gulat na tanong ni Kacelyn sa tabi ko tapos binalingan niya ulit 'yong lalaki. "Anong ninakaw mo sa kaibigan ko?! Tatawag ako ng pulis—"
Hindi ko na pinatapos si Kacelyn sa sinasabi niya dahil bigla ko na siyang hinila palayo sa estranghero na iyon.
"Teka, Briana. Saan ba tayo pupunta? Hindi ba natin isusumbong sa pulis ang magnanakaw na iyon?" tanong ni Kacelyn habang hila-hila ko siya sa kamay niya.
"Gusto ko nang umuwi. Ayoko na rito."
"Sandali." Binawi ni Kacelyn ang kamay niya sa akin. "May nangyari na hindi ko alam. Sino ba 'yong lalaki na iyon? Anong ginawa niya sa'yo?"
"Ninakawan niya nga ako."
"Ng alin? Sa itsura niya, hindi ko maisip na magnanakaw siya—"
"Basta magnanakaw siya! Ayoko na siyang makita pa ulit," inis na sabi ko. "Kaya umuwi na tayo," ungot ko sa kanya.
"Hindi na tayo magpapakita kay Manuel?" tanong pa ni Kacelyn.
"Wala naman sa kanya 'yon kung umattend tayo o hindi."
"Brie..."
"Okay lang ako. Umuwi na lang tayo. Gusto ko na rin kasing magpahinga."
At sa huli ay hindi na nangulit pa sa akin si Kacelyn at pumayag na siya na umuwi kami.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sakit at selos dahil kay Manuel at galit at inis naman mula sa estrangherong iyon.
Bukod doon, hindi magtigil-tigil sa pagtibok ng malakas at mabilis ang puso ko. Kaya naman lalo akong naiinis. Naiinis ako dahil hindi ganoon ang pinangarap ko na first kiss. Gusto ko kasing ibigay iyon sa taong mahal ko at mahal ako. Pero nakakainis lang na may mga lalaking katulad ng estranghero na iyon na para bang laro lang ang makipaghalikan sa iba.
Gusto kong kalimutan ang lalaki na iyon pero paano pa kung sa tuwing maiisip ko ang first kiss ko, ay siya ang maaalala ko.