Briana Hindi ako mapakali dahil sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Sa isang iglap ay parang gusto kong magback-out na lang. Ano ba kasi itong pinasok ko? Hawak ngayon ni m******s na unggoy ang kamay ko. Hindi naman ako pasmado pero feeling ko pinagpapawisan ng malamig ang kamay ko—sa sobrang kaba. "Just relax," bulong niya sa akin bago pa man kami makapasok nang tuluyan sa loob. Tumango naman ako sa kanya bilang pagtugon. Pagkuwan ay binuksan na niya ang pinto at bumungad sa amin ang mga kaibigan niya. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang magtama ang mga tingin namin ni Manuel. Lumakas ang t***k ng puso ko at mas lalo akong pinagpawisan. Nakakunot ang noo niya habang binibigyan ako ng what-are-you-doing-here-look. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko ala

