Briana Madilim na nang inihatid ako ni Manuel sa bahay. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanya na kay Kacelyn ako pansamantalang tumutuloy. Hindi niya pwedeng malaman na nag-away kami ni Zairus. Kaya naman wala akong choice kung 'di ang umuwi na nga lang sa bahay. Mabuti na lang at wala pa si Zairus dito. Dumeretsyo ako sa kwarto para maglinis ng katawan at magpalit ng pangtulog. Isang manipis na puting night dress ang suot ko. Nahiga ako sa kama ko at sinulyapan ko ang oras sa orasan na nasa bedside table ko. Pasado alas dyis na ng gabi pero wala pa rin si Zairus. Nasaan kaya siya ngayon? Siguro kasama na naman niya si Lory. Napabuntong hininga ako dahil sa isipin na iyon. Hanggang sa makarinig ako ng ingay mula sa labas. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Nakita ko roon si Ethan na

