Briana "Wait, huwag mong bibitiwan. Wait lang!" sigaw ko habang hindi malaman kung paano ko babalansehin ang sarili ko sa bisikletang gamit ko. Inaalalayan ako ni Zairus sa pagbi-bike. Pero naka-ilang pagbangga na kami. "Sabi ko naman kasi sa'yo sa deretsyo ka lang titingin. Tigasan mo ang hawak mo sa manibela at huwag kang paliko-liko," panenermon naman niya. "Ganoon naman ang ginagawa ko eh," sagot ko. "Fine! One more time," sabi niya at muli niyang itinulak ang bisikletang sinasakyan ko. "Sandali kakanan ako, huwag mo akong dalhin diyan. Doon ako sa kanan pupunta!" tili ko and this time, sumemplang ako. "Aray," daing ko dahil napaupo ako sa sahig. "Tanga ka ba? Huh? Bakit ba hindi mo maintindihan iyong itinuturo ko sa iyo?" asar niyang sabi sa akin. Napasinghap ako. "Wow. Ikaw n

