Briana "Kapag nag-away kayo ng asawa mo, anytime ay pwede ka rito sa condo ko," saad ni kuya Mark sa akin. "Kapag nag-away kaming dalawa, siya ang paaalisin ko sa bahay," tugon ko kay kuya Mark. "Very good, baby girl. Tama 'yan. Huwag kang magpapatalo sa asawa mo," natatawang sabi naman niya sa akin. Ipinagluto ako ni kuya Mark ng fried rice, ham, fried egg at tapa for breakfast, tapos ay sabay kaming kumain. Isang bagay na mami-miss ko kay kuya Mark ay ang ganitong pag-aasikaso niya sa akin. Bago pa nga lang siyang nakakauwi rito galing Korea ay aalis na naman siya. Feeling ko talaga, babae ang reason ng pag-alis niya. At sana matupad ang wish ko para sa kanya na sana ay matagpuan na niya ang babaeng nakatadhana sa kanya. Kahit naman kasi na palagi siyang ngumingiti sa akin at palagi

