bc

You're Still The One I Love

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Pakiramdam ni Kisses ay siya na ang pinaka maswerteng babae sa buong universe dahil ang dating pangarap lamang niya noon na mapa ibig ang isang Warren Silva ay natupad na..

Kaya naman ginawa niya ang lahat para maging masaya ang takbo ng kanilang relasyon.

Ngunit may hindi inaasahang pagsubok ang darating sa kanilang relasyon kaya kahit masakit sa loob niya ay nakipaghiwalay sya kay Warren.

Ngunit ipinangako niya sa sarili na babalikan niya si Warren kahit ano pa ang mangyari.

Handa pa kaya siyang tanggapin ni Warren sa kanyang pagbabalik sa kabila ng malaking galit nito sa kanya.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
"Kisses!" Gulat akong napalingon sa kaibigan kong si Alex. "Bakit kaba naninigaw diyan istorbo ka nag mumuni muni ang tao e." pagsusungit ko sa kanya. "Pano ba naman mukhang lalamunin mo na ng buo si Warren no! Nakakahiya ka huwag kang pahalata no.Kanina pa pasulyap sulyap dito yung tao.Nakakaloka ka Kisses!" halos maglabasan na ang ugat sa leeg nito kaya pasimple akong natawa. "Sure ka diyan?So ibig sabihin kung sumusulyap dito ang aking mahal na Warren napapansin niya na ako?" Tuwang tuwa kong bulong sa kanya. "Naku Kisses no hurt feelings ha.Huwag ka muna mag expect ng ganyan baka masaktan ka.Payong kaibigan lang." "Nakakainis ka Alex dapat sinusuportahan mo ko bakit ka naman ganyan hmp!". Kunway pagtatampo ko. Sanay na sanay na ako sa kaibigan ko dahil mula pa noong unang taon ko dito sa high school siya na yung naging kaibigan ko.Dito lang din kami sa school nagkakilala pero daig pang magkapatid ang turingan naming dalawa. Syempre alam na alam nya na noon pa malakas na talaga ang tama ko kay Warren.Si Warren nga lang talaga ang walang tama sa akin haha.Kaya ang lola nyo todo paalala sakin halos mamemorize ko na sinasabi nya sakin dahil paulit ulit lang. Hindi ko nga alam kung dapat na ba akong sumuko kay Warren kase naman mula nung first year high school pa ko may tama sa kanya hanggang ngayon malapit na kaming mag fourth year deadma pa din ako. Sakit kaya besh. Pero keri ko pa di ako susuko.Bakit naman kase sa dinami dami kong makakabangga noong unang araw ko dito sa school na to si Warren pa.Na love at first sight tuloy ang lola nyo. Flashback "Bakit ba kase ang laki laki ng School na to.Hindi ko tuloy mahanap ang classroom ko." Kanina pa ako paikot ikot sa campus pero hindi ko talaga mahanap room namin nanakit na tuhod ko.char! Pinaikot ko ang paningin ko sa buong campus dahil napapagod na talaga ako sa paglalakad. "Yown kita ko na.Nandyan ka lang pala ha." Excited akong tumakbo papasok sa magiging classroom ko kaya huli na ng mapansin ko na may tao palang palabas galing sa c.r. "Ay gwapong diwata!! Worth it naman pala ang pagod ko dahil may poging nilalang naman pala dito.Sh*t ang ganda ng mga mata nya kung tititigan mo parang laging nang aakit." "Tsss!" Mabilis akong natauhan ng may marinig akong tawanan sa paligid ko.Pasimple akong umayos ng tayo dahil hindi pa rin binibitiwan ng gwapong nilalang sa harap ko ang aking siko. Pilit akong ngumiti sa mga kapwa ko estudyante na nakatingin samin sabay peace sign.Kulang nalang lamunin ako ng kupa sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang hiya ko bat naman kase kung ano ano pinagsasasabi ko kanina. "Sorry po.Di kita napansin kanina pero dahil gwapo ka palagi na kitang papansinin.As in everyday." nakangiti kong wika sa kaharap ko.Agad ding nawala ang ngiti ko ng mapansing seryoso ang mukha ng kaharap ko habang nakapamewang. Kinunutan lang ako nito ng noo at saka umalis. Grabe bat ampogi nya. Nagulat ako ng may humablot sa braso ko.Isang babaeng balingkinitan ang katawan at syempre kasing ganda ko. "Swerte mo naman girl.Si Warren agad nakabangga mo haba ng hair mo ha." "Syempre ako pa ba.Maganda tayo e." biro ko. "Teka sino ka nga ba.Bat mo ba ako kinakausap close ba tayo." kunway pagsusungit ko. "Ako lang naman ang nag iisang Alex na pinakamaganda.Syempre magkasing ganda tayo." nakangiti nyang pagpapakilala "Aba magkakasundo tayo nyan.Kisses nga pala." "Oo nga pala punta na ako sa magiging clasroom ko.Pano iwan na kita." "Teka san ba room mo?" tanong ni Alex "Diyan lang ako sa Magenta girl.Room ng mga magaganda." biro ko. "Perfect!! Diyan din ang room ko." Sabay na kami pumunta ng room namin ni Alex .Mula noon palagi na kaming magkasama kahit saan.Madalas kami ni Alex sa court dahil pinapanood namin si Warren grabe ang galing nya maglaro. Bat naman kase ang hot nya.sh*t. "Hoy Kisses Dela Vega!!" Kanina kapa diyan ha nasasanay ka nang ganyan.Lagi ka nag mumuni muni." "Panira ka talaga Alex Torres kahit kelan e.Teka nasan na si Warren ko?" "Kaya nga kita tinatawag kase kanina pa umalis si Warren nakakaloka ka!" "Bakit hindi mo agad sinabi san ko hahanapin yon.Kainis ka Alex!" "Hello Kisses nakakalimutan mo yata classmate natin si Warren.Makikita at makikita mo sya no." "Oo nga pala muntik ko nang makalimutan.Ang galing mo talaga.Tara na sa room bilisan mo!" Mabilis kaming naglakad papunta sa classroom namin at hindi nga ako nagkakamali prente ng nakaupo si Warren sa kanyang upuan.Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makaupo ako.Hindi pa man ako nakakaupo bigla siyang ngumiti sa akin.Mabilis akong napalingon sa likod ko dahil baka nagkakamali lamang ako pero ako palang tao sa bandang gitna ng mga upuan dahil ang magaling kong kaibigan sumabit nanaman ang bibig sa may pinto.Este nakikipag kwentuhan nanaman sa mga classmate ko. Tipid akong gumanti ng ngiti kay Warren pero deep inside mahihimat*y na ko sa kilig. Tahimik akong umupo habang nakatulala. "Hoy anyare sayo? Para kang namatanda diyan." biro ni Alex "Na diwata hindi namatanda." biro ko. "Huh?Nababaliw kana Kisses ha." "Sino ba namang hindi mababaliw e nginitian lang naman ako ni Warren ko." kilig na kilig kong kwento sa kanya. "Wee? Di nga? Totoo?" di makapaniwalang tanong ni Alex. "Oo nga.Ayaw mo maniwala e." "Good morning class!" Mabilis kaming tumahimik ng dumating si Maam Julie ang titser namin sa music. "Good morning maam!!" "Okey class nakikita nyo ba tong hawak ko.Nandito nakalagay lahat ng pangalan nyo.Meron tayong activity ngayon bubunot ako ng dalawang pangalan dito.Kung sino ang bawat dalawang mabubunot ko sila ang magkapartner.Understood?" "Yes maam.". sabay sabay naming sagot. "Pero bago ako bumunot ng pangalan nyo eto muna gagawin ng magiging partner nyo.Pipili kayo ng isang kanta at ipapaliwanag nyo sa unahan kung ano ang mensahe ng kantang ito.Okey?" Bigla ako nakaramdan ng excitement. Sana naman si Warren maging partner ko Sorry muna kay Alex haha. "Start na ko class." "Mondragon-Gonzales" "Garcia-Torres" "Naku di tayo magkapartner girl.Sino kaya magiging partner ko." "Malay mo naman si Warren na girl." natatawang wika ni Alex "Magdilang anghel ka sana girl." Di pa rin nabubunot ang pangalan ko iilan nalang kaming natitira.Medyo nawawalan na rin ako ng pag asang maka partner si Warren kaya naman tahimik akong nangalumbaba sa upuan ko habang nakikinig sa mga pangalan na nabubunot ni Maam Julie. "Maranan-Dela Vega!" "Girl my God nagdilang anghel nga ako hahaha." tuwang tuwang bulong ni Alex sakin. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa narinig ko.Pasimple akong sumulyap kay Warren at tipid kaming ngumiti sa isa't isa. Parang gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.Pero kalma muna dahil may teacher pa sa harap namin. "Okey class may ilang araw pa kayo para pag isipan kung ano ang kantang mapipili nyong magkapareha.Friday tayo mag proceed dapat ready na ang lahat sa Friday ha no excuses okey?" "Yes maam" "Since malapit nang matapos ang school year na ito bibigyan namin kayo ng time para mag enjoy muna dito sa campus.No cutting class okey.Basta sa friday be ready.Goodbye class." Pagka alis na pagka alis ni Maam Julie ay kanya kanya ng umpukan mga classmate ko.Syempre kami din ni Alex.Don't get me wrong guys close namin mga classmate namin mas trip lang namin ni Alex na kami muna ang mag chikahan. "Girl.Happy?" natatawang tanong ni Alex "Very much girl." "Baka naman iyan na ang maging tulay para sa love story nyo ha." "Ssssshhhh..Quite baka may makarinig.". natatawa kong bulong. "Ehmm.." Sabay kaming napaangat ng tingin ni Alex ng may tumikhim sa likuran namin. Halos manlaki ang mata ko ng makitang si Warren ito. "Girl.Kurutin mo ko bilis." bulong ko.Mabilis naman akong kinurot sa tagiliran ni Alex kaya napahiyaw ako sa sakit. "Aaawwwts!!!" Napalingon na rin ang iba kong classmate dahil sa lakaw ng sigaw ko. "Bat mo nilakasan kurot mo!Kainis ka ha." Tatawa tawa lang si Alex sakin habang ako hinihimas pa rin ang parteng kinurot ni Alex. "Uhmm.Okey ka lang ba?" tanong ni Warren. Naku muntik ko ng makalimutan na nandito sa tabi ko si Warren. "ah-eh o-o.Oo naman.May kailangan ka ba?" nahihiya kong tanong. "Uhm..yung about sa activity.Sabihan mo nalang ako kung kelan ha.Eto number ko teks or call ka nalang.Thank you." Napaikot ang mata ko ng tumalikod na ito.Mabilis kong tinago sa bulsa ko yung number na binigay niya bago pa mawala. "Girl tara uwi na tayo.Manonood kapa ba ng laro?" Alex "May dadaanan pa ko sa computer shop girl una kana ha." "Sige.Bye girl.Ingat sila sayo." paalam nito. "Likewise." sabay irap ko dito. Mabilis kong nilagay sa bag ang mga notebook ko at mabilis na lumabas ng school. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ako sa computer shop kaka search ng mga kantang pwede namin e present sa friday.Kaya ng makita kong mag aalas sais na ay mabilis akong lumabas ng shop at nagmadali sa pag uwi. Kapag minamalas ka nga naman.Bat naman ngayon pa walang nadaang jeep.Lagot ako nito sa inay. Ilang minuto na rin akong naghihintay ng jeep na dadaan ng may tumigil na sasakyan sa harap ko.Hindi ko nalang ito pinansin. "Hi pauwi ka na?" Mabilis akong napatingin sa may ari ng boses.Biglang parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.Kanino pa nga ba ako nagkakaganito kundi kay Warren lang naman. "Uhm.oo e naghihintay lang ng jeep.". tipid kong sagot. "Sakay na.Walang jeep ngayon dahil may banggan sa kabilang kanto sobrang trapik kaya walang jeep dito ngayon." paliwanag niya. Nahihiya man ako ay pumayag na rin ako dahil pagagalitan na ako ng inay. Agad akong sumakay.Halos hindi ako mapakali sa buong byahe namin.Medyo may kalayuan pa man din ang bahay namin sa school kaya medyo matagal din byahe. "Okey ka lang ba? Kanina kapa hindi mapakali diyan." seryosong tanong sakin ni Warren "O-o naman hehe." Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko tuwing nandiyan ka sa malapit sakin. Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.Ang sarap kasing pagmasdan ng mga ilaw sa paligid.Palibhasa medyo nagdidilim na rin kaya naglalabasan na ang ibat ibang klaseng ilaw sa daan. "We're here." Gulat akong napalibot ng tingin.Hindi ko na namalayan na nasa kanto na pala namin kami. "Uhm salamat ha.Una na ko baka kase hinahanap na ko sa bahay.Teka nga pala pano mo pala nalaman na dito ako nakatira?" nagtataka kong tanong. "Secret.Bye See you tommorow." Hindi makapaniwalang sinundan ko nalang ng tingin ang sasakyan niya habang papalayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook