"Salamat po." sambit ko kay mommy. I had no other choice kundi tawagin si mommy dahil hindi namin alam kung paano tatawagan ang mga magulang ni Marcus. I don't really like asking my parents for help, so we should just call it quits. Saka inalagaan ko rin naman siya. Ako pa ang nagdala sa kanya dito sa hospital. So patas na naman kami, diba? "Who is that boy? Is he your friend?" tanong ni mommy. Umiling ako. "Mahaba pong storya." Hindi na nagtanong pa si mommy. Isasama niya na sana ako pauwi but I told her na mamaya na lang. Baka pag-umalis ako, di na talaga ako tigilan nung tatlo sa kakaparinig nila. Nakokonsensya na nga ako. Ano pa ba ang gusto nila??? Di ko naman kasalanan lahat ng actions ng taong nagkakagusto sa akin. I never

