Halos isang oras na akong kinokonsensya ng mga bwesit na toh. Nakakainis na. Tingin talaga nila maghihintay yun?? Malamang may ka-date na 'yong iba. Halata naman sa mukha nun na hindi yun mapagseryosong tao. Pumunta kaming arcade. Naglaro ako nung basketball. Mabuti rito, malakas yung music, di ko sila masyadong marinig. "Naku! Parang si Marcus lang, binobola-bola." parinig ni Anastasia. "Kawawang nilalang." "Malamang 50 minutes na yung naghihintay. Parang score lang ng isa diyan." Napaigting ang panga ko. Gusto ko na talagang manapak ng tatlong bwesit ngayon. Sila kaya gawin kong bola tingnan natin kung magpapatuloy pa sila sa pagpaparinig nila. "Di ako makahinga isipin ko lang yung nakakaawang si Marcus." dugtong nama

