Prologue
2006
Romina’s POV
“OUCH!” I screamed.
“Are you okay?” Kahit nakapikit ay alam kong ang Kuya Mark ko ang nagsalita. Naramdaman ko din ang kamay niya sa aking ulo. Tumalbog sa gawi ko ang bola ng basketball at tumama iyon sa ulo ko. “I told you Twinkle, you should sit there.” Sabay turo sa bleacher ng court side. “Ayan tuloy natamaan ka ng bola.”
“Stop calling me that name Kuya. Dalaga na ako, hindi na bagay sa akin ang nickname na ‘yan!” Mahinang saway ko sabay padyak ng paa.
Mas pagtatawanan ako ng mga kaibigan niya kapag narinig na naman ng mga ito ang nakakahiya kong nickname. I dreaded hearing that horrible nickname.
“Who says na dalaga ka na?” Nakasimangot na tanong ni Mark. “Ding, sa tingin mo ba, dalaga na si Twinkle?”
My cheeks turned red in an instant. I heard his footsteps and my heartbeat skipped in anticipation. I bit my lip to suppress a smile then I felt his hand on my head.
“Bakit may nanliligaw na ba sa Bunso natin?” Ding asked.
Mixed emotions ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Kinilig, dahil sa inisip niya na baka may nanliligaw na sa akin pero naroon din ang lungkot ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin ng bunso.
My brother called me Twinkle while Ding called me ‘Bunso’. If I dreaded hearing the first one, I detested hearing the latter. How could he think of me as a sister? We’re not related and having one brother is more than enough.
Most importantly, he’s too cute to be my ‘Kuya’.
“Isa ka pa! Start calling me by own name. I am fifteen now and I prefer to be called Mina!”
“Hindi bagay sa iyo ang Mina parang pangmatanda, ganda ganda pa naman ng Bunso namin.” Yumuko pa si Ding para silipin ang mukha ko.
Lalong namula ang mga pisngi ko sa ginawa niyang pagtingin sa akin. “Ah, basta!” Ipinadyak ko muli ang isa kong paa. “Kapag narinig ko pa na tinawag ninyo ako ng Twinkle or Bunso, ibubuking ko ang mga kalokohan niyo sa mga girlfriends ninyo.”
“Your threat doesn’t bother me. I don’t have a girlfriend right now. Si Mark ang kawawa kapag nag-ingay ka, kabi-kabila ang babae niyan eh.” Tumawa ng malakas si Ding pero nanatiling nakasimangot ang Kuya ko at nakapako ang tingin niya sa akin. Waring may kung malalim na iniisip.
“Naalog yata ang ulo mo kaya kung ano-anong pinagsasabi mo. Umuwi ka na, gabi na. Bawal sa iyong mahamugan. Papanget ka.” Kuya Mark blurted out.
I snorted. Dati naniniwala ako sa lahat ng pinagsasabi ni Kuya pero hindi na ngayon. Alam ko ng paraan lang niya iyon para itaboy ako pauwi ng bahay.
Dalawa lang kaming magkapatid at limang taon lang ang tanda niya sa akin. Dahil separated ang parents namin at nagtatratrabaho sa ibang bansa ang Mommy namin, lumaki kami sa pangangalaga ni Lola. But our abuela passed away two years ago kaya mga kasambahay na lang ang kasama namin ni Kuya sa bahay. Once a month ay bumibisita naman si Mommy and we also received emails from our Dad.
Kaya lalong naging malapit ako kay Kuya. Good thing, he’s the best Kuya in the whole wide world. He didn’t mind having me around. Kasama ako sa halos lahat ng lakaran nilang magkakaibigan at maging minsan sa mga date ng Kuya ko.
Because of that, I became close to his friends. College buddies ni Kuya Mark sila William at Jaime samantalang last year lang naging close nila si Ding when he moved in their neighborhood. Ding’s house was next to ours.
“Hmp, ayoko pang umuwi. Dito na lang muna ako. Maaga pa naman eh.”
“Huwag matigas ang ulo. Umuwi ka na.” Kinurot pa niya ako sa pisngi bago niya ako inakbayan.
“Eww… Kuya. You’re sweating! Huwag ka ngang dumikit sa akin.” Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at saka lumayo ng kaunti.
“Guys, babalik din ako. Ihahatid ko lang ang dalaga natin.” Binigyang diin ni Kuya Mark ang salitang dalaga.
“Wait, sasabay na rin ako pauwi. Naalala ko may kailangan akong puntahan mamayang seven.” Sumabay si Ding sa paglalakad namin.
“Dalawa pa kayong maghahatid kay Twinkle?” Sabad ni William.
“Hindi uuwi na ako.” Itinaas pa ni Ding ang kamay bilang pamamaalam.
“Bakit hindi na lang si Ding ang maghatid kay Twinkle tutal magkapit-bahay lang naman kayo.” Jaime suggested. “Walang thrill kapag itong si William lang ang kalaro ko eh.”
“Okay sige. Ding, ingatan mo ang Twinkle baby natin ha. Bawal magasgasan, isasali pa natin sa beauty contest yan.” Muling umakbay ang kamay ni Kuya Mark sa balikat ko.
“Kuya, mag-aamoy pawis din ako.” Itinulak ko siya palayo at saka ako lumapit kay Ding.
“Oo akong bahala sa bunso natin.” Ginulo ni Ding ang buhok ko.
Kung ang Kuya ko ang gagawa nun sa akin, malamang nagreklamo na ako. Ayaw kong nagugulo ang hair ko pero dahil si Ding ang gumawa, okay lang. Napangiti ako ng lihim. Bukas igagawa ko ng sandwich si Jaime dahil sa suggestion nitong ihatid ako ni Ding. Magkakaroon tuloy kami ng pagkakaton na mapag-isa.
“SAAN ang lakad mo?” Basag ko sa katahimikan. Isang bloke na rin ang nalalakad namin bago ako nagkalakas ng loob na kausapin siya.
Kailangan ko kasing i-recite ng ilang beses sa isip ko ang gusto kong sabihin para mas maging natural ang delivery at maitago ko ang kilig na nararamdaman. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama ito ng walang istorbo.
“May pupuntahan lang.” Tipid na sagot niya ng hindi tumitingin sa gawi ko.
“Sama ako.” Hindi ko napigilang ibulalas.
“Sorry, Rome hindi pwede eh.” Sabi ni Ding sa akin habang patawid kami sa kabilang street.
“Rome?” Napako ang paa ko sa lupa.
He’s calling me Rome? Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa ganoong pangalan. Ano yun? Endearment ba niya sa akin?
Napangiti ako ng maluwag habang nakatingin ako sa likod niya. Sobrang kinilig ang bata kong puso.
Pero agad din iyong napalis ng marinig ko ang busina ng paparating na kotse. Nilingon ako ni Ding at natapilok ako sa pagmamadali ko na makatawid. Hindi ko napansin ang gutter, muntikan na akong bumagsak sa gilid ng daan. Mabuti na lang at naging maagap ang paghakabang ni Ding at nasalo niya ako. Pero hindi ko makontrol ang aking pagbagsak, naibigay ko ang buong bigat ko kay Ding kaya maging ito ay na-out of balance at pahigang bumagsak na kasama ako.
May ilang saglit na hinayaan ko lang ang aking sarili na makulong sa mga bisig ni Ding habang nakahiga ako sa ibabaw niya. Alam kong hindi iyon ang panahon para kiligin pero sinamantala ko ang pagkakataon at idinikit ko ang ulo ko sa dibdib niya.
Natauhan lang ako ng marinig ko siyang magsalita.
“Are you okay?” Ding asked me.
“Yes, ikaw kumusta ka na? Iniangat ko ang aking sarili at itinukod ko ang braso sa dibdib niya. “Anong masakit sa iyo?”
Ding smiled “Wala ang bigat mo lang Bunso. Dali tayo na. Mag-aamoy pawis ka.”
Sinunod ko ang sinabi niya at mabilis na umalis ako sa pagkakadagan sa kanya. Inalalayan ko din siyang makatayo.
“Wala ka bang gasgas?” Niyuko ako ni Ding para suriin kung nasugatan ako. “Papatayin ako ng Kuya mo kapag nagkataon.”
“Don’t mind me. Ikaw kumusta ka? Baka may masakit sa iyo ayaw mo lang sabihin sa akin.”
“Ang sweet naman ni Bunso. Huwag lang mag-alala, matibay ang katawan ng Kuya Ding mo.”
Napasimangot ako sa narinig, balik Bunso na naman ang tawag niya sa akin tapos may Kuya pa.
“Ding, ayoko nga ng Bunso ang itawag mo sa akin. Kanina tinawag mo na akong Rome.” I pouted my lips in annoyance.
“Kuya Ding. Mas matanda pa ako ng isang taon kay Mark kaya dapat Kuya din ang itawag mo sa akin, sa amin nila William at Jaime.”
“Ayoko.” Pagmamatigas ko.
“Huwag matigas ang ulo.”
Umiwas ako ng tangkain niyang guluhin uli ang buhok ko.
“I can call Jaime and William Kuya but not you. I can never do that.”
Ding laughed. “Alam kong ako ang pinaka-baby face sa aming apat, pero bunso dapat pare-parehas na Kuya ang tawag mo sa amin. Okay?” He tried to pinch my cheeks just like what my Kuya Mark used to do.
Pinalis ko ang kamay niya. “Ayoko, you will always be Ding to me.” Pagmamatigas ko pa rin.
“Give me one good reason why.” Nakangiti pa rin siya sa akin. “Kapag hindi ko nagustuhan ang sagot mo. Papaluin kita sa puwet.”
I just stood there and looked at his handsome face. I’ve been planning to do this for so long. I rehearsed it over and over again in my head.
“Come on, tell me. Bakit ayaw mo akong tawaging Kuya?”
One, two, three.
I tiptoed, put my hands on his shoulder and planted a kiss on his lips.
Isang mabilis at magaan na halik ang idinampi ko sa labi niya.
“That’s the reason why you could never be my Kuya. I love you Bernardino Cortes, will you marry me someday?”