Kabanata 7
"Goodgirl." Aniya at hinalikan akong muli na tinugon ko naman.
Mahigit limang minuto rin ang tinagal ng halikan namin bago siya huminto.
"You're mine. Mine alone."
Sa kaniya ako? Paano kung siya nga hindi sakin? Pwede ba yon?
At pwede ko ba siyang mahalin ngayong professor ko siya? Pwede kaya yon sa mata ng tao? Sa mata ng batas? Malamang hindi.
"It's not fair that I'm yours while you're not m–"
"I'm yours."
I look at him intently. Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya na parang ako lang talaga ang tanging babaeng mahal niya.
Pero mahal niya ba ako? Totoo ba 'to o ang katawan ko lang?
"Do you love me?" Tanong ko na ikinatahimik niya.
Hindi na niya kailangang sagutin dahil mukhang alam ko na ang sagot.
Tumango ako bago siya itinulak para makalabas ng room pero marahas niya akong hinila pabalik.
"Ano?"
"Yes. I do." He stared at my eyes "I love you."
Did he really?
Or he's just joking?
Pretending that he love me because of his ego? Because he can't stand seeing me with other man?
"And I too." I don't know why I didn't ask him tungkol sa agam-agam ko na baka hindi totoo ang nararamdam niya.
Ang tanging nagawa ko lang ay sabihing mahal ko rin siya.
Ang hindi ko alam ang araw na ito pala siguro ang isa sa mga pangyayari na hinihiling kong sana maibalik ko.
-
ABBI'S POV
"Nasan na si Annie? Ang tagal naman niya."
Umirap ako dahil sa reklamong iyon ni Luke. Nandito si Luke sa bahay naghahanda kasi siya hihingin niya raw kamay ni Annie mamaya gagawin niya raw na girlfriend niya.
As if papayag si Annie eh hindi naman si Luke ang mahal non.
It's Sir Marco.
Pano ko nalaman? Well. Halata naman. The way he looks at him parang gusto na niya magpatayo ng bahay para sa kanila. The way I mentioned his name to her halatang curious kung ano ang sasabihin ko. The way she changed. Yes she changed a lot. Noon hindi siya mahilig magbasa sa library actually hindi naman siya pumupunta ron. Mas gusto niya pang mag cutting classes pero eto nagpapakahonor student.
Iba talaga pag inlove.
"Basted ka naman ron handa handa ka pa!" Sigaw ko na ikinatawa lang ni Luke. Ni hindi manlang siya natakot sa sinabi ko.
"Ano yan? Chocolate cake?" Turo ko sa isang kahon na malaki. Umiling siya at itinuro ang isa pang cake "That's the cake." Aniya.
"Asus dapat hindi chocolate kase hindi niya bet yon mas gusto niya vanilla."
Kinuha ko ang phone ko at nagselfie pagkatapos ay pinost ito sa i********:. Matapos lamang ang dalawang minuto ay umabot na ito sa 1,600 likes.
Kumunot ang noo ko ng makita si Sir Marco na naglike rito.
Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong i-istalk ang account niya.
@marconiccolo
290k followers |24 following | 22 post
Tiningnan ko ang following niya at nakita ko na kasama roon si Annie. Nagscroll ako sa i********: ni Sir. Tinitingnan ang lahat ng post niya.
Napaawang ang labi ko ng makita ang isang post niya. Picture ng isang sketchbook na paniguradong nakita ko na somewhere.
San nga ba?
K-kay?
KAY ANNIE!!!!
Pero bakit na kay Annie yon? Eh ang caption ay....
' to my girl '
SI ANNIE BA ANG GIRL NI SIR MARCO?
HALAKA!!!
-
ANNIE'S POV
Hawak hawak ko ang isang picture ni Sir na ipinaprint ko sa comshop. Natutuwa pa ako dahil sinend to sakin ni Angela bukas nga at pasasalamatan ko siya dahil rito.
Sir Marco is now my boyfriend.
Pano?
Well ah.
- FLASHBACK -
"I'm your boyfriend now.."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nahampas ko tuloy ang kaniyang braso sa sobrang gulat.
Totoo ba tong pinagsasabi ng lalaking to? Boyfriend?
"I'm serious, Annie." Hinawakan niya ang pisnge ko para makatingin ako sa kaniya ng diretso "I love you and you love me too, so what's stopping us now?"
Tumingin ako sa mata niya bago sinagot ang huli niyang tanong "Ang mga taong nakapaligid satin?"
He laughed and remove his hand in my cheecks. It's looks like he's not taking seriously what i said.
Parang wala lang sa kaniya ang sasabihin ng tao.
Ang batas.
He stop laughing and held my waist "I love you and I don't care about what people might say about us, about me. I love you Annie today, yesterday and in another day."
My heart is beating loud and fast. Pakiramdam ko isa akong espesyal na babae. Narinig ko na ang mga salitang ganyan kay Luke pero ibang iba ang dating kapag siya ang nagsabi.
It is the sweetest words i ever heard in my whole life.
-
LUKE'S POV
I glanced at the clock in the wall. To see what time it is. I almost rolled my eyes when it's already 9 pm at wala pa si Annie.
Annie is not layas.
Kapag aalis siya sasabihin niya kay Abbi or kay Nanay Abeza—nanay ni Annie pero ngayon hindi.
Hindi siya nagsabi.
And it felt so weird.
But somehow I felt relieved that i'm here. Nandito na ako sa buhay niya. Nakapasok na ulit ako.
Hindi ako papayag na hindi niya ako bigyan ng chance. Luluhod ako kung kailangan dahil mahal ko si Annie. Siya lang ang babaeng minahal ko noon at ngayon. Si Annie lang.
Marami mang babaeng lumapit sakin sa ibang bansa wala paring nagbago at siya parin ang mahal ko.
Maganda si Annie, mahaba ang buhok niya na may kaunting kulot sa ibaba nito. Matangos ang ilong na minana niya kay Aling Abeza. Mapula ang labi at may kaunting pikas sa pisnge.
She's kind. She is what i need.
Kung wala si Annie. Wala na rin ako
I need her because I love her. I can't live with my self if she's not mine.
Hindi ako papayag na may ibang lalaking makielam sa pakay ko.
Nilingon ko ang pinto ng bumukas ito at iniluwa si Annie na may hawak na isang picture na itinago niya agad sa likod niya.
Pero kitang kita ko na.
Wala akong pakealam kung may mahal ka ng iba.
Aalisin ko ang lalaking yan na nasa puso ko at papalitan ko ng sarili ko
Because you're mine, Annie.
Mine.
Alone.