PROLOGUE
PROLOGUE
ANNIE'S POV
POSIBLE nga ba na buntis ako? Dahil kaninang umaga ay nagsuka rin ako.
Pero hindi pwedeng buntis ako.
Hindi ako makakapayag dahil nag-aaral pa ako.
Pero bata ito. May buhay sa tiyan ko na hindi ko dapat patayin lalo na't mali.
Umiling ako at mabilis na umalis ng restroom. Dumiretso ako sa room ng marinig na nagbell na.
Buong klase ay tahimik lang ako, tulala. Iniisip kung totoo nga bang buntis ako? Kung totoo bang may buhay sa tiyan ko.
Buti nalang at hindi si Sir Marco ang teacher namin ngayon. Oo Sir Marco dahil nasa school ako, at siya ang professor namin.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa drugstore at bumili ng dalawang pregnancy test.
Pagkauwi ay mabilis ko itong tinary, kinakabahan pa na baka makita ni mama ang dala kong pregnancy test pero mabuti nalang at tulog na sila pagkauwi ko.
"Sana isang linya lang.." sambit ko.
Nagbabakasali pa rin akong isang linya lang makikita ko dahil marami akong pangarap. Pangarap na gusto kong matupad at hindi pwedeng mawala yon ng dahil sa bata na nasa sinapupunan ko.
Nanlumo ako ng makita na dalawang linya ang resulta ng pregnancy test.
Binasa ko kaagad ang ibig-sabihin nito "Two lines means your pregnant...Congratulations.."
Buntis nga ako
May buhay sa sinapupunan ko.
Malungkot ako na baka ito ang sisira sa lahat ng pangarap ko pero masaya ako dahil ang lalaking mahal ko—ang lalaking mahal ako ang nakabuntis sa akin..
Masaya ako dahil sa lalaking mahal ko, ako nabuntis.
Kailangan ko na lang sabihin rito.
--
Nang makahanap ako ng tiyempo.
October 6, the day of our second monthsary.
I want to tell him about our child,. and that is today.
Kaya ngayon naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko sa kaba habang unti-unti akong lumalapit kay Sir na prenteng nakaupo habang binabasa ang mga essay na gawa namin kanina.
"Sir, I'm pregnant." Sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin nung isang araw pa. Bagaman nasabi ko ay kinakabahan ako sa magiging reaksiyon nito.
Inilapag niya ang binabasang essay sa lamesa at tiningnan ako sa mga mata "Then abort that child."
"What?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
Tama ba ang dinig kong sabi nito?
"Narinig mo naman diba?"
"You want me to abort our child?" Sigaw ko bahagya pang tinuro ang sarili sa gulat.
"Yes, you know what will happen right? So abort that child kung ayaw mo then find someone who can take that child's responsibility." Aniya sabay tayo upang lumabas at iniwan akong nag-iisa. Tulala at lumuluha.
Gusto niyang ipalaglag ang anak ko? Ang anak namin?
Hindi ako papayag.
Hindi, dahil anak ko ito.
'Kung ganon, sige. Hindi mo siya makikita. Hindi mo makikita ang anak ko, natin and i'll make sure you crawl'