Kabanata 1
"Annie, ano yang pasa na nasa leeg mo?"
Napahawak ako sa leeg ko sa tanong na iyon ni Abbigail. Dali dali ko ring sinuot ang hoodie na kayang takpan ang pasang naroon.
Nakita niya parin 'yon? Hays. Ginawa ko na lahat para takpan 'to eh. Minake-up-pan ko na pero nakita niya parin. Hindi dapat nito nakita.
"Wala 'to. Ano ba!" Sambit ko at sinabayan ko pa ng pekeng tawa. Kumunot lamang ang kaniyang noo habang nakatingin sa mukha ko.
Tila binabasa kung nagsisinungaling ba ako o hindi.
Kaibigan ko si Abbigail. Abbigail De Fuente is her real name. Maganda at sikat si Abbi dahil siya ang tinuturing na campus sweetheart dahil narin maganda may angking talino din ito.
May maganda siyang mga mata na para kang hinehele sa tuwing titingin ka rito. May pula siyang labi na akala mo pinahiran ng liptint o mga bagay na nakakapagpula dito pero hindi.
Natural na ganda ang mayroon siya kaya nga nakakapag-taka at ako ang pinili niyang maging bestfriend. Kase sino ba naman ako. Kaya ang swerte ko at naging kaibigan kami.
"Ilan ka sa quiz kanina?" Tanong ko, pilit iniiba ang topic.
"30." sagot naman nito sa akin.
Umupo kami sa pwesto namin sa canteen, yes pwesto namin. May nakalagay na pangalan namin rito 'De Fuente & Sanchez' Kaya walang uupo rito kundi kami lang.
Kumain na rin kami ng baon niyang adobo at inilabas ko na rin ang baon kong tinola upang mapaghatian namin ng matapos ay dumiretso agad kami sa room.
"Sinong teacher natin sa Math ngayong patay na si Maam Vonor?"
"Ewan ko sis"
"Pano 'yan? Wala tayong teacher?"
"Gaga! Be happy dahil walang Math sub!"
Kinuha ko ang lapis at papel na nasa bag, pasimpleng nagdrawing ng isang pigura ng lalaki. Hindi man lang inabalang pakinggan ang bulungan ng mga kaklase ko.
Saglit kong tiningnan si Abbi na nakikihalubilo na pala sa mga kaklase ko tungkol roon sa teacher namin sa Math. Si Abbi talaga.
Dapat nga maging masaya kami eh kase walang teacher pero sila worried
Mahilig akong magdrawing, gusto ko ngang maging designer o 'di kaya architect balang araw pero mukhang impossible rin dahil 'di sapat ang pera ng pamilya para roon.
Napahinto lamang ako sa pagdra-drawing ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki.
Isang lalaki na sobrang gwapo parang anghel na bumaba galing sa langit.
Nakasuot ito ng black na v-neck shirt at black na pants. Kulay abo ang mga mata nito at sobrang tangos ng ilong at ang kapal ng kilay and his lips? His lips is just so kissable.
Napahawak ako sa puso ko ng bumilis ang t***k nito.
Anong nangyayari sa puso ko?
Ba't tumitibok 'to?
'Kapag tumibok raw ang puso mo kapag nakakita ka ng lalaking gwapo ibig sabihin, inlove ka!'
Gagi. Lola ba't naiisip kita?
Pero wait?
Inlove?
Am i inlove?
Inlove? Totoo ba yang salitang yan? Love at first sight kaya itong nararamdaman ko?
Kung love at first 'to. Siya na ba ang forever ko? Pero nako impossible 'yon.
Ipinilig ko ang ulo sa frustration, kung pwede lang sambunutan ang sarili ay ginawa ko na pero wala namang silbi ang pagsambunot ko sa buhok ko.
"Class." He said in a deep voice. I look at him and watch how his lips move "I'm Marco Niccolo Salvidar, your new math and english teacher."
Nanlaki ang mata ko sa nadinig at umiwas ng tingin
Siya?!
Siya ang teacher namin sa math at english?!
"Nice to meet you, Sir Marco!"
"Gwapo mo sir!"
"May girlfriend ka na sir?" Don ako napalingon.
Mayroon na kaya? May jowa na kaya si Marco? Ah eh Sir Marco pala.
"Wala and girlfriends is not my thing, class." Aniya na ikinatawa ng mga kaklase ko, ang ilan ay umiling at ang ilan ay nakataas ang kilay tila hindi naniniwala.
His thing? Girlfriends is not his thing? So ang ibig sabihin hindi siya mahilig sa mga labels? Mas gusto niya ang flings flings lang?
"Now, class Just get a one fourth sheet of paper. Write your name and favorite food"
Mabilis na dumiretso ang mga kaklase ko kay Abbi, nanghihingi ng papel. Lagi kasing may papel si Abbi at itong mga kaklase ko hindi nagdadala ng papel hanggang hindi pinapa-aasignment.
Umiling ako at kinuha ang one fourth ko sa loob ng bag.
'Antonette Sanchez
; Tinola '
Pinasa ko ito kay Angela na panay ang titig kay Sir Marco, pinagmasdan ko si Sir Marco na nagsusulat na sa whiteboard.
Sobrang tikas ng likod niya, halatang suki ng gym. Buti nalang at malaya akong matitigan siya mamaya sa English dahil sa harap ang seat ko 'non
Marco? He is so handsome.
Marco Niccolo Salvidar.
His name sounds so handsome gaya ng mukha niya. Hindi ko lubos maisip na isa siyang guro.
Mukha kase siyang engineer at model, ibang iba ang mukha niya sa mga gurong nakakasalamuha ko.
Mukha siyang model sa sobrang kagwapuhan at kamachohan.
Umiwas ako ng tingin nang lumingon ito sa gawi ko. Napansin ko rin na nagsusulat na pala si Angela sa one fourth niya kaya paniguradong ako ang napapansin niyang nakatitig sa kaniya.
Akala ko inlove na ako pero hindi pala.
Hindi dahil ang taong akala ko magiging akin at magiging forever ko, hindi naman pala siya.
Ibang-iba ang naiisip ko sa nangyayari ngayon, kung kanina ang akala ko ay siya na pero hindi pala.
Bakit ako pa ang kailangang magdusa? Bakit ako pa ang napiling magkagusto sa taong hindi pwede sakin? Hindi pwede sakin dahil.
Dahil
Professor ko pala ito
At ang malala pa.
Professor ko pa ito sa dalawang subject na kinaiinisan ko.