Kabanata 2
Tulala akong napatitig sa drawing na nasa bond paper. Napakaperpekto naman ng drawing na ito.
Kahit kailan hindi pa ako nakakaguhit ng perpektong obra ngayon lang.
Paano ba 'to hindi magiging perpekto kung si Sir Marco ito?
Marahan kong hinawakan ang drawing, "Napakagwapo." Mahina kong bulong.
Napakaguwapo niya!
Kung sana hindi nalang namatay si Maam Vamor eh baka pwede pa kami? Hindi. Dahil kahit na hindi namatay si ma'am teacher parin siya. Nothing can change that fact pero sa paraang yon hindi ko siya makikilala
At hindi ko siya magugustuhan.
"P**a kang h*y*p ka! Napakasama mo! Ano magdadala ka ng babae rito? Anong akala mo sa bahay natin?! Nandito ang anak mo!"
Nanlaki ang mata ko ng narinig ang sigaw ni mama, dali dali akong bumaba at hinanap kung nasaan nanggagaling ang sigaw.
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita si mamang naiiyak habang tinuturo si papa na hawak sa kamay ang isang babae.
Babae na halos kasing edad ko lang.
Pinagmasdan ko ang babae mula paa hanggang ulo.
Peke akong tumawa ng makita ang tiyan nito.
Buntis ang babae.
"Pa? Ano ba to?" Pinipilit kong hindi umiyak pero paano ko yon makakaya kung nakikita ko ang sarili kong ina na halos mawalan na ng hininga sa labis na kakaiyak at ang tatay ko naman na ito may babaeng dinala sa bahay.
"Oh baket?" Maangas na sigaw nito sakin, malakas nito akong sinampal at itinuro si mama na nakatingin ng madilim kay papa "Mga boba!" At iniwan kami nito. Hindi ko ininda ang sakit ng pagkasampal nito.
"Sorry." The girl my dad brought said. Napakainosente ng boses pero ang totoo napakaharot naman pala.
Lumapit ako kay mama at niyakap ito.
My mama is my life. Ayokong nakikitang nasasaktan ang nanay ko kaya kong tanggapin lahat ng sampal, wagwag, pagpapahiya, mga mura ni papa huwag niya lang saktan si mama.
Pero siguro nga.
Once a playboy, always a playboy.
Kase Playboy si Papa eh.
No wonder, 'di parin nagbabago ang tatay ko.
-
"Hey? Are you okay? Miss Sanchez?"
Umaangat ang tingin ko ng marinig na may tumawag sakin, nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Marco na nakatayo sa harapan ko. Kita sa mata niya ang pag-aalala.
"A-ah" Kinamot ko ang batok ko sa hiya dahil sa titig nito. "Ok lang, Sir."
He stared at my face for atleast 50 seconds before nodding "Good." He whispered.
"Ah, Sir!" Sigaw ko ng makita kong papalayo na ito.
Lumingon siya at itinaas ang kilay "Yes?"
"C-can you call me by my name?" Sambit ko at yumuko upang itago ang namumula kong pisnge.
Kinakabahan ako baka mamaya isipin niyang may iniisip akong kabaliwan at kahihiyan.
"Cheer-up, Annie." He said in a deep voice.
I look at him and saw that he is smiling.
My heart beat fast and loud while staring at his smiling face. He is so handsome.
Kung ganito lang sana ang araw-araw na makikita ko sa pag-gising ko sa umaga napakaganda siguro ng araw ko.
There's something about his eyes that makes my heart beats so fast and also makes my knees weak.
"Thank you, Marco." I said smiling.
Ang ngiti niya unti-unting nawala ng marinig ang sinabi ko
"Don't call me by name, Miss Sanchez. Call me Sir Marco."