Kabanata 3
"A-ah okay"
Tumayo ako bago kinuha ang bag ko at walang pasabing umalis ng room.
Akala ko pa naman concern siya sakin pero mukha namang hindi, may pa lapit lapit pa siya tas magtatanong kung okay lang ako tas hindi naman pala sincere. Ewan ko rito. Hindi ko siya maintindihan.
Nagtago ako sa rooftop ng isang building ng school.
Kapag may problema ako dito ako pumupunta kase napakasariwa ng hangin, nirerelax niya ako.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganon.
Ano namang mayron kung tinawag ko siya sa pangalan niya? May problema ba ron? Wala naman ah.
Napakababaw niya. Parang yun lang eh.
"Tsk." Umiling ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ng palda, dinial ang number ni Abbi.
/Oh? Ba't ka napatawag?"
"Nasan ka?" Pinagmasdan ko ang ulap at bumuntong hininga "Alam mo ba Abbi napahiya ako kanina." Pagsisimula ko ng kwento.
/Ay? Hala/
Narinig ko ang mahina niyang halakhak sa kabilang linya
Kung nandito lang si Abbi sa harap ko kanina ko pa siya sinapok. Wala naman kaseng nakakatawa sa sinabi ko.
"Sige na nga letse ka!"
Inis ko tuloy na ibinalik ang cellphone sa bulsa. Akala ko matutulungan ako ni Abbi tungkol sa problema kong pahiya pero wala. Hindi talaga nagseseryoso 'tong si Abbi.
Umupo ako sa sahig at tumitig sa ulap.
Napaka-peaceful ng ulap, sana ganyan nalang rin ang buhay ko.
Tahimik at maganda.
Buong buhay ko hindi ko pa naranasan na tumahimik ang buhay ko.
Puno na ng problema ang buhay ko, sa papa ko, sa babaeng dala niya, kay mama, kay Abbi, kay Marco ah este Sir Marco pala.
-
Napaayos ako ng upo ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Kumunot rin ang noo ko ng makita na si mama ang tumatawag.
/Anak! Anak umuwi ka na dalian mo!/
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sigawan na nasa linya, hindi ko rin lubos maintindihan ang sinabi ni mama pero nag-aalala ako na baka may hindi magandang nangyari. Kaya binaba ko agad ang tawag at lumabas na ng rooftop.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sa sigawan na nasa background ni mama halatang may nag-aaway at halatang galit ito pareho.
Pero sino 'yon? Hindi naman boses ni papa yon? Sino yung mga yon?
Nanginginig ang kamay ko, kinakabahan na rin ako.
Hindi ko na inintindi pa ang sigaw ng mga estudyanteng nabubungo ko, ang tanging iniisip ko lang ay si mama.
"Ouch!" Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babae na nakadapa sa sahig matapos kong mabangga.
Dali dali ko itong nilapitan at tinulungang tumayo ng matapos ay nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Nagulat pa ako ng makita si Abbi na kasama si Matteo, ang isa sa playboy ng school gusto ko sanang tanungin siya bakit niya kasama yon pero hindi ko narin tinanong sa labis na pagmamadali.
Iniwas ko ang tingin ko sa isang room ng makita si Sir Marco na nagtuturo ron, saglit pa na dumapo ang tingin niya sakin.
Nang makalabas ng school ay dumiretso ako sa bisekleta ko at nagmadaling pumunta sa bahay.
-
"Ma! Ma!"
"Anak!" Napahilamos ako ng mukha ng makita si mamang naluhod sa sahig kasama ang babaeng dala ni papa, duguan ang babae.
"Ma? Anong meron?"
"Dinugo siya, ayaw dalhin ng papa mo sa hospital" Aniya na ikinakuyom ng aking kamao. "Bumili ka ng makakain anak at ako na ang bahala sa kaniya, dalian mo."
Tumango ako at pinagmasdan ang babae, duguan na ito at halata ang pagod sa kaniyang mga mata. Panigurado siya ang sumisigaw kanina.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
The girl nodded that made me smile.
Atleast okay siya kahit paano kaya nakahinga ako ng maluwag.
-
Naglakad ako papunta sa karinderya ni Aling Bebang na tulala at hindi makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko.
Hindi ko lubos maisip bakit nagkakaganto si papa? Ano bang iniisip niya? Niloko na nga niya si Mama. Tapos yung babaeng pang yon ay kinawawa niya. Baboy ba ang babaeng yon.?
"Aray!" Sigaw ko ng mabangga ako ng isang lalaki.
"Ah sorry." Napaatras ako ng makita ang itsura ng lalaki.
"S-sir Marco?"
Sir Marco smiled when he saw my face "Sorry hindi kita napansin." Nanlaki ang mata ko ng hinawakan nito ang pisnge ko.
Yumuko pa ako dahil don, "Sorry kanina, Annie."
"Ahm, hindi okay lang, Sir Marco. Naiintindihan ko na po."
"No..it's not okay sa akin."
"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot ako ng dahil sa sinabi nito.
"Don't worry you can call me by my name. Kapag nasa labas tayo ng university pwede mo kong tawaging Marco." Aniya na ikinangiti ko o naming pareho.