Kabanata 4
"Here" Inabot nito ang hawak niyang paperbag, taka ko tuloy itong tiningnan.
"A-ah ano to, Sir? Ah este Marco?"
He smiled "That's a sketchbook, I saw that you're drawing in my first day." Then he smiled more widely. "And it's great."
I nervously take the paperbag from his hand, sandali ring nagkadikit ang palad namin na ikina-iling niya.
"Thank you." I said while smiling at him.
"You're welcome, Annie."
"May bayad ba 'to?" tanong ko pa.
"Wala." tumawa ito sa tanong ko.
"Good, akala ko kase. Ahm, Marco, uwi na ako ha? Kailangan na kase ako sa bahay"
Hindi ako sanay sa pagtawag sa kaniya sa sarili niyang pangalan. Mas sanay ako sa pagtawag sa kaniya na 'Sir Marco' nakakainis at pinapabilis niya ang t***k ng puso ko.
Tumango si Marco, nakita ko ang sarili ko sa kaniyang abo na mga mata. Ang kapal ng kaniyang kilay at haba ng kaniyang pilikmata ay nagpapabilis sa pagtibok ng puso ko.
Kumaway ako sa kaniya at mabilis na umuwi ng bahay, pagpunta ko roon ay tahimik na, kumain na rin kaming tatlo.
Napag alaman ko na itinulak ni papa si Giselle. My papa's mistress named Giselle kasing edad ko—18. Nasa school raw siya non ng makilala niya si papa. Mabait siya kaya okay na saking nandito siya sa bahay.
Nag-away silang dalawa ni papa dahil mayron raw lipstick ang polo ni papa na labis na ikinagalit ni Giselle.
Itinulak raw ni papa si Giselle kaya nasa sahig na ito pagpunta ko, dinugo raw. Kwento iyon lahat ni mama dahil hindi kaya ni Giselle na ikwento sakin. Tulala siya, wala sa sarili.
Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang paperbag na bigay ni Sir Marco—ah este Marco.
"Wow." Namamangha kong wika.
Tiningnan ko ang sketchbook na bigay niya. Sobrang ganda at ang kapal ng papers. Hindi niya rin sinabi na mayron pala itong pencils na pasobra.
Special kaya ako sa kaniya dahil binigyan niya ako nito? At bakit siya nandon malapit sa bahay namin? Sinusundan niya kaya ako?
Impossible.
Sa kakaisip non ay late na ako nagising, late na tuloy akong nakapasok sa school.
Hindi ko na naabutan pa si Sir Marco.
Oo, Sir Marco dahil nasa loob na kami ng school.
Pero inabutan ako ni Abbi ng isang test paper sagutan ko raw at ipasa kay Sir kaya ayon minadali kong sagutan para makita siya kaagad.
Oo, gusto ko si Sir.
Gustong gusto.
Simula nung makita ko si Sir Marco hindi na ito nawala sa isip ko. Inaalala ko sa pagtulog ko ang magaganda niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong at makapal na kilay.
Mabait rin si Sir Marco kaya hindi siya mahirap gustuhin.
Excited kong kinatok ang Office ni Sir na bumukas agad matapos ang limang segundo.
"Ms Sanchez? What are you doing here?" Sir Marco asked when he saw me standing outside his office.
"Ipapasa po ito." Sabi ko at ipinakita ang testpaper na hawak, tumango siya at kinuha ito sa akin.
"You can go now..."
Napakamot ako sa leeg ko sa sinabi niya "Sir? Sasabihin ko lang sana n–"
I couldn't able to continue what I'm saying when a sexy woman hugged Sir Marco from his back.
"Love, don ka muna." Sir Marco whispered to the girl's ear.
Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa.
The girl's face look so foreign, mukhang may lahi ito. Matangos ang ilong, maputi, matangkad. Her sexy waist is showing because she's wearing a croptop and a jeans. May pikas rin ito sa kaniyang pisnge. Pwede ba ang suot nito sa loob ng school?
"Kiss me first." She whispered pero rinig na rinig ko naman. Sir Marco kiss her lips and turn to look at me..
"You can go now, Ms Sanchez."
I faked a smile and said "Sure."
Akala ko gusto niya rin ako, akala ko sinusundan niya ako pero mali pala!
Mali pala ako ng akala.
Dahil may ibang gusto na pala ito.
Hindi naman niya kailangan ipamukha sa aking harapan gamit ang babae.
Lalo na at wala din ako sa kalingkingan nito.