EP.02

2660 Words
Pabagsak siyang naupo sa sofa pagkapasok niya sa loob. Siya namang dating ni Dalton na malalaki ang mga hakbang papalapit sa kanya.   "What's wrong?" takang tanong niya.   "I think you have to come with me."   "Where? Why?" takang tanong niya.   "Sa bloodhouse."   Biglang nangunot ang noo niya sa narinig.   "Anong meron meron sa bloodhouse?"   "You'll find out pag nandoon na tayo." sagot ni Dalton. “Let’s go!”   Ang bloodhouse ay imbakan nila ng sariwang dugo para sa kanyang mga kasamahan. Iyon ang mga dugo na nakuha nila sa malinis na paraan. Hindi nila maitatanggi na kailangan nila ng dugo para tumagal. Iyon ay isang sekretong imbakan na tago sa mga tao. Ilang milya ang layo mula sa kanyang tirahan.   Sa isang malawak na lupain ng Nueva Ecija sila nakatira. Malayo sa kabihasnan at kung titingnan ay parang isang normal na hacienda lang ang kanyang pag-aari. Kaya gusto niya ring bilhin ang lupa na pag mamay-ari ng aroganteng lalaki na nakaharap niya kanina para hindi sila mabulabog ng mga taga labas. Ngunit sa inis niya ay mukhang walang balak ibenta ng lalaki ang kapirasong lupain nito.   Lahat ng mga kasamahan niya sa lugar na iyon ay mga kauri niya.   "Anong kaguluhan 'to?!" galit niyang sambit ng makita ang nagkalat na mga kagamitan sa labas ng bloodhouse.   "May nakapasok na magnanakaw sa loob."   "Paanong nangyari 'yan, mayroon tayong bantay!"   "Wala na sila. They died last night," sagot ni Dalton sabay turo sa sunog na katawan sa lapag.   "At sinong walanghiya ang maglalakas loob na pasukin ang teritoryo ko! At papaanong hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nila dito?!" galit niyang wika.   "Palaisipan din sa akin 'yan, Serena. Kahit ako, wala akong naamoy na kakaiba kagabi." sagot ni Dalton.   Kaagad siyang pumasok sa loob ng bloodhouse at halos maningkit ang mga mata niya ng makita ang isang lalaki na mahigpit na binabantayan ng ilan nilang kasama.   "Siya at ang mga kasamahan niya." sagot ng isa sabay turo sa lalaki. Kaagad niyang nilapitan ang lalaki at matalim na tinitigan.   "Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na pumasok dito, magnakaw ng mga bagay na hindi iyo at pumatay sa mga kasamahan ko!"   "Wala kang malalaman, hindi ko sasabihin, Serena." patuyang sagot nito.   "Anong sabi mo?! At kanino mo nalaman ang pangalan ko!" gigil niyang sabi sabay sakal sa lalaki.   "Marami na kaming alam tungkol sa'yo. Sa katunayan, may mga mata na kami na nagmamasid sa'yo. Hulihin mo sila kung gusto mo. Pero isa lang masasabi ko, malapit na ang katapusan mo! Hahaha!"   "At sino maysabi sa'yong hahayaan ko kayong magtagumpay, sino ang pinuno mo?" malakas niyang tanong habang naniningkit ang mga mata. Sa sobrang galit niya ay unti-unti ng lumalabas ang mga pangil niya kasabay ng paghaba ng mga kuko niya. Ramdam niya ang pagbaon ng kuko sa kalamnan ng lalaki kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal rito.   "Malapit na. Malapit mo na siyang makilala. Pero pag dumating ang oras na iyon, tinitiyak ko sa'yong mahina ka na." tila nang-uuyam na sagot nito.   "Huwag kang mag-alala, aantayin ko ang araw ng aming pagkikita. At kapag dumating ang oras na iyon, tinitiyak ko sa'yo na papatayin ko siya ng higit pa sa pagpaslang ko sa'yo!" marahas niyang sambit kasabay ng mabilis na pagbaon ng mga kuko niya sa puso nito. Mabilis niya iyong dinukot at pinisa sa mismong harapan ng lalaki.   "Aaahhh!" hiyaw ng lalaki habang naghihingalo. Pagtingin niya rito ay napansin niya ang tattoo sa leeg nito at ang suot na kwintas. Marahas niya itong hinablot at pinagmasdan.   "Die..." muli niyang sa lalaki bago niya ito tuluyang pinaslang. Pinagmasdan niya ang pagliyab ng buong katawan nito hanggang sa matupok at dalhin ng hangin ang abo nito.   "Why did you do that? Dapat ay hindi mo siya pinatay! Paano natin malalaman kung sino ang pinuno nila kung pinatay mo siya kaagad! Dapat alam mo 'yan, hindi ka sana nagpadalos-dalos, Serena! Sa kanya lang tayo makakakuha ng impormasyon, pinatay mo pa!" galit na tungayaw ni Elizabeth sa kanya.   "At kung ayaw mong sumunod sa kanya ay manahimik ka, Elizabeth!" gigil niyang sagot dito.   "Serena, Elizabeth, tama na 'yan! Hindi ito ang tamang oras para magtalo kayo. Ngayon ninyo kailangang magkasundo lalo pa at nanganganib tayo!" saway ni Dalton sa kanila.   "Kung gusto ninyo akong makasundo ay huwag ninyo akong pangunahan. Ako pa rin ang masusunod at tanging ako lang ang may karapatang mag desisyon para sa grupo. At wala ni isa man sainyo ang may karapatang kwestiyunin ang mga ginagawa ko!" malakas niyang wika. "Naiintindihan mo ba ako, Elizabeth?" baling niya sa kausap.   "O-oo." tila napipilitang sagot nito.   "Dalton, magtalaga ka ng bantay sa buong paligid. Lalo na mamayang gabi, maaaring sumalakay ulit sila lalo pa at namatay ang isa nilang kasamahan. Talasan ninyo ang inyong mga mata at pang amoy. Kung may mahuli kayo ay huwag kayong magdadalawang isip na patayin din sila. Nang sa gayon, ang pinuno nila ang mismong lumusob dito kapag naubos na ang mga galamay niya."   "Masusunod, Serena."   Pagkatapos kausapin si Dalton ay nagmamadali siyang bumalik sa kanyang bahay. Dire-diretso siya sa kwarto upang suriin ang nakuha niyang kwintas. Maingat din niyang iginuhit ang nakita niyang tattoo sa lalaki. Malakas ang pakiramdam niya na may makukuha siyang lead sa tattoo nito.   "Kung sino ka man ay galingan mo ang ginagawa mong laro. Sa oras na mahuli kita, ay pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin! Sa tagal ng panahon na pananahimik namin, ngayon mo pa kami guguluhin!" gigil niyang bulong sa hangin habang tinititigang mabuti ang hawak na kwintas. Sa kanyang isipan ay naglalaro ang napakadaming tanong.   -   "Sa tingin mo, sino ang may gawa nito?" tanong ni Elizabeth kay Dalton ng makaalis si Serena.   "Hindi ko alam, pero sa istilo ng pagpasok nila rito. Ay masasabi kong kaparehas ng istilo ni Viktur noon. Hindi rin namin nalaman ang biglaang pagsalakay ng grupo niya. Nagulat na lang kami dahil bigla biglang nalagas ang mga bantay."   "S-si Viktur?" gulat na sagot ni Elizabeth.   "Hindi ako nakakatiyak. Pwedeng si Viktur, pwede ring ibang grupo. Iyon ang dapat nating alamin, huwag tayong makampante. Nasanay tayo sa tahimik na pamumuhay, hindi na natin namalayan na baka totoo nga na mayroon na tayong lihim na kaaway dito. Kaya mag iingat ka, Elizabeth," wika ni Dalton sa kausap.   "Sasama ako sa pagbabantay mamaya." sagot nito.   "Kung gayon, kailangan na nating maghanda ng mga armas at patibong. Halika na." yakag ni Dalton sa kasama.   -   "Inay, Itay, I'm okay! You don't have to worry about me." nangingiting sabi niya sa mga magulang ng tawagan siya ng mga ito para kamustahin.   "Anak, hindi ba sabi ko naman saiyo. Dito ka na lang sa Manila tumira. Ano bang meron diyan sa Nueva Ecija. At saka akala ko ba balak mo lang gawing farm 'yang lupain na naiwan ng lolo mo sa'yo. Binigla mo naman kami na gusto mo na palang tumira diyan. Diyos ko naman, Iñigo bumalik ka na dito sa bahay, at tulungan mo na lang ang tatay mo sa maliit na talyer natin!" sagot ng ina.   "Maayos naman ako dito 'nay. I'll be fine, buo na ang desisyon ko. I'll stay here." bulong niyang wika sabay sulyap sa malaking bahay sa tapat niya. Hindi niya makalimutan ang babaeng mataray na sumugod sa kanya kaninang umaga. Dahil sa babaeng iyon ay mas lalo siyang naexcite na manirahan doon. Tila mag-eenjoy siya sa paglalagi niya sa lupain na iniwan sa kanya ng kanyang namayapang abuelo.   "Someday, makikilala rin kita ng lubusan. Tingnan natin kung hanggang saan makakarating 'yang katarayan mo. Napakabata mo pa pero nuknukan ka ng sungit." nangingiting wika niya habang hindi maalis-alis ang tingin sa bahay ng dalaga.   Sa tantiya niya ay disi-otso pa lamang ito, ngunit parang matured na mag isip at makipag-usap. Sa hitsura ng dalaga ay mapapansin na nakakaangat ito sa buhay, ngunit bukod doon ay wala na siyang impormasyon tungkol dito.   Lingid sa kaalaman ng binata ay nakatitig rin sa kanya si Serena mula sa loob ng kwarto nito.   "Dalton!" tawag niya sa tagabantay.   "Bigyan mo ako ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yan. I want to know everything about him."   "Consider it done, my lady," sagot ni Dalton.   -   [4:36am]   Tahimik ang buong paligid. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga huni ng kuliglig. Makikita din ang panaka-nakang pagsulyap ng buwan na tila nagtatago sa likod ng puting ulap.   Alerto ang lahat at wala ni isa ang gustong kumurap. Bawat isa ay nakikiramdam, maging ang simoy ng hangin ay tila nagdadagdag ng tensyon sa paligid.   "May kalaban!" hiyaw ng isang lalaki bago pa ito nagliyab.   "Hanapin ninyo kung nasaan!" sigaw ni Dalton habang naglilikot ang mga mata.   Sina Elizabeth din ay kaagad na inihanda ang mga armas. Kung kagaya nila ang kanilang kalaban, alam nila kung saan ang kahinaan ng mga ito. At alam din nila ano makakapuksa sa mga lapastangan.   Ilang minuto din silang nakipaglaban mula sa mga lumusob sa kanila. Marami din silang napatay, ngunit ilan sa kanila ay malubhang nasugatan.   "Sino ba kayo at saan kayo nanggaling!" galit na galit na tanong ni Elizabeth ng makorner siya ng isang lalaki sa sulok. Pagod na rin siya sa pakikipaglaban at pakiramdam niya ay hindi na siya tatagal.   Sila lang dalawa ang nandoon dahil abala din si Dalton sa pakikipaglaban sa kabilang bahay.   "Kinukuha lang namin ang matagal ng dapat na sa amin!" sumisingasing na sagot ng lalaki.   "Nagpapatawa ka ba?! Kahit kailan walang naging sa inyo! Kung anuman ang mayroon kami at kung anuman ang nararanasan namin, iyon ay dahil sa pagtutulungan naming magkakasama!"   "May buhay kayong inagaw sa amin! Kayo ang dapat na nahihirapan, hindi kami! Kaya kami narito dahil kukunin na namin ang dapat ay sa amin. Kaya kailangan ninyong mawala para mangyari iyon!" sagot ng lalaki sabay labas ng mahabang punyal nito.   "A-ano 'yan!" kabadong tanong ni Elizabeth ng makita ang patalim. Batid niya na kapag bumaon iyon sa katawan niya ay magiging katapusan na niya.   "Ito ang magiging dahilan ng kamatayan mo!" nanlilisik ang mga matang wika ng lalaki sabay sugod sa kanya.   "Huwag!" malakas na hiyaw ni Elizabeth habang nakataas ang dalawang kamay.   "Mamatay ka na!" hiyaw ng lalaki sa kanya.   Ipinikit na lang ni Elizabeth ang mga mata habang hinihintay ang kanyang katapusan. Sa isipan niya ay wala ng makakapagligtas pa sa kanya ng mga oras na iyon.   "Sino ang may sabi sa iyong pwede mong patayin ang mga kasama ko!" nangangalit na tanong niya sa lalaki.   Mula sa kanyang kwarto ay dinig niya ang sagupaan ng mga kasama. At bilang isa sa tagapangalaga ng kanilang lahi, hindi niya matitiis na hindi tulungan ang mga ito.   "S-serena!" galak na tawag sa kanya ni Elizabeth mula sa kinauupuan nito. Dahil sa sobrang lakas niya ay nadala niya ang lalaki sa parte ng kakahoyan.   "K-kinukuha lang namin kung ano ang ipinagkait ninyo sa amin sa napakatagal na panahon!" sagot nito.   "Huwag kang magpatawa, hindi ako natutuwa sa'yo! Sino ang namumuno sa inyo at saan kayo nagtatago!" muli niyang tanong kasabay ng paghigpit ng hawak sa leeg nito.   "Wala kang malalaman sa akin, ang mabuti pa ay patayin mo na lang ako! Wala kang mahihita sa akin!" matapang na sagot nito.   "Ah ganoon ha?!" asik niya rito. Ubos lakas niyang hinawakan ang leeg nito kasabay ng pagbaon ng mga kuko niya sa kalamnan ng lalaki. Ang mga mata niya ay nagkulay dugo na dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.   "Oo! Wala kang mapapala sakin! Mapatay mo man ako ngayon, pero sampo ang magiging kapalit ko na susugod sa inyo hanggang sa maubos kayo. Hahaha!" tila nang uuyam na sagot ng lalaki.   "Huwag kang mag-alala, kahit ang sampong kapalit mo ay mamamatay din kagaya mo. Dahil hindi ko kayo hahayaan na magtagumpay sa binabalak ninyo. Napanatili ko ang tahimik na pamumuhay namin noon, at hindi ninyo mababago ang lahat dahil lang sa maling paniniwala ninyo."   "Iyon ang akala mo. Matatalo ka niya, darating ang araw na siya na ang magpapatuloy sa nasimulan mo. At kapag nangyari iyon, ikaw, Serena. Mamatay ka rin kagaya nang pagkamatay ng mga magulang mo!" sigaw ng lalaki.   "Go ahead and try." patuyang sagot niya. "Nakikita ba ninyo ang lalaking ito? Ganito ang mangyayari sa inyo kapag hindi ninyo itinigil ang panggugulo ninyo sa teritoryo ko! At kung sinuman ang namumuno sainyo, gusto kong malaman mo na hindi ako natatakot sa'yo! Kung gusto mong makuha kung ano ang pag aari ko, bakit hindi ikaw ang sumugod dito at tayo ang magharap. Hindi 'yung nagpapadala ka ng mga walang kwenta at mahihinang tauhan mo dito!" malakas na sigaw niya bago dukutin ang puso ng lalaki.   "Serena!" malakas na tawag ni Dalton sa kanya.   "I am Serena Alexsandri, and I'm the only successor of my race. And it will stay that way, until the end! Whoever tries to kill me will eventually face their death using my bare hands, and whoever stands by me will forever live! Because I am the only daughter of Constantin!!!" sigaw niya bago tuluyang winasak ang lalaki.   Sa pagsilay ng liwanag ng buwan ay muli niyang tinitigan ang buong paligid. At sa isang iglap, lahat ng kalaban niya ay kanyang napatumba ng walang kahirap-hirap.   "Serena, salamat at dumating ka..." sambit ni Elizabeth ng matapos ang kaniyang pakikipaglaban.   "Nasaan si Dalton?" baling niya rito.   "Nandito ako..." sagot ni Dalton habang isinusuksok ang punyal sa bewang nito.   "Gusto kong imbestigahan mo ito, nakuha ko 'yan sa kalaban kanina. Parehas 'yan ng kwintas na nakuha ko kaninang umaga. Gusto kong alamin mo kung ano ang sumisimbolo sa kwintas na iyan. At ng tattoo nila sa balikat." utos niya kasabay ng pagbigay ng kwintas at iginuhit niyang tattoo.   "Masusunod, Serena."   "Elizabeth, gusto kong sumama ka sa akin para mag ikot, gusto kong makasigurado na wala ng kalaban na nagkalat sa paligid. Malapit na ang bukang-liwayway. Kailangan na nating masiguro na malinis ang paligid." baling niya sa babae. "At sa inyo mga kasama, gusto kong gamutin ninyo ang mga kasamahan natin na malubhang nasugatan at di magawang maghilom ang mga sugat. Babalik kami." bilin niya sa mga ito bago umalis.   "Serena," tawag sa kanya ni Elizabeth habang nag iikot.   "Ano 'yon?"   "Sa tingin ko ay kakilala lang natin ang gumagawa nito."   "Ganon din ang tingin ko, pero kung sino man siya. Batid kong mag iingat na siya na huwag mabuko."   "Alam niya ang nakaraan mo, at ang sabi niya pa ay may ninakaw ka daw sa kanila.   "Wala akong ninanakaw at alam mo 'yan. Isang malaking palaisipan sa akin kung sino ang nasa likod nito at kung bakit bigla bigla ang ginagawa nilang pag atake."   "Malakas ang kutob namin ni Dalton, na may kinalaman si Viktur dito."   "Kung may kinalaman man siya dito, bakit hindi siya magpakita at kaming dalawa ang magtuos. Bakit nagpapadala siya ng mahihinang tauhan dito?"   "Hindi kaya---hindi kaya, pinag aaralan nila ang mga kilos natin?"   "Ssshhhh…” biglang sambit niya sa kasama. May naaamoy siya sa paligid. At hindi iyon ordinaryong amoy ng isang bampira o ordinaryong nilalang.   Maingat siyang naglakad at muling iginala ang paningin. Sa sulok ng kanyang mga mata ay may nakita siyang anino sa likod ng malaking puno ng acacia.   "Kung sino ka man, bakit hindi ka magpakilala? Huwag kang duwag! Ako ang kalabanin mo!" marahas niyang wika kasabay ng paglusob niya sa nakitang anino. Ngunit sa gulat niya ay bigla itong naglaho bago pa man siya makarating sa pwesto nito. Sadyang kaybilis nitong kumilos at tanging ang amoy lamang nito ang naiwan sa paligid.   "Damn it!" malakas niyang sigaw dahil sa inis.   Kung sino man iyon ay batid niyang matagal na siyang minamanman nito. Kabisado nito ang bilis at lakas niya. Kaya naman naglakas loob itong magparamdam sa kanya na walang takot at pag aalinlangan.   Lingid sa kaalaman ng dalaga ay may dalawang mata ang lihim na nakatitig sa kanya mula sa dilim. Kasabay ng pagguhit ng mga ngiti nito sa labi ay ang paglitaw ng dalawang matatalim na pangil.   "Nagkita tayong muli, Serena..." pabulong nac nito bago tuluyang naglaho sa kawalan.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD