EP.01
[Year 1601---ROMANIA]
The grandest clock of the mansion began to move slowly. In just a matter of time, the most lovable twins--- Sienna and Serena will gonna hit their adulthood as they are about to celebrate their 18th birthday.
But unlike any other debutante, their mansion is a lil' bit strange for they are no longer accept guests from the society.
Instead of guests, they have guards on duty all over the place to make them safe.
Instead of cakes, they have swords. Instead of foods and wines, they prepared bow and arrows.
WHY?
Because Sienna and Serena, needs to die before they became vampire, according to Viktur (they're greatest corrival.)
Viktur and his men, wants to kill the twins just to make sure that he will be the successor of their race. Viktur wants to rule the humankind in the near future. So, he wants to remove, all the hindrance along the way. Even if it means killing his entire race.
But... Constantin and Ondreea will never let Viktur, succeed. They will keep their twins, safe and sound---even if it could end their lives.
---
"Serena, Sienna..." a middle-aged woman whispered.
"Mama?" Serena, replied.
"Come, quickly. Don't make any sound or noise." she answered softly.
"What's happening, Mama?" Sienna, asked.
"Ssshh, just follow me. Dalton, is waiting for the two of you downstairs." Ondreea, replied.
"Where is Papa?"
"I said, just follow me!"
Nagpalinga-linga ang magkapatid sa buong kabahayan, at nanlaki ang mga mata nila parehas ng makitang nagkalat ang kanilang mga tauhan habang nakikipaglaban. Ang ilang bahagi ng kanilang bahay ay sira na at nasusunog. Isa lang ang ibig sabihin niyon, nilusob sila ng grupo ni Viktur.
"Mama, you're bleeding!" pasigaw na sambit ni Serena, nang makitang tumatagas ang dugo sa bewang ng ina. Ngunit hindi siya pinansin nito, sa halip ay kapwa sila hinila ng ina papasok sa pribadong silid. Kung saan naroon si Dalton (ang kanilang tagabantay).
"Please take good care of my children. Viktur wants to kill them both, but please! Don't let it happen. Stay here, and if it's needed, you know what to do!" bilin ni Ondreea sa katiwala.
Akmang aalis na sana si Ondreea para tulungan ang asawa sa pakikipaglaban ngunit biglang dumating si Constantin habang hawak ang duguang dibdib at braso.
"Constantin!" malakas na hiyaw ng ginang sabay lapit sa asawa. Kaagad itong sinaklolohan at tiningnan ang sugat. "What happened to you, where are your allies?"
"They're all gone. Where's my children?"
Bakas sa mukha ng kambal ang labis na takot at pag-aalala. Batid nila na sobrang lakas ng kanilang ama. Ngunit nagawa pa rin itong saktan ng grupo ni Viktur. Ano ang gagawin nilang magkambal gayong normal na tao lamang sila?
"Sienna, Serena!" tawag ni Constantin sa mga anak.
"Papa!" magkapanabay na sagot ng dalawa.
Kaagad na pinalapit ni Constantin ang dalawa sa tabi niya.
"Constantin, what are you doing! You've promised me, you're going to protect them---please, don't do that!" pakiusap ni Ondreea ng mahulaan ang binabalak ng asawa.
"We don't have much time. Any moment now, Viktur will find us here. They will kill us, even the twins. We have to do this to let them survive!" giit ni Constantin.
"But---" sansala ni Ondreea.
"Let them live or let them die, you choose!" sagot ni Constantin sa kabiyak.
Ngunit kahit anong pigil ni Ondreea sa asawa ay hindi ito nakinig. Kaagad nitong kinagat si Serena sa pulso.
"Papa! It hurts!" umiiyak na sigaw niya sa ama ng maramdaman ang pagbaon ng matalas na pangil nito sa kanyang kalamnan hanggang sa kanyang ugat.
Kaagad niyang tiningnan ang ina para humingi ng saklolo, ngunit sa halip na tulungan siya ay mabilis din nitong kinagat ang leeg niya.
"Aaahhh!!!" hiyaw niya ng makaramdam ng walang kapantay na sakit sa bawat himaymay ng kanyang katawan.
"Mama, Papa! Please stop it! Don't hurt her, I'm begging you!" saway ni Sienna sa mga magulang.
Halos hindi siya makagalaw matapos makagat ng mga magulang. Pakiramdam niya ay biglang nagkaroon ng kakaibang lakas ang dugong nananalaytay sa ugat niya. Ramdam niya ang biglaang pagragasa ng sariling dugo sa buong katawan. Ang kanyang puso ay biglang lumakas ang pintig at parang puputok sa sobrang lakas ng pagkabog.
Sa nanlalabong paningin ay nakita niya na nilalapitan ng ina ang kakambal. Ngunit dinig na dinig rin niya ang papalapit na yabag sa kanilang kinaroroonan.
"M-mama..." nanghihinang tawag niya sa ina. "Aahh!!" malakas niyang sigaw ng maramdaman ang pananakit ng kanyang puso. Animo'y pinipiga ito habang tinutusok ng sandamakmak na alambre.
Natatandaan niya pa ang pagkarga sa kanya ni Dalton sabay takbo papalayo roon.
"Serena!" sigaw ni Sienna sa kapatid. Hahabulin sana siya nito, ngunit huli na. Kaagad na nakalapit si Viktur sa tatlo at pinagtulong-tulungan nitong patayin ang nanghihinang mga magulang.
Kita rin niya ang walang awang pagsaksak ni Viktur sa kakambal hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig.
"Sienna... Mama... Papa... ." mahinang bigkas niya bago siya tuluyang nahulog sa napakalalim na kadiliman.
Kasabay ng kanyang pagkamatay ang tuluyang pagkalagas ng kaniyang pamilya sa kamay ng malupit na si Viktur.
[21st Century, Year 2021, PHILIPPINES]
"Mama, Papa!" paulit-ulit niyang tawag sa pangalan ng mga magulang. Bumabalik na naman sa kanyang panaginip ang mga nangyari sa kanyang pamilya noong taong 1601. "Sienna!!!" hinihingal niyang bigkas sa pangalan ng kakambal sabay bangon mula sa kanyang kinahihigaan.
Habol ang paghinga habang tagaktak ang kanyang pawis sa noo. Ang ginawang pagpaslang ni Viktur sa kanyang pamilya ay tila isang sumpa na nakapagkit sa kanyang isipan. Tila isang buhay na alaala na unti-unting tumutupok sa kanyang katinuan.
"My Lady, are you alright?" alalang tanong ni Dalton sa kanya.
Marahil ay napansin nito na nanaginip na naman siya ng masama kaya agad itong sumaklolo.
"I'm fine." tipid niyang sagot.
"Did you have a nightmare?"
"I am being haunted by my past, Dalton. It seems like...it seems like it happened yesterday. You know how painful it is for me to remember everything, right?" Aniya sa nanghihinang tinig.
"Calm down, we're already on our 21st century. I suggest that, you must forget everything that happened before."
"I tried. Ilang taon na ang lumipas, ilang bansa na ang ating napuntahan. Ilang beses na tayong nagpalit ng katauhan, para itago ang tunay nating pinagmulan. Pero bakit hindi pa rin ako makalimot, Dalton? Bakit patuloy pa rin akong pinaparusahan sa nangyari sa pamilya ko noon?"
"Wala kang kasalanan, si Viktur ang may ginawang mali sa pamilya mo. It was never your fault, Serena."
"Did you find him?" tanong niya.
"We've been trying to communicate with our people in Romania, to gather some information about him. But it seems like, he vanished long time ago, according to our source, bigla rin siyang nawala noong gabing sinalakay kayo."
"That's impossible! We all know kung gaano ka ambisyoso ang hayop na 'yon! Kaya nga niya nagawang patayin ang pamilya ko ng walang pag aalinlangan! Kahit ang kakambal kong si Sienna ay hindi niya pinaligtas!"
"Maybe, he's dead. As long as nasa iyo ang kwintas na 'yan, maaaring nanghina na siya noon pa man." sagot ni Dalton sabay titig sa suot niyang kwintas.
"Huwag tayong pakakasiguro, kung tayo ay tumagal hanggang ngayon, kahit walang sinuman sa atin ang uminom ng likidong nagmumula rito, there is a chance na maging siya ay ganoon din."
"Hayaan mo, magpapa imbestiga ako at hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakasiguro na wala na nga siya."
"Yeah, you should. Hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko na patay na nga siya ay huwag kang titigil sa paghahanap sa kanya. Marami siyang utang sa akin na dapat niyang bayaran!" nangangalit ang mga ngiping sambit niya.
"Rest assured na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Kahit gaano siya kagaling magtago, ay tiyak na mahahanap pa rin natin siya. O baka, siya mismo ang lumapit sa atin dahil sa pinapangalagaan mong kwintas."
"Then, bilisan na niya ang paglapit sa akin. I want to kill him as soon as possible!"
"Sooner or later, my lady. Magagawa mo rin iyan." Anito.
"Good, Dalton. You may leave for a while. I want to rest." taboy niya sa lalaki.
Sa isang iglap lang ay muli siyang napag-isa sa kwarto niya. Marahan niyang hinaplos ang kwintas na minana niya pa sa kanyang ama. Masusi niya itong tinitigan at ibinaliktad. Ang kwintas niya ay tila isang medalyon na may lamang pulang likido.
Ayon kay Dalton, ang likidong iyon ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Ayon din kay Elizabeth, ang sinumang makakainom ng likidong iyon ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at walang sinuman ang makakapatay. Mahigpit niya iyong pinangangalagaan kaya walang sinumang nakakakuha ng kwintas sa kanya. Kahit na si Dalton ay hanggang sulyap lamang ang nagagawa sa bagay na iyon.
Magmula ng malagutan siya ng hininga ng gabing iyon ay sina Dalton at Elizabeth ang naging tagapangalaga niya. Siniguro ng mga ito ang kaligtasan niya. Sabay silang tumakas sa Romania, kasama ng iba pa nilang kasamahan na pinalad makaligtas.
-
"What happened to Serena?" bungad ni Elizabeth kay Dalton ng makabalik ito sa salas.
"Nagkaroon na naman siya ng masamang panaginip."
"Tungkol sa nangyari sa mga magulang niya at kakambal?"
"Oo."
"Tila napapadalas ang pagdalaw ng kanyang pamilya sa kanyang panaginip. May alam ka bang lunas para dito?"
"Sa ngayon ay wala pa. Tanging si Serena lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Ang alaala ng kanyang yumaong pamilya ang magiging mitsa upang hindi siya tumigil sa paghahanap kay Viktur."
"Sa tingin ko nga ay 'yon ang nararapat. Malakas ang loob ko na buhay pa rin ang talipandas na iyon!"
"Bantayan mo si Serena, may kakausapin lamang ako." paalam ni Dalton kay Elizabeth.
"Okay." sagot ng ginang.
Muli nitong sinulyapan ang nakapinid na pintuan ng kwarto ng dalaga. Maging siya ay malakas ang kutob na buhay pa rin si Viktur. Lalo pa kung alam nito kung ano ang kakayahan ng kwintas na suot ng kakambal nitong si Sienna. Bago lumusob sina Viktur sa bahay ng mga Alexsandri ay nagawa ng ibigay ni Constantin ang dalawang kwintas sa magkapatid. Ngunit dahil wala na silang oras, hindi na nila nabalikan pa ang bangkay ni Sienna para tingnan kung maisasalba pa ito o ang kwintas.
-
"Sino 'yan?" magkasalubong ang kilay na tanong niya habang nakatitig sa isang matipunong lalaki na naglilinis ng talahiban sa kanilang tabi.
"Siya yata ang tagapag mana ng lupain na 'yan." sagot ni Dalton.
"Ahh! Ang preskong lalaki na kahit ilang milyon na ang offer natin para mabili ang lupa ay tinanggihan pa rin."
"Siya nga. At mukhang dito na siya titira. Napansin ko ang paglilinang nila sa lupa na tila balak patayuan ng bahay."
"Teka nga at kakausapin ko." sambit niya.
Dahil isa siyang bampira, hindi mahirap sa kanya ang mapunta sa isang lugar ng ganoon kabilis. Kaya sa isang iglap lang ay nasa harapan na siya ng binata.
"Hello, ikaw ba ang may-ari ng lupaing ito na matagal ko ng gustong bilhin?"
"Yes." simpleng sagot nito.
"I want you to know that my offer still stands. If you want, pwede mo ring dagdagan. I really love this place, kaya gusto ko pati ang lupa mo ay maging akin na rin. Would you mind selling it---"
"I'm sorry, miss beautiful. But this property is not for sale. Adios!" supladong sagot ng binata.
"Aba't!"
"Miss, look! We're busy, okay? Kung nagpunta ka lang dito para ipagpilitan ang gusto mo, pwes nagsasayang ka lang ng oras dito. I won't sell this land of mine, kahit na kanino. Kahit pa sa iyo."
"Well, as you can see. We're in rural areas. Gusto ko ang lugar na ito, at gusto ko ako/kami lamang ang nakatira dito."
"Sorry. Pero ako pa rin ang may-ari ng lupaing kinatatayuan mo. Tresspassing ka na Miss!" tila namimikon na sambit ng binata.
"Oh, really?" patuyang sagot niya habang hinuhuli ang mata nito. Ngunit sa kasamaang palad ay nananatiling nakayuko ang binata. "What's your name?" usisa niya.
"It's none of your business, Miss." sagot ng binata sabay talikod sa kanya.
"Nobody talks to me that way!"
"Well, ngayon... Meron na!" sigaw ng lalaki sa kanya.
Gusto niya na sanang sugurin ang lalaki ngunit kaagad siyang napigilan ni Elizabeth.
"Not worth it." simpleng bulong nito sa kanya.
"Ggggrrr! Do something about it, Beth. Ayokong may ibang tumira dito sa lugar natin. By hook or by crook, I want that guy---out of my property!" gigil niyang sambit sa kasama.
Hindi sa pagiging sakim kaya gusto niyang makuha ang lupain ng kapitbahay. Ang totoo ay hindi nila kailangan ng kapitbahay dahil sa lihim ng kanilang pagkatao. Hindi sila pwedeng mahaluan ng mortal para makaiwas sa problema.