“Ano? Wala pa din kayong idea kung sino ang nanloob sa condo ni Ms. Garcia?” Narinig kong usap ni Noah sa phone. Nasa sofa kasi ako at chine-check ko ang email sa akin ni Jeffrey. Para sa magaganap na business conference sa Davao. At invited ang lahat ng mga negosyanteng may negosyo at magtatayo pa lamang ng negosyo doon. Kaya kailangan namin na dumalo. Palakad-lakad lamang siya sa harapan ko at hindi mapakali habang pinapakingan ang sinasabi sa kanya. “Okay, balitaan niyo ako kapag may nahanap kayo kahit kaunting lead.” Pinatay niya ang tawag at umupo siya sa kama na nakaharap sa akin. “Kukuha ako ng body guard mo. In case na umalis ka na hindi ako kasama.” Mahinahong sabi niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Body guard kapag aalis lang? Eh paano dito sa condo?” Tanon

