Other Person’s POV Pitong taon na rin ang nakalipas mula nang makakilala ko siya. Nasa mababang position pa ako sa kompaniya nila nang ipakilala siya ni Mr. Francisco sa amin bilang kanyang Apo. Magiliw siyang bumati sa amin nahawakan ko pa ang malambot niyang kamay dahil halos lahat ng empleyado ay nilalapitan niya at nginingitian. Inosenteng ngiti ang nakita ko sa kanyang labi. At simula ng araw na yun ay nagkaroon na ako ng paghanga sa kanya. Kaya lang sandali lamang ang inilagi niya dito at bumalik siyang muli sa Europe para mag-aral. Habang ako naman ay ginawa kong inspiration siya mula sa malayo. Sabi ni Mr. Francisco balang araw ay siya ang mamahala ng kompaniya. Kaya ginawa ko ang lahat. Nagpakasipag ako sa trabaho para ma-promote lang ako at makarating sa position na meron ako

