“Jeffrey, prepare the exclusive contract of Sarmiento’s business firm and food factory of Ingrid Bartolome for tomorrow and put it in my office.” Utos ko sa kanya bago ko ibaba ang tawag. Papauwi na ako sa hotel. At plano kong i-pull out lahat ng shares ko sa kompaniya nila pati na rin ang kontrata nila sa lahat ng building facilities at sa mga itatayo pang buildings ng Garcia’s Corporation. Pagbaba ko nang kotse ay nagmamadali na agad akong pumasok sa lobby. “Guards, wag na wag niyong papasukin si Mr. Sarmiento dito. Nagkakaintindihan ba tayo?” Tanong ko sa security na nasa bungad ng pintuan. “Yes Ma’am.” Sabay na sagot nila sa akin. Pasakay na ako ng elevator nang marinig ko ang pagtawag niya sa kin. “Emerald! Mag-usap tayo!” Malakas na boses niya. Hindi ko akalain na nakasunod n

