Pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng document ay inabot ko na agad ito kay Jeffrey. Upang maiparating na agad sa Sarmiento Business Firm ang cancellations ng lahat ng contract sa pagitan namin. I already pull out my total seventy five percent of shares sa kompaniya. At alam na rin ni Jeffrey ang gagawin sa Bartolome food factory. “Ms. Emerald sigurado ka na ba sa pasya mo?” Tanong ni Ms. Graciela sa akin nang makaalis na si Jeffrey. Siya kasi ang inatasan kong papalit sa akin pagbalik ko ng Europe. Hindi ko alam kung ilang taon ako mananatili roon. Kailangan ko lang ng time para buohin muli ang sarili ko. Ang bagong Emerald na wala ng galit sa puso. Ang Emerald na gagawin ang lahat para sa ikakatagumpay ng Garcia’s Corporation. Maraming empleyado ang umaasa sa akin kaya hindi ako pweden

