Kabanata 4

1299 Words
“Bakit ayaw mo na lamang siyang hayaan sa kung ano man ang pinaniniwalaan niya Fredereck? Diba yun naman ang gusto mo? Kamuhian ka ni Mila para hindi na siya maghabol sa’yo?” “Tama na Ingrid! Hayaan mo akong kausapin ang anak ko!” Malakas na boses niyang sabi sa babaeng kanina pa galit na galit na nakatingin sa akin. Kuung may dapat mang magalit ay ako yun dahil kami ang iniwan niya pero kung umasta ang babaeng yun ay parang siya pa ang inagawan ng nagpakilalang Ama ko. “Totoo bang iniwan mo kami dahil sa kanya? Di hamak naman na mas mabuting tao ang Inay ko kaysa sa babaeng yan!” Nang-uuyam kong tanong ngunit kaagad niya akong sinugod. Tinulak niya ako ng malakas kaya ako napaupo sa semento. Pero hindi pa siya nakuntento at lumapit siya sa akin at pinagsasampal ako. “Tama na!” Narinig kong sigaw ng tatay ko. “Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! Pagkatapos ng ginawa ng Nanay mo! Ngayon ikaw naman ang pupunta dito para manira ng aming pamilya!” Galit niyang sigaw sa akin. “Ano ba?! Tama na Ingrid!” Pakiramdam ko ay matatangal na ang aking anit dahil sa ginawa niyang pagsabunot sa buhok ko. “Ma, ano ba yan! Tama na!” Narinig kong sigaw din ng isa pang babae. Tuluyan nang natangal ang kamay niya sa buhok ko pero maraming naiwan sa kanyang kamay. Sobrang hapdi ng ulo ko at napaiyak na lamang ako nang tuluyan dahil sa sakit ng ginawa niya. “Sino ba siya?! Bakit mo siya sinasaktan?” Tanong ng babaeng kamukhang –kamuka ni Ingrid. Lumapit sa kanya ang dalaga at hinawakan ang braso niya. “Gusto mo siyang makilala ang babaeng yan? Siya lang naman ang anak ng naging kabit ng Papa mo!” Wika niya na ikinagulat ko. “A-anong ibig mong sabihin?” Kunot noo na tanong ng babae sa kanya. Hinarap siya ni Ingrid pero nakaturo pa rin sa akin ang kanyang daliri. Habang ang ama ko naman ay inaalalayan akong makatayo. “Siya ang anak ni Mila, ang naging kabit ng Papa mo noon! Ang muntik nang sumira sa pamilya natin!” “Sinungaling ka!” Umiiyak na sigaw ko. Hindi ako makakapayag na pagsalitaan niya ang aking Ina lalo na at nananahimik na ito sa kabilang buhay. “Ingrid please…hayaan mo muna kaming mag-usap…” Pakiusap ng aking Ama. Galit na tumalikod siya sa amin. Isinama niya din ang dalaga na kausap niya kanina. “Anak doon tayo mag-usap.” Turo niya sa akin sa upuan na kahoy sa kanilang bakuran. Naguguluhan akong nakasunod ang lakad sa kanya. Pina-upo niya ako sa upuan habang nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang luhang patuloy na dumadaloy sa aking mata. Masakit ang ginawa sa akin ng Ingrid na yun at pero mas masakit na tawagin niyang kabit ang nanay ko. At kung totoo man yun ibig sabihin ako ang naging bunga ng kataksilan ng aking Ama sa kanila? “Patawarin mo ako anak.” Sambit niya. “T-totoo po ba?” Humihikbing tanong ko sa kanya. “Anak hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Bata ka pa at hindi mo pa mauunawaan ang mga nangyayari.” Tumayo ako sa upuan at hinarap ko siya. “Maaring bata pa ang edad ko pero maaga po akong namulat sa realidad ng buhay. Kung tutuusin kaya ko na ngang mabuhay sa aking sarili pero dinala ako dito ni Aling Liz dahil yun daw ang bilin ni Inay. Pero hindi ko gugustuhin na makasama ang kabit niyo!” Sumbat ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Humihanahon ka Anak.” Alo niya sa akin pero umiling ako. “Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling lang ang babaeng yun. Sabihin niyo po sa akin na hindi totoo na si Inay ang sumira ng pamilya mo.” “Anak…nagkakilala kami ng iyong Ina nang minsan akong dumayo sa Bicol sa bahay ng kaibigan ko. Isang lingo akong nanatili roon. Buntis na noon si Ingrid sa pangalawa namin pero hindi pa kami kasal at nagkaroon kami ng away noon kaya nagpasya akong lumayo sa kanya pansamantala. Hindi ko inasahan na mahuhulog ang loob ko kay Mila. Siya ang kasambahay noon sa bahay ng kaibigan ko. Napakabait niya at palagi kaming nag-uusap lalo na kapag bago matulog sa gabi at may nangyari sa aming dalawa. Ngunit kinabukasan ay kailangan ko na agad bumalik sa Maynila dahil sa nangyari kay Ingrid. Nakunan siya at isang buwan ang nakalipas nalaman kong nagbunga ang ginawa namin ni Mila. Ngunit hindi ko pwedeng iwan si Ingrid dahil may anak na kami at dumanas siya ng depression sa pagkamatay ng anak namin. At nalaman din niya ang tungkol kay Mila nang marinig niya kaming nag-uusap ng kaibigan ko tungkol sa kalagayan ni Mila kaya lalo kaming nagkagulo. Pinagbantaan niya akong sasabihin niya sa Daddy niya ang tungkol sa pagkakaroon ko ng babae kung pananagutan ko ang anak namin ni Mila. At mawawala ang posisyon ko sa kompaniya nila. Bukod doon ilalayo niya din sa akin si Christine. Alam kong minahal ko ang Inay mo sa maiksing panahon na nagkasama kami. Pero mas mahal ko ang pamilya ko kay Ingrid pati ang trabaho ko kaya gumawa ako ng kwento at pinaniwala kong sa Inay mo na ako ang nagkaroon ng babae dito at niloko ko siya.” Napatakip ako ng aking bibig. Sa mura kong isip hindi ko man naunawaan ang ibang bagay ay malinaw sa akin ang ginawa niya kay Inay. “A-nak.” “Hindi…nagsisinungaling ka diba?” Pagsusumamo ko. Pero nakitaan ko sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Umiling siya sa akin. “Patawarin mo ako…anak hindi ko ginustong iwan kayo. Masakit sa akin pero kailangan kong piliin si Ingrid at Christine. Iniwanan ko sa kaibigan ko ang address ko kung sakali mang kailanganin niya ako. Pero dahil nasaktan ko siya ay umalis siya sa bahay ng kaibigan ko. Hindi ko na alam kung saan siya nagtungo. Ipinahanap ko siya pero nalalaman ni Ingrid ang lahat ng galaw ko kaya itinigil ko ang paghahanap ko sa inyo. Patawarin mo ako anak….” Sambit niya. Tuluyan nang nadurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay totoo ang sinabi ng Ingrid na yun? Na ang aking Ina ang kabit at ako ang naging bunga ng kasalanan nila? Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Humakbang ako paatras sa kanya. Sa mura kong edad ay hindi ko kayang tangapin ang lahat ng mga sinabing yun sa akin. Pero ang mas lalong hindi ko matangap ay hindi alam ni Inay na muntik na siyang makasira ng relasyon dahil ang sinabi ng aking ama sa kanila ay nagkaroon lang siya ng ibang babae? “Anak patawarin mo ako….” Sambit niya. Akmang hahawakan niya ako pero hinawi ko ang kamay niya. “Hindi…. Hindi totoo ang mga sinabi mo. Ikaw ang nanloko sa amin. Iniwan mo si Inay matapos mong mangako sa kanya na babalikan mo siya. Hindi mo sinabi sa kanya na may iba ka na palang asawa. At ang masakit parte ako ng pagkakamali mo sa babaeng yun…” Nanghihina ang tuhod ko na tinalikuran ko siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero nagpatuloy ako sa mabilis na pagtakbo palabas ng gate nila. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero kailangan kong makalayo sa kaniya. Makalayo sa aking Ama at sa pamilya niya. Hindi ko kayang tangapin na yun ang dahilan niya sa pag-iwan sa amin. Niloko niya si Inay, at iniwan niya kami dahil hindi kami ang tunay niyang pamilya. At ako? Ako? Naging anak ako sa pagkakamali nilang dalawa….!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD