Kabanata 3

1150 Words
Mahihinang tapik ang gumising sa akin. Nanghihinang idinilat ko ang aking mga mata. “Mabuti naman at gising ka na. Nag-alala ako sayo ng husto nang mahimatay ka sa sementeryo.” Wika ni Aling Liz. Ang huli kong naalala ay tuluyan nang nagdilim ang mga mata ko kaya natumba ako. “Si Nanay?” Sambit ko sa kanya. “Tapos na ang libing niya. Wala na tayong magagawa pa Emerald. Kailangan mong magpakatatag dahil hindi ka pwedeng panghinaan ng loob lalo pa at wala na si Mila. Mabuti pa tumayo ka muna diyan para malamanan ang sikmura mo.” Inilatag niya sa maliit na lamesa ang kanin at sabaw na tinolang manok. Kahit gaano pa yun kabango at kasarap higupin pakiramdam ko hindi ko pa rin yun malalasahan. Pero dahil ayokong pag-alalahanin si Aling Liz ay kumain na rin ako ng kaunti. “Emerald, kailangan mo nang mag-impake ng mga damit mo. Bukas na bukas din ay luluwas na tayo ng Maynila. Mabuti na lamang at pumayag si Konsehal na ihatid tayo sa Address ng Tatay mo.” Saad niya. Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain at tinignan ko siya. “Paano po ang bahay? Paano po si Inay? Hindi ko po pwedeng iwan ang bahay na ito dahil andito po ang alaala ng Nanay ko.” Nangingilid ang luha na sabi ko sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari kanina lamang magkasama kami ni Inay tapos ngayon wala na siya at nasa ilalim na siya ng lupa tapos bukas ibibigay na kaagad niya ako sa aking Tatay? Parang sa sobrang bilis ng pangayayari hindi ko parin masisigurado kong makakatulog ba ako mamaya nang wala si Inay sa tabi ko. “Wag kang mag-alala, andito naman ako eh. Saka isa pa nabalitaan ko sa barangay na kukunin na daw ng may-ari itong lupa na kinatitirikan ng bahay niyo kaya wala na tayong magagawa pa kundi ang pumunta ka sa Papa mo. Ako na lamang ang bahala sa puntod ng Inay mo.” Paliwanag niya sa akin. Kinagabihan ay iniligpit ko na ang lahat ng gamit ni Inay. At inilagay ko sa kahon na ibinigay kanina ni Aling Liz. Binigyan din niya ako ng bag para sa mga damit ko para bukas sa pag-alis namin. Yakap-yakap ko ang paboritong duster ni Inay hangang sa tuluyan na akong iginupo ng antok. Ilang oras pa lamang akong nakakatulog ay muli akong nagising. Palagay ko ay hindi parin ako nakakatulog ng maayos sa kakaisip kay Inay. Siguradong nalulungkot siya ngayon dahil hindi niya ako kasama. Muling bumaha ang aking luha. Napabaluktot ako at hinayaan ko lang na ilabas ang nararamdaman kong sakit ng pangungulila sa kanya. “Emerald?! Emerald!” Nagising ako sa sigaw at katok sa pinto ni Aling Liz. Kaagad akong nagtungo sa pinto upang pagbuksan siya. “Magbihis ka na dahil baka iwanan tayo ni konsehal! Madaling araw ang luwas niya.” Wika niya sa akin. Hindi ko na nagawang maghilamos. Nagpalit lamang ako ng damit at tinulungan na niya akong bitbitin palabas ang dalawang bag na dala ko. Ang isang bag ay mga damit ko at ang isang bag naman ay mga damit ni Inay. Pagkalabas namin ng bahay ay may tumigil na sasakyan. Kaagad niya akong hinila papasok sa loob ng sasakyan. Nilingon ko ang aming bahay. Nag-umpisa na namang mamasa ang aking mga mata. Nay, babalik ako. Pangako babalik ako dito. Hinaplos ni Aling Liz ang likuran ko. Lalo akong napahikbi pero pinigilan ko ang aking sarili dahil nahihiya ako sa ibang tao sa aming paligid na hindi ko naman kilala. “Tama na, kung nasan man si Mila ngayon siguradong masaya na siya. Hindi na siya mahihirapan at masasaktan.” Kahit maghapon magdamag na akong umiiyak kagabi ay parang hindi pa rin maampat ang aking luha. Patuloy pa rin sa pagtulo na wari’y hindi siya napapagod sa paglabas sa paga ko ng mga mata. “Aling Liz, matatangap kaya ako ni Itay?” Ngumiti siya sa akin at tumango. Pero kahit anong sabihin niya ay hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niyang pag-iwan sa amin ni Inay. Tatlong oras din siguro kaming nag-byahe bago kami nakarating sa aming patutunguhan. Kaagad na bumaba si Aling Liz at bumaba na rin ako. Tumambad sa amin ang malaking bahay. “Tao po! Tao po!” Tawag ni Aling Liz. Kaagad na bumukas ang pintuan at may lumabas na lalaki. “Sino po sila?” “Fredereck ako to.” Sagot ni Aling Liz. Nanlaki ang mata ng lalaking maraming balbas sa mukha at lumabas ng bahay. “Liz? Anong dahilan at napa—“ Naputol ang sasabihin niya nang dumako ang tingin niya sa akin. “Wala na si Mila, kasama ko ang anak niyo dahil wala na siyang mapuntahan.” Wika ni Aling Liz sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng bahay. “Anak namin siya?” Kunot noo na tanong ng lalaki. Saka ko pa lamang siya natitigan. At hindi nga ako nagkamali siya ang nasa larawan na papa ko. “Oo, si Emerald.” Sagot ni Aling Liz. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong kaharap ko na siya. Alam kong ganun din ang nararamdaan niya sa mga oras na ito. “Wala na si Mila?” Tuluyan na akong napahikbi nang bangitin niya ang Inay ko. Naalala ko naman kasi siya at ang inawan ko para lang makarating ako dito. Marahang tumango si Aling Liz. “Kailangan ko nang umalis, nangako ako kay Mila na ihahatid ko siya dito kapag nawala na siya. Sana wag mo siyang pababayaan dahil siya ang nag-iisa niyong anak ni Mila.” Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko. “Mag-iingat ka, kapag nagkaroon ka ng pakakataon ay umuwi ka sa atin at sabay nating dadalawin ang iyong Nanay.” Paalam niya sa akin. Umiiyak akong tumango sa kanya bago siya sumakay muli sa kotse. “I’m sorry anak.” Wika niya sa akin na nagpabalik ng aking tingin sa kanya. “Bakit mo po kami iniwan? Bakit kayo sumama sa ibang babae? Bakit kailangan naming maghirap ni Inay, pero ikaw nakatira ka sa malaking bahay?” Matapang na tanong ko sa kanya. Pero nanatiling mahina ang aking boses dahil alam kong nakakahiya kong may ibang makakarinig sa lahat ng mga sinasabi ko. “Simple lang! Sawa na ang Tatay mo sa buhay mahirap kaya mas pinili niya akong samahan kaysa sa Inay mo!” Malakas na boses ng isang babae ang umagaw sa atensyon namin. “Tama na Ingrid.” Sambit ni Itay. Napatingin ako sa babaeng tinawag niyang Ingrid at nakita ko din ang paglabas ng dalawa pang babae na sa tingin ko ay mas matanda pa sa akin. “Kailangan mo na rin malaman ang totoo.” Wika ni Itay sa akin nang magpalipat-lipat ang aking tingin sa tatlong babae na nasa kanyang likuran at mataas ang kilay na nakatingin sa akin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD