Pt. 002

1719 Words
Pt. 2 [****5 Beautiful Days Earlier****] Wala nga akong pasok, wala namang akong perang pangrampa o ano ako ngayon? Nga-nga? Tinignan ko wallet kong pangmayaman pero pangmahirap ang laman!!! Nubeyannn!!! 500 and 7 pesoses??? Paano ko mapagkakasya itooo??? Paano na!!! Tagal pa ng sahod ko no. Bwisit na billings kasi iyan dumating pa hindi ko naman inimbitahan!! Dapat kasi gayahin ng Meralco at Maynilad ang sss, free lang. Ganun dapat!!!! Bukod pa doon... More kaltas more fun pa sa sahoood kong hindi ko na nga kinakayaman binabawasan pa!!! Actually meron pa naman akong 500 pesoses sa savings ko, pero naku, kakahiya namang iwithdraw iyon no! Bukod sa 500 lang, mawawalan pa ng laman account ko, for sure maiimbierna sa akin ang pinagbabangkuhan ko! At anyway, ang layo kaya. Iniisip ko palang, napapagod na ako!!! Hayyy... Binagsak ko ang sarili ko sa kama kong sobrang lambot na nakakawala talaga ng stress. Kinuha ko ang hotdog pillow at niyakap ko ng bongga. Kailan kaya ako magkakajowang mayaman? Para naman hindi na ako maiistress kakaisip ng gastusin, nakakatanda kasi! Pero, if ever man na hindi mayaman ang magiging jowa ko... Okay lang, basta gwapo at may abs, ako ng bahalang magtrabaho para sa amin no. Maganda naman trabaho ko... Kasing ganda ko. Ganun. Buti nalang at ipinangalan na sa akin ng tita kong p****k sa Japan itong bahay niya kahit maliit lang sapat na para sa akin, ako lang naman mag-isa. Nagpakasal na kasi siya sa jowa niyang Koreano mukhang Chinese na nagtatrabaho sa Japan at nagsasama na sila roon. Sa chat niya lang nakilala iyon, pinakitaan niya ata ng boobs niyang flat si Koreano, eh dahil sa singkit iyon, lahat ng maliit, lumalaki sa paningin niya... Ganun ata iyon. Pero joke lang na p****k tita ko sa Japan, dito talaga siya sa Pinas unang nagpokpok. Chaaarrrooot!! Hahaha. Di siya pokpok... Muntik lang. Ganun. Hmmm.. Eh kung magpokpok nalang din kaya ako??? ..... Tapos magiging customers ko mga matatandang pantay na ang kulubot ng mukha at tuhod??? I cannnnnoooot!!! Pweee pwee! Hay naku! Makarampa na nga lang!!! Magdi-dress to kill nalang ako para magmukha akong sopistikadang yayamanin! Magbibilang nalang ako ng gwapo sa labas... Much better. Magpapakahopya na naman ako. -_- **Few maarteng minutes later** Ready to go na akis! Puting pukekay shorts at long sleeves... Lakas kong makasummer!!! Pinaliguan ko na sarili ko ng pabango baka sakaling may mahumaling sa akin. Put my hat on and my bonggang shades. Kanya kanyang trip yan no!!! Ganito kasi ako talaga bumili ng mantika, dapat pak! Ganun! At lumabas na ako sa mumunti kong palasyo. Lakad lakad hanggang sa makarating sa dulo kung saan nakatambay ang mga boylet na may abs pero hindi bagay sa mukha. "Adrian, gumaganda ka ah." Kuda ng isa sa mga tambay na may tatoo ni Madam Auring sa braso niya, kilala nila ako pero sa totoo lang hindi ko sila kilala. Sikat kasi ako dito sa amin no. "Well, thank you pero wala akong pera ngayon. Okay?" Sagot kong walang kahumble-humble. Huminto ako malapit sa kanila para mag-antay ng masasakyan. Ganyan sila, ikocomplement ako at manghuhot ng anda minsan nilalandi pa ako... Like, iwwww... I am not into Kanto Boys no, eh parang once in a blue moon lang ata naliligo yan mga yan. Arte ko ba??? Maarte talaga ako! Aanhin ko ang pandesal niyang may buhangin? Papagpagan ko nalang at sasabihin, wala pa namang nadaan eroplano, pwede pang kagatin. Pweeeee!!!! "Pangyosi lang Adrian. Isa lang." Kuda niya. See?? Pangyosi walang pambili! Paano nabubuhay tong mga pangit na ito??? "Wala nga akong pera!! Tigilan mo ako. Next time nalang!" Irita kong pagkakasabi, mababait naman sila kahit tarayan ko, nasanay na ata sila. Minsan naman, binibigyan ko sila no... Proteksyon din yang mga yan kapag kinailangan ko ng tulong no. Iyon ang silbi nila sa mundo. "Wala kang pera pero todo porma ka? Gagala ka eh. Hahaha." Sabi niya. Ako talaga, inaano nento eh! "Bakit bawal bang gumala kapag walang pera? Kasi kung bawal uuwi na ako sa bahay at matutulog nalang." Sarkastiko kong pagkakasabi. Tawanan ang ibang tambay. Lahat sila mga walang damit, akala mo namang ang ha-hot! Pero kung sabagay, hot nga naman sila... Sa sobrang hot nila, natutong na mga balat nila!! Or maybe, wala lang talaga silang pambili ng damit. Mga puritang 'to! Hindi na ako napilit! Wala naman kasi akong perang ipamumudmod sa kanila no. Sabi pa 'nun isang mukhang zombing manyak may tatoo ng mangkukulam na ayon sa kaniya asawa niya raw iyon; "Ikaw lang ang baklang walang pera! Hahahahaha." Sagot ko??? "Okay lang na walang pera importante maganda ako!!!" Iniwan ko na silaaa!! Sumakay na ako ng fx.... Choz! Jeep lang. And sadly, walang gwapong nakasakay. I just put the music on my ears. At ang music??? Mr. Right!!! Bakit ba? Kanino ko kaya sasabihin ang linyang, ikaw naba ang icing sa ibabaw ng cup cake ko. Ganun!!! Haaay.... Baby nasaan ka na ba? Dumating ka na please. Urrrrr.... Asa na naman ako! HANGGANG sa makarating na ako sa Mall. I wanna buy that, this and those. But I just can't. Hue hue hue. :( Hindi naman pwedeng ganda lang ipangbayad ko no. Hindi tinatanggap sa Mall ang GL Card. Ay nako, bibili na nga lang ako ng chicha at drinks. Kanina pa ako lakad ng lakad---wala naman akong pakatutunguhan, may mga gwapo pero may mga jowa. Iyong ibang gwapo, wala ngang jowa, halatang bakla naman. Nakuuu... Halos magkakamukha na sila. Hindi ko alam kung magkakapatid ba sila, magkakamag-anak o magkakaklase sa isang Parlor University na accredited ng TESDA. Pare-parehas sila ng hairstyle with matching beard pa! Lakas maka-lalaki pero ang mga pwet putok na putok na halos tinalo pa ang mga tunay na babae. Ang hihilig pang magshorts at tinutupi pa above the knees eh gubat naman ang balahibo sa hita!!! Pweeee!!! Pumasok na ako sa supermarket. Hindi pa ako nakakalapit sa stall ng mga drinks may lumpit sa aking dalawang babaeng naka-red. Ang agang Valentine's ng feg ha. "Hi Sir, baka gusto mong subukin ang swerte." ----Babaeng putok ang make-up. Apparently, silang dalawa. May hawak siyang bowl na kulay red. "Baka naman may bayad iyan." ----AKO!!! I sounded so practically poor. "Wala po Sir. It's free. You could win more more more!!!" Sabi niyang very enthusiastic! "Ay gusto ko yan more more more na yan!!!" Sabi koooo! Pero, nakooo... Wala lang magawa itong mga ito kaya nagpapaepek ng ganito. For sure, wala naman price talaga diyan!!! Dahil libre naman at wala namang mawawala sa ganda ko, bumunot ako ng isang.... Bilog na kulay pula at may star sa gitna. So I was like, so itong laman ng bowl??? Nako naman. Binigay ko sa kanila... At... Ewan!!! Bigla nalang nagkaroon ng cheerdance competion, as in more pala ang mga babaeng naka-red!!!! Nagsulputan everywhereeee. Pinalibutan nila ako at nagsayaw ng bubuka ang bulaklak dadaan ang reyna!!! May chant sila.. You win it you win it... Ganun ganun!!! Paulit-ulit!!! Syempre nataranta ang ganda koo.. "Teh!!! Anong nangyayariiiiiii???? Nasapian ba sila ng G-Force??????" Pasigaw kong pagkakatanong talaga!!!! "Congratulation Sir!!!! You have won 100,000 pesos!!!" -----Sigaw ng babaeng may hawak ng bowl. Muntik ng mabasag ang eardrums koooo!!! So I was like.... Come again????? Hinawakan niya ang both hands ko at nagtatalon talon, edi nagtalon talon din ako. "Nanalo po kayo ng 100,000 cash Sir, tax freee!!!" Sabi niya. Di ko alam kung nanaginip ba ako o pinagtitripan ako ng mga babaeng ito! "As in for reallllll???????????????" ------AKO!!! Prolonging the real! "Yes!" At.... Muntik na akong mahimatay!!! Tumumba lang ako at dahil sa matigas ang flooring hindi ako nawalan ng malay, nagkabukol lang ako. Tinayo kaagad nila ako at.... "Oh my God!!!! I won 100,000!!!! Mayaman na ako????? I am now a thousanaire... And in tagalog, libonaryo na akoooo!!!! Aha-ha-ha-ha-ha-ha!!!!!!!" Sigaw ko talagaaaa!!!! From Zerosa Rosal to Forbes Magazine cover!!!! [***Back To Wonderful Present***] NAKATINGIN SA AKIN ANG NAPAKAGWAPONG LALAKI. Nakangiti at kahit nga hindi niya sabihin by words, his eyes are telling me how much he loves me. Love me talaga???? Anubeeeee!!! Inalis ko kaagad pagkakahawak niya sa palad ko! "Baby, sorry na po." Malambing niyang pagkakasabi. Nubeeeee! Don't call me baby, you don't even know me, if you really want me then give me some time... Kanta ng M2M iyon at nasa playlist ko iyon no! "Baby ka diyan! I'm not your baby no!" Sabi ko! Tumingin ako sa mga baklang bebe. "...pinagtitripan ninyo ako ah! Sino may pakana nento? It's working... Char! It's not gonna work with me no." Sabi ko. Umusog ako ng medyo malayo!!! Nakakatakot pala ang mga gwapo, masyadong possessive!!! Baby daw??? Urrrr. Nagpasahan ng tingin ang mga bebe. Bakit parang wala silang alam?? Lumapit sa akin ang boylet!!! At Urrrrrrr!!! Niyakaaaap ako!!! Saraaap ng yakap niya! Mahal ko na ata siya. I cannot! "Huwag ka na magtampo, malulungkot ako." Malambing niyang pagkakasabi. At ang lamig ng boses niya. Dahan-dahan siyang pumakawala sa yakap niya sa akin at hinaplos niya ng face ko. Ngumiti siya ulit Ako??? Nasisilaw sa kagwapuhan niya. "Sino ka?" Bukang bibig ko. Mahina lang. "Ako ang bago mong boyfriend." Pabulong niyang sabi. At bigla ko nalang naramdamang may humila sa buhok ko. Haltak talaga anit ko!! As in aray talaga! "Bakla ka!!! Ang gwapo ng jowa mo----" si Marcel, pero hindi niya natapos pagsasalita niya kasi bigla nahawakan ng gwapong boylet ang wrist niya at piniga!!!! "Ulitin mo pang saktan ang baby ko hindi ako magdadalawang isip na baliin ang kamay mo." ------GWAPONG BOYLEEEETTTT!!!! I pushing him talaga! Kasi namimilipit sa sakit si Marcelll!!! Sight na sight ko sa facial reaction na na parang mangingitlog na siya ng sampo!!! "At subukan mo rin saktan pa ang kaibigan ko dahil sisirain ko talaga yan mukha mo!!!!" Sabi ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin. Binitawan niya si Marcel. "Sorry baby, ayaw ko lang nakikitang kang nasasaktan o sinasaktan, lalong lalo na sa harapan ko. At kung may manakit man sa iyo, sabihin mo sa akin ha? I love you baby Adrian ko. " Sabi niyaaaa!!! Nubeeeyann! Tao ba ito?? O robot?? Naku ha!! Sarap pakinggan lalo na kung sa kagaya niyang gwapo manggagaling!! "Huwag ka sa akin mag-sorry, sa kaniya!" Tinuro ko si Marcel. At sinunod naman niya ako. But, something is really going on here! Wait... Posible nga kayang siya ang pinadala sa akin ni Loko??????????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD